Share

Chapter Four: The Big Boss

CHAPTER FOUR

THE BIG BOSS

Padarag na ibinagsak ni Thera ang pinto ng pickup nang pumarada iyon sa tapat ng Sean and Tan’s. Of all places, bakit sa Tea Caf pa siya dinala ni Sean? Supposedly, close na dapat ang coffee shop pero may ilaw na nakabukas sa loob. Hindi niya alam na nag-e-extend na ng working hours ang Tea Caf. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang tumuntong sa lugar na iyon.

As far as Thera could remember, si Sean ang totoong sadya ng mga babae at baklang customer ng Tea Caf noon. Hindi ang Instagramable café o ang cozy ambience o ang sikat na blended coconut coffee o ang nakakapaglaway na milk tea o ang cakes and pastries na naka-display malapit sa counter.

Ilang beses nang nag-viral ang Tea Caf sa social media noong first quarter ng 2009. Mali, si Sean ang totoong nag-viral at hindi ang Tea Caf mismo.

Isang estudyante sa DM University ang palihim na kumuha ng video ni Sean habang papasok sa loob ng café at in-upload iyon sa FB. The video reached hundred thousands of views in less than three days. Isa si Thera sa paulit-ulit at walang kasawa-sawang nag-hit ng replay button habang maluwang ang ngiti. Ni-like din niya at palihim na dinownload sa kanyang cell phone.

Ang sumunod ay isang customer naman na palihim na kinunan ng litrato ang lalaki habang nakasandal ito sa kotse. Partida, stolen shots pa ang mga kuha pero niyanig nang husto ang social media.

Si Sean ang tipo ng lalaking hindi kailangang magpapansin pero kusang napapansin. Hindi pa ngumingiti pero kayang pakiligin ang mga nasa paligid. Nakaka-attract kahit ang simpleng paghawi lang nito ng itim na itim na buhok o kahit nga ang simpleng paglilis nito ng sleeves ng suot na polo.

Thera heard Tea Caf was doing well. Marami nang bagong menu na ino-offer bukod sa sikat na tea, kape, at pastries.

Bumaba si Sean mula sa kotse. Dumeretso sa tarangkahan at sinusian iyon. Kumunot ang noo ni Thera. Ibig sabihin, walang tao sa loob. Nanggaling ba roon ang lalaki bago tumuloy sa bar? She got a bad feeling about him meeting her. Kung tama ang tanda niya, iyon pa lang ang pangatlong pagkakataon mula nang ikasal sila.

Kung balak nitong makipag-ayos, kalimutan na nito iyon. Kahit friendship o no relationship, kung mayroon mang ganoon, ay hindi niya iyon io-offer dito.

For the past nine years, ni minsan ay hindi siya nito sinadyang kitain. There were times na dapat ay magkakakitaan sila sa Amerika—kung saan ito nag-stay pagkatapos siyang takasan noong unang gabi ng kasal nila. Pero magaling umiwas si Sean. Hindi ito um-a-attend kapag alam na darating siya.

Kahit noong mga panahong ito dapat ang kumakausap sa kanya tungkol sa ipina-file nitong annulment case, abogado lang nito ang humarap sa kanya. Maliban sa ilang pagkakataon kung saan napipilitan si Sean na umuwi ng Pilipinas.

Sa magazine na lang niya ito madalas na nakikita—kung hindi lang nilalamukos ang walang malay na makapal at makintab na papel dahil sa galit niya. Yumi could provide information about Sean pero iginiit niyang huwag banggitin ang pangalan ng lalaki sa harap niya kung hindi naman kinakailangan.

Kung sa iba, “Thank you, Lord, I’m alive.” Kay Thera, iba. Nakontento na siyang tahimik na nilalait at minumura ang asawa sa isip bawat gising niya. Call her bitter or what, wala siyang pakialam.

Nauna si Sean sa pagpasok sa loob nang mabuksan nito ang pinto.

“Now, what do you want?” iritable niyang sabi nang makapasok.

Huminto ito sa gitna ng apat na sulok ng kuwartong iyon, nilingon siya. Humalukipkip siya, kung gaano siya ka-transparent, ganoon naman kahirap basahin ang ekspresyon ng mukha ng lalaki.

“Is this how a married woman should behave? You party and get drunk as if you’re nineteen,” flat na sabi nito. Ni hindi niya alam kung nang-iinsulto o ano.

“Should I get my act together to please you for old times’ sake, Mr. De Marco?” Umismid siya. “You call yourself my husband? Husband my ass.”

Kagaya ng dati, hindi siya nito pinatulan. Sa halip, may kinuha itong envelope sa ibabaw ng mesita, saka iniabot sa kanya.

“Ano ‘to?”

“Annulment papers.”

Automatic, naningkit ang mga mata ni Thera. Ipu-push pa rin pala talaga nito ang pagpa-file ng annulment. Nag-angat siya ng gigil at matalim na tingin sa lalaki. Ito lang ang taong kilala niyang humihingi ng annulment pero isinusuot pa rin ang wedding ring.

Iyong kanya, matagal na niyang itinago sa jewelry box na nakabaul na. Kung hindi lang siya nanghihinayang sa halaga, malamang matagal na niya iyong inihagis sa sapa.

“Surely you’re the only person who can stun me in utter disbelief, Mr. De Marco,” nang-iinsultong sabi niya. “Kung hindi sinabi sa ‘yo nang klaro ng pulpol mong abogado, sasabihin ko uli ngayon sa harap mo. Hindi ako papayag na ikasal ka sa iba pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa ‘kin. I will never ever sign that stupid paper! Magtiis kang kasal sa ‘kin!”

Nagpupuyos ang loob na tinakbo ni Thera ang pinto palabas ng Tea Caf. Indeed, the rotten bastard always had the nerve to talk to her about annulling their marriage.

Gusto nitong lumaya para magpakasaya sa piling ng ibang babae habang siya, mananatiling pathetic? Hindi siya makaka-move on hangga’t hindi niya nakikitang kumukulubot ang mga balat ni Sean nang mag-isa, miserable, at malungkot.

Eksaktong patawid na si Thera sa kalsada nang lumitaw mula sa kabilang bahagi ng daan ang isang kotse at tinutumbok siya. Wala nang oras kahit manlaki man lang ang mga mata niya. Saglit lang kasi, tumama na ang bumper ng sasakyang iyon sa kanyang katawan.

“Thera!”

Nakapikit pero naririnig ni Thera ang paisa-isang pagtulo ng tubig mula sa sirang gripo ng lababo ng bahay ni Tito Jaime. Natatandaan niyang tinalian na niya ng goma ang gripo para tumigil kahit paano ang pagtagas niyon bago siya natulog nang nagdaang gabi.

Bukod sa tumutulong gripo, dinig din niya ang mahinang tunog ng kamay ng orasang nakasabit sa dingding ng maliit na sala. Bakit ganoon kalakas? Parang ang gripo, orasan, at ang sariling hininga lang ang naririnig niya?

Wala ang malakas na hiyawan ng fans ng PBA players na pinapanood ng pinsan niyang si Joshua tuwing umaga sa binili nitong pirated CD o ang pagdila sa mukha niya ng alagang half aspin-half Terrier na si Matty.

Anong oras na? Bakit ang sakit ng katawan at ulo niya? Pagod na pagod na naman ba siya? Inabot na naman ba siya ng alas-onse ng gabi sa paglalaba ng mga damit ng tiyuhin at pinsan?

Umungol si Thera. Nanunuyo ang lalamunan niya at hindi niya maigalaw ang katawan.

“Thera…” The voice was sexy, malalim iyon at tunog, well, worried.

Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata. Blurry ang paningin niya pero may nakikita siyang malabo ring bulto ng isang lalaki. Nakadukwang ito sa kanya.

Hindi siya makagalaw, parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Sino ang lalaking ito? Bakit blurred ang mukha nito? Bakit parang tinutunghayan siya nito?

Thera started panicking. Ang nae-experience ba niya ngayon ay iyong tinatawag na sleep paralysis? At ang lalaking nakatunghay sa kanya… Aswang ba ito o kapre? Ito na ba ang dahilan kung bakit mamamatay siya sa edad na disisiyete?

Hindi. Ang bata-bata pa niya. Ni hindi pa niya nae-experience na mahalikan. Marami pa siyang pangarap sa buhay. Magkikita pa sila ni Jerry Yan. Hindi pa siya puwedeng mamatay.

Pero ilang segundo nga ba ang bibilangin niya bago magpalit ng anyo ang malabong imahe ng lalaki at maging halimaw? Scared for her precious life, she waited, counted… eight, nine, ten… hindi. The man didn’t turn into a monster.

Ang inaabangan niyang pagpapalit ng anyo, hindi nangyari. Unti-unti kasing luminaw sa paningin niya ang mukha ng lalaki.

Ang lalaking nakadukwang sa kanya.

Juicecolored.

Pogi.

Sobrang pogi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status