Share

Chapter Twelve: Bathtub 2

October 23, 2019

Baguio City, Philippines

Nakita ni Thera na bumukas ang ilaw sa katabing kuwarto. Dumating na si Sean. Sinulyapan niya ang oras sa wall clock. Ten minutes to seven.

Mahigit sampung oras nawala si Sean, sa loob ng mga oras na iyon ay hindi man lang nito naisipang tumawag para kumustahin siya. Alam niya, dahil pagdating nila kanina ni Fely mula sa bahay ni Tito Jaime ay nagtanong siya kay Manang Ising.

Alam ni Thera, si Sean lang ang makakasagot sa mga tanong niya. Habang tunatagal, lalo lang kasi siyang naguguluhan. Patay na si Tito Jaime, inilihim iyon sa kanya ni Sean. Nag-aalala ba si Sean sa magiging reaksiyon niya kaya pinili nitong huwag munang sabihin sa kanya?

Bakit naman ito mag-aalala sa mararamdaman niya? Unang-una, hindi naman ito naniniwalang wala siyang maalala.

Nalilito siya. Obviously, hindi na siya nito mahal but why was h

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status