Share

Chapter 11: It's Just A Uniform

SENIOR HIGH YEAR

“We’ll continue next week. Make sure to change into your uniform before going out of the building. Please lang, girls. Last time nagkaroon na ng issue when some of you went to the cafeteria wearing your swimming suit. May ilang naka-goggles pa. You don’t have to show your juniors you’re taking swimming class by this kind of display. Am I understood?”

“Yes, Ma’am.”

Matapos ang ilan pang paalala ay unti-unti na ring lumabas ng swimming room ang mga kaklase ni Rebby habang siya naman ay nagpapatuyo pa ng buhok. Kung siya ang tatanungin ay hindi niya naman masyadong nae-enjoy ang paglangoy. Nagkataon nga lang na required sa klase nila ang mag-take ng swimming lesson kaya naman napilitan siyang sumama.

“Hey, loser.” Nagtutuyo pa ng buhok si Rebby gamit ang tuwalya niya nang lapitan siya ni Julianne at mga kaibigan nito na silang naka-assign sa paglilinis ng pool area. If there’s someone Rebby wouldn’t want to see the whole day at school, that’s no doubt Julianne and her friends. Pero anong magagawa niya? Kaklase niya ang mga ito at parang mga aso laging bumubuntot sa kaniya.

“Anong kailangan niyo?” tanong ni Rebby sa maayos na tono ng boses. Alam niya na ang pakay ng mga ito sa hawak pa lang nilang panglinis pero ayaw niyang simulan ang argumento.

“May dance class si Julianne ngayong hapon and she can’t be late for that.” Nakahalukipkip na sambit ng isa sa mga kasama ni Julianne. Tumango-tango naman si Rebby.

“Okay… Bakit niyo kailangang sabihin sa akin?” mahinahong tanong niya.

“I said, hindi siya p’wedeng ma-late sa dance class niya,” pag-ulit ng babae at nagkibit-balikat naman si Rebby.

“Mukhang dapat sinisimulan niyo na ang paglilinis para hindi siya ma-late, hindi ba?” She heard them scoff in disbelief, lalo na si Julianne.

“I thought you’re smart, Revencee. What my friends mean is-”

“Gusto niyong ako ang maglinis ngayon, tama ba?” Napataas ang kilay ni Julianne saka kumurba ang nakakalokong ngiti sa labi niya.

“Exactly-”

“Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang may dance class, Julianne. Libre naman ang mga kasama mo kaya p’wedeng sila ang maglinis. Kailangan ko ring umuwi ng maaga ngayon dahil marami pa akong gagawin.” Napawi ang ngiti sa labi ni Julianne dahil sa narinig. Napalitan ito ng inis na pagismid kasabay ng pag irap nila.

“You haven’t learned from your lesson, have you?” Naramdaman ni Rebby ang sariling paglunok lalo na nang maglakad si Julianne papalapit sa kaniya.

“What did I tell you before, loser? Lahat ng sasabihin ko, dapat masunod. You’re the least person who should violate that rule. Baka nakakalimutan kung saan ka dapat lumulugar?” Sarkastikong sabi nito habang tumatawa naman sa likuran ang mga kasama niya.

Rebby could feel her hands clenching into fist. Hindi siya magaling magtimpi ng galit noon pero simula nang maipamukha sa kaniya ang ugar niya sa paaralan ay maging siya’y takot na ring gumawa o magsabi ng mga bagay na tama man ay hindi siya dadalhin sa maayos na sitwasyon.

“Are you mad? Nakikita ko sa mga mata mo na may gusto kang gawin…” Julianne kept on provoking her her habang naglalakad ito papalapit sa kaniya.

“Before you do anything, uunahan na kita.”

“Ah!” It was too late for Rebby to get away from Julianne’s trick when she got pushed to the pull. Naramdaman na lang niya ang sariling basang-basa na ulit habang nangingibabaw ang tawanan ng tatlo na palabas na ng swimming hall. Napahilamos na lang siya sa sariling mukha at buhok habang nagmumura sa isipan.  Inis niya pang hinampas ang tubig na kinalulubugan ng kalahating katawan niya gamit ang dalawang kamay.

Rinig sa hallway ang ingay mula sa loob ng locker room habang naglalakad si Rebby papunta doon. May mga nakasalubong pa siyang mga kaklase niyang pinagttitinginan siya at nagmamadaling lumabas. Ganoon rin noong makapasok siya sa loob. Napagtanto niyang siya na lang ang hindi pa nakakapagbihis sa kanila kaya naisip niyang iyon ang dahilan pero hindi pa rin kumbinsido ang sarili dahil sa hindi niya maintindihang bulungan.

Hanggang sa buksan niya ang sariling locker at napansin ang mga retaso ng damit. It’s her P.E T-Shirt. Iyon sana ang pampalit niya sa swimming attire niya. Rebby heaved a deep breath as she took a strong grip on her wasted clothes. Naramdaman niya rin ang sariling paglunok dahil sa pagtitimpi. Nahuli pa ng mata niya ang tatlong babaeng nasa gilid lang ng paingin niya. Alam niya na kung sino ang pasimuno nito at kaunti na lang talaga ay gagantihan niya na si Julianne. Rebby composed herself and was willing to let it pass with the thought of just using the uniform she took off awhile ago before taking the swimming class.

Pero talagang sinusubok ang pasensya niya nang hindi niya ito makita sa sariling bag. Wala ang blouse, wala rin ang palda. Rebby bit her lips and threw her bag back to the locker. Nangingilid ang luha niyang hinarap ang grupo ni Julianne na umatras ng kaunti at saglit na natigil ang pagtawa pero mapang-inis pa rin ang tingin sa kaniya.

Gusto niyang magsalita at kalmado na lang sanang itanpng kung nasaan ang gamit niya. Wala na siyang ganang makipag-away pa pero sadyang hindi niya magawang magsalita dahil alam niyang sasabog lang din ang luha niya. The other students were murmuring and to indirectly answered the question she could not say.

“Pinatapon ba nila sa swimming pool?” Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Rebby at dali-daling tumakbo palabas ng locker room. Narinig pa niya ang tawanan mula sa kwartong nilabasan pero hindi na lamang niya pinansin iyon. Patuloy lang siya sa pagtakbo habang pinupunasan ang sariling luha na tuluyan nang kumawala sa mga mata niya. She slipped twice beacuse of her wet feet but did not care about the pain. Until she got to the swimming hall, may nakasalubong pa siyang isang estudyante na lumabas galing doon at iniwasan siya ng tingin.

Rebby went straight to the pool area and saw her uniform fully drenched in the water. Marahan siyang lumapit sa pool side at tinitigan lang ang sariling uniporme. It’s as if it’s her drowning in the water. Hindi ang uniporme ang nakikita niya kundi ang sarili na suot-suot ito. She thought that this situation angers her but the she realized that this is just another day of her hell life in this school.  Simula ng suotin niya ang unipormeng nasa harapan ay napakalaking dagok na ang dumating sa buhay niya na para bang may sumpa sa damit na iyon. Hindi siya tantanan, hindi siya pakawalan. Iyon ang nararamdaman niya.

She felt weak. Weaker than she thought she was. Naupo na lang siya doon habang yakap-yakap ang sarili niyang tuhod. Hindi niya alam kung anong gagawin niya para makauwi sa suot niya ngayon. Pakiramdam niya ay wala na rin siyang ganang tumayo. Nanghihina na siya. Ang katawan niya at ang isip niya.

Just then, she felt something soft wrapped around her. Naramdaman niya rin ang paglapat ng kamay sa braso niya and just by it, alam niya na kung sino iyon. It was confirmed when the guy talked in a calm voice with an evident worry.

“Rebby…”

“Travis.” Just like that, tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya. Patuloy siya sa paghagulhol habang nakakulong sa yakap ng kaibigan. Walang ibang salitang lumabas sa bibig niya pero sapat na ang iyak bilang pruweba kung gaano kabigat at kasakit ang nararamadaman niya. Travis just hugged her, hinahaplos nito ang buhok ng dalaga at hinayaan lang na umiyak ang ito habang nakasubsob ang mukha sa dibdib niya. Ramdam ni Travis ang galit na dumadaloy sa sistema niya lalo pa’t alam niyang pakana na naman ito ng pinsan niya. Every sob Rebby makes is a piercing blade to his heart and he hates how she could not protect her from Julianne that day.

Travis let Rebby wear his spare clothes. Buti na lang kahit papaano ay nagkasaya ang P.E uniform niya sa dalaga gayong maluwag ito. Binigay rin nito ang varstity jacket niya sa kaibigan para matakluban ang basa nitong panloob. He also walked Rebby home dahil alam niyang wala sa kondisyon ang dalaga para umuwi ng mag-isa.

Rebby thought that her misfortune already ends there. Until they reached her house kung saan maraming tao ang nasa labas. Kaya ni Travis ang nagtataka rin siya. Hanggang sa marinig nila an tunog ng ambulansya. Hindi agad maproseso ng isip niya kung anong nangyayari hanggang sa may lumapit sa kaniyang babaeng kapitbahay nila.

“Rebby, na-stroke ang papa mo. Kanina ka pa naming hinihintay.” Everything happened so quickly. Nakita na lang niya inilagay sa stretcher ang sariling ama at ipinasok sa loob ng ambulansya. 

Travis was quick to hold her when she was about to fall on the floor. Lutang pa rin ang isip na umiling-iling si Rebby saka kumawala sa kapit ni Travis at agad na lumapit sa sasakyan. Sinabi niya kaagad sa nurse na nasa loob na anak siya ng lalaking na-stroke kaya’t agad siyang pinapasok sa loob bago ito tuluyang umalis.

Rebby held her Father’s hands. Tumutulo sa kamay nito ang mga luha niya kasabay ng paghagulhol niya sa iyak. They were rushed to the hospital at agad ring dinala ang Papa niya sa ER. Malaki ang suspetya ng mga doktor na tumama ang ulo nito sa matigas na bagay nang matumba ito dahil sa biglaang pagka-stroke. His brain had a blood clot which caused him to get into a coma state.

She was told that her Father’s still fortunate. If they were late by a minute or two, baka hindi na ito umabot pa. Rebby could not blame anyone but herself. If only she was not bullied at school…  If only she got home earlier… Baka sakaling hindi nangyari ang lahat ng ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status