Share

Chapter 8: Happy Birthday

“Don’t you think it’s basic decency to show up in a party your family arranged for you?” The guy receiving the sermon let out a subtle smirk, head tilting unconsciously to his own palm.

“I don’t know if it’s the alcohol but for once, you really sound like a brother to me,” he teased, making the caller frown in confusion.

“What the hell, Sean? Are you drunk?”

“Bakit? Wasn’t I supposed to have a party on my birthday? This is personal party, if you don’t know. No cameras, no visitors, no family.” Narinig ang malalim na pagbuntong-hininga mula sa kabilan linya. Hindi ito nagtunog pag-aaalala kundi pagka-dismaya.

“You better come home in one piece or just never come home again.” Sean heard a beep, signalling him to put his phone down on the table where four more bottles of beer sit.

“Home…” Umiling-iling siya habang natatawa. Amoy na amoy niya ang alcohol mula sa sariling bibig habang tuluyan nang gumewang pahiga ang ulo niya sa makitid na lamesa katapat ng transparent haligi ng convenient store kung saan siya naroon.

Habang nakapahinga ang ulo sa lamesa ay may kinuha siyang maliit na piraso ng papel mula sa sariling bulsa. Pinakatitigan niya iyon habang binabasa ang maliliit na letrang nakasulat doon. Bumuo ito ng pangalan na kailanman ay hindi naging pamilyar sa kaniya.

“Rebby!” Bumukas ang pinto ng convenient store nang pumasok si Rebby sa loob, bakas sa mukha nito ang pagtataka kung bakit parang may pagmamadali ang pagtawag sa kaniya ng babae sa kahera.

“May problema ba?” tanong niya kay Ashley. Iginala niya ang tingin para hanapin si Jace pero wala ito roon.

“Nasaan si Jace? Kanina ko pa hindi ma-contact ah?”

“Nag-leave siya ngayon.”

“Leave? Bakit daw?” Sa halip na sagutin ang tanong ni Rebby ay agad siyang hinila ni Ashley at itinuro ang lalaking nakaupo sa may high chair habang may mga bote ng beer na nakakalat sa lamesa nito. Binalot ng itim ang aura nito. Mula sumbrero hanggang sa sapatos ay itim ang suot nito.

“Kanina pa ‘yang customer na iyan dito, Rebs. Mukhhang lasing na lasing na, baka mamaya manggulo ‘yan tayo ang malilintikan.” May pagtatakang tiningnan ni Rebby si Ashley, naniningkit ang mga mata niya itong tinanong.

“Anong gusto mong gawin ko?” Napakamot naman sa ulo ang kausap niya saka nagpilit ng tawa.

“Ikaw lang naman magaling makipag usap sa mga problematic na customer, kaya mo na ‘yan!” Bahagyang siniko ni Ashley ang katrabaho palapit sa direksyon ng lalaki. Nakangibit namang sinamaan ni Rebby ang dalaga saka pasigaw na bumulong, “Pasalamat ka, birthday ko ngayon ayokong magalit!”

Ashley sent her a cheering gesture while Rebby approaches the guy. Mukhang tulog na nga ito sa postura pero hindi niya makita kung nakapikit nga ba dahil sa nakahara nitong buhok sa mata.

“Ahm… Sir, mukhang lasing na po kayo. Gusto niyo po ba tumawag na ako ng taxi para po makauwi na kayo-”

“No, no. No one should know that I am here.” Parang nagising ang diwa ng lalaki at naitaas pa ang suot niyang mask na kulay itim din. Gayunpaman, halatang wala pa ito sa huwisyo dahil nang subukan nitong tumayo ay natumba rin ito paupo. Mabuti na lang at nasalo at naalalayan siya niRebby sa braso.

“Sir, ayos lang ba kayo? Hindi niyo na kakayanin maglakad mag-isa niyan. Tatawag na lang akong sasakyan-” naramdaman ni Rebby ang mahigpit na hawak sa pulsuhan niya nang akmang aalis siya para tumawag ng sasakyan.

“Please…” Iyon na lang ang huling sinabi ng lalaki bago tuluyang bumigay ang katawan nito.

“Sir! Sir!” Nagpanic si Rebby at Ashley pero walang ibang tao sa loob na siyang ipinagtaka bigla ni Rebby. Nasa kaniya pa ang bigat ng ulo ng lalaki nang tanungin niya si Ashley kung bakit walang katao-tao sa loob gayong ganitong oras ng gabi kadalasang maraming tao roon.

“Nirentahan niya.” Itinuro ni Ashley ang lalaki.

“Ha?” Naguguluhang tanong ni Rebby.

“Nirentahan niya ‘tong buong convenient store! Huwag daw magpapapasok ng ibang customer…”

“Ano?? A-ahh!” Parehas na napaurong ang dalawang dalaga nang biglang sumuka ang binata sa damit ni Rebby. Nahulog ito tuloy sa sahig dahil sa pag-iwas ni Rebby na pikit-mata pang pinipigilan na huminga dahil sa hindi kaaya-ayang pangyayari.

She can’t believe she’s celebrating her birthday this way.

“Anong nagyayari rito-”

“Saan ka nanggaling, kupal ka?” Iyon agad ang narinig ni Jace nang makapasok sa loob ng convenient store. Isang oras nang naghihintay ang dalawang dalaga sa kniya at ngayon lang siya dumating.

“M-may inayos lang po, boss.” Sumaludo ito kay Rebby na inirapan lang siya saka itinuro ang lalaking nakahiga sa sahig.

“Sino ba ‘yan?” tanong niya na sabay namang sinagot ng dalawang babae.

“Mukha bang may ideya kami?”

“Chill lang, nagagalit agad kayo e.” Lumuhod si Jace saka sinimulang kapkapan ang lalaki. Sinabi na ni Rebby sa kaniya ang nangyari.

“Anong ginagawa mo?” tanong ni Ashley.

“Siguro bobo talaga kayong dalawa ‘no? Bakit hindi niyo naisip na hanapan ng ID ‘to? O I-report niyo sa pulis?” Sa wakas ay nakuha na niya ang wallet ng binata saka ito binuksan.

Walang laman.

“Sa pagkakatanda ko, mas matalino ako sa iyo.” Tikom ang bibig na hinarap niya si Rebby saka ngumiti ng awkward. Mukhang nagawa na nga iyon ni Rebby pero wala nga silang nakuhang impormasyon sa wallet nito. Walang ID, picture, at pera. Mukhang ibinayad na lahat sa ininom niya at sa pangrenta.

“Wala bang cellphone ‘to?” tanong ni Jace at nagkatinginan naman ang dalawang babae.

“May password,” sabay nilang sagot.

“Walang picture sa lockscreen kaya hindi namin makilala,” dagdag pa ni Rebby.

“Parang ikaw lang, ah?” Nagawa pang mang-asar ni Jace sa kaibigan bago muling ibinaling ang tingin sa lalaki. Saglit itong nag-isip bago muling natauhan.

“Bobo nga ata tayong tatlo. Hindi niyo rin ba naisip na tanggalin mask netong ugok na ito para makilala niyo kung sakali?”

“Natatakot kami, e. Biruin mo ba naman, nirentahan itong store, bawal daw may makaalam na nandito siya at sobrang misteryoso talaga! Paano kung mafia boss pala ‘yan?” bulalas ni Ashley na nagpasapo naman kay Jace sa noo niya.

“Alam mo, Ashley, tigilan mo na kakabasa mo ng mga fiction story.”

“Tch.”

Narinig naman ang pagbuga ni Rebby ng hanginsaka siya lumuhod sa tapat ng lalaking natutulog. Naisip niya na rin iyon kanina pero pakiramdam niya ay hindi tamang galawin niya ang suot ng lalaki. Pero walang kahahantungan ang sitwasyon kung hindi nila iyon gagawin.

Tinanggal niya ang mask ng lalaki saka ginalaw ng kaunti ang buhok nito, sapat na para makita ng maayos ang itsura nito.

“Teka…” bulong niya sa sarili. Kunot-noo niyang inisip kung saan ba niya nakita ang lalaki hanggang sa maalala niya ang birthday ad na nakita niya sa malaking LED screen kaninang naghihintay siya ng masasakyan papunta sa convenient store.

“seAn?”

“Anong binubulong mo diyan, Revencee?” Agad niyang ibinalik ang suot na mask ng lalaki. Naalala niya ang sinabi nito kanina na walang dapat makaalam na naroon siya, kaya rin pala niya nirentahan ang buong store.

“Kilala mo?” tanong ni Ashley. Hindi rin nila nakita ang mukha nito dahil sa nakaharang na posisyon ni Rebby. She looked at Ashley, alam niyang fan ni seAn si Ashley kaya nagtataka rin siya kung bakit hindi nito nakilala ang boses ng binata. Siguro dahil na rin tinatago ni seAn ang identity niya ay nagawan nito ng paraan para hindi siya makilala ng ibang tao.

“A-ah, Jace!” Jace flinched when Rebby suddenly slapped his shoulder.

“Anak ng! Ang sakit ha!” Humigpit ang hawak ni Rebby sa braso ng binata habang nagpipilit ng ngiti para hindi senyasan si Jace na makisama sa sasabihin niya.

“Kilala pala natin ito…” she said. Eyes still fixed on Jace’s.

“Kilala natin/Kilala niyo?” sabay na tanong ng dalawa niyang kasama.

“O-oo, haha. Si ano pala ‘to… Si…” Nagkamot si Rebby ng noo niya habang nag-iisip ng pangalang madaling makikilala ni JAce pero wala siyang maisip agad hanggang sa…

“Si Travis!”

“Travis?”

“Tra… TRAVIS?!” Akmang lalapitan pa ni Jace ang nakahigang lalaki nang agad siyang pigilan ni Rebby at sinabihan agad na kumuha ng sasakyan. Hindi alam ni Jace kung bakit may pag-aalala sa mukha ni Rebby kung si Travis nga iyon, dahil alam niya ang galit ng dalaga rito. Gayunoaman, dahil sa pagmamadali ni Rebby sa kaniya ay wala siyang nagawa kundi tumawag nga ng sasakyan.

“Sino si Travis?” tanong ni Ashley, dahilan para mapakamot si Rebby sa leeg niya at hindi malaman ang isasagot.

“Ano… ahm, kaibigan… Kaibigan n-namin…” She put out a forced smile and looked outside to see if Jace already found a taxi pero ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang makita si Jace na may kausap na pamilyar na lalaki sa labas.

“Travis…” bulong niya sa sarili.

“Don’t worry, I already called his brother. Mamaya lang nandito na iyon.” Tumango-tango si Rebby habang sinisiguradong hindi magtatama ang tingin nilang dalawa ni Travis. Sa may pintuan naman ay nakatayo roon si Jace, pinapanuod ang dalawa habang nagkakagat ng dulo ng daliri niya habang iniintindi ang sitwasyon.

“Saglit lang,” pagkuha niya ng atensyon sa dalawa.

“So, may isang lasing na artistang natutulog sa sofa ko, at nandito rin kayong dalawa sa bahay ko. Tama ba?” Tumango si Travis. Sa bahay kasi ni Jace nila dinala si seAn sa sobrang pagmamadali nila.

“May problema ka?” tanong naman ni Rebby na nagpangibit sa kaibigan.

“Tch. Wala naman… Hindi lang ito iyong nasa isip ko kanina na mangyayari bago matapos ang araw na ito.”

“Oo nga pala, saan ka ba nanggallig ha? Kanina pa kitang tinatawagan hindi ka sumasagot,” bulalas ni Rebby at nagpalitan naman sila ni Jace ng mga salitang nagpapapikon lang sa sarili nila. Pinapanood lang sila ni Travis, lalo na si Rebby. Matagal na simula nang makita niyang ganito magsalita ang kaibigan… Ang dating kaibigan.

“Ano? Nag bake ka ng cake?” Natigil ang ingay sa loob ng bahay nang wala nang nagsalita sa pagitan ni Rebby at Jace. Napalunok naman si Jace at umiwas ng tingin.

“Kill joy ka kasi, ayaw mong bumili ng cake. Ginawan na lang tuloy kita.”

Katahimikan…

“Sinong nagsabing hindi ako bibili?”

“Ha?” gulat na tanong ni Jace. Noong isang araw niya pa kasi kinukulit si Rebby sa kung anong plano nito sa birthday niya pero palaging malabo ang sagot nito kaya naisip niyang siya na lang ang gagawa ng paraan.

“At kelan ka pa natutong mag-bake? Ha, Jace Hwang?” Nakahalukipkip na tanong ni Rebby. Umiwas naman ng tingin si Jace habang napatawa naman ng bahagya si Travis, dahilan para lingunin siya ng dalawa.

“You haven’t changed. I remember before, gusto mo laging tumitigil tayo sa bakeshops para bumili ka cake sa tuwing may sweldo ka sa mga raket mo. You looked so happy whenever you taste them, I remember that clearly.”

Muling nabalot ng katahimikan ang loob ng bahay. Napakagat sa sariling labi niya siJace dahil ramdam niya kung gaano ka-awkward ang sitwasyon habang si Rebby naman ay hindi maiwasang titigan lang si Travis.

The memory of them three, those days when they were so happy together, suddenly flashed on her mind.

Nabasag ang katahimikan ng makarinig sila ng boses na nagsalita. They looked at seAn who just woke up and is sitting on the couch, mind still confused.

“Nasaan ako?” Iyon ang una niyang itinanong hanggang sa makilala niya si Travis.

“Travis? Don’t tell me…” Travis stood up from his seat and shrug his shoulders.

“I called Art. Papunta na siya dito.”

“Ano?” sabay na tanong ni seAn at Rebby. May pagtatakang tiningnan ni seAn ang dalaga dahil sa naging reaksyon nito.

“Anong ibig mong sabihin na tinawagan mo si Art?” tanong ni Rebby na agad rin namang sinagot ng kausap niya.

“He’s Art’s brother.”

“ANO?!”

Just then, a knock was heard from the door. Nagulat pa nga si Jace dahil nakatayo siya roon. Binuksan rin naman agad niya ang pinto at walang pag-aalangang pumasok sa loob ang bagong bisita.

“What the hell, Sean- Rebby?”

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status