Share

Chapter Twenty: Bathtub 3 / Five Hours and a half

August 10, 2015

Baguio City, Philippines

Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Panaka-naka pa rin ang kulog, ang kidlat, at naghahamon pa rin ang bagyo sa labas. Thera’s body was slightly shaking, nararamdaman na niya ang panunuot ng lamig sa kanyang katawan na walang saplot maliban sa suot na underwear.

Bumuntong-hininga si Sean. Lumapit ito sa kanya nang makita ang panginginig niya. Dinampot nito ang basang damit niya, saka siya inalalayan para maupo sa tub na unti-unti nang nagkakatubig.

Nagpaubaya si Thera. Namamanhid ang kaloob-looban niya. Pati ang utak, pakiramdam niya ay tumatangging gumana.

Ano pa ba ang dapat niyang gawin para bumalik sila ni Sean sa dati? Wala na ba? Wala na ba talagang pag-asa? Nagpapakatanga na lang siya, alam niya. Pero gusto niyang kahit paano ay maliwanagan.

Ang nangyari noong gabi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status