Share

Chapter 6: Lies and Debts

"You took the money he gave you, remember?"

Hindi alam ni Rebby kung sarkastiko ba ang pagkakasabing iyon ni Art pero napaisip siya sa narinig.

Masyado ba siyang naging desperada noong araw na iyon? Hindi niya maiwasang maawa sa sarili habang binabalikan ang biglaan niyang pag-sang ayon nang dahil sa pera.

"Ibabalik ko ang perang tinanggap ko," walang pagpa-plano niyang sabi na ikinagulat ng direktor pero ikinibit lang ng balikat ng aktor.

"Really?" Bakas sa tono ng boses niya na hindi siya kumbinsido sa sinabi ni Rebby.

"Oo, dahil ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay magkaroon ng utang na loob." Matigas ang bawat pagbitaw ni Rebby ng mga salita pero taliwas doon ang tumatakbo sa isip niya.

Saan siya kukuha ng pera? Sa katunayan ay kulang pa nga ang hawak niyang pera pambayad sa bill ng papa niya.

Cypher crossed her mind but considered him as her last resort. Sa ngayon, gusto niya munang ilayo ang sarili sa ano mang kontrobersyang dala ng biglaan niyang exposure sa media.

"Okay, I have no say on that." May pagtatakang tiningnan ni Rebby si Art. Hindi niya maintindihan kung bakit masyado nitong ini-involve ang sarili sa usapin gayong aktor lamang din naman siya, ni hindi siya ang nagbigay ng pera.

Samantala, puno naman ng pag-aalala at pagpa-panic ang direktor. Nang mapansin iyon ni Art ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at binigyan ng nakakalokong ngiti ang mas nakakatanda.

"You have nothing to worry, Direk. She will come back," buo ang kumpyansa sa sarili nitong sambit.

"Sinong nagsabi sa iyo? Pala-desisyon ka ha." Hindi maiwasan ni Rebby na mainis lalo na't ang huling testamento ng binata ay nagkatotoo. Nagkita ulit sila gaya ng sabi ni Art, babalik nga ba ulit siya gaya ng sinabi nito?

"You ended up being a celebrity because of money... You will stay as a celebrity because of it, too."

Hindi maintindihan ni Rebby. She should feel offended with what she's hearing but the suspicion outweighs that feeling.

Pakiramdam niya ay may ibang ibig sabihin si Art sa mga binibitawan nitong salita.

Whatever that is, she's sure that's not siding her.

***

"Hey!" Malapit na sa exit ng building si Rebby nang tawagin siya ni Art. Ayaw sana niyang lumingon dahil may pangalan siyang matino pero hine-"hey!" lang siya ng binata. Natigil lang siya sa paglalakad nang talagang hindi siya tantanan nito.

"Ano bang kailangan mo?" Inis niyang nilingon ang binata na hindi ganoon kalayo ang distansya mula sa kaniya.

"You're interesting..." Nakahalukipkip nitong komento na siyang nagpataas ng kilay sa dalaga.

"Hinabol mo ako rito para sabihin iyan?" Ngayon ay si Art naman ang nagtaas ng kilay saka nagpakawala ng mahinang tawa.

"You're really something. Seryoso ka? Ibabalik mo ang perang tinanggap mo?"

"Bakit ba napaka-kulit mo? Oo nga, 'di ba? I'll take is as a debt. Kapag may utang, dapat lang na bayaran."

"Really?" Tumango-tango si Art na para bang kumbinsido na sa narinig.

Maya-maya pa'y inilahad nito ang kanang palad na tiningnan lang ni Rebby.

"Give me your phone."

"Anong gagawin mo sa phone ko? Wala ka bang sariling telepono?" Saglit na kinamot ni Art ang sariling noo habang natatawa. Tawang may halong pangi-inis.

"All my fans want to know my phone number and here I am, giving it to you directly."

Narinig ang pag-ismid ni Rebby matapos niya iyong sabihin.

"Pasensya na, Art. Pero hindi mo ako fan." Ngayon ay siya naman ang ngumiti ng mapang-inis bago tuluyang tinalikuran ang binata.

Napakagat naman si Art sa sariling labi saka bumigkas ng mga numero na mukahang pumasok-labas lamang sa tenga ng dalagang palabas na.

"That's my number! I know you will contact me sooner or later!" Iyon ang huli niyang sinabi bago tuluyang makalabas ng building ang binata.

Namumula naman ang tenga siyang naglakad paalis sa malawak na ground floor dahil sa ilang staff na nakatingin sa kaniya.

***

"09250325081."

"Anong sinasabi mo diyan?" tanong ni Jace sa kaibigang may suot na asul na apron tulad ng kaniya. Nasa labas siya ng counter sa convenient store na pinagta-tranahuhan habang nasa loob naman ng counter si Rebby.

Umiling-iling naman ang dalaga saka napahilamos sa sarili.

"Aish, bakit ba kasi masyadong matandain itong utak ko?!" bulalas niya sa sarili na siyang ini-iling lang ni Jace.

"Alis na diyan, tapos na shift mo." Tiningnan ni Rebby ang orasang naka-sabit sa dingding, alas-nuwebe na pala ng gabi.

"Please lang, umuwi ka na ha! Baka mamaya may iba ka pang raket!" sermon ni Jace sa kaibigan. Napangibit naman si Rebby saka hinubad ang suot na apron at ibinato sa mukha ni Jace.

"Oo na!" Kinuha niya ang bag saka lumabas ng counter at hinarap si Jace. May iniabot namang maliit na sobre ang huli.

"Oh." Binilang ni Rebby ang perang laman niyon saka tumango-tango. Nagtaka pa siya dahil mukhang mas mataas sa inaasahan niyang sahod ang natanggap. Buti na lang absent ang ka-trabaho ni Jace at pinayagan siyang pumalit saglit, tutal gawain niya na rin iyon dati pa.

"Tumaas na pasahod ng boss niyo, ah?" Ngayon si Jace naman ang napangibit.

"Magkano pa kailangan mo?" Saglit na nag-isip si Rebby saka nagsabi ng halagang ikinabuga ni Jace ng hangin. Simula umaga ay ilang raket na ang tinanggap ni Rebby, ngayon ay kulang na kulang pa ang pera niya.

"Bakit nagmamadali kang makabayad? Hindi ba may ilang linggo ka pa?" Si Rebby naman ang napabuga ng hangin.

"May bago akong dapat na bayaran." Tipid niyang sagot, laglag na ang balikat dahil sa pagod. Gusto pa sana siyang usisain ni Jace pero dahil alam niyang pagod na ang kabigan ay pinauwi niya na ito.

He did not tell her about his convo with Cypher.

Not even about his own money he added to her salary for her shift.

***

"I already arranged your flight back to the Philippines, Sir. But about the payment you wanted to place..." Natigil sa pagbabasa ng dokumento si Cypher habang hinihintay ang kasunod na sasabihin ng assistant niya.

"What about it?" He asked, a bit confused about the brief pause his assistant made.

"It looks like Miss Revencee already paid this month's bill for her father." Nagpakawala ng hangin si Cypher sa narinig, akala niya ay kung anong nangyari, mabuti na lang at hindi iyon masamang balita.

Cypher dismissed his assistant as soon as the latter finished reporting to him, leaving him with the reminder that his father does not approve of this decision of him. Not when their company's at its peak.

Pero buo na ang loob ni Cypher na bumalik lalo pa't matapos malaman ang nangyari sa matalik niyang kabigan.

There's no way he'll let anyone hurt Rebby again.

Calling... Travis Han

Saglit munang tiningnan ni Cypher ang screen ng telepono bago niya ito sinagot.

"Cypher, I heard from Jace. Kailan balik mo?"

Ramdam ni Cypher ang paghigpit sa hawak na telepono. But he chose to let go of his strong grip and made himself sound excited instead.

"Yeah, next month. I just need to finish some stuff here and we'll finally meet again, Travis." Natagalan pa bago nakasagot ang nasa kabilang linya.

"Alam ba ni Rebby?" Lumamig ang ekspresyon sa mukha ni Cypher sa tanong na iyon.

"No, she doesn't know. I want to surprise her."

"A-ah, I see..."

Saglit na katahimikan. Hinihintay ni Cypher na may sabihin si Travis pero mukhang wala na itong sasabihin gayong hindi pa siya nagpapaalam.

Kaya naman si Cypher na ang bumasag ng katahimikan.

"Travis, you're taking care of Revencee, right?"

"O-of cour-"

"I have to go."

He did not let his friend finish. He doesn't want to hear another lie from Travis.

***

"Pa, naka-apat akong raket kahapon. Tinulungan ulit ako ni Jace na mag shift sa store, huwag ka mag-alala, hindi naman ako masyadong pabigat sa kaniya." Ilan pang bagay ang ikinuwento ni Rebby sa natutulog na ama habang inaayos ang kumot at higaan nito.

She also told him about the drama she knew her father would cheer her on, not because it's a big project for hee but because of a deeper reason.

Her father always supports her in everything she does. But there is one thing he's been wanting her to do for her own sake.

A way to find her mother.

"We're doing well so far, Pa. I don't think kailangan ko pang magpakita sa big screen para sa pangarap mo sa akin..."

"Rebby?" Isang babaeng nurse ang pumasok sa loob na siya namang sinalubong ng ngiti ni Rebby.

"Nurse Jia, baka by the end of this month ko pa mabayaran ang bill ni Papa," sambit niya sa nurse na siyang madalas naka-assign sa papa niya simula nang ma-ospital ito.

"Ha? Kakakausap lang sa akin ng nasa accounting kanina, bayad ka na raw?"

"Po?"

***

"Did she see it? Nakilala niya ba ako sa TV at ngayon nagbibigay siya ng sustento?"

Puno ang isip na nagpunta si Rebby sa accounting office ng ospital para itanong ang tungkol sa bill ng papa niya. Ayaw niyang isipin na may kinalaman ito sa ina niya lalo pa't nagkaroon na siya ng exposure sa media, tiyak na madali na para sa mama niya na makita siya.

Pero kung hindi ang matandang babae, sino ang magi-isip na magbayad ng ganoon kalaking halaga para sa estrangherang kagaya niya?

"Calyx?"

"Opo, iyon po ang pangalan ng nagpunta rito kanina para magbayad pero sa iba po nakapangalan ang receipt." Kinuha ni Rebby ang resibo mula sa babae at binasa ang king kanino nakapangalan ito.

Her eyebrow raised in confusion as she reads the small letters on the paper, forming a familiar name to her. It's when the woman inside the accounting station spoke she finally recognized who made the good deed.

"Kaano-ano niyo po si Art Lee? Iyon po ba iyong artista?"

Rebby flashed an awkward smile and excused herself. Dali-dali niyang kinuha ang telepono sa sariling bulsa saka tumipa roon ng mga numerong nasaulo niya kahapon lang.

It did not take long for the other line to answer.

"Hello-"

"I knew you would call me." Tono pa lang ng boses nito ay walang pagdududang si Art ang kausap niya.

"Nahihibang ka na ba? Anong pumasok sa isip mo at binayaran mo bills ng papa ko? Gusto mo bang magkaroon ako ng utang na loob sa iyo?" dire-diretso niyang bulalas sa kausap.

"I knew you're smart."

Nang marinig iyon ay napakunot ang noo ni Rebby hanggang sa maalala niya ang bawat salitang binitawan ni Art kahapon, ganoon rin ang ekspresyon sa mukha nito.

She knew something was off about him but she definitely did not expect it to turn out this way.

"Hindi ba sabi mo, kapag may utang ay dapat bayaran? Then pay me. Thirty-eight thousand in three days."

"Anong- Hello? Hello!"

***

Lies and debts...

Things we want to avoid but frankly, it's there to take.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status