Share

Chapter 3: Dressed Like a Daydream

“Ano? Paano na ang drama? Hello? Hello?!” Inis na napasabunot sa sarili niya ang direktor ng palabas nang marinig ang balita mula sa kabilang linya.

Akala nila ay male-late lang ang bidang aktres pero higit pala doon ang baitang naghihintay sa kanila. The drama's female lead got into accident and cannot proceed with the taping. There's no sure time when she will recover.

Gayong dapat ay naga-alala ang direktor sa kalagayan ng aktres, sa mas pinoproblema niya ang tungkol sa palabas nila. Kung hindi nila maiituloy ang shooting ngayong linggo at kapag nalaman iyon ng board, malaking posibilidad na i-cancel ang buong palabas.

“Anong gagawin natin, Direk?” tanong ng isang babaeng staff na sinagot niya ng masamang tingin.

“Mukha bang may ideya ako sa oras na ito kung anong gagawin? Ha?!” Napapikit na lang ang babae sa lakas ng boses ng direktor pero mas pinili niyang intindihin ito.

It's one of the most anticipated school drama, how can they not panic and worry about it? Marami nang article ang inilabas para sa palabas na ito. Ilang beses nang na-move ang shooting nila dahil sa iba’t-ibang dahilan pero hindi na nila maii-move pa ito dahil alam ng lahat na bukas ang schedule ng teaser release ng palabas.

“Change the female lead. As easy as that.”

Lahat sila ay napalingon sa lalaking kumportableng nakaupo sa upuan niya. Nakataas ang dalawa nitong paa sa isa pang upuan habang nagbabasa ng magazine kung saan naroon din sa front page ang mukha niya. Sa tabi naman nito ay nakatayo si Calyx.

Naiirita ang direktor sa tono ng pananalita ni Art dahil parang ang dali ng pinapagawa niya. Pero sanay na siya rito kaya hindi na niya pinatulan.

“But Art has a point. That's the only thing we can do,” pag sang-ayon ng isang staff na nagpainit lalo sa dugo ng direktor.

“At saan tayo hahanap ng kapalit sa oras na ito?! This shooting has been delayed for many times already and we cannot delay another one! Kapag nangyari iyon ay pare-parehas tayong walang trabaho—”

“I have. Maraming offer sa akin.” Napatikhim naman si Calyx sa sagot ng amo niya saka nagpilit ng ngiti sa direktor para palampasin na lang ang pagiging mahangin ni Art.

“Direk anong gagawin—”

“Ay ewan! Kailangan ko ng hangin!” Nagulat silang lahat nang padabog na umalis ang direktor sa kinalulugaran nila. Hindi naman ito ganoon katapang lagi, sadyang hindi lang talaga maganda ang sitwasyon ngayon.

***

“Ahh!!” samantala, nasa school ground naman si Rebby at naglalabas ng sama ng loob. Natuyo na rin ang dugo sa palad niya habang kabaligtaran naman nito ang mukha niyang basang-basa ng luha.

She's crying not because of pain from her wounded hand. It just piled up in her that only through crying she can express her frustration.

***

“Paano na... Mawawalan talaga ako ng trabaho...” Gulo ang isip na napadpad sa school ground ang direktor na hindi na rin alam kung ano ang gagawin.

This is his last shot, the last TV drama he will do before he resigns. Kung hindi maiituloy ang palabas na ito ay parang mawawalan ng silbi lahat ng pinaghirapan niya bilang isang direktor.

***

“Sa tingin niyo susuko ako dahil lang sa mga ginawa niyo?! P’wes nagkakamali kayo! Darating rin ang araw na lalabas ang katotohanan... Gabi-gabi sana kayong hindi patulugin ng konsensya niyo kung mayroon man!”

Nasa kalagitnaan ng pag-iisip sa maaaring solusyon sa problema niya ay natigil ang direktor nang makarinig ng malakas na sigaw. Sa hindi kalayuan ay nakita niya si Rebby na parang nakikipag-usap sa hangin. Only when she continue what she was saying the director felt how painful her words and cries are.

That's when an idea popped in his mind.

Marahan niyang nilapitan si Rebby. He made sure the girl won't be startled by his sudden approach. When Rebby recognized the presence of the director, she immediately wiped her tears and curiously turned to him.

“K-kanina pa po ba kayo diyan?” tanong niya sa pagitan ng mga hikbi. Pinilit rin niyang pakalmahin ang sarili. Umiling-iling naman ang direktor.

“Pero may narinig akong kaunti sa mga sinabi mo,” sabi nito saka awkward na ngumiti.

Umiwas naman ng tingin si Rebby saka muling pinunasan ang luha niya. Napadaing pa siya sa hapdi nang maipamunas niya sa luha ang kamay na may sugat.

“Ah, ito. May panyo ako.” Inabutan siya nito ng maliit na panyo pero hindi niya ito tinanggap. Sa halip ay tinanong niya kung anong kailangan sa kaniya ng lalaki.

“Ahm, narinig ko kasi ang mga sinabi mo... Itatanong ko lang kung papayag ka ba na maging—”

“Hindi po ako interesado.” Mabilis na tugon niya kaya napakamot sa buhok ang direktor.

“Hindi mo pa nga alam kung ano ang tinutukoy—”

“Kung ano man pong scam iyan, please lang po, huwag ako,” muling pag-putol niya.

“S-scam? Hindi ito scam! I am a director! Direktor ng mga palabas!” Napakunot ang noo ni Rebby sa narinig. Hindi dahil naniniwala siya dito kundi dahil iniisip niya kung ano ba talagang pakay sa kaniya nito.

“Do you believe me?” pag-ulit ng direktor pero umiling lang si Rebby.

“Ano kasi, nagkaproblema kami kaya—”

“Marami na rin po akong problema sa buhay kaya huwag niyo na pong idagdag pa ang problema niyo sa akin,” muling naputol sa ere ang sinasabi ng direktor.

Saglit na nag-bow sa kaniya si Rebby bilang pagbibigay ng respeto bago tuluyang tumalikod. Pero hindi pa man ito nakakalayo ay muling nagsalita ang direktor na siyang nagpatigil kay Rebby.

“Ten thousand.”

Rebby felt her feet halting its steps as soon as she heard that. The amount rang a bell. She knew she badly need that.

May pagtataka niyang nilingon ang direktor na hindi rin naman sigurado sa sinabi niya. He's that desparate. The drama must be filmed. They need a new female lead like what the male lead suggested.

And destiny is kind enough for him to meet Rebby.

***

An hour later, Rebby found herself in a familiar place inside the campus with the director. Hindi lang sila, marami pang iba, and the setting seems familiar to her.

The director must be telling the truth, she thinks.

Pumayag siya sa sinabi nito. Say few lines and she will get the promised amount. Desperada na kung desperada pero kung para naman sa bill ng papa niya, as long as it's legal, she will go for it.

“Direk,” pagtawag ng isang staff sa director na ngayon ay malawak na ang ngiti at parang hindi nag-walk out kanina.

“Listen!” Kinuha niya ang atensyon nilang lahat.

“This is— ano ulit pangalan mo?”

“Rebby po.”

“This is Rebby. She will be our new female le—“ Hindi agad naituloy ng direktor ang sinasabi niya nang maalala niya ang pangako sa dalaga.

Say few lines only.

“—she will help us today!” Nauna siyang pumalakpak at minatahan ang mga kasama na silang pumalakpak din.

“Alice,” pagtawag niya sa isang make-up artist na agad na lumapit.

“Ikaw na ang bahala kay Rebby.”

“Yes, Direk. Halika, aayusan kita para bumagay ka sa male lead mo.”

“Po? Male lead?” Right when she asked that, the staffs gave way to the guy who just entered the scene.

“Ako ang male lead dito.” Rebby already recognized him from his arrogant voice and his figure. Lalo na ang sunglasses na suot nito.

But only when he completely took off his sunglasses and got a closer look at the girl before her, Art realized who she actually is.

“Ikaw?”

***

It was a typical Saturday for some, but not for the production team of Even A Fool Knows. Definitely not a typical day for Rebby— that, at least, is a fact she's unaware of.

Bumalik sa pagiging abala ang mga staff sa set. Ang kaninang pag-aalala nila para sa buong palabas ay napalitan ng kahit papaano ay kaunting pag-asa. The director assured them the show will be saved.

“Ayan, natakpan ko na ng make-up ang sugat mo!” sabik na sabi ng make-up artist matapos asikasuhin ang sugat sa palad ni Rebby.

“Art, baka naman matunaw si Rebby niyan,” puna ni Calyx nang mapansing kanina pang tinitingnan ni Art ang dalaga. Mabilis namang umiwas ng tingin si Art saka klinaro ang sariling lalamunan.

“Hindi siya ang tinitingnan ko, palad niya. Wala naman iyon kanina—”

“Kanina?” Muling napalunok si Art nang ulitin iyon ni Calyx. Mukhang hindi nito alam na si Rebby ang babae sa labas ng court kanina lang. Isa pa, hindi rin niya alam kung bakit siya kinakabahan sa mga tanong ni Calyx.

“Kilala mo ba siya?”

“Bakit ba ang dami mong tanong, Calyx?” Pag-iiba ni Art sa usapan na nagpakamot naman kay Calyx sa buhok niya.

Palihim na muling tiningnan ni Art si Rebby na maayos na ang itsura ngayon kumpara kaninang halata mong umiyak. Nahuli siya nitong nakatingin pero hindi siya kumalas. Rebby's eyebrows furrowed as they have their eye-contact battle. Natigil lang iyon nang may dumating na staff bitbit ang unipormeng pambabae.

“Magpalit ka na para makapag simula na tayo,” utos ng staff sa kaniya pero hindi agad nakasagot si Rebby.

Her eyes remained fixed on the school uniform. It's just a school uniform for them, but not for her. That instant, Rebby's mind has become clouded by memories she wanted to get rid of. The exact same scenarios, her days that has become a routine back then, her silent cries, the accident, her suspension, and all the accusations.

Her high school days.

“Kailangan ko po ba talagang suotin iyan?” Rebby snapped herself back to reality.

“Yes. It's this school's uniform. Isa pa, you are acting with a schoolmate in this scene so you have to wear the same uniform as Art.” Nalipat ang tingin ni Rebby kay Art na nakikinig sa usapan nila bago muling ibinalik sa staff ang atensyon.

“Why? Hindi ba kasya sa iyo ito? I think this fits you naman—”

“Wala naman pong sinabi ang direktor na kailangan kong magsuot niyan. Ang alam ko lang po ay may sasabihin akong kaunting linya at tapos na.”

“Pero—”

“Anong problema dito?” They all looked at the director who just came and the staff immediately told him about the situation.

“Wala na bang ibang wardrobe para sa kaniya?” tanong ng director na agad sinagot ng staff.

“Meron pa, Direk. Pero kasi iyong scene ngayon ay dapat naka-uniform.”

“Listen to her, hayaan niyo siyang suotin kung anong gusto niya.”

“Pero, Direk—” The director leaned close to the staff and whispered, “Just follow what she wants. We can’t lose her now.”

Wala nang nagawa ang staff kundi ang pumili ng ibang damit, resorting to a white belted floral dress. Her hair’s also braided which suited the dress well and of course, sa kaniya mismo.

“Settle!” Nagpunta sa kani-kaniyang puwesto ang mga tao sa set. Both Rebby and Art also went to their spot on the track field to shoot the teaser.

The director is closely monitoring the two through the screen and it fascinates him how Rebby and Minho radiates chemistry just by standing there and looking at each otherㅡ uttering no words.

“Okay... Lights, camera, ACTION!”

***

Nightmare can dress

like a daydream... or an opportunity.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status