Share

Chapter Three: Mr. Sean De Marco

CHAPTER THREE

  1. SEAN DE MARCO

October 15, 2019

Inilapag ni Thera ang tasa ng mainit na kape sa ibabaw ng glass center table. Nag-ring ang cell phone niya at iniabot iyon sa kanya ni Laida mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa.

“Hello,” bati niya bago pa makapagsalita si Laida para sabihin kung sino ang nasa kabilang linya.

“Thera?”

Humugot siya ng malalim at maingay na hininga nang makilala ang boses. Matalim ang tingin niya kay Laida na kinagat ang ibabang labi.

“Thera, tulungan mo ‘ko, please. Nakakulong si Joshua. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong pera pampiyansa. K-kapapanganak ko lang. Wala akong ibang malalapitan.”

Pairap na iniikot ni Thera ang mga mata. “Ano’ng kaso?”

“R-robbery. Pero hindi siya kasama sa mga nanloob. N-napagbintangan lang siya.”

“At naniniwala kang napagbintangan lang ang asawa mo, Wela?” Umismid siya. “Wala akong maitutulong. Hindi ako tumutulong sa mga taong dapat lang talagang makulong.” Tinapos na niya ang tawag. Inihagis ang cell phone sa sofa malapit sa kinauupuan ni Laida. “I-save mo ang number.”

“Hindi ko iba-block, Madam?”

Dinampot niya ang tasa. “Hayaan mo siyang tumawag nang tumawag.”

Pinsang buo ni Thera si Joshua at ka-live-in naman nito si Wela. Four years ago, ang mga ito ang pumutol ng taling nagdurugtong sa mga pagkatao nila. Pagkatapos ng mahabang panahon, nagparamdam uli ang dalawa. May kailangan kasi. Na naman.

Pero nagkakamali ang mga ito kung iniisip nitong mag-aabot siya ng tulong kagaya noong una. Hindi siya ang uri ng taong madaling makalimot at magpatawad. Isang beses lang siya puwedeng maloko at hindi na iyon nauulit.

She was turning thirty in a few months’ time. Natuto na siya ng leksiyon in a very hard and very painful way possible. Itinaga niya sa bato na hindi na siya magagamit ng mga taong walang kahit katiting na patak ng kahihiyan at utang-na-loob sa katawan.

Kinalimutan na niyang may mga kamag-anak pa siyang nabubuhay. Hindi rin naman worthy ang mga ito na maging parte ng buhay niya.

Sinulyapan ni Thera ang suot na gold-plated wristwatch. Quarter to eight. Balak niyang pumunta sa The Palace para personal na makita ang produkto ng effort ni Yumi.

By this time, dapat may balita na ng pagha-hunger strike, pananakot na magsusumbong sa Department of Labor, o resignation mula sa dalawang marketing staff.

“Ipahanda mo ang kotse, Laida.”

Ilang minuto lang, sakay na si Thera ng kotse papunta sa opisina. Nagsusuot siya ng cardigan nang tumunog ang cell phone niya.

“Ang secretary n’yo po,” si Laida.

“I’m almost there,” sabi niya kay Yumi nang maidaiti ang cell phone sa tainga.

“Tumawag si Attorney, tungkol sa pinsan mo na involved sa robbery.”

“I’m not gonna help. Let him rot in jail.”

“The thing is… mukhang napagbintangan nga lang si Joshua.”

Isinuot ni Thera ang sunglasses na halos okupahin na ang buong mukha niya sa laki bago niya binuksan ang pinto ng kotse niya sa backseat.

“Ma’am, hihintayin ko ho ba kayo?”

Nahinto siya sa akmang pagbaba. Tumikwas agad ang kilay niya. “Ay, huwag. Iwan mo ‘ko rito at pumick up ka ng ibang pasahero. Mamasada ka hanggang gusto mo tutal hindi naman ako ang may-ari ng kotseng dina-drive mo.”

Nagyuko ng ulo ang driver.

Pairap na bumaba ng sasakyan si Thera at padarag na isinara ang pinto. Kailangan pang magtanong? Bobo lang.

Lumakad siya papunta sa bahay na katapat lang ng pinagparadahan ng kotse niya. Gawa iyon sa semento at kahoy. Maliit na nga, hindi pa matapos-tapos ipaayos. She used to live there. Sixteen years ago, ganoon na ang hitsura niyon.

Wala pa ring nagbago maliban sa kalawangin na ang gate at nagsisimula nang pamahayan ng anay ang pinto. Natutuklap ang pintura ng dingding at kahit ang mga bisagra ng mga bintana, nagbabanta nang bumitaw sa kinakapitan.

Umismid siya nang mapansing nakakabit pa rin ang lumang doorbell sa gilid ng pinto. Maraming hindi magagandang alaala ang doorbell na iyon sa kanya.

Before Thera could even realize, unti-unti, habang nakatitig sa doorbell ay hinatak siya pabalik sa nakalipas…

November 15, 2009

Baguio City, Philippines

Hinihingal na huminto si Thera sa tapat ng pinto ng bahay ng tiyuhin niyang si Jaime. Inabutan siya ng ulan bago pa niya marating ang tapat ng isang palapag na bahay.

Dalawa ang kuwarto roon, pero hindi siya ang umookupa roon. Ang unang kuwarto ay nakalaan para kay Tito Jaime habang ang isa pa ay sa nag-iisa nitong anak na si Joshua na nasa huling taon sa kolehiyo at dalawang taon ang tanda sa kanya. She was staying and sleeping at the wooden couch na kasintanda na niya. Nakapuwesto iyon sa maliit na sala malapit sa TV.

Basa na ang suot na uniporme ni Thera. Mabuti na lang at Sabado bukas, hapon pa ang pasok niya sa university. Makakapagpatuyo pa siya kung lalabhan niya ang uniform at itatapat sa electric fan bago matulog.

Ginabi siya ng pag-uwi dahil sa bago niyang part-time job. Natanggap siya bilang cashier slash barista sa Sean and Tan’s Tea Caf at halos two weeks na siyang part-timer doon.

Pagkagaling sa klase, dumederetso siya sa coffee shop. Five thirty ng hapon hanggang eight thirty ng gabi ang pasok niya roon tuwing weekdays. Opening naman siya tuwing Sabado. Wala siyang pasok sa klase kapag Linggo pero sarado naman ang coffee shop.

Kumatok si Thera sa pinto ng bahay. Wala si Tito Jaime, mag-o-overnight ito sa Tagaytay kasama ang mga kumpare nito sa Laguna. Siya lang at si Joshua ang matitira sa bahay.

Nag-doorbell siya nang pagkatapos ng ilang pagkatok ay walang nagbukas mula sa loob. Sigurado siyang naroon ang pinsan. Naririnig niya ang soft music mula sa loob ng bahay.

“Kuya Josh?!” katok niya na may kasama nang pagtawag. Giniginaw na siya at pinasok na rin ng tubig ulan ang itim niyang sapatos. Kaunting babad pa, tiyak na nganganga na iyon sa susunod na gamit.

Nakahinga si Thera nang maluwag nang magbukas na sa wakas ang pinto. Nangangatal na siya sa lamig sa pagkakatayo roon. Pero imbes na patuluyin siya, iniharang pa ni Joshua ang sarili sa maliit na awang. Nakahubad-baro ang binata at tanging boxer shorts lang ang suot.

“Hindi mo ba natanggap ang text ko? Hindi ka sinabihan ng katrabaho mong may bisita ako?” iritableng tanong nito.

“Sinong katrabaho? Malakas ang ulan at masisira ang cell phone ko kung ilalabas ko at mababasa.”

“Takang-taka nga ako, eh, kung bakit buhay ka pa at ‘yang antique mong cell phone,” bulong nito.

“Ha?”

“Bukas ka na umuwi rito,” iritableng sabi nito.

“Wala akong mapupuntahan.”

“Problema mo na ‘yan.” Akmang isasara ni Joshua ang pinto pero pinigil niya iyon.

“Kuya, basang-basa na ‘ko. Nasa loob ang mga damit ko.”

“Josh, halika na.”

Natigilan siya. Malambing ang boses ng babaeng nagsalita mula sa loob ng bahay. Sinamantala ni Joshua ang saglit na pagkatigagal niya. Isinara nito ang pinto matapos siyang itulak nang bahagya palabas.

Hindi malaman ni Thera kung magagalit sa pinsan o maaawa sa sarili. Doon na lang sa huli. Ano ba ang karapatan niyang magalit? Hindi naman kanya ang bahay. Kung gustong magdala ng pinsan niya ng babae sa bahay na pag-aari ng tatay nito, wala siyang magagawa.

Lumakad siya palayo sa bahay. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Saan siya pupunta? Magpapalipas na naman ba siya ng gabi sa twenty-four hours na convenience store malapit sa bayan? Wala siyang budget para bumili ng pagkain doon, malayo-layo pa ang suweldo. Hindi rin siya puwede kina Kisses dahil maliit lang ang bahay ng pamilya nito.

Then she thought of Sean and Tan’s. Hawak niya ang susi dahil opening siya bukas. Siguradong wala nang tao roon nang ganoong oras. Kasabay niyang umalis kanina ang kaibigang si Kisses na katulad niya ay natanggap din bilang waitress noong isang araw.

Yakap ang sarili na pumara si Thera ng tricycle at nagpahatid sa coffee shop. Ilang minuto lang, nasa harap na siya ng Sean and Tan’s. Pumasok siya sa loob, hindi na nag-abalang magbukas ng ilaw. Magtataka ang mga taong mapapadaan sa tapat niyon kung bakit may ilaw pa. Kinapa niya ang dingding na eventually ay alam niyang maghahatid sa kanya sa dulong bahagi ng coffee shop kung saan nakapuwesto ang sofa. Puwede siyang matulog doon pagkatapos niyang patuyuin ang mga damit.

Nag-e-expect si Thera ng malambot na mahihipo. Pero mainit at matigas na bagay na hindi niya alam kung ano ang nahawakan niya pagdating sa dulo.

“Take your hands off me…” that attractive, deep, masculine yet very cold voice commanded.

Ipinilig ni Thera ang ulo. Inalis niya ang suot na sunglasses. Nag-iinit ang ulo niya tuwing naaalala kung sino ang nagmamay-ari ng malalim na boses na iyon.

Okay na, inaayos na ng abogado niya ang tungkol sa kaso ni Joshua dahil na rin sa utos niya. Maki-clear ang pangalan ng pinsan and in no time ay makakalaya na.

Bakit kailangan pa niyang pumunta roon? Eh, ni hindi na nga bagay ang sosyal niyang hitsura sa ganoon karuming kapaligiran. Kung magtatagal siya, baka magkasakit pa siya sa baga. Polluted hindi lang ng basura at alikabok ang lugar. Pati na rin ang ugali ng mga taong nakatira doon.

Naaalala niya kung paano siya pinagkumpulan at halos sambahin ng mga taong iyon matapos niyang ikasal kay Sean. Kabilaan ang hingi at hiling na akala niya nakalimutan na ng mga ito na tao siya at hindi Diyos o Buddha.

Nang hindi niya lahat naibigay, ang dami-daming kuwentong ikinalat laban sa kanya. Inakala niyang matutuwa na ang mga ito sa tulong na naibigay niya. Trabaho, pautang na pera na walang bayaran, gadgets, donations. Pero ang mga patay-gutom, kulang na lang ay magpaalaga at magpaampon pa sa kanya.

Habang nagkakaedad, Thera realized that there was no such thing as one time to those people. Kapag may unang hiling, may pangalawa at tiyak na masusundan pa ng pangatlo. Isang beses ka lang tumanggi, ipaparamdam nila agad sa iyo na wala kang kuwentang tao. Malaki ang magiging kasalanan mo sa kanila at lilibakin ka nang walang humpay.

They were all stupid for turning their backs on her. Mga nakakaawa at nakakabuwisit at the same time na minsan, gusto niyang kuwestiyunin kung bakit nilikha pa ni God ang mga ito. Those goddamn gold diggers and ungrateful bitches—sila ang mga tinik sa dibdib at lalamunan niya.

Sana kasi puwedeng ma-phase out o ma-expire ang mga ito kagaya ng mga gamot sa botika. Mas masaya sanang tumira sa earth. No pollution, zero garbage. Happy life. Happy environment.

Kaso, imposibleng mangyari.

Pabalik na si Thera sa kotse nang muntik na siyang mabangga ng tatlong babaeng padaan sana sa likuran niya.

“Sorry, Miss.”

Nag-angat siya ng tingin. Ibinalik niya ang composure sa mukha nang makilala ang babaeng nakasuot ng salamin sa mata. Si Jiera. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.

“T-Thera?”

Natuon sa kanya ang mga mata ng dalawa pang babaeng kasama nito.

“OMG! Ikaw nga!”

Itinirik niya ang mga mata. OA, ah.

Bumuntong-hininga si Thera. Kahit paulit-ulit niyang suyurin ng tingin ang mga kaharap, wala siyang makitang “something” na puwedeng bumuhay sa bagot na bagot na dugo niya.

Hindi niya alam kung paano siya napapayag ng tatlo na sumama sa group dinner ng mga ito. Batchmates niya noong college ang tatlong babaeng nakaupo sa pang-apatang mesa ng restaurant na iyon. Maingay at halo-halo ang amoy ng pagkain, usok, beer, at kung ano-ano pa sa loob ng mainit at masikip na kainan na iyon. Kinse minutos na siyang nakikipambuno sa pagitan ng irita at bagot.

Panay ang tingin at puri sa kanya ng tatlo. Alin na lang sa mga ito ang rason, masaya ang mga ito para sa kanya, naiinggit, o tumitiyempo para makautang?

Hindi siya maniniwala sa unang rason. Ang dadali lang basahin ng utak ng mga taong lumalapit sa kanya. Pareho lang ang mga ito sa mga kakilala niyang dumidikit lang sa kanya dahil sa pabor na maibibigay niya.

Pakapalan ng mukha kumbaga. Noong dugyutin pa siya at naninigas pa ang natural na kinking buhok niya ay halos lingunin-dili siya, samantalang ngayon, ino-auto like kahit Facebook rant niya.

Naghihikab si Thera nang magsalita si Lorraine.

“Mabuti ka pa, Thera, walang alagain at konsumisyon. Kaya ang ganda-ganda mo na ngayon. Hindi halatang magte-treinta ka na, o. Samantalang ako, nakatuluyan ko nga ang first love ko, konsumido naman ako sa dami ng anak na alagain ko.”

Thera rolled her eyes. “Sino ba kasing nagsabi na sundin mo ang utos ng pari na humayo at magpakarami?”

“Oo nga, ang suwerte mo, friend,” segunda ni Rheng. Hindi pinansin ang sinabi niya.

Friend. Kailan pa sila naging close? Eh, kung bigwasan kaya niya ito sa gums para makaalala kung paano siya nito ini-snob noon?

“Nakapag-asawa ka na nga ng guwapo, milyonaryo pa. Wala kang stress sa buhay. Samantalang kami, pambaon na lang ng mga anak namin at tuition fee, iisipin pa namin. Eh, ikaw, magbibilang na lang ng pera at mag-iisip kung saan magsha-shopping.”

Tumikwas ang kilay ni Thera. Patagilid ang pagkakangiti niya. “So sa tingin n’yo ang laman ng bank account ko, ang kotse at mga alahas ko, nakuha ko lang dahil mayaman, pogi, at suwerte ako sa napangasawa ko, gano’n?”

Napipilan ang dalawa.

“Tingin n’yo ba magpapa-cute lang ako kay Sean at poof! Magpapadala na siya sa akin ng sangkaterbang pera at regalo?”

Nag-iwas ng tingin ang dalawa. Tumikhim naman si Jiera, ang nerd noon, nerd pa rin ngayon na schoolmate nila. Hindi niya natatandaang naging kaaway ang babae noon pero lalong hindi niya natatandaang naging ka-close ito.

“I don’t think that’s what they meant, Thera. It was heaven’s will and not luck—”

Thera scoffed. Kalooban ng langit. Thirteen years ago, madalas niya iyong sinasabi. Na isang araw, lahat ng gusto niya ay ipagkakaloob ng langit. Pera, bahay, magandang buhay. At si Sean.

And yes, she had those things and Sean all at the same time. Pero kung alam lang niya na sugo ng engkanto at masamang nilalang ang napangasawa, nunca na hilingin niya kahit ang makasalubong ito sa kalsada.

Almost ten years. Kung alam lang ng tatlong kaharap na sobra-sobra ang pagsisisi niya unang gabi pa lang nang ikasal siya sa sinasabi ng mga itong nagdala ng suwerte sa kanya.

Inilapag ni Thera ang baso sa mesa. Nagdesisyon na siya—magpapalipas lang siya nang ilang minuto at lalayasan na ang tatlo.

“Alam mo bang bumalik na si Kisses galing Amerika?” sabi ni Jiera. Mukhang tinatantiya ang reaksiyon niya.

Nag-angat siya ng tingin. Dinampot uli ang baso, dinala sa bibig.

“Ah. My bad, nakalimutan kong best friends nga pala kayo. Baka ikaw pa ang una niyang sinabihan kaysa sa pamilya niya mismo.”

“I’m not interested to know. Kung hindi naman interesante o importanteng tao, hindi ko pinag-aaksayahan ng panahon,” malamig niyang sagot, saka ibinaba ang beer sa mesa.

Katahimikan ang sumunod. Alam ni Thera, nagpapalitan ng makahulugang tingin ang tatlo. Mayamaya lang, halos sabay-sabay nang nagpaalam ang mga ito. Mukhang sa wakas ay nakatunog na rin na wala talaga siya sa mood.

“Hindi mo man lang ba kami ihahatid kahit hanggang sakayan ng jeep lang, Thera?” matamis ang ngiti na tanong ni Rheng. Mukhang nag-e-expect na lalalim pa ang ugnayan nila.

“Treinta lang ang isang biyahe papunta sa terminal, tig-sampu lang kayo kung paghahati-hatian n’yo,” bale-walang sagot niya.

“Oo nga, Rheng, mag-trike na lang tayo pauwi,” nakangiting sabi ni Jeira.

Tumayo na si Thera sa kinauupuan ilang minuto lang matapos mawala ang tatlo sa paningin niya. Nag-iwan siya ng limandaang piso sa mesa.

Dumeretso siya sa exit door ng bar. Huminto sa may pinto nang makitang nakatayo pa rin sa labas ang tatlo.

Tiningnan niya ang suot na relo. It was past ten in the evening. Hindi siya sigurado kung may dadaan pang pampasaherong tricycle para pumick up ng pasahero.

Huminga siya nang malalim. Hindi kukunsumo ng isang oras kung ido-door to door niya ang tatlo. Dinukot niya ang cell phone sa bitbit na purse para tawagan si Ringgo.

“Ang cold talaga ng bruha. Hay, nakakainis. Hindi ko man lang naisingit ‘yong tungkol sa pagpapatulong na magkaroon ng trabaho si Robert sa The Palace,” narinig niyang disappointed na sabi ni Rheng.

Natigil sa pagda-dial si Thera. Tumalim ang tingin niya sa tatlong babaeng nakatalikod sa kanya.

“The tale is real. She really is a devil without a single drop of human blood in her.” Napailing si Jiera.

“Hindi nga ako makahinga habang kaharap natin siya kanina, mga besh.”

Thera’s smile was sarcastic and disappointed. People kept on saying they liked her but behind her back, they hated her—hindi na iyon bago sa kanya. At ano ba ang inaasahan ng mga hampaslupa na kulay ng dugo niya? Pink? Samantalang ang mga ito naman ang mukhang alien.

Nagngingitngit na humalukipkip siya sa pagkakatayo sa likuran ng tatlong walang ipinagkaiba sa mga empleyado ng The Palace. Duwag. Backfighters.

“Nagbabago talaga ang tao kapag nagkakapera.” Bumuntong-hininga si Lorraine.

“Hindi sa kaso ni Thera. Sabi ni Kisses, mahirap pa lang ‘yon, ganyan na.”

Nabura ang ngisi ni Thera. Natigilan siya. Kisses. She was that one person she thought would never betray her. But just like everyone else, she did.

Sumusuray na lumabas ng bar si Thera. Shit. Ang gulo ng daan. Tinamaan siya sa dalawang bote ng beer na nainom niya pagkaalis ng tatlong award-winning actress

kanina. Idinayal niya ang number ni Ringgo. Pero bago pa man niya mailabas ang cell phone sa purse ay nabitawan niya iyon at bumagsak sa semento. Akmang dadamputin niya iyon nang may yumuko rin para pumulot.

Tumuwid si Thera sa pagkakatayo. Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa kanya ang lalaking dumampot sa cell phone. Bored siyang bumuntong-hininga nang ngumiti ito nang matamis sa kanya.

“‘Yong cell phone ko, akin na. Hindi tayo nagshu-shoot ng romantic drama para magtitigan pa.”

Lumuwang ang ngiti ng lalaki. Amused, iniabot sa kanya ang cell phone, saka namulsa. “Bakit hindi ka pa sumabay sa tatlo mong kaibigan kanina?” tanong nito na para bang magkaututan na sila ng dila noon pa.

Yes, he was good-looking. Pero wala siyang tiwala sa mga ganitong magagandang lalaki.

“Huwag mo ‘kong kausapin, hindi tayo close,” sagot niya, saka dinugtong, “They’re not my friends,” nang pabulong.

Idina-dial niya ang numero ni Ringgo nang may maisip. Ibinalik niya ang tingin sa lalaki, kinunutan ito ng noo. Nagdududa ang tingin.

“Pa’no mo nalamang may kasama ako? Sinusundan mo ba ‘ko?”

Hindi niya ito nakita sa loob ng masikip na bar kanina. At duda siya kung kahit one time ba ay nakapasok na ito sa loob ng bar.

“Well, I saw you a while ago. Eavesdropping to your friends,” sabi nito at ngumiti uli.

Umismid si Thera. May loose na muscle ba sa panga ang lalaking ito? Parang timang, panay ang ngiti. “Kung talagang nakita mo ang reaksiyon ko habang pinakikinggan ko ang pinag-uusapan ng tatlong bugok na itlog na ‘yon, masasabi mo pa kaya sa ‘kin ngayon na kaibigan ko ‘yong mga ‘yon?” sarkastikong sabi niya.

Nagkibit ito ng mga balikat. Tumitig sa kanya. “Hindi ko pinakinggan ‘yong sinasabi nila. I was looking at you. You had a sad look in your face,” mahina nitong sabi.

Malakas siyang tumawa.

“You saw wrong. That was ‘I’m-gonna-kill-these-bitches’ look.” Pagkasabi niyon, binirahan na niya ito ng alis. Pero sumunod ang nakapumulsang mokong, nakita niya ang anino nito.

“‘Wag mo na ‘kong ihatid. Kung kilala mo ‘ko, alam mong meron akong driver,” direkta at malakas niyang sabi pero saglit lang ay bumuway siya sa pag-iwas sa nakausling bato sa daan. Lumapit ang lalaki, inalalayan siya.

Nagbuka siya ng bibig, akmang pipiglas sa hawak nito pero narinig na nila ang malakas na pagbusina ng sasakyan galing sa likuran nila. Huminto iyon sa mismong tapat ng kinatatayuan nila.

Kumunot ang noo ni Thera. Isang itim na pickup. Bumaba ang bintana sa backseat. Sumilip siya, hindi na nagawang palisin ang kamay ng lalaki na nakahawak pa rin sa siko niya.

Hindi niya itinago ang pananalim ng mga mata nang makilala ang lalaking nakaupo sa backseat. 

“Get in,” sabi ng lalaki sa pickup. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Tumuwid siya sa pagkakatayo. Ano ang ginagawa roon ni Hudas? “May driver ako.”

“I told him to go home.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Thera. Huminga siya nang malalim. Nagpipigil ng irita. “Sino ka sa akala mo para…”

Nabitin ang kanyang litanya nang lingunin siya nito. Mariin ang pagkakalapat ng mamula-mula nitong mga labi. Bumaba ang mga mata nito sa siko niyang hawak ng lalaki sa tabi niya. Nakaramdam naman ang huli, pinakawalan ang siko niya.

Blangko ang ekspresyon sa mukha, itinaas ng hudas ang kaliwa nitong kamay. Lumipad doon ang tingin ni Thera, kumislap ang singsing na nakasuksok sa palasingsingan ng lalaki.

He gave her a half-hearted smile. “I am Sean De Marco, your husband.”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
paano ka maging masaya kung lagi lang galit??...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status