Share

Chapter 4: Hello, Stranger

"Okay... Lights, camera, ACTION!"

Just as the director cued the start of the shooting, Rebby delivered the lines she memorized earlier.

Few lines.

"Hindi ko alam kung masyado ka bang matalino o sobrang tanga mo. Even a fool knows I like you, when will you notice that?"

Rebby never participated in any drama club before but her acting came out naturally and her eye-contact is something worth a praise. On the other hand, Art knew exactly when and how to cut it but somehow, he could not.

Parang naka-lock na sa mga mata ni Rebby ang mga mata niya. He could not take his eyes off her. Parang hinahatak siya ng mga tingin nito and he feels like he's completely drawn to her.

Meanwhile, everyone on the set is enjoying it. Surprisingly, totoo ngang mukhang maiisalba ang mga palabas nila sa tulong ng isang estranghera.

"Hindi niyo pa po ba ika-cut?" Lahat sila ay natauhan nang magsalita si dalaga.

"C-cut!" senyas ng direktor na siyang tumayo habang pumapalakpak. Nilapitan niya ang dalawa saka pinuri ang dalaga sa acting nito.

But Rebby doesn't really care about that. She excused herself to get changed and then returned wearing her own clothes.

Nagtaka pa siya kung bakit kung paano niya iniwan si Art at ang direktor ay naroon pa rin sila sa puwesto na iyon nang bumalik siya. They look like they are talking about something really serious.

"Direk," pagtawag ni Mandu nang makalapit.

"Yes, Rebby!" masiglang tugon ng direktor pabalik.

Hindi na pinatagal pa ni Rebby ang usapan. She took out her phone, tapped on it, and showed the screen to the director.

It showed a QR Code on it.

"Ten thousand, as promised." Nawala ang ngiti sa labi ng direktor nang banggitin iyon ni Mandu. Namumuo ang pawis siyang nagpilit ng tawa. Napataas naman ang kilay ni Art habang tinitingnan ang babae.

He finds her mysterious.

Kaninang una niya itong nakita ay mukhang lutang na lutang ang isip nito. That's the reason why he deliberately hit her with the basket ball. Sunod naman ay bigla na lang siyang dumating sa set bilang bagong female lead and her delivery of lines hits different kahit na wala siyang background sa pag-arte. Ngayon naman ay balik sa kaninang lagay siya at naniningil ng perang "napagkasunduan".

Nanginginig ang kamay na inilabas ng direktor ang cellphone niya saka saglit na tumipa rito at ini-scan ang telepono ng dalaga.

"P-payment sent," sabi niya rito. Hindi rin naman kasi niya akalain na seseryosohin ni Rebby ang tungkol sa deal nila.

Talaga namang napaka-laking pera noon para sa wala pang tatlong minutong scene niya!

Saglit na nagpasalamat si Rebby sa mga tao doon sa set at huling hinarap si Art.

"Sala-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang maalala niya ang nangyari kanina.

"Hindi mo itutuloy?" taas-kilay na tanong ng binata na nagpangisi kay Rebby.

"You did not even apologize to me. Bakit kita papasalamatan?"

"What-"

"Mauna na ako," paalam ng estranghera saka bahagyang nag-bow pero hindi agad siya pinaalis ni Art.

"Magkikita pa tayo." Kunot-noo siyang tiningnan ni Rebby.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Babalik ka, alam ko. Magkikita pa tayo, alam ko." Hindi alam ni Rebby ang sinasabi ng kaharap niya kaya bahagya na lang siyang napatawa.

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"I just know." The male lead suddenly leaned closer to her, looking diretly to her eyes as he curve a smirk.

"Because I'm Art."

Rebby thought he's just talking none sense. Akala niya doon na talaga natapos ang araw na iyon. She's glad enough that it wasn't a scam and that she earned money from few lines she said.

But those were the only thing she knew.

***

Feeling extremely exhausted from the amount of works she took the past two days, Rebby did not bother to turn off the alarm ringing from her phone. She rolled to the other side of the bed instead, wrapped herself with the blanket, and tried to continue her already fading dreams.

Pero talagang hindi nagpaawat ang ingay mula sa telepono niya na dinagdagan pa ng ingay galing sa pinto ng apartment niya.

"Revencee Cielo! Buksan mo ang pinto, bilis! Ang bagal!"

Nang makilala ang boses ay napairap na lang siya sa isipan niya. Nawala na rin ng tuluyan ang panaginip niya kanina lang. Tinatamad siyang tumayo mula sa kama saka sinuot ang baligtad niyang tsinelas at nagpunta sa may pintuan para pagbuksan ang manok.

"Jace Hwang, ala-syete ng umaga nambubulaog ka ng bahay ng may bahay. Wala ka bang magawa sa buhay? Ha?!" mula sa mahina at inaantok na boses ay inis na sinigawan ni Rebby ang kaharap.

Napailing na lang si Jace sa itsura ng kaibigan. Ang gulo-gulo ng buhok nito at may laway pa sa gilid ng labi. Antok pa rin ang mga mata nito at wala sa huwisyo ang pagsusuot ng tsinelas.

"Hindi ko malubos-maisip na isa kang artista." Walang anu-ano ay pumasok si Jace sa loob ng apartment ni Rebby at kinuha ang remote ng TV mula sa maliit na lamesa saka binuksan ang telebisyon.

"Artista?" humihikab na tanong ni Rebby. Bumalik na sa pagka-antok ang sarili niya at hindi na nakipag-gigilan pa sa biglaang pagsulpot ng bisita niya.

"Tulog ka kasi ng tulog, Rebby. Tsaka bakit hindi mo sinabi sa akin? Nakakapagtampo ha!"

"Ano bang pinuputak mo diyan, Jace?" Pagkatanong na pagkatanong niyon ni Rebby ay narinig niya ang sariling boses mula sa TV. Singkit mata niya itong tiningnan saka unti-unting luminaw sa paningin at isip niya ang nakikita sa screen.

"Hindi ko alam kung masyado ka bang matalino o sobrang tanga mo. Even a fool knows I like you, when will you notice that?"

"What the... fudge."

***

"Sinong milyonaryo ang basta magbibigay ng sampung libo para sa dalawang linya? Random shooting?" Tikom ang bibig na nakaupo si Rebby sa maliit na sofa habang si Jace naman ay nakaupo sa kabilang upuan, nagse-sermon habang puno ng pagkain ang bibig.

"Baka gusto mong lunukin muna ang kinakain mo-"

"Paano ako makakalunok ng maayos sa ginawa mo?!" bulalas ng bisita ni Rebby pabalik. Huminga ng malalim ang dalaga saka kinuha ang maliit na unan sa tabi niya at ibinato ito sa mukha ni Jace.

"Bakit mo ba akong sinisigawan?!" Ngayon ay si Jace naman ang natahimik at napalunok. Kahit na mas maliit si Rebby sa kaniya ay mas malakas at matinis ang boses nito lalo na kapag galit.

"Sorry na, boss. Nadala lang ng emosyon." Sumenyas si Jace na pawang nanghihingi ng tawad saka itinuloy ang pag kain. Napairap na lang ang may-ari ng bahay saka muling naupo kasabay ng pagbuntong-hininga niya.

"Pero seryoso..." Nilunok muna ni Jace ang huling kagat ng kinakain niya bago umayos ng upo.

"Naiiintindihan ko kahit papaano kung bakit mo tinanggap ang offer. Pero, akala ko ba hindi ka na babalik sa school na iyon?"

Napakagat si Rebby sa natanggap na tanong saka muling nagpakawala ng hangin.

"I had to."

"Dahil ba sa certificate mo?" Marahang tumango si Rebby. Inis namang ginulo ni Jace ang sariling buhok.

"Kung may pera at koneksyon lang sana ako, baka nasa iyo na ang certificate mo." Matamang tiningnan ni Rebby ang kaibigan.

"Will you use your power for that? Kagaya nila?" Napatikhim naman si Jace nang maisip ang sinabi niya. Alam niyang ayaw na ayaw ni Rebby na ginagamit ang kapangyarihan o koneksyon para mapadali ang mga bagay-bagay.

"Wala ka namang kasalanan, tama lang na nasa iyo ang certificate mo." Sa hindi mabilang na pagkakataon ay napabuga si Rebby ng hangin saka tinakpan ang mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Gusto niyang sumigaw sa inis.

"Wala ka ba talagang balak sabihin kay Cypher?" Umiling-iling si Rebby habang nakatakip pa rin ang kamay sa mukha.

"He will do something, for sure. Baka lumaki pa ang gulo." Napangibit na lang si Jace saka pumasok sa isip niya ang isa pang tao na may kinalaman sa aksidente noon base sa sinabi ni Rebby.

"Kung hindi lang sana tanga si Travis-"

"Please lang, Jace. Huwag na nating pag-usapan ang tungkol dito." Tumayo na si Rebby mula sa sofa saka naglakad papunta sa pintuan ng kwarto niya.

"Order ka na lang ng pagkain kung gusto mo pa tumambay dito. Kung hindi naman, pa-lock na lang ng pinto," walang ganang sambit ng dalaga bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya.

Ngayon ay si Jace naman ang napabuntong-hininga. Saglit pa siyang naupo roon habang nag-iisip. He may seem playful and annoying at times but deep inside, he really cares for his best friend. They used to talk about university a lot. Sigurado si Rebby sa kukuhanin niyang course lalo na at seryoso siya sa passion niya sa pagpinta.

Jace envies Rebby sometimes. Desidido na ang dalaga sa gusto niyang marating sa buhay kumpara sa kaniya na hindi pa alam kung anong kurso o kung ano bang gustong gawin bago siya mamatay.

He just lives his life trying to survive everyday. While his best friend, Rebby, fights for her life, her works, her dreams, and her father's life as well.

Kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip pang muli. He knows how important college is for Rebby. He can't let it slip off Rebby's hands just like that.

"Hello? Cypher?"

***

No one's ever a complete

stranger to us.

It's either they were once known but left us alone,

or we're alone and they came to be known.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status