Share

4) Is it a problem?

Lara's POV

"Nakakabwisit talaga!" inis na sigaw ko.

Walang katapusan ang pagrereklamo ko sa mga kaibigan ko nang magpunta kaming foodcourt ng SFS, ang aming official na tambayan pagkatapos ng class hours. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang binanggit ang dalawang salitang iyon, pero iisa lang ang alam ko, sukdulan talaga ang pagkainis ko sa bwisit na lalaki na 'yon! Ipakulong ka ba naman!

"Napakawalang puso niya! Buti pa ang saging may puso, siya wala!" dagdag ko.

"Edi namatay na siya? Wala siyang puso, eh." Nagsimula na naman mamilosopo si Rhea. Imbes na pansinin ay inirapan ko na lang siya. Sinalo yata lahat ng babaeng 'to ang kapilosopohan na kinalat sa mundo. 

"Friendship, tama na 'yan." Paghawak ni Mady sa balikat ko. 

"No! Pakiramdam ko, minolestiya ako ng mga lalaki doon sa presinto. Muntik ko na ngang upakan 'yong isang pulis na kung makatingin eh parang huhubaran ako! Buti na lang, hindi ako ikinulong kasama ng mga nakakakilabot na tao ro'n. Naku talaga! Kapag nakita ko ulit talaga ang lalaking 'yon, mata lang niya ang walang latay--"

"At lintik lang ang walang ganti." Halos sabay-sabay na sabi nila.

Sinamaan ko sila ng tingin dahil hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Hindi na ako magtataka na alam na nila iyon dahil kanina ko pa paulit-uit na sinasabi ang linyang 'yon.

"Baka meant to be kayo, friendship! 'Yon na lang ang isipin mo!" ani Mady.

"Oo nga be, agree ako diyan!" sang-ayon ni Hazel dito.

"No way! We're not meant to be! Sa palaka siya bagay!" angal ko.

"No way, no way ka pang nalalaman diyan! Gusto rin naman," asar ni Jackie.

"Ewan ko sayo, Jackie!"

"Pero Larabels, isipin na lang natin yung good side. Malay mo siya na nga talaga 'di ba?" Napakunot ang noo ko. Himalang seryosong nagsalita si Rhea. 

"What do you mean?"

"Wow! Lutang lang? Isipin mo nga, hindi ka nakarating sa speed dating dahil siya talaga ang para sayo, hindi ibang lalaki," dagdag nito kaya mas lalong napakunot ang noo ko. 

"Oo nga, tama siya!" Isa pa 'to si Cathy ginagatungan si Rhea. 

"Kaya nga, possible 'yon!" Pangungumbinsi pa ulit ni Hazel kaya tuluyan na akong natahimik. 

Napaisip ako bigla sa mga sinabi nila. Hindi ko na naabutan ang speed dating. Ang sabi ng pinsan ni Mady, na siyang organizer ng event, naging successful daw ang event dahil lahat ng mga kasali ay umuwing may ka-date. Nanghinayang ako. Kung hindi sana ako nakadisgrasya ng kotse noong araw na 'yon, umuwi rin sana akong may partner. Hays!

Lalo akong nakaramdam ng inis sa lalaking nagpakulong sa akin. Hindi man lang niya ako binigyan ng konsiderasyon!

"Kung siya rin lang, magmamadre na lang ako!" inis na sagot ko.

"I can feel it, friendship! Wag puro inis intindihin mo, alalahanin mong sinabi mo rin sa amin na ang guwapo no'n!" singhal ni Mady sa'kin.

"Oo pero--"

"Edi bagay kayo! Tapos! The end, gano'n!" Maldita talaga itong si Mady. Lagi na lang akong kinokontra.

"Yieee! May lovelife na siya," pang-aasar na naman ni Jackie.

"Adik ka ba?" Akala ko mapipikon ito pero tinawanan lang ako ng bruha!

Naisip ko na naman ang lalaking bwisit na 'yon. Napulot ko kasi ang cellphone niya sa tabi ng kotse ko. Hindi niya ata napansin na nahulog 'yon nang katukin niya ko sa kotse ko. Ibibigay ko sana iyon sa pulis na humawak sa kaso ko, pero nakalimutan ko nang gawin 'yon sa takot na magpalipas ng gabi sa presinto. Nalaman kong Cliff pala ang pangalan niya nang sagutin ko ang tawag ng isang lalaking nagngangalang "Kuya Zeke" sa cellphone niya. 

Pero kahit na alam ko na ang pangalan niya, hindi ko maatim banggitin iyon. Sobra talaga ang pagkairita ko sa kanya. Sinira niya ang lahat--lalo na ang pangarap kong makatagpo ng Mr. Right sa speed dating!

"Pero mabait naman si Mr. Handsome Cliff, 'di ba? Sabi ng pulis, binawi rin niya agad yung reklamo kaya nakalabas ka agad ng presinto," komento bigla ni Cathy.

"Oo nga! In fairness, at least hindi mo na kailangang gumastos para ipagawa ang kotse niya," dagdag naman ni Hazel.

"At kotse mo na lang ang proproblemahin mo," ani Rhea.

Natahimik ako sa sinabi nila. Sa pagkainis ko sa lalaking 'yon, hindi ko na naisip pa ang consolation ko sa nangyari. Dahil sa ginawa niya, hindi ko na kailangang maglabas ng malaking halaga ng pera at mas naging maingat na ako sa pagdra-drive. Nakakadala eh!

Naalala ko pa kung paano niya ako tiningnan. Kakaiba ang feeling ko nang mga time na 'yon. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng panginginig ng mga tuhod dahil sa mga tingin niya. Iba talaga eh.

Napailing ako. Enough fantasizing, Lara! Siguro nga ay hindi pa nakatakdang magpakita ang lalaking para sa'kin. Siguro nga maging kuntento na lang ako sa kung ano'ng meron ako ngayon.

Hmm.. Pero kailan ko nga ba iyon makikilala? Ang Mr.Right ko? Kailan nga ba?

Kapag maputi na ang buhok ko?!

"Noooo!"

Dahil sa biglang pagsigaw ko, gulat na napatingin ang mga bruha kong kaibigan sa'kin.

"May problema ba, friendship?" tanong ni Mady. 

Gusto kong umiling pero bigla kong naalala ang isa ko pang problema. Saan naman ako pupulot ng lalaking maihaharap ko sa end semester party ng school namin? Sinabi ko kay Edward na may ipapakilala ako! Patay ako nito!

"Actually, girls. I have a problem," sabi ko sa kanila at nagpalitan ng tingin ang bawat isa sa amin.

--

Cliff's POV

Three days already passed and I had a problem. Hindi na daw makakakanta pa sa annual party si Claudine dahil mangingibang bansa na siya.

Paano 'to ngayon? Sinong singer ang kukunin ko para sa party? Kaunting oras na lang ang natitira sa'kin dahil malapit na ang tournament. I'm badly needed to find a singer as soon as possible or else, ako ang magiging panandaliang entertainer ng mga co-members ko sa basketball department ng society. 

Just eww! Kinilabutan ako doon huh! Ano ba 'tong pinag-iisip ko!

Nandito ako ngayon sa BHS. Naisipan kong tawagan si Raffhael para tulungan niya ako sa problema ko. Akmang kakapain ko na sana ang bulsa ko nang may bigla akong maalala.

"Tsk! Wala nga pala akong cellphone," inis na bulong ko sa sarili. Nandoon pa naman lahat ng importanteng contacts ko. Paano ko makukuha ang phone ko sa babae na 'yon? 

"Sir? May problema ba?"

Napatingin ako sa nagsalita. Buti na lang hindi ako magugulatin. Bigla na lang ba namang susulpot.

"Oh, ikaw pala Sel."

Si Selene lang pala, ang intern chef ng Precious Paradise.

"Wala naman," dugtong ko at simple akong ngumiti.

"Ah sige po, Sir. Mauna na po ako."

"Sige."

Lumakad na si Selene at nalampasan na ako nito nang may bigla akong maisip.

"Wait, Sel." Tinawag ko ito at lumingon naman agad siya.

"Bakit po, Sir?"

"May dala ka bang phone? Makikitawag lang ako."

"Ah, yes po." Agad na kinuha nito ang cellphone niya at inabot ito sa akin. "Here po." 

"Just wait for a minute, okay?" sabi ko at tumango naman si Selene. I planned to call Raffhael pero imbes na number niya ang i-dial ko, I found mysef typing my own cellphone number.

Bahagya akong natigilan. Nagri-ring ito. Maya-maya lang, hindi nga ako nagkamali. Sinagot ng isang babae ang tawag ko.

"Hello?"

"Miss, ibalik mo na ang cellphone ko." Bungad na sabi ko sa kanya.

"Hoy, Cliff! Hindi ko tinatago ang cellphone mo ah! Sayong-sayo na!" Automatic na nailayo ko nang kaunti ang phone sa tenga ko. Grabe kung makasigaw ang babaeng 'to.

Pero imbes na mainis ako, bigla rin naman akong napangiti nang maisip kong binanggit niya ang pangalan ko.

"So, kilala mo na pala ako?" Hindi ito kumibo kaya tumikhim ako at pinilit i-compose ang sarili ko bago muling magsalita. "Miss Andrea Lara Perez, right? Can you please give me back my phone?" Maayos na ulit ko. Nalaman ko ang buong pangalan niya sa pulis na umasikaso sa kasong isinampa ko sa kanya. Hindi ko naman talaga intensiyon na makulong siya nang gabing iyon. Gusto ko lang talagang turuan siya ng leksiyon. Siguro naman hindi ako nabigo na ipaintindi 'yon sa kanya.

"Oo na, ibibigay ko na. Mamaya ipakulong mo na naman ako." Medyo huminahon na rin ang kanyang boses habang sinasabi iyon. I don't know why but I suddenly smile. I just imagine how annoyed she was looked at this moment. 

Pilit kong kinompose ulit ang sarili ko at ginawang seryoso ang boses ko. "Hindi ba sinabi ko naman sayo, I was just teaching you a lesson."

"Hndi ka naman professor para turuan ako, noh!" agad na angal nito kaya bigla akong natawa.

"So?"

"Nasa'n ka ba? May sa malas yata 'tong cellphone mo. Dahil sa tawag mo, nasira ang napakagandang araw ko. Ibabalik ko na!"

"Sa Bulacan."

"Huh?! Napakalayo naman!"

"Oh, bakit? Ano naman?"

"Tangek! Ang layo kaya! Ano'ng feeling mo chicks ka para puntahan kita ng gan'yan kalayo?!"

Natawa na naman ako. Sabi na nga ba't magrereklamo itong maton na 'to. Tinawag pa kong 'Tangak? tangik? tanguk' Ay ewan! Hindi ko alam.

"Sa iba na lang kasi, ang layo ng Bulacan eh!" parang batang pagmamaktol nito. Napaisip ako, kung doon na lang kaya sa isang branch namin?

"Oh, sige. Sa Commonwealth na lang."

"Saan doon?"

"Sa Precious Paradise."

"Ahh, sige sige. Alam ko 'yon, mga two hours nandoon na ako. Psh! Pasalamat ka wala na akong klase!"

"Okay, wait for me there--" Natigilan ako dahil pinatayan ako nito ng tawag. This girl is crazy.

"Here. Thanks." Inabot ko pabalik kay Selene ang cellphone niya.

"Welcome po. Tinawagan n'yo po ang girlfriend n'yo noh?" sabi nito habang may makahulugang ngiti sa labi at kinuha ang phone niya. "Napansin ko kasi kanina parang problemado kayo pero ngayon, maganda na ulit ang mood n'yo," dagdag nito at hindi ko maiwasang mapailing.

Naging terror kasi ako kanina nang mabalitaan ko ang problema. Nadamay pa ang mga staff namin sa Precious Paradise sa init ng ulo ko. Pero okay lang, dahil mukhang sanay na sila pag nagkakaganoon ako. Kaya nga lang in result, naninibago naman sila pag ngumingiti ako bigla. Hindi ko nga rin alam eh, kahit ako naninibago sa sarili ko. Baliw na nga ata ako.

Ngumiti na lang ako at malumanay na sumagot. "Get back to work, Sel."

"Yes, Sir."

Nang maiwan akong mag-isa ay hindi ko maiwasang mapaisip. I didn't know why but I was looking forward to see that crazy girl again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status