Share

2) Out Then In

Though I was thinking about my problem too much, I dragged my attention back to the stack of papers on my desk.

"Letcheng essay 'yan! Peste! Nakakabangag ang araw na 'to!"

Naiinis akong sumigaw. Kanina pa ako absent-minded at hindi ko nagugustuhan iyon. Nag-text sa'kin si Mady about this assignment at bukas ang submission nito. I needed to focus to finish this, kailangang maipasa na 'to bukas.

"Argh!"

Tumayo ako sa swivel chair ko at naglakad palabas ng bahay. I needed to get some caffeine to my system. Or hindi naman kaya ay ice cream! Hindi ako maaaring maapektuhan sa nakita ko noong isang araw! 

Inis akong napabuntong hininga. Heto na naman ako! For goodness! Ilang araw na ba akong ganito? Two days? Three freaking days?! Shitness! Tapos sobrang kinaiinis ko pa ang pagiging sweet ni Edward sa akin these past days kahit pa kitang-kita ko na may kasama siyang babae sa mall nang isang araw. Badtrip talaga!

"What is it with you, all you men? Bakit napaka-flirt nyo?!" Inis kong sabi sa sarili at umupo sa isang bench.

Hindi sa hinuhusgahan ko siya, pero sigurado kasi akong karelasyon talaga niya yung babaeng kasama niya nang araw na 'yon. Hindi niya maaaring maging kapatid iyon dahil wala naman siyang kapatid. Hindi rin maaaring pinsan niya yung babaeng 'yon dahil naikuwento niya sa akin minsan na nasa ibang bansa ang mga kamag-anak niya. Kaya wala akong maisip na reason niya para makalusot siya sa pagiging flirt niya. Sinaktan pa ng pesteng lalaking 'yon ang ego ko este, ang feelings ko pala.

"Inaantok ka ba?"

Lumingon ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon.

"Oh! Ikaw pala, Edward." Oo siya nga! Shitness. Hindi ba 'ko pwedeng magpahinga muna? Ba't agad agad makikita ko ang mukha nito?

"Obviously. Ahm, okay ka lang?" Napangiwi ako. Hindi ko ipapakita na apektado ako sa nakita ko noong isang araw. Hindi talaga! Ni hindi nga niya alam na nakita ko siya na may kasamang babae eh! And I wouldn't tell him how much it affected me! Over my dead gorgeous body! Baka bumilib lang siya sa sarili niya. 

"O-Okay lang. And yeah, inaantok lang ako," sagot ko na lamang bago ngumiti ng peke.

Tumabi siya malapit sa kinauupuan ko. Nandito kasi ako ngayon sa mini park sa village namin. Naisip kong magpalamig muna dito dahil hindi ako mapakali sa bahay, pero dumating naman bigla 'tong kumag na ito! The heck! Ka-village nga pala namin 'tong lalaking 'to. Kung alam ko lang na pupunta siya dito sana nagkulong na lang ako sa kwarto!

Natahimik na kami pareho pagkatapos. Hindi ko na alam sasabihin ko, para akong nasu-suffocate! Dati kinikilig ako pag katabi ko sya, ngayon gusto ko na s'yang itulak palayo sa'kin. Real quick 'di ba?

Pero paano kaya kung itanong ko sa kanya? Hays! Sige na nga. Napakagat labi ako bago magsalita. "Nasaan ka pala noong Monday, Edward?" nakangiti kong tanong.

Bigla siyang natigilan sa tanong ko. Bang! Obvious na obvious! "Ah, nasa--bahay namin. Bakit?"

Sinungaling!

Pinilit 'kong wag tanggalin ang ngiti ko at pinigilan ko na lang ang nagwawalang inis sa isip ko. Baka masapak ko pa siya ng wala sa oras!

"Wala lang. Kasi--" Ang tanga ko! Ba't kasi pabigla-bigla ako ng tanong hindi ko tuloy malaman kung anong idadahilan ko. 

"Bakit--"

"May itatanong lang sana ako tungkol sa project," pagdadahilan ko. Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Akala niya ha! 

"Okay. Halika, ililibre na lang kita ng ice cream," nakangiting sabi niya at bigla na lamang hinawakan ang kamay ko, na agad ko namang binawi! Peste 'to! dumada-moves na naman! Sayo na ice cream mo!

"No, thanks. Hindi na kasi ako kumakain ng ice cream ngayon eh. Nasisira ang body clock ko," pigil ang pagtawang sabi ko. Saan lupalop ko naman nakuha 'yon? Epic ko. Pinilit ko na lang ngumiti. Very good ka talaga Lara. "Okay na ba ang installation ng game? Maiwan na kita. I-inspect ko lang! Bye!" Mabilis akong umalis.

Kitang-kita ko ang pagtataka sa guwapong mukha niya. Oo, guwapo ka pero isa kang dakilang flirt!

"Lara!"

Pababa na sana ako ng hagdan ng mini garden nang marinig kong tumawag siya. I glanced at him. Sinubukan kong ngumiti sa kanya. Sana nga lang ay hindi niya mahalatang pilit lang iyon.

"What?"

"Manood tayo ng movie mamayang gabi. We're ahead of schedule kaya wala na tayong dapat alalahanin sa project. Let's celebrate," sabi nito.

Hindi ko naiwasang taasan siya ng kilay. "What are we celebrating, Edward?"

"We are going to celebrate the success of the project--and you, saving me. You know what I mean." Kumindat ito sa akin. Kung siguro noon kinikilig ako sa kindat niya ngayon naiirita talaga ako!

DARN! I knew well what he meant. Dahil ba hindi miminsang tinulungan ko siyang makalusot sa mga kapalpakan niya sa project? Na sa halip na isumbong ko siya sa prof namin na siyang nagpagawa sa kanya ng project na iyon ay mas pinanigan ko pa siya? Ginawa ko lang naman 'yon dahil tiwala akong maaayos din niya ang lahat.

Hindi ko ba nasabi na classmate ko rin siya? Oo! Classmate rin namin siya. Araw-araw na parusa!

Nakipaglapit lang ba siya sa akin dahil doon?

Ang tanga mo, Lara!

Biglang nag-init ang ulo ko. Parang sasabog na ako anumang oras sa sobrang inis!

"Manood ka ng sine mag-isa mo!" inis na bulong ko bago muling tumalikod.

"Lara, may sinasabi ka ba?"

Marahas na nilingon ko siya. Makakatikim na sana siya ng maaanghang na salita ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko, palatandaan na may tumatawag.

Sinamaan ko ng tingin si Edward bago sagutin ang tawag. 

"Hello?"

"Hi, friendship! Tatanungin lang sana kita kung napag-isipan mo na yung pagsali sa speed dating na sinasabi ko sayo. Kailangan na kasing malaman ang confirmation mo ngayon. This night na pala kasi 'yon," dire-diretsong sabi ni Mady.

Inagaw ni Edward ang atensiyon ko nang sumenyas siya na kailangan na niya ang sagot ko.

"So, see you later?" He mouthed to me. Kung kanina ay naisip kong kalokohan ang idea ng pagsali ko sa speed dating, parang nagbago na ang pananaw ko ngayon. Napangisi ako nang may bigla akong naisip. 

"Yes, babe! Magde-date tayo? Mamayang gabi? Sure, I'd love to! I love you more, babe!" Sinadya kong lakasan ang boses ko para iparinig iyon kay Edward na kasalukuyang nakakunot na ang noo. I faced him then said "I'm sorry, Edward. I can't come with you tonight. May date ako." Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. Akala mo ha! Bahala ka d'yan!

"Narinig ko nga. May boyfriend ka na pala. Ni hindi ko man lang nakita na sinundo ka niya sa campus ha? Bakit hindi mo siya i-invite sa end semester party ng school natin next month?"

Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis bago bumaba ng hagdan.

"Oo naman. Ipakikilala ko kayo sa kanya. He's a great man." Then I left him with shock written all over his face. Pinigilan kong humagalpak ng tawa sa nakita kong pagkagulat sa mukha ni Edward.

Oh! Ano ka ngayon? Landi mo kasi eh! Goodbye boy, I'm out of here!

"Friendship?" Binalikan ko si Mady na siyang kausap ko kanina sa cellphone. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang desisyon ko kaya hindi ko pa in-end ang call. 

"Ano na? Sino bang kausap mo? Kung ano-ano sinasabi mo?!"

Hindi ko pinansin ang pagrereklamo nito at muli akong napangisi. "I'm in. Saan at ano'ng oras mamayang gabi yung speed dating na 'yon?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status