Share

13) Who's at fault?

Kalahating oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin mahagilap ang cellphone ko. Bigla akong kinabahan. Kabibili ko lang kasi noon at for sure pagagalitan at sesermunan na naman ako ng parents ko pag nalaman nila na nawala ko ito.

Nilapitan ako nila Miho at Ate Josh dahil napansin na nila ang pagkabalisa ko. Sinabi ko na rin sa kanila ang problema at ipinagtanong ko kaagad sa lahat ng kasama namin kung nakita ba nila ang cellphone kong polkadots ang design ng case, pero wala raw silang napansin. Naku naman! Saan naman kaya napunta 'yon?

Hinanap ko ito nang hinanap at tinulungan na rin ako ng iba pa. Hanggang sa matapos na ang practice, isang beses ko pang hinalungkat ang bag ko pero wala talaga ito dito.

"Hindi mo pa rin makita?" tanong ni Cliff na kasalukuyang nasa tabi ko na pala.

Napabuntong hininga ako. "Oo, sayang--" Biglang nanlaki ang mga mata ko nang may maisip. "Shitness! Hindi kaya nailagay ko pala 'yon sa bulsa ko bago umangkas sa motor mo?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status