Share

Common Denominator
Common Denominator
Author: LovElle

1) Once upon a girl

Lara's POV

"ANDREA LARA PEREZ!!"

Napakislot ako nang tawagin ng kaibigan ko ang pangalan ko.

"Ay, anak ng tipaklong! Bakit ba?" Pag-angal ko.

Wala ako sa sarili sa mga oras na ito. Nandito kami sa St. Francis Square, na lagi naman naming pinupuntahan pag kailangan namin ng cold air, what I mean is aircon. Usually tambayan na namin 'to, lalo na pag mahaba-habang vacant ang pagdadaanan namin. At ngayon nandito kami dahil kami ay nagme-merienda! Haha! Sosyal no? Merienda lang, SFS pa.

"Ang sabi namin mukha kang broken hearted!" Iyan si Mady. Ang echosera kong kaibigan na red hair. Her full name is Margarette Denise Lerman, ang kaibigan kong hot pero bruha.

"Oo nga, habang may buhay may pag-asa." Pagtawa ni Jackie. Her name is Jackielyn Ersena. Ang blonde hair chick pero boyish, isa pang loka. 

"Tse! Tigilan 'nyo ako kung ayaw n'yong maging pritong isda pag-uwi!" nanggigigil na sabi ko. Inirapan ko ang mga ito at sabay-sabay silang tumawa. 

Napabuntong hininga na lamang ako. Alam ko ang tinutukoy nila. Nakasalubong kasi namin kanina ang crush ko na si Edward. Matutuwa na sana ko na makita siya, kaso nakita ko may kalandian siyang babae. Argh! Nakakainis! Badtrip talaga! 

Ang akala ko kasi higit pa sa magkaibigan ang relasyon naming dalawa. Pero base sa nakita ko kanina, nagmukha lang akong tanga sa pag-expect ng mas malalim pang relasyon sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang mas tinamaan ang ego ko kaysa sa heart ko. Bakit ba lagi na lang ganito ang sitwasyon ko? Palaging epic failed pinapakilala sa'kin ni kupido! Kung hindi binabae, taken. Kung hindi taken, manloloko at sinungaling!

Sa totoo lang, gustong-gusto kong sakalin si Edward ngayon! Umasa na kasi akong sa wakas, sa 18 years kong pamamalagi sa mundo ay magkakaroon na'ko ng boyfriend! And yeah, that's right! You've heard it. Isa kasi akong certified at true blue "No Boyfriend Since Birth" at habang patanda ako ng patanda, ay lalo akong nagpa-panic na maging isang matandang dalaga. Oh my God!

WOW, OA. APPLAUSE.

May mga lalaki rin namang nagdaan na sa buhay ko na matino. Mark the word 'dumaan lang'. Kasi dumaan lang naman talaga eh! Yung literal huh! Malay ko ba sa kanila, nakaka-intimidate ata ang presensiya ko.

At heto na naman ako, idadaan ko na naman ang bagong kabiguang sinapit ko sa pagibig sa paraang maipapakita ko sa lahat ng tao na matatag ako. Kaya inaakala ng lahat na boyish ako, eh! Hays!

Hindi ko ugali ang mag-self pity, but I'm starting to feel like a loser. Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Then why?! Ang ganda-ganda ko kaya! Ang sexy ko pa! 

Pero seryoso, palagi ngang sinasabi sa'kin ng mga kaibigan ko na maganda ako, eh. True friends are always honest with you. Naniniwala ako do'n!

"But seriously, Andeng? Okay ka lang ba talaga? I mean, mas okay sa'min na maglabas ka ng rants mo kaysa parang manhid ka d'yan na hindi affected. Mas nakakatakot," ani Jackie.

"Malay mo hindi talaga siya affected?" Nginitian ako ni Mady bago tinaas-baba ang kilay niya na parang nagpapa-cute siya sa harap ko. Yuck!

"Ano'ng hindi?! Walanghiyang Edward na 'yon! May pa-humble humble man pa siyang nalalaman, malandi naman pala!" Napasigaw ako at agad na naman silang nagtawanan. Minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to. Mas masaya sila pag nagagalit ako. Mga baliw!

But the heck! Honestly speaking, inis na inis ako! Alam kong wala pa akong karapatang mainis dahil wala pa naman kaming relasyon kaya lang, pinaasa talaga ako ng Poncio Pilato na 'yon! Akala mo naman kung sinong guwapo! 

Okay. Sige. Guwapo siya pero wala s'yang karapatang gawin sa'kin 'to noh! Maganda ako!

"Marami pa namang iba diyan, Lara," komento ni Hazel.

"Oo nga, tama! Hindi si Edward ang nag-iisang lalaki sa mundo. Marami pang magkakagusto sayo, girl!" sang-ayon ni Cathy.

Meet Catherine Dela Cruz and Hazel Anne Torres, isa rin sila sa mga chicks na hopeless romantic. Mga sawi rin sa pag-ibig pero naniniwalang may dadating pang tamang tao para sa kanila. Gustong-gusto ko yung kulay brown-blonde nilang buhok pero wala eh. Hindi na nga ako kaputian, black haired pa ako. Kaloka.

I rested my arms on the table and lazily sipped my grape shake. "Sabihin n'yo, wala nang magkakagusto sa akin! Shuta! Nakaranas na kayong lahat ng first kiss pero ako until now wala pa! Kulang na lang next time na magkaroon ulit ako ng ka-mutual feelings, hahalikan ko na ora mismo para magkaroon no'n eh!" Nabilaukan si Mady sa kinakain niyang cake dahil sa sinabi ko. "Oh? Hindi ako manyak! Slight lang!"

"Bwisit ka, friendship! Malala ka na!" Natatawang sabi ni Mady sa'kin nang maka-recover sa pag-ubo.

"Ano ka ba, Lara?" Okay. 'Yan na si Rhea, bumabanat na naman. Her full name is Rhea Reyes, loka-lokang chicks din. Mabuti pa yung kutis niyang maputi binagayan yung dark brown niyang buhok. Ang blooming! Hays! Palibhasa napakakulay ng lovelife eh. Unfair talaga!

"Tao ako. Magandang tao." Pamimilosopo ko saka napabuntong hininga. "Hay buhay, ako na lang ang walang love life sa atin."

"Hoy! Ako rin kaya!" singit ni Cathy.

"Ulol mo girl!" Dahil sa sinabi ko, again, tinawanan na naman nila ako.

"Teka nga, Andrea Lara. Ikaw ba eh, nagse-self pity huh?" Lalong humaba ang nguso ko nang marinig ang tanong ni Mady.

"Palibhasa kasi kayo, may kanya-kanya ng love life! Ikaw Mady masaya ka na sa bago mong boyfriend. Si Rhea, masaya na kay Benj. Si Hazel, na-crush back ng crush niya. Si Cathy at Jackie naman, may kanya-kanyang sumusuyo sa kanila." Natahimik ako sandali. Grabe talaga, hindi ko talaga maiwasang isipin na parang lahat ng tao sa paligid ko ay masaya sa lovelife nila. Samantalang ako zero ang lovelife ko. Sobrang drain na ako, kailangan ko na ng kilig power!

"Nakaw, wala akong gusto doon baliw ka!" biglang sabi ni Jackie.

"Kahit kailan, hindi ko magugustuhan ang ulupong na 'yon kaya may karamay ka girl," sabi naman ni Cathy.

"At saka ano'ng sinasabi mong crush? Issue ka! Wala akong boylet ngayon 'no!" reklamo naman ni Hazel.

Hindi ko na alam kung anong dapat sabihin kaya natahimik na lamang ako.

"Gusto mo ba talagang magka-lovelife, friendship?" biglang tanong ni Mady.

Natigilan ako at sumagot. "Oh, bakit?"

"Nag-organize ng speed dating ang pinsan ko. Marami kang makikilalang lalaki 'ron!" Dagdag nito.

"Ayoko nga." Mabilis kong tugon.

"Hala, ayaw pa!" Hampas sa'kin ni Rhea.

"Haha! Choosy 'yan be!" Pang-aasar ni Hazel kaya pabiro ko silang inirapan.

"Hindi ah!"

"Eh bakit ayaw mo? Choosy pa you?" banat naman ni Jackie.

"Mga letche kayo!" 

"Eh bakit ba kasi ayaw mo?" tanong pa ni Cathy.

"Yeah, why not? I'll assure you mga guwapo ang mga guys do'n!" sabi pa ni Mady.

Tiningnan ko sila isa-isa bago muling napabuga ng hangin. "Baka naman kasi magmukha akong atat magka-love life n'yan."

With that, napatingin silang lahat sa'kin. Feeling ko, gustong-gusto na akong batukan ng mga 'to. 

"Swallow your pride, friendship! Maraming mga babae ang nakaranas na ng pinagdadaanan mo. You haven't gone through the worst of it kaya normal lang 'yan," komento agad ni Mady nang maka-move on sa sinabi ko. Instead of answering her, I just shrugged and then sipped again my grape shake. Hindi na rin naman nila ako kinulit pa dahil nagkanya-kanya na silang topic. Siguro napansin din nila na wala talaga ko sa mood makipag-usap for now about that issue.

Madalas mapuna ng mga kaibigan ko ang pagkakaroon ko ng mataas na pride. Pero seriously, hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin tuwing may magpapakita ng interes sa akin. Kung makikipag-flirt ba ako o pahihirapan ko pa sila?

Masama bang maging matatag? Aminado akong boyish ako kumilos pero taglay ko pa rin naman ang puso na katulad ng kay Eba na ang hangad lamang ay mahanap ang aking Adan. 

Yawa! Ayoko nang magdrama nagiging makata na ako!

Masaya na naman ako sa buhay ko eh. Nasa akin na ang lahat. Mapagmahal na pamilya, marangyang buhay, tunay na mga kaibigan. Kung tutuusin nga dapat wala na'kong hanapin pa, pero hindi ko maiwasang isipin na sila merong lovelife, ako walang-wala.

Pero syempre naniniwala pa rin naman akong matatagpuan ko rin ang lalaking magmamahal sa akin. Iyong tipo ng lalaking ipagmamalaki ako, kung ano at sino ako. And I'm ready to start that quest, to find that guy, my Mr. Right. 

"Gals, uwi na lang ako. Masama pakiramdam ko." Paalam ko bago ako tumayo. Nagkatinginan muna sila bago tumingin sa'kin. You know, this is not the first time na nangyari ang ganitong moment. Ako kasi yung tipo ng taong mas gustong mapag-isa pag may iniisip na problema then saka na lang magpapakasaya pag medyo cool down na. Kung hindi ko rin kasi gagawin 'yon, madalas sila ang napagbubuntungan ng inis at rants ko at ayokong mangyari 'yon. 

Saglit silang natahimik pero nakangiti silang lahat sa'kin.

"Ingat ah? Kami na bahala sa prof. natin," sabi ni Mady at nagkanya-kanya na silang paalala sa'kin. Since mahaba-haba pa ang vacant namin, nagpasya silang magpaiwan na lang doon kaya nag-start na akong maglakad palabas ng SFS.

Hay buhay! Lara, last na 'to huh! Last na pagse-self pity mo na 'to! 

As I was walking, my phone just vibrated. Nag-message sa'kin si bruhilda. 

"Hoy! 'Wag kang baliw huh! Pag naisip mong tumalon mula sa bintana ng room mo 'wag mo nang ituloy! Mas may maganda akong suggestion sayo, uminom ka ng lason mas effective 'yon! Ingat seeyah tomorrow! Pag 'di kita nakita bukas, ako mismo papatay sayo! Lovelots!" 

From: Mady Maldita

Natawa ako nang bahagya. Abnormal talaga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status