Share

9) In Return

Lara's POV

Paalis pa lang ako ng room namin dahil kakauwian pa lang namin sa last subject nang makatanggap ako ng tawag. Hindi naka-save ang name ng caller kasi kapapalit ko lang ng cell phone eh. Kaya nga lang sa kasamaang palad, hindi naka-save sa sim card ko ang dating contacts ko. 

Tinitigan kong mabuti ang numero. Sino kaya itong tumatawag sa'kin?

"Hoy, friendship! Kanina pa tunog ng tunog 'yang phone mo! Sagutin mo kaya!" biglang sabi ni Mady. Ay! Hindi ko pa pala nasasagot. Pinindot ko ang answer button at agad itinapat sa tenga ko ang telepono.

"Hello? Sino 'to?" mataray kong tanong. 

"Lara, si Cliff 'to. Remember?" Pagbungad naman sa'kin ng nasa kabilang linya.

Four days pa lang mula nang huli kaming magkita kaya bakit ko siya makakalimutan?

"Cliff?" Binanggit ko ulit ang pangalan nito gamit ang mahinang boses para makasigurado.

"Yeah, it's me. Can we talk?" sabi pa nito. 

"Tara, SFS!" Napatingin ako kay Hazel nang marinig ang sinabi nito.

"Oo nga, makiki-wifi ako!" dagdag naman ni Rhea. "Ikaw, Larabels?"

Itinaas ko ang kamay ko and I give a sign to her. "Wait lang."

"Wag niyo munang istorbohin, may kausap pa." pang-aasar ni Jackie.

"Ayieeeeee!" Bigla na lamang tinusok ni Cathy ang tagiliran ko kaya napangiwi ako. Daming alam!

"Si Cliff 'yan 'no?" tanong ni Mady. Nilayo ko muna sandali ang cell phone bago siya sagutin.

"Oo, saglit lang, ha?"

Hindi na ako kinulit ng mga ito pero sabay-sabay naman silang nagtawanan. Lalo na sina Mady at Rhea na parang nangingisay pa habang tumitili. Natawa na lamang ako. Mga baliw talaga.

"Hey, bakit ang ingay? May kasama ka ba?" tanong ni Cliff kaya napabalik ang atensiyon ko rito. 

"Yeah, friends as natural." Hindi ko na lang pinansin ang mga kaibigan ko at nakangiting kinausap na lamang si Cliff. "Bakit ka pala napatawag?"

"As I said, can we talk?"

"Nag-uusap na tayo," pagak kong sabi rito.

"No. I mean, in person." Automatic akong napahawak sa bibig ko. Bakit ang guwapo pakinggan kapag sinasabi niya iyon? Kainis, ha!

"Hoy! Ano'ng sabi?" Bahagyang hampas sa'kin ni Mady.

"Kaya nga, kitang-kita naming pumapalakpak tenga mo!" ani Jackie at nagtawanan na naman sila. 

"Sshh! Quiet lang!" Natatawa kong saway sa kanila bago binalikan ang kausap at pakipot na nagtanong. "Bakit?"

Nagsilapitan ang mga kaibigan ko sa akin at pilit na pinakinggan ang sinasabi ni Cliff. Dahil nasisikipan, tinulak ko sila at sinamaan naman agad nila ako ng tingin. 

"Loudspeaker mo!" utos ni Mady. 

"Dali na, girl!" segunda pa nila Cathy at Hazel. Ang haharot!

Natatawa akong umirap bago pinindot ang loudspeaker. 

"Lara?" Muling pagtawag ni Cliff sa'kin. "So, can we meet?" Dagdag nito na nadinig ng mga kaibigan ko kaya muli na naman silang nagsitalunan na parang mga rabbit. Kinikilig ako pero mas kinikilig pa yata ang mga kaibigan ko. Jusmiyo!

"Ha?--Aray!" Peste! Hinahampas na naman ako ni Mady.

"Are you okay?" Sinamaan ko ng tingin si Mady pero tinawanan lang ako nito. Pabiro ko itong binantaan bago muling balingan si Cliff.

"Sorry, ang kukulit kasi ng mga tropa ko. Ano ulit 'yon?"

Narinig ko ang pagtawa nito bago sumagot. "Can we meet?"

Shitness! Tumawa ba talaga siya? Ipinilig ko ang ulo ko para makapag-focus. 

"Bakit? Ano'ng meron?"

"May pag-uusapan tayo. Pumunta ka sa Precious Paradise, okay?" He said it with a voice full of authority.

"Oh my--Larabels!" hiyaw ni Rhea. 

"Friendship, go na!" dagdag pa ni Mady. Sa hindi malamang dahilan, bigla akong nakaramdam ng kaba. Dahil ba makikita ko na naman si Cliff sa personal?

"Teka? As in ngayon na?" paninigurado ko. 

"Yes. No doubts, okay?" sagot nito. At dahil doon, halos maglupasay na ang mga kaibigan ko sa kakahiyaw dahil sa kilig.

"Eh kakauwian pa lang namin, paalis pa lang kami ng school. It's 6 pm already. Baka ma-late ako ng uwi niyan."

"Just don't go elsewhere. Hihintayin kita. See you then."

"Teka--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinatayan na ako nito ng tawag. Biglang naglaho ang kilig na nararamdaman ko. Bwisit! Ayoko pa naman sa lahat pinagbababaan ako ng cell phone, at iyon ang ginawa nang kumag na 'yon. Ni hindi man lang nagpaalam sa'kin! Masyadong demanding ba? Hindi 'no! Saan kayang planeta nanggaling ang lalaking 'yon at hindi marunong ng tamang manners sa pakikipag-usap sa cell phone?!

"Hoy, Lara! Ano na? Wala ka nang kausap 'di ba? Bingi ka pa rin?" Natatawang asar sa'kin ni Jackie kaya napaismid ako rito.

"Ano'ng nangyari?" Lumapit sa'kin si Mady at hinawakan ako sa balikat.

"Bakit nakasimangot ka na d'yan?" tanong naman ni Hazel.

"Bwisit kasi! Binabaan ako ng tawag!" Inis kong sabi but to my suprise tinawanan lamang ako ng mga kaibigan ko. "What? Ba't kayo tumatawa?"

"C'mon, girls! Punta na tayong SFS. Hayaan na natin si Larabels d'yan." Pag-aaya ni Rhea at nag-ready na nga ang mga ito para umalis. 

"Oo nga, tara na! Bye, Andeng!" sabi pa ni Jackie na nauna nang lumabas ng room. Seryoso ba silang iiwanan nila ako?!

Hindi makapaniwalang pinanuod ko na lamang sila na isa-isang nagpaalam sa'kin. 

"It's okay, girl. Next time ka na lang sumama. Puntahan mo na si Cliff." Ngumisi sa akin si Cathy at sumunod na kina Rhea at Jackie. 

"Una na kami, Andeng. Ingat ka sa biyahe, okay?" sabi naman ni Hazel at lumabas na rin. 

Lumapit sa'kin si Mady para magbeso kaya mas lalo akong napasimangot. "Hoy, Mady! Ano? Pati ikaw iiwanan mo 'ko?"

"Ang drama mo, friendship! Alalahanin mo ang sinabi ni Cliff. 'Wag ka nang pumunta kung saan pa para hindi ka gabihin. Hihintayin ka nga raw niya 'di ba?" sagot nito. Bigla akong napangiti sa hindi maipaliwanag na dahilan. "Ohshi! Lara to earth!"

"Oh?" Natawa na lamang ako nang marinig ang unique na expression ni Mady.

"See? Daydream ka na agad. 'Wag mong bitinin hormones mo, okay? Makipagkita ka na. Go!" Pinisil nito ang pisngi ko. 

"Mady! Tara na, kinikilig pa pempem n'yan 'wag mong istorbohin!" Narinig kong sigaw ni Rhea at natawa naman si Mady dahil dito. 

"Ipagdadasal ko talagang maghiwalay kayo ng jowa mo!" sigaw ko pabalik pero humalakhak lamang ito na parang hindi babae. Abnormal talaga. 

"Bad ka friendship!" Tumatawang saway ni Mady. "Sige na, aalis na kami. Text ka na lang, ha? Update mo 'ko!" Naglakad na ito paalis kaya napailing na lamang ako habang may ngisi sa labi. 

Talaga naman oo. Hindi pa nga ako pumapayag sa sinabi ni Cliff, iniwan na agad ako ng mga bruha. Mga bugaw.

Maingat kong inayos ang mga gamit ko bago lumabas. Habang naglalakad, maya't maya ang pag-check ko sa cell phone ko. Nagdadalawang isip ako kung imi-message ko ba si Cliff or hindi. Pero sa huli, nag-type pa rin ako at sinabi kong hindi ako pupunta.

Pigil ang hiningang pinindot ko ang send button. Shitness lang! Ano ba 'tong ginagawa ko? Iniwan na nga ako ng mga kaibigan ko para makipagkita kay Cliff tapos hihindi ako? No choice na. Bahala na, sabi nga ni Mady, go lang nang go! 

Nako! Kunwari ka pa Lara, deep inside gusto mo rin namang makipagkita!

Ipinilig ko ang ulo ko. Inaaway na naman ako ng isip ko. Inis akong nag-type ulit ng panibagong message at sinabing "joke lang" ang nauna kong mensahe. Teka nga! Bakit parang ang pabebe ko?

"Ano ba 'yan!" Inis kong reklamo at pagkatapos ay pinulot ang nabitawan kong cell phone dahil may biglang bumangga sa akin. Sinuri ko ito kung may gasgas or sira at pinagpagang mabuti. Kaybago pa lang nito pero heto at nabinyagan na agad ng sahig! "Ayaw kasing tumingin sa dinadaanan!"

"Ahm, sorry. Pero busy ka kasi sa cell phone mo kaya--" Naiinis na lumingon ako sa lalaking nakabangga ko. Pero mabilis na nagbago ang reaksiyon ko nang makitang si Edward pala ito.

"Ah, ikaw pala. Pasensya na! Kausap ko kasi siya. Alam mo na, magkikita kasi kami ngayon." Tumawa ako at nakita ko ang pag-rehistro ng lungkot sa mukha niya. "May problema ba?"

"Wala naman. Ayain sana kita gumala kaso may lakad ka pala." Ayan na naman siya sa mga pa-fall moves niya. D'yan ako kilig na kilig dati jusmiyo! Hay nako, Edward!

"Pasensiya na, hanap ka na lang ng ibang kasama. Okay lang naman 'yon 'di ba?" Inosente akong tumingin sa kanya at umiling ito. 

"Ikaw lang gusto kong kasama eh." Saglit akong natigilan sa sinabi nito. "Sige na, baka hinihintay ka na ng fiance mo." Nakangiting dagdag pa ni Edward. Hindi ko malaman kung ano ang magiging reaskyon sa sinabi niya kaya tumalikod na ako at naglakad palayo nang hindi man lang nagpapaalam. 

Nagsimula akong mataranta. Kumakabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Puso ano ba! Sabi ko mag-move on ka na kay Edward! Nang-uuto lang 'yan, gusto mo na naman bang umasa?

"Lara!" Nagulat ako dahil narinig ko na naman ang boses nito na sinigaw pa ang pangalan ko. Unti-unti, nilingon ko siya habang nakangiti ng pilit.

"Bakit?"

"Sabihan mo ako next time if free ka, ha? Kung okay lang sa kaniya, sana mag-bonding pa rin tayo kahit minsan. In return, I promise you hindi ka na mabo-bored kasama ako," sabi nito. Nag-thumbs up na lang ako dahil wala akong maisagot. Nakakainis na proposal, inaakit na naman ako!

Biglang nag-ring ang cell phone ko at agad ko itong sinagot nang makitang tumatawag si Cliff. 

"Oh?"

"Where are you? Susunduin kita." Natahimik ako nang marinig ang tanong nito. Makikipagkita ba ako? "Hey, Lara? You coming or not?"

Saglit akong napaisip at tiningnan si Edward na nakakunot ang noo habang pinapanuod akong may kausap sa cell phone. Nangyari na rin ito dati, but this time, hindi ko na ito gawa-gawa lamang dahil totoong may kausap na akong lalaki na gustong makipagkita sa'kin.

Lihim akong napabuntong hininga. Ayokong magpakatanga at umasa ulit sa taong walang kasiguraduhan. At lalo na sa manloloko at sinungaling na katulad ni Edward. Mabuti na lamang at niligtas ng phone call ni Cliff ang marupok kong puso na unti-unti na namang nauuto. Hay buhay! Pambihira ka talaga, Lara!

"Palabas na ako ng campus, babe! Saan mo ba ako susunduin?" masigla kong sabi. Pagkatapos ay kumaway at nagpaalam ako kay Edward nang may ngiti sa labi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status