Share

Chapter 10: Just Do It

“Just do it.”

Those are the words that Rebby reminded herself when she woke up this morning. Hindi niya alam kung anong naghihintay sa akniya ngayong araw matapos niyang imulat ang mata niya. Ang tanging sigurado lang ngayon ay pupunta siya sa kumpanya nila at mula doon ay sasamahan na siya ng kaniyang assistant at manager papunta sa mga schedule niya ngayon.

Rebby shook her hear in the sight of herself through the mirror. Hindi niya alam kung anong dapat niyang suotin. Tinanong niya si Art tungkol dito pero ang sinabi lang ng huli ay si Rebby na ang bahala. Matapos ang ilang minutong paghahanap ng masusuot na damit ay napagdesisyunan ni Rebby na suotin na lang ang plain white tshirt niya na tinernuhan ng denim short at sneakers. She also braided her hair and put a cap on saka kinuha ang tote bag niya.

It took her one hour to arrive at the company area by bus. Laking gulat niya nang maraming tao ang naghihintay sa labas ng kumpanya. May dalang mga camera ang mga ito at mukhang handa nang kumuha ng litrato ano mang oras. Ang ilan naman ay may dalang mga bandera na hindi niya mabasa ang nakasulat dahil medyo malayo siya sa mga ito. The bus where she got off already left right when she’s about to step back. Naramdaman niya ang sariling paglunok gayong hindi pa siya nakikita ng mga ito.

Is this what Art meant when he said that things will change for her?

Partly yes. But now’s not her time.

“Nandito na si SeAn!”

“SeAn?” bulong niya sa sarili bago manlaki ang mata dahil sa pagsugod ng mga tao sa direksyon niya. It happened too fast that she just found herself struggling in the mddle of the people shouting a familiar name to her. When she managed to look back, she saw a guy come out of a black van. Wearing a purple shirt over white polo paired with white shorts, white socks, and sneakers. Hair’s styled with light purple highlights, while a simple long necklace served as his accessory. Screams idol vibes.

He looks nothing like the Sean Rebby celebrated her birthday with last night, definitely nothing like the Sean who threw up on her.

Parang bagyong humawi sa daan ang mga taong nagsisiksikan sa kaniya kanina. Nakabuntot na sila sa idolo habang siya naman ay naiwan doon sa direksyon niya, nakaupo na sa sahig at wala na ang ayos na sa buhok at kabuuang itsura.

“Aish…” mahinang sambit niya dahil sa inis saka akmang tutulungan ang sarili nang may makita siyang kamay na nakaaro sa kaniya.

Rebby looked up and saw a blonde guy standing in front of her. His hair’s a bit long, almost as long as Jace’s. Nakasuot ito ng kulay dilaw na polong ipinatong sa puting damit. But what caught her attention is his freckles that really stood out on his face.

He looks familiar.

“Okay ka lang ba?”

“Oh?” Rebby was surprised to hear his voice. It does not match his cute face at all, napakalalim nito.

Rebby took his hand saka siya tumayo at pinagpagan ang sarilli. They both looked at the people in front of the company building from a distant. Bagong-bago ito sa paningin ni Rebby habang mukhang sanay na sanay naman na ang kasama niya sa nakikita.

“Crazy articles will come out na naman mamaya, panigurado,” komento ng lalaki saka nagkibit ng balikat. May pagtataka naman siyang tiningnan ni Rebby. Nilingon niya rin ito saka nakangiting inilahad ang palad niya.

“Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala. I’m Calyx. Hindi mo ba ako naalala?”

“Calyx…?” Rebby took her time to think hanggang sa maalala niya kung sino ito.

“Ah! Ikaw iyong kasama lagi ni Art ‘di ba?” Tumango-tango si Calyx at kinamayan naman siya ng dalaga. Nagbow pa ito kaya napakamot naman si Calyx sa batok niya dahil sa hiya. 

“Assitant ako ni Art at… mo.”

“Mo?” tanong ni Rebby at tumango ulit si Calyx. Ilang segundo pa bago maintindihan ni Rebby ang ibig sabihin noon kaya bahagya siyang napa-distansya dahil sa gulat.

“Assistant kita?!” Calyx giggled saka muling tumango.

Inayos ni Rebby ang sarili saka muling nag-bow sa kaharap, humingi ito ng paumanhin dahil sa hindi kagandahang sitwasyon para sa pagpapakilala nilang dalawa sa isa’t-isa.

“Bakit nga pala mag-isa ka?” tanong ng dalaga habang naglalakad sila papunta sa building.

“Ah, may pinuntahan lang siya saglit pero susunod din siya mamaya.” Tumango-tango naman si Rebby hanggang sa makalapit na sila kung nasaan ang mga tao na nagbabato ng mga tanong kay Sean na nasa tapat pa rin ng entrance ng kumpanya. Nanatili lang na nakatayo si Calyx at Rebby sa pwesto nila habang pinapanuod ang nangyayari.

“SeAn, totoo bang sinadya mong hindi umattend sa party mo kagabi? Totoo bang may family issues ka kaya hindi ka nagpakita?” Rebby listened attentively. Hindi niya maiwasang kabahan sa naging tanong ng reporter dahil kasama niya si Sean kagabi. Isa pa, the way Sean acted towards Art tells her that maybe, they really have an issue. Lalo pa’t hindi nila pinapaalam sa publiko ang tungkol sa relasyon nilang magkapatid.

“Does your silence means yes?” pagdugtong ng reporter pero sa halip na pagtuunan siya ng pansin ng celebrity ay nabaling ang tingin nito sa direksyon ni Rebby na siya namang nagulat rin nang magtama ang tingin nilang dalawa.

Before Sean’s gaze could even let the reporters to divert their attention to Rebby, he let out a teasing chuckle and looked at them as he shook his head.

“No, I was not feeling well last night. That’s why I was not in my party,” palusot niya ngunit hindi ito kinagat ng mga reporter.

“Bakit mukhang hindi alam ng parents mo? The looked flustered last night when you did not show up.”

“They didn’t know. Actually I meant to come, it was just sudden that I felt unwell. But don’t worry, I’m okay now.” he flashed a bright smile, almost unrecognizable from the drunk Sean last night. Bahagya namang napatango-tango si Rebby na para bang ina-acknowledge niya ang bilis ng pagrespunde ni Sea sa mga tanong sa kaniya. It’s like he came prepared today to whatever question will be thrown at him.

Pero hindi para sa sunod na tanong sa kaniya mula sa isang lalaking reporter na nakasalamin. Nagtaas pa ito ng kamay at sapat na ang lakas ng boses niya para kuhanin ang atensyon ng lahat.

“Pero may nakakita daw sa iyo na may kasamang babae kahapon sa isang convenient store. Mukhang lasing ka rin daw.” Natikom ang bibig ni Sean habang nanlaki naman ang mata ni Rebby sa narinig. Nagsimulang magbulungan ang ibang reporter at lalo na ang mga fans na naroon.

“Rebby, sa likod na lang muna siguro tayo dumaan. Mukhang hindi pa matatapos ang usapan dito,” suhestyon ni Calyx na walang ideya sa nangyari kagabi.

“A-ah, sige,” nauutal na sagot ni Rebby saka sila pasimpleng dumaan sa kabilang direksyon. Saglit pang nagpalitan ng tingin si Sean at Rebby bago muling bumaling ang binata sa mga tao.

“I don’t know where you got that rumor but that’s not true, I was at home the whole day.” Iyon na lamang ang sinabi niya saka siya tuluyang pumasok sa loob habang patuloy sa pagtatanong ang mga reporter sa labas na pinipigilan ng mga gwardya at ilang manager niya.

Sean, Rebby, and Calyx even met inside but Sean only threw Rebby another glance and then proceeded to ignoring her.

“Tch,” usal na lang ni Rebby saka sila nagpatuloy ni Calyx sa opisina ng head manager ni Rebby at Art. Miss Aidi, the head manager, already oriented Rebby about the things she must know as a newbie in the industry. The general things she must be aware of, how to act and behave properly, how to talk, things she must expect as a celebrity, and more. But her retention’s not that good when it comes to things that instruct her to do and follow, especially when it doesn’t feel right for her.

“Okay!” Calyx clicked his tongue as he closed the mini notebook he’s holding. Doon nakasulat lahat ng schedule ni Rebby sa susunod na isang buwan.

“Dalawa lang ang schedule mo ngayong linggo.” Nagliwanag ang mukha ni Rebby sa narinig. Akala kasi niya ay marami na agad siyang gagawin bilang pagsisimula. Ngunit hindi sang-ayon doon ang ekspresyon sa mukha ni Calyx.

“Ahm… bale iyong dalawa ay photoshoot at script reading. Ngayon at bukas ang schedule mo for photoshoot ng isang school uniform brand, photoshoot para sa official debut mo as an actress, photoshoot niyo para sa drama, and then the remaining days ay script reading. Rest ka ng Saturday and Sunday for this week, then next week start na ng shooting niyo and some interviews. Starting next week, possible na Sunday na lang ang rest day mo.”

Rebby’s face says it all. She was not able to catch up and comprehend everything Calyx has said. She felt overwhelmed with all the schedule she must attend but on top of that is her concern regarding the first photoshoot Calyx mentioned.

“Anong school uniform?” Nagtaka pa saglit si Calyx sa tanong ng dalaga hanggang sa maalala niyang hindi pala nito isinuot ang uniporme noong unang araw ng shooting nila.

“Iyong uniform ng school sa drama,” he confirmed. Rebby felt her hands closing into a fist. Calyx noticed that but chose not to pay too much attention on it. Sa halip ay nagpakita siya ng malawak na ngiti saka pinatunog ang dalawang kamay sa harap ng dalaga.

“Focus! You can survive this week, aja!” Dahan-dahang kumawala sa pagkakayukom ang dalawang palad ni Rebby. She flashed a quick smile saka tumango-tango.

“Aja.”

Aminado siya na nagpadalos-dalos siya sa desisyong ginawa niya. Una ay dahil sa pera, pangalawa ay dahil kay Travis. Pero anumang desisyon iyon ay wala na siyang magagawa para ibalik pa ang oras at bawiin lahat ng pagsang-ayon niya. Everything has not sunk in her yet and when it does, she’ll see whether the decisions she made were worth a push… Or worth to lose.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status