Share

3) Lucky Or Not

Nagmamadali ako. Sa kamalas-malasan, umulan pa ngayong hapon kaya buhol-buhol na traffic ang inabutan ko. Nag-expect pa naman ako na mabilis lang ako makakarating dahil dala ko ang itim na kotse ko at hindi ako nag-commute.

Yup, marunong na akong mag-drive at may kotse na akong sarili. Just like I said, I came from a good family. Pero hindi naman sobrang yaman, may kaya lang gan'on. I just turned 18 last month at registered driver na rin ako kahit papaano dahil 16 pa lang ako tinuturuan na ako ni Daddy magmaneho. Tamad lang talaga ako mag-drive kaya madalas nagta-taxi ako.

Napatingin ako sa relo na suot ko. Dapat talaga aalis ako nang maaga eh. Natagalan lang talaga ako sa pagpili ng tamang isusuot ko. Puro kasi shirt at jeans ang mga damit ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga pambabaeng damit kaya kailangan ko pang daanan si Mady para masamahan akong mag-shopping kanina ng damit. Siya rin ang nag-makeup at namili ng purse na gagamitin ko. At nang tingnan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ako makapaniwala sa transformation na nakita ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis, lalo na nang pagtawanan ako ni Mady kanina. Hindi kasi ako komportable sa pagbabagong iyon. Pakiramdam ko ay napakarami ko ng balat na naipapakita dahil sa suot ko na itim na empire-waist dress.

Dahil sa tagal ng paghahanda namin ni Mady, kaunting oras na lang ang natitira sa'kin para hindi ma-late sa pagpunta sa speed dating. Ngunit kalahating oras na ang lumilipas, hindi pa rin umaabante ang mga sasakyan. Kung magpapatuloy 'to, sure na mahuhuli ako sa pagdating at baka wala na akong maabutan. Stranded na ko dito! Ba't ba kasi ngayon pa nagka-traffic?!

"Shitness! Mas mabilis pa akong maglakad nito, ah! Sayang sa gasolina."

Tuluyan na akong nainip sa traffic kaya bumusina ako sa katapat na sasakyan. Nang umabante iyon ng kaunti, sumingit ako sa ibang lane kung saan mas mabilis ang daloy ng mga sasakyan. Maayos na akong nakasingit at nag-drive paabante pero laking gulat ko nang may sumulpot bigla na sasakyan sa daraanan ko.

"F*ck!" Napamura ako sa pagkabigla. Ang sakit ng noo ko!

Mabuti na lang, natapakan ko agad ang preno. Sa lakas ng impact n'on, nauntog ako sa manibela. Pero hindi ko inalala iyon dahil may nakita akong mas nakakatakot.

"Oh my--"

Napailing ako nang makita ang yupi sa harapan ng sasakyan ko.

"Shitness! Ang malas talaga!"

Hindi sinasadya napalingon ako sa nabangga kong sasakyan. Automatic na mula sa pagkainis ay nabalot na ako ng takot. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang model ng sasakyang iyon. 

Mas higit na mahal ito at mas malala pa kasi ang tinamo n'on dahil ang parteng gitna ng sasakyan ang nabangga ko. Shuta! Mukhang mamahalin ang nadisgrasya kong sasakyan. Parang ayoko na tuloy bumaba. Ano'ng gagawin ko?!

Maya-maya lang, isang lalaking galit na galit ang mabilis na bumaba ng sasakyang iyon. Lumapit ito sa sasakyan ko at marahas niyang kinatok ang tinted na salamin na nasa gilid ko. Kahit hindi ko naririnig, alam kong paulit-ulit niya akong isinusumpa. Bakit hindi? Mamahalin kaya ang sasakyan niya na nabangga ko!

Napatampal ako sa sariling noo. Lara naman! Imbes na magmadali, mas lalo pa akong gumawa ng problema!

Kagat ang ibabang labing bumaba ako ng sasakyan. Kahit mataas ang pride ko, inaamin ko naman ang pagkakamali ko. At sa sitwasyong ito, aminado akong ako ang nagkamali. Hindi ko pwedeng sabihin 'to sa parents ko dahil malalagot ako. No choice ako kundi gamitin ang sarili kong pera. Siguradong malalagas ang naipon ko!

"Look at what you did, Miss--"

Nakayukong humingi ako sa kanya ng paumanhin. "Pasensiya na. Bigla na lang kasing sumulpot 'yang sasakyan mo."

Inaasahan ko nang makakatanggap ako ng maaanghang na salita mula sa kanya, pero sa pagtataka ko, ilang segundo muna ang lumipas bago ko narinig na nagsalita siya.

"Alam mong hindi makukuha sa pasensiya ang ginawa mo, Miss." Napalunok ako dahil madiin at nakakatakot ang pagkakasabi nito.

Doon lang ako naglakas-loob na tingalain siya. Malakas na kumabog ang dibdib ko. Hindi dahil sa nakikita ko ang sarili na malapit na akong maipatapon sa presinto sa oras na ireklamo niya ako, kundi dahil sa mala-Greek God na itsura ng lalaking nasa harap ko.

Kahit boyish ako, I had to note that this man was incredibly handsome! Matangkad na ako kung maituturing pero mas matangkad siya sa akin at may maganda itong pangangatawan. Humuhubog sa katawan niyang tila alaga sa gym ang suot niyang half-sleeved polo. Bumagay pa rito ang abot-balikat na buhok niya pati na rin ang makakapal niyang kilay.

Biglang nag-init ang pisngi ko at hindi ako makapagsalita. Para akong nalulunod sa mga mata niya. The expression in his eyes was hypnotic as he gazed at me. 

Hala naman, Lara! Hindi ito ang tamang oras para lumandi!

Muli akong napalunok. "I-I-I'm sorry," nabubulol na sabi ko. Bakit ba namimilipit ang dila ko sa harap niya?! Nakakainis naman!

"N-Nagmamadali na kasi ako, eh. Hindi ko napansin 'yong sasakyan mo," dagdag ko. 

"Pare-pareho lang tayong nagmamadali, Miss. Kitang-kita na nasa right way ako. Hindi tama ang ginawa mong pagliko nang walang signal," sagot nito kaya napabuntong hininga ako. 

"Hindi ko naman tatakasan ang responsibilidad ko sa nagawa ko sa sasakyan mo. At saka inaamin ko namang mali ako."

"Good. So, you're willing to pay for damages?"

"O-Of course. So, how much will it cost?" Palihim kong kino-compute na sa isip ko ang katakot-takot na gastos sa pagpapaayos ng sasakyan niya. Pero natigilan ako sa biglang itinanong nito.

"Miss, may date ka ba ngayon?" Nagulat ako nang hawakan nito ang braso ko. Nalilitong sinalubong ko ang maiitim na mata niya. Lalong kumabog ang dibdib ko sa pagkakalapit ng katawan namin.

"H-huh?"

"I said, do you have a date this evening?"

Para wala nang away sinagot ko siya. "Yes. Ahm, may speed--" Natigilan ako bigla at nanginig ang mga tuhod ko sa titig na ibinigay nito sa akin. "B-Bakit?"

"That's good to hear. Dahil iba ang kabayarang naiisip ko." Pagkasabi niya noon ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"W-What do you mean?" Bigla kong niyakap ang sarili ko. Dumako ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. May pagnanasa ba siya sa'kin?! Wow grabe! Hindi ako isang bayarang babae!

Nagkasalubong ang mga kilay nito bago muling magsalita. "Look, Miss, nakikita mo naman yung traffic 'di ba? Ayokong makaabala sa iba kaya bago pa lumala yung traffic nang dahil sa atin, magkita na lang tayo sa presinto."

Ay sayang! Akala ko pa naman type niya ako. Mag-behave ka nga self!

Pero teka ano'ng sabi niya? 

Muling nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ang sinabi nito.

"P-Presinto? B-Bakit? You can't do that!"

Hysterical na sabi ko. Late na ako sa speed dating at siguradong hindi ko na 'yon maaabutan kapag idinaan niya sa batas ang lahat.

"I can. And I'm going to teach you a lesson, Miss." Binitawan niya na ang braso ko pagkasabi noon at kinausap niya ang parating na traffic enforcer.

Mukhang sa presinto nga ang kahahantungan ko ngayong gabi. At naging final iyon nang kausapin ako ng traffic enforcer.

"Shitness," inis na bulong ko.

"Did you say something?"

"Nothing!" Anak ng! Bulong na nga rinig pa. Shitness talaga!

Paulit-ulit pa akong napamura sa isip ko habang ang lalaki naman ay umalis na dala ang napinsalang sasakyan niya.

Ni hindi man lang niya ko binigyan ng pagkakataong panagutan ang nagawa ko sa sasakyan niya! Nakakainis! I know I'm responsible for this and this is all my fault, pero hindi ko lubos maisip na sa likod ng malalamig na rehas niya ako pananagutin!

THIS IS SO UNFAIR!

--

Cliff's POV

"What happened to your car, Bud?"

Sa halip na awa ay puro pang-aasar ang sumalubong sa akin mula sa mga kaibigan ko sa Basketball Handsome Society. Ako nga pala si Isaac Clifford Wilther, or Cliff for short. We're members of the society and I was proud that the group which was pioneered by my own uncle was now being managed by my cousin, Ezekiel Lopez.

Maganda ang facilities ng society. Kaya naman nang magbalik ako sa Pilipinas pagkatapos mag-aral ng high school sa America, nagpa-member agad ako dito.

Hindi ko na naabutan pa ang meeting namin dahil gabi na ako nakarating sa society. Nasa unang bayan ng Bulacan ang BHS. 30 minutes mula rito, nagpatayo ako ng bahay kung saan ako kasalukuyang nakatira. Nasa ibang bansa kasi ang buong pamilya ko.

Umupo ako at pinanuod na lamang ang mga tropa kong tuluyan nang pinagpiyestahan ang sasakyan kong may bangas.

"Ouch! This is a big, nasty scratch, bud!" ani Raffhael.

"Kung ako sayo, Cliff. Ibinitin ko na nang patiwarik kung sino man ang may gawa nito sa Bugatti mo!" komento ni Patrick.

"So, paano ba 'yan? Ako na ang may pinakamagandang sasakyan dito. Nabangasan na ang pinakamagandang sasakyan ni Cliff," sabi naman ni Gilbert na tinapik-tapik ang sirang bahagi ng sasakyan ko.

Pabirong sinuntok naman ni Carl si Gilbert dahil sa sinabi nito. "Sira! Sa'kin na kaya yung pinakamaganda hindi yung iyo!" Natatawang sabi nito.

"Ewan, dami n'yong alam! Haha!" sabi naman ni Joshua.

"Shut up, Carl! Kayo talagang dalawa ni Gil, eh! Yung sasakyan pa rin ni Kuya Zeke ang pinaka-cool dito," biglang singit ni Kenneth.

"Who did this to your car, anyway?" tanong naman ni Reimar.

"Yeah, who did that?" segunda ni Reynel.

'Yan ang mga tropa ko. Sina Raffhael, Patrick, Gilbert, Carl, Joshua, Kenneth, Reimar, at Reynel. Lahat kami ay tipo ng lalaking habulin ng mga babae. Certified handsome ika nga ng marami. Pero kung sa kaepalan, panalong-panalo talaga itong mga 'to. Lahat sila ay kaibigan ko na mula pa noong elementary ako pero sina Kenneth, Reimar at Reynel lang ang mga kapareho ko na kababalik lang din galing America. Since pare-pareho na kaming mga college students, nag-decide kami na magpa-member dito para masundan ang yapak ni Kuya Zeke. Ang maging successful during he's 20's. Oo nga't galing kami sa mayayamang pamilya pero ayaw naming umasa lang doon dahil tumatanda kami at hindi bumabata.

Dahil sa tanong nila Reynel, naisip ko bigla ang babaeng bumangga sa pagkamahal-mahal kong sasakyan. Sa halip na pagkainis ay pagka-amuse ang naramdaman ko sa kanya. I had to give God credit for that woman's sweet face. Nang lumabas ito ng sasakyan niya, hindi ko alam kung bakit pero natulala ako sa kanya. Why? Because the woman looked stunning. Pero nang ma-realize ko ang iniisip at nagbalik sa'kin ang nangyari sa sasakyan ko dahil sa kanya, agad akong nakaramdam ng pagnanais na turuan siya ng leksyon.

Tinawagan ko na kanina ang traffic enforcer na umasikaso sa reklamo ko sa magandang babae. Agad kong iniurong ang reklamo ko. Siguro naman ay natuto na ang babaeng 'yon ng leksiyon 'di ba?

Napangiti ako nang maalala ko ang gulat na lumarawan sa mukha ng babaeng 'yon nang sabihin ko sa kanyang irereklamo ko siya.

"Bud, nagka-head injury ka ba?" tanong ni Patrick. Napabalik ako sa wisyo nang marinig 'yon.

"No. I'm okay," sagot ko. Tiningnan nila kong lahat nang nagtataka. My friends probably thought I was crazy. Bakit nga ba ako ngumingiti nang walang dahilan? Nababaliw na nga ata ako.

Tiningnan ko si Patrick nang masama pati ang iba. "Get a life, chipmunks!"

They all burst into laughter and I just rolled my eyes at them.

"Oo nga pala, buti inabutan mo pa kami rito, Bud. Gusto ka raw makausap ni Kuya Zeke," biglang sabi ni Raffhael nang kumalma mula sa pagtawa. 

Iniwan ko na ang mga ito at tumuloy na ako sa opisina ng pinsan ko. Ezekiel had an impish smile on his face. Mukhang dadagdag pa ito sa pang-aasar sa akin.

"What's that annoying smile all about?" Panimula ko.

"Did the woman give you my message?"

Kumunot ang noo ko. "Woman?"

"Napaka-mysterious mo pa rin, dear cousin. A girl answered your cell when I called you."

Naalala ko ang cellphone ko. Kinapa ko agad ang bawat bulsa ng suot ko pero wala ito. Nahulog ko nga ang cellphone ko! Pero sino naman ang babaeng nakausap nito?

"So, hindi mo alam na nahulog ang phone mo?"

Napatango ako. "Ahm, yes. Pero may kutob na ako kung sino yung babaeng tinutukoy mo."

"Okay. Saka mo na ikwento sa'kin ang babaeng 'yon." Zeke straightened up as he took a file from his tall pile of folders and browsed through it. "Cliff, let me remind you sa nalalapit na annual party ng society. Traditionally, sa restaurant n'yo ginaganap iyon. So, I expecting you know what to do. One month and a half na lang 'yon."

Sabi nito na ang tinutukoy ay ang Precious Paradise. Ang restaurant na pag-aari namin na may tatlong branches na agad sa bansa kahit pitong taon pa lang mula nang ipatayo iyon ng parents ko. Unang itinayo ang Precious Paradise dito sa BHS kaya nandito ang main branch ng restaurant.

Honestly, nakalimutan ko na ang bagay na 'yon. Abala kasi kami ng parents ko sa nalalapit na pag-expand ng restaurant namin sa ibang bansa. Pangarap kasi naming makapagpatayo ng maraming branches ng Precious Paradise sa ibang bansa. Salamat sa parents ko na nag-encourage sa akin na mas maagang ma-involve sa business namin na ito. Iyon ang dahilan kung bakit nakatakda akong mawala dito sa Pilipinas ng dalawang taon. In that time, ipagkakatiwala muna namin pansamantala sa business partners namin, which is parents din ng ilan sa mga kaibigan ko, ang pamamahala sa ibang restaurants namin dito sa Pilipinas habang wala kami.

"Of course," pagsang-ayon ko na lamang kay Kuya Zeke.

"I'm counting on you, Cliff. You know how special this society is for me--for us. Tutal naman aalis ka na at matagal kang mawawala dito sa bansa, unahin mo muna ang kaligayahan ng mga baliw mong co-members," pagbibiro nito na ang tinutukoy ay ang tropa ko.

"And don't forget about that seductive singer a year ago," dagdag nito.

Ang tinutukoy nito ay si Claudine na siyang full-time singer namin sa Precious Paradise. Ito ang nag-perform sa harap ng mga co-members ko sa basketball department last year.

Ngumisi ako. "I won't, Kuya."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sweetie Smith
love it............
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status