Share

Chapter 5: You Can't Change Anything

"The planning team have already finalized the minutes of the meeting this morning. The endorsement of the new brand we are sponsoring will start in a week. No meeting with you tomorrow but your father wants you to show up on his meeting."

"I got it, thanks. Anything else?"

"That's all so far. I will send you an e-mail if something adds up."

"Alright, thanks."

"Okay, Sir."

Cypher pressed on his phone's screen to end the call, finally dismissing his assistant after getting all the necessary things he needed to know. Still on his midnight blue suit, he went out of the bathroom with his tired steps, eyes fighting the urge to doze off from the exhausting day he had and finally threw himself to his cozy couch.

Balak pa sanang maligo ni Cypher bago matulog pero mukhang malabo nang bumangon pa siya mula sa pagkakabaluktot sa hinihigaan. Para bang pisikalan ang naging buong araw niya gayong nakaupo lang siya sa halos maghapon. Pero kabaligtaran ng mukhang madaling gawain niya ay ang walang awat na trabahong ginagampanan ng isip niya.

Being an heir to a known business is already a bit pressure. What more when you become a businessman in young age. Wala namang problema iyon lalo na kung gusto mo ang ginagawa mo. Magkaka-problema lang kung napipilitan ka lang pala rito.

Jace Hwang wants to video chat with you

Saglit na kinusot ni Cypher ang mata niya saka inabot ang cellphone na nasa lamesa. Nagtataka siya kung bakit tumatawag si Jace, mahigit isang b'wan na rin kasi niya itong hindi nakakausap.

"Sorry, I can't video call. I'm kinda mess right now, let's voice call instead." Bakas sa boses niya ang pagod pero nabuhayan ang pagkatao niya nang magsimulang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Huwag mo naman na akong english-in! Hindi ka ba nagsasawa? Puro ingles ka na riyan!" Pakiramdam ni Cypher ay hindi niya na kailangang magkape para manatiling gising. Sa lakas pa lang ng boses ni Jace ay buhay na ang patulog niyang diwa.

"Fine, bakit ka tumawag?" Cypher stood up from the couch and walked to the dining section inside his not-so-big condo to get a glass of water. Ayaw niya ng masyadong malaking lugar, pakiramdam niya ay mawawala siya.

"Mangangamusta? Tagal ko nang hindi tumatawag sa iyo. Baka may girlfriend ka na riyan, hindi mo man lang kami binabalitaan ni Rebby." Inubos muna ni Cypher ang iniinom saka ibinalik ang baso sa lalagyan nito.

"Speaking of Revencee, I saw the video. Since when did she take interest in acting? How about college? Did she already take the exam?"

"Teka, isa-isa!" Napakagat naman si Cypher sa labi niya nang ma-realize na ang bilis niyang magsalita.

"Ayon nga, kaya ako tumawag. Walang balak magsabi sa iyo ang babaeng iyon kaya ako na ang magsasabi." Saglit na nakunot ang noo ni Cypher saka binalikan ang kausap.

"Think first, will it be okay if this will come from you? You know Revencee hates it kapag nagsusumbong ka."

"Alam ko, alam ko. Hindi siya matutuwang sinabi ko sa iyo pero kailangan mo talagang malaman. Para rin naman sa kaniya ito."

Lalong nangunot ang noo ni Cypher nang mapansin kung gaano kaseryoso ang tono ng boses ni Jace ngayon. Kaya naman hinayaan niya na ang kaibigan na mag-kuwento.

It did not take him long to call his assistant after hearing what Jace said.

"Book a flight, I'm going back to the Philippines."

***

Samantala, kaswal na naghihintay ng bus si Rebby nang marinig niya ang dalawang babaeng nakaupo sa bench ng waiting shade. Hindi niya ugaling maki-chismis pero maliwanag sa pandinig niya na siya ang pinag-uusapan ng dalawa. Hindi alam ng mga babae na nasa harapan lang nila ang babaeng nasa mga artikulong inilabas ng media, ang babaeng nasa teaser ng drama na Even A Fool Knows.

Bahagyang lumayo si Rebby mula sa dalawang babae para makaiwas sa atensyon na posible niyang makuha. Gusto rin niyang lumayo muna sa kahit na anong media na nagpapakita ng mukha niya dahil magulo pa rin sa isip niya ang nangyayari.

Pero sadyang hindi siya tantanan ng tadhana nang marinig na naman niya ang sariling boses. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya ang malaking LED sa taas ng building na katapat niya. Doon ay pinapalabas ang teaser ng drama, ang mga sinabi niyang linya, ang mukha niya, at ang mukha ni Art.

"Tanga ka talaga, Rebby," mahinang wika niya sa sarili. Nitong umaga lang niya narealize kung sino si Art. Marahil ay gulong-gulo nga ang isip niya noong isang araw nang muling umapak sa dati niyang school. Idagdag pa ang naging pag-uusap nila ng presidente at ng ginawa niya sa sariling palad. Wala siya sa sarili nang mangyari lahat noong araw na iyon kaya naman hindi naproseso agad ng isip niya na ang nakasalamuhang binata ay si Art.

Si Art na sikat na model, aktor, at dating singer.

"Is he nuts? Why is she hitting her head?" Habang naiinis sa sarili si Rebby, sa loob naman ng malaking van ay naroon si Art at pinapanuod siya.

"Tatawagin ba natin siya, o ano?" tanong naman ni Calyx na nasa harap ng sasakyan, sa upuan katabi ng driver na siyang manager din ni Art.

"Why would we call her? Ew, that would look like we followed her." napakamot na lang sa sariling buhok si Calyx sa naging sagot ni Art.

"Sinundan naman talaga natin siya? Pinasundan mo..."

Art cleared his throat and looked away. Muli siyang nagnakaw ng tingin sa dalaga saka napangibit.

"Bakit ba ang init sa loob ng van na ito?" reklamo ng aktor saka binuksan ang bintanang katabi niya.

"Mainit? Hindi naman?" nagtatakang sambit ng manager nila.

"Aish, kailangan kong makausap ang direktor na iyon- eh?" Trying to figure out how to solve the situation, Rebby's attention was caught by the guy inside the black van. His elbow leaning on the open window while looking up with his sunglasses as if the sun is brightly up when the sky is actually cloudy.

"Hoy." Art flinched, the girl he was trying to impress already in front of him.

"Do I know you?" Ibinaba ni Art ng bahagya ang suot niyang salamin, sapat na para makita ni Rebby ang matang nakatitigan niya noong isang araw lang.

That hits her finally. Rebby can't explain it with words but it seems like her life has now taken a major turn.

***

"Were you busy? Minsan na lang kita nakikita rito sa bahay." The girl on the wheelchair spoke as she took the last bite of her luxurious lunch.

"I already found a place to stay in, maybe starting next week hindi mo na ako makikita rito," sagot ni Travis na kagaya ng babaeng nasa harap niya ay kumakain rin pero hindi tulad ng nasa plato ng kausap ay higit na mas simple ang laman ng sa kaniya.

"Bakit? No one's kicking you out of this house, not even Dad."

"I know. That's what makes me feel more uncomfortable." Nagtama ang tingin ng dalawa na siyang nagpangisi sa dalaga.

"I heard Rebby went to Dad's office. Poor her, ilan beses ba siyang mag-aaksaya ng oras sa bagay na hindi niya makukuha? She's really desperate."

"Julianne." Ibinaba ni Travis ang hawak na kutsara't tinidor sa lamesa na siyang bahagyang ikinagulat ni Julianne dahil sa tunog na ginawa nito.

She could sense the anger through her cousin's eyes.

"Mauna na ako, kailangan ko pang mag-impake." Tumayo na si Travis mula sa pagkakaupo saka tumawag sa isang maid upang ihabilin si Julianne.

"Acting like you care won't change anything, Travis." Paalis na sana ang binata nang muling magsalita si Julianne. Ginalaw nito ang sinasakyang wheelchair paharap kay Travis na siyang nakayukom ang palad.

"In the end, it's you who ruined your best friend's life. You're the one who did this to Rebby."

***

"Ano? Hindi niyo sinabi sa akin ang totoo dahil baka hindi ako pumayag?" Nakahalukipkip na tanong ni Rebby sa kaharap na matandang lalaki. Nasa opisina sila ngayon ng direktor kasama si Art na mukhang walang interes sa pinag-uusapan ng dalawa dahil abala siya sa paglalaro sa sariling telepono.

"Tama nga po kayo, hindi talaga ako papayag kung alam ko lang na para sa sikat na palabas ito. Kailangan niyo pong alisin ang video na iyon!"

Napakamot muli ang direktor sa noo niya nang marinig na naman ang huling linya. Limang beses na atang nabanggit ng dalaga iyon simula nang pumasok siya sa loob.

"Art! Ikaw ang nag-suggest na kumuha tayo ng bagong aktres, tulungan mo naman ako!" Nalipat amg tingin ng dalawa kay Art.

"I did suggest that. But..." Tumigil ito sa pagpindot sa screen ng cellphone niya saka nag-angat ng tingin kay Rebby.

"I never told you it should be that girl." Nagsalubong ang kilay ni Rebby nang marinig iyon.

"Hoy, hindi tungkol sa akin ang issue na ito, okay? Tungkol ito sa ginawa niyo-"

"It's about you." Art exit the game he was playing and put his phone back in his pocket before looking straight at the girl before her.

"Besides, ikaw ang nagpunta rito para pag-usapan ang tungkol sa palabas." Saglit na minasahe ni Rebby ang sariling sentido habang naglalakad-lakad sa maliit lamang na espasyo. Sa tingin niya ay walang patutunguhan ang usapan nila lalo na't siya lang ang may problema.

"You can sue him." Natigil sa paglalakad-lakad si Rebby habang nanlaki naman ang mata ng direktor.

"Art! Anong sinasabi mo?!" May halong takot at pag-aalala sa boses ng nakatatandang lalaki. Naisip naman ni Rebby na may punto ang sinabi ni Art.

"But you can't do that." Muling nangunot ang noo ng dalaga saka nagtama ang tingin nilang dalawa ni Art.

Tumayo naman ang binata mula sa pagkakaupo saka nagkibit ng balikat.

"You took the money he gave you, remember?"

***

Once something is done,

you cannot change anything.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status