Share

6) Concealer's Fault

Nasaan na ba ang bruho na 'yon? Baka nabadtrip na iyon kakahintay sa akin.

Saglit akong napatingin sa relo ko. Whoah! Almost two hours na akong late. Grabe rin pala ang pangungulit ng Kenneth na 'yon! Tagal ng bangayan namin kanina.

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng restaurant para hanapin si Cliff sa paligid.

Kaliwa, wala.

Kanan, wala rin.

Kaliwa, kanan--Oh my God!

Napatitig ako sa gitnang bahagi ng restaurant kung saan naroon siya. Anak ng tinapa! Ang guwapo ng ungas!

Nasa counter si Cliff, ang lalaking nagpakulong sa akin ilang araw na ang nakakalipas. He looked rugged yet refined in his biker-inspired blazer and scarf. At mas nakakadagdag pa ng appeal ang mahaba niyang buhok na maya't maya niyang sinusuklay gamit ang sariling kamay. Kung gugustuhin ko lamang titigan siya baka kahit abutan na ako ng war of the worlds kung saan may aliens na invader dito sa Earth, hindi pa rin ako magsasawang tingnan siya. Wala talagang kakupas-kupas ang kaguwapuhan niya. Idagdag pa ang height niya na mala-basketball player ang dating. Siguradong mapapatili ako kung mapapanuod ko siyang naglalaro ng basketball. 

Ipinilig ko ang ulo ko. Ba't ako kinikilig?! At bakit ko pinupuri ang bwisit na 'to? Hmp!

Naglalakad na ako at malapit na ako sa kanya pero parang hindi pa niya ata ako napapansin. Bakit kaya nasa counter siya? Para siyang nagbibigay ng instructions sa mga staff ng restaurant ah?

Omo! Posible kayang siya ang may-ari nitong restaurant?!

Lumapit ako sa kanya. Bakit ganito? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. I was a confident person. Hindi basta-basta kumakabog ang dibdib ko na akala mo sesentensiyahan ako kapag may nakakaharap akong tao. Pero iba talaga nararamdaman ko mula nang dumating ang lalaking ito. Lagi akong kinakabahan.

Maya-maya, nakita ko na nilingon na ako ni Cliff. Napansin niya na yata ako. Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Andrea Lara?"

Napakunot ang noo ako. "Lara na lang, ako ang nahihirapan kapag binabanggit ng tao ang buong pangalan ko, eh."

"Where's Ken?"

"Ahm, wala may gagawin pa raw. Umalis na." Napangisi ako. "Talagang naghanap ka pa ng picture ko for reference, ah? Saan mo naman nakuha 'yon?"

Ngumiti si Cliff. "Connections."

Binigyan muna niya ako ng nakakatunaw na tingin bago siya ngumiti ulit nang tipid. Ano ba naman itong si Cliff!

"I didn't recognize you from afar," sabi niya kaya napataas ang kilay ko. Parang nainsulto ako doon sa sinabi niya, ah!

I wore a simple longsleeve shirt and a straight-cut jeans right now. Ibang-iba ang outfit ko ngayon sa suot ko noong una kaming nagkita. Swan turned to ugly duckling siguro ang akala niya sa akin.

"Whatever!" Napairap ko bago inabot sa kanya ang cellphone. "Here's your phone. Aalis na ako. Adios!" Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako.

"Wait!"

"Anak ng! Bakit ba ang hilig n'yong mag--" Bigla akong natigilan. Parang nakuryente ako sa kamay niya nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Leaving already? Let's eat first," aya nito.

Bakit parang hindi ako nagrereklamo nang hawakan niya ang kamay ko? Samantalang kanina--Nevermind!

"Hindi naman--" Wala na akong nagawa nang igiya niya ako patungo sa fountain ng restaurant.

Maganda ang ambiance dito. The place looked elegant with it's dramatic yellow and brown motif. Lahat ng mesa ay nasasapinan ng brown at yellow na mantel at may candlelight sa ibabaw. Nakahanda na rin ang mga pinggan, kubyertos, baso, at table napkin dito. Masasabi kong napaka-romantic ng ambiance dito. Kung sino man ang may obra ng magandang dekorasyon dito, papalakpakan ko nang bonggang-bongga. Hindi hamak na mas maganda ito sa ibang mga restaurant na napuntahan ko. At parang mas mahal din ang mga pagkain dito. Gaano ba kayaman si Cliff?

Napatingin ako sa magkahawak na mga kamay namin. I never felt nervous yet I felt like I was actually floating on air. I liked every bit of that feeling.

Wait nga! Saan naman nanggaling 'yon?!

"What do you want, Lara?" tanong nito at palihim akong napalunok bago sumagot.

"K-Kahit na ano na lang."

Argh! Bakit hindi ako makaangal! Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ko talaga mapahinahon ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito habang hawak pa rin ni Cliff ang kamay ko.

"Okay, ako na lang ang mag-o-order." He slowly let go of my hands. "Stay here. May sasabihin lang ako sa executive chef ko," dugtong niya.

Tiningnan ko ang pagbagsak ng kamay ko nang bitawan niya ito. Parang nalungkot ako pero at the same time nakahinga na rin nang maluwag.

"Sige," mahinang sagot ko. Umalis na siya at naiwan ako rito sa lamesa. Palihim akong nagulat. Executive chef? So may-ari nga siya ng restaurant na 'to?! 

Sinundan ko ng tingin si Cliff na naglalakad palapit ulit sa counter.

Bakit ganito? What's happening to me? Kailan lang ay inis na inis ako habang pinagkukuwentuhan namin siya ng mga kaibigan ko. Pero parang biglang naglaho iyon nang makita ko siya. Napangiti nga ako eh. Kumbaga, napalitan ang inis ko sa kanya ng kakaibang feeling, na kung ano, na hindi ko rin matukoy. At kung ano man iyon, nababahala na ako sa epektong ibinibigay sa akin no'n.

--

"Just a fraction of your love, fills the air..

And I fall in love with you, all over again.. You're the light that feeds the sun, in my world.. I'd face a thousand years of pain for my girl.." Pakikisabay ko sa kantang kasalukuyang tumutugtog dito ngayon sa restaurant.

I had always love music. Pero tanggap ko nang hindi para sa akin ang pagkanta dahil sa pagkakaroon ko ng stage fright. I had confidence, pero hindi sa boses ko. Nakakatawa na nakakahiya nga ang naging karanasan ko noong nasa high school pa lang ako dahil sa pagkanta ko sa comedy bar. Ginawang katatawanan ng mga tao roon ang pagkanta ko. Mula noon, ayaw ko ng kumanta sa harap ng ibang tao.

"Very impressive!"

Bigla akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Bigla ring nagwala ang tibok ng puso ko nang makita kung sino ang nagsalita.

It was Cliff, leaning confidently against a post not so far from me, and he was smiling. Kung makangiti naman ito, parang nakakita ng ginto sa minahan! 

Wait, ako ba ang sinabihan niya ng impressive?

Bigla akong hindi makatingin nang diretso sa kanya. Shitness! Narinig niya ang pagkanta ko! Nakakahiya!

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Are you hungry?" tanong nito.

Pinilit kong ngumiti. "Oo, eh. Kaya nga nagwawala na ako rito. Haha!" Sabi ko na lamang habang pilit na tumatawa. 

"I think that's not pagwawala. You have a beautiful voice, Lara."

"Sus! Hindi, noh! Ang pangit kaya ng boses ko," nahihiya kong sabi at nagtaka ako dahil matipid lang siyang ngumiti. "Oh? Bakit? Mang-aasar ka na ba?"

"No." Napailing ito.

Pabiro akong napasimangot. "Eh ano? Bakit ka nakangiti diyan?" 

"Mas gusto kong kausapin ka sa personal kaysa sa cellphone."

Natigilan ako. "H-Huh?"

"Hindi mo kasi ako sinisigawan sa personal," Ngumiti ito habang nakatingin sa akin ng diretso.

Napakurap-kurap ako. Matipid lang ang ngiti niya pero natutulala na ako. Bakit kaya napakatipid nitong ngumiti? May presyo bang basehan? Parang isang libo ang presyo ng matamis niyang ngiti, isang milyon ang tawa, at isang bilyon ang isang malutong na halakhak. Ganoon? Grabe, kailangan ko yatang magpayaman para sa isang halakhak niya lang. Lol!

Dahil sa imagination ko, nagulat ako nang itinaas niya ang kamay niya na parang hahaplusin ang mukha ko. Napaurong ako para iwasan iyon pero walang silbi ang ginawa ko dahil nakalapat na ang kamay niya sa noo ko.

"May injury ka. Is this from the accident?" tanong nito habang nakatingin sa noo ko. Nagtaka ako sa nakita kong pag-aalala sa mukha niya. Concern siya sa akin?

Pero ang alam ko natakpan ko na nang tuluyan ng concealer ang pasa ko sa noo. Bakit napansin pa rin niya? Tinititigan niya ba ako?

"Magaling na 'yan, nauntog lang ako sa manibela," dahilan ko pero parang hindi pa ata siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Lara, did you go to the doctor already?"

Natawa ako nang bahagya. "Ang OA, ah? Hindi na kaila--"

"Yeah, right. And then, saka ka magpapa-check up kapag nalaman mong hindi pala 'yan basta pasa lang?" seryosong kontra nito sa'kin.

I blinked a few times. Totoo nga yata ang nakikita kong pag-aalala sa mukha niya. Bakit siya nag-aalala sa'kin?

"Lara." Tinawag ako nito.

"H-Huh?"

"Dadalhin kita sa kaibigan kong doktor after natin kumain. You'll go with me, okay?"

Ano ba 'yon? Nagpapaalam o nag-uutos?

Hindi na ako umangal or nagsalita. Nang dumating ang mga pagkain namin, palihim akong napatingin kay Cliff. Unti-unti, bumalik ako sa realidad. 

Hindi siya nag-aalala. Siguro nakokonsiyensya lang siya sa ginawa niyang pagpapakulong sa akin. Hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano pa. Ayoko nang dagdagan pa ang pag-iisip ko kay Edward.

Enough thinking something else, Lara. Hindi siya concern sayo, okay? Iyon lang 'yon, Lara. Iyon lang 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status