Share

5) Concern Issues

Lara's POV

Nag-uumpisa na naman ako mabadtrip. Saan ba banda ang Precious Paradise na 'yon? Ang init-init na nga eh, tapos amoy usok pa ako sa dami ng sasakyan dito.

"Ang haggard ko na!" inis akong umupo sa waiting shed para magpahinga.

Kanina pa ako nandito sa Commonwealth at kanina ko pa rin hinahanap ang restaurant na 'yon. Takte talaga! Bakit kasi pumayag pa ako na do'n kami magkita? Ang tagal na naming hindi nakakapunta doon kaya nakalimutan ko na kung saan ang exact place no'n! Ang engot mo talaga, Lara!

Inis kong tiningnan ulit ang waze app para malaman ang location ng pupuntahan ko pero mukhang hindi ito updated dahil sa maling lugar ako nito dinadala.

"Naku naman! Saan ba yung pesteng restaurant na 'yon?" Naiinis kong bulong sa sarili.

"Miss, you need some help?" Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang boses at bahagya na namang nanlaki ang mga mata ko.

Oh my God! Isa na namang nilalang na guwapo!

"Miss?" Natauhan ako at ipinilig ang ulo ko. 

"Ah w-wala, may hinahanap lang kasi ako."

"Why? Are you lost?"

"Hindi ah! Hindi ako bata para mawala!" angal ko. Nagbago naman agad ang expression ng mukha niya. Kung kanina nakangiti siya, ngayon naman nakakunot na ang noo niya at para bang hindi makatingin sa akin ng diretso.

"Sorry kung na-offend kita. I'm just asking because I'm concern--" 

"Ay, hindi! Pasensiya na, ako dapat ang mag-sorry napalakas yata ang boses ko." Napailing na lang ako at bahagyang yumuko. "Pasensiya na huh? Sige mauna na ako."

Hindi pa man siya nakakasagot, nagsimula na akong maglakad paalis. Pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay sumigaw ito.

"Wait, Miss!" Tinawag ako nito kaya napalingon ako. "Ano bang hinahanap mo? Maybe I can help you?"

"W-Wala 'yon, sige." Tumalikod ulit ako at nagsimulang maglakad. 

"Teka, Miss!"

Lumingon ulit ako at nagulat ako nang makitang nasa likod ko na mismo siya kaya muntik na akong mawalan ng balanse sa sarili. 

"Anak ng! 'Wag ka ngang manggulat!"

"Sorry, Miss. Ano ba kasing hinahanap mo? I'm willing to help." Kumunot ang noo ko dahil inulit na naman nito ang offer niya. Tiningnan ko siya. Mukhang sincere naman ang mokong. Kaso ayokong makipag-usap sa hindi ko kilala, lalo na sa lugar na ganito. Maraming mapanlinlang na tao dito.

Palihim kong binalingan ng tingin ang mukha niya. Yes guwapo siya, pero ano'ng pake ko doon? Mas mabuti na ang maingat. 

"Salamat na lang. Sige bye." Tumalikod na ako at nagsimula na ulit maglakad. Pinapakiramdaman ko kung sumusunod pa siya pero mukhang hindi na naman kaya nakahinga ako nang maluwag.

Hindi pa man ako nakakalayo, naisip ko bigla na kailangan ko na talagang marating ang restaurant na pupuntahan ko. Paano pala kung kanina pa ako hinihintay ng Cliff na 'yon?!

Huminto ako sa paglalakad at hinanap ang lalaki. Nang makita ko ito hindi kalayuan sa'kin ay naglakad ako pabalik at lumapit ulit sa kanya. Mukhang busy na siya sa cellphone niya dahil bahagya pa siyang nagulat sa paglapit ko.

"Oh? You came back."

"Alam mo ba kung saan banda yung Precious Paradise? Kanina ko pa kasi hinahanap eh. Nakalimutan ko na kasi kung saan banda 'yon," dire-diretsong sabi ko.

"So, nawawala ka nga?" Bigla itong ngumisi at tinaasan pa ako ng kilay. Kung hindi lang siya guwapo, mukha na siyang manyak na batang hamog sa ginagawa niya.

"No! Sabi nang hindi ako bata eh!" Muling depensa ko at napataas naman agad ang mga kamay niya sa pagitan namin na para bang pinapakalma ako.

"Easy, Miss!" sabi nito kaya naman natahimik ako. Nadadala na ako ng pagod ko kaya puro pagtataray na lang ako at hindi puwede iyon. Kailangan ko ng tulong kaya dapat umayos ako. 

"Pasensya na, hindi kasi ako nawawala. Hindi na ako bata para mawala. 18 na ako so it's not the right term for me. May hindi lang ako makita, okay?" paglilinaw ko at ngumiti siya. 

"Okay, okay. I know where it is. Tara samahan na kita?"

Natigilan ako at automatic na nag-power on na naman ang doubts at trust issues ko pagdating sa lalaki. Ayoko nga! Baka kung saan pa ako dalhin ng kumag na 'to!

"Miss? Shall we?" Napabalik ako sa realidad at awkward na umiling ulit.

"W-Wag na lang. Baka maabala pa kita. Sabihin mo na lang sa'kin kung saan yung direksiyon, ako na lang ang pupunta."

Napakamot si Kuya sa ulo niya. "Medyo complicated kasi kung sasabihin ko saka malayo pa kasi 'yon dito, you know, baka mawala ka--"

"Iniinis mo ba ako?" Naiirita kong putol dito at nagtaka naman siya kung bakit. Kanina ko pa nga sinasabi, hindi ako bata para mawala eh! Tsk!

"Okay. Look, sorry. Gusto lang kitang samahan kasi delikado kung ikaw lang mag-isa. You look new here and, it's more dangerous because you're beautiful."

Napataas ang kilay ko.

Ano? Bobolahin mo pa talaga ako Kuya? Matagal ko nang alam na maganda ako! At isa pa hindi ako marunong magpaka-humble.

Napameywang ako bago sumagot. "I know that already, but I can save myself. So? Saan yung restaurant?"

Ang mukha niyang nakangiti ay biglang napalitan ng ngiwi kaya mas lalong napataas ang kilay ko.

"Bakit, naangal ka?"

"No. I just don't know why you can't accept my offer. I'm just concern, okay? Wala akong gagawing masama sayo." Dahil sa sinabi niya tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. 

"Totoo?" tanong ko. Imbes na sumagot ay tinawanan ako nito. "Bakit ka natawa d'yan?"

Napatango ito at ngumiti sa'kin. "I get it. I know already."

"Ang ano?"

"Kung bakit ayaw mong tanggapin ang offer ko." Napangiwi ako sa sinabi nito. "I'm handsome and for me, it's not right para pag-isipan mo ako ng masama."

"Ano? Porket guwapo matic mapagkakatiwalaan na?" Pinandilatan ko siya ng mata para masindak sa'kin pero mas tinawanan lang ako nito. Nakakainis! Ginagawa niya akong laughing stuff! "Ano ba kasi ang nakakatawa, huh?!"

"Cmon. Let's go," nakangiti nitong sabi at hinawakan ako sa braso. 

Wala na akong nagawa dahil hinila na niya ako. Gusto kong sumigaw pero mukhang walang maniniwala sa'kin dahil mukhang mayaman ang lalaking ito kumpara sa'kin na parang dugyot sa sobrang haggard na. Shitness naman! Kung hindi lang 'to guwapo, kanina ko pa 'to sinipa sa mukha eh.

Tahimik kaming naglalakad habang hawak niya ang braso ko. Wala ba siyang kotse? Ba't kami naglalakad? Pero kung sabagay mas delikado kung isasakay niya pa ako sa sasakyan. Baka kung saan niya pa ako dalhin. Mabuti na itong maraming tao kaming nasasalubong. Kahit papaano, hindi ako natatakot. 

Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. Para tuloy akong bata na kinakaladkad niya. "Puwede 'wag mo na akong hawakan?"

Ngumiti siya at tinanggal nga ang kamay niya sa braso ko pero agad akong namula nang ilipat niya iyon sa kamay ko. Shitness! Magka-holding hands kami!

"Hoy, ano ba! Bitawan mo nga ang kamay ko! Harassment na 'yan ah!"

Again, tumawa na naman ang mokong! "You said don't touch your arms. Akala ko gusto mo yung kamay mo yung hawak ko."

Dahil sa inis, pilit kong iwinakli ang pagkakahawak nito sa kamay ko. "Hindi tayo close para pagtripan mo ko! Kanina ka pa tawa nang tawa! Wala namang nakakatawa!"

"Sorry," sabi nito pero sobrang obvious naman na nagpipigil pa rin siya ng tawa. Tinalikuran ko na siya para iwanan pero bigla nitong pinigil at hinawakan ang braso ko. "Sorry na, hindi na ako tatawa I swear!"

Tinanggal ko ulit ang pagkakahawak niya sa'kin at tumalikod na para maglakad palayo sa kanya. Wala na ako sa mood! Hindi na ko tutuloy sa usapan namin ni Cliff, ayoko nang makita ang nilalang na 'yon. 

"Hey, Lara!" Tinawag pa ako nito pero hindi ko na siya pinansin. Naramdaman kong sumusunod siya kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad. Ewan ko sa'yong lalaki ka! Kung sino ka man!

"Andrea Lara!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mukhang mas malapit na ang boses niya kaya mas nilakihan ko pa ang bawat hakbang para mas makalayo. Hindi puwedeng maabutan niya ako. 

"Lara, stop! Where are you going?!" Natigilan ako at unti-unting napagtanto ang tawag niya sa akin. Kilala niya ako?

Inis akong tumigil at sinalubong ang paglapit niya. "Bakit mo ako kilala?"

"This is--" Tumigil siya saglit at ipinakita sa akin ang isang picture sa cellphone niya. "--you, right?"

Tiningnan ko ang picture at agad nanlaki ang mga mata ko. Dinuro ko siya at sinamaan ng tingin. "Bakit may picture ako sayo? Stalker kita noh?!"

"No. I'm not! Napag-utusan lang ako!" agad na angal nito.

"So, may nagpa-kidnap sa'kin?"

"It's not like that--"

"Eh ano?! Bakit may picture ako sayo?!"

"Chill, okay? My friend asked me a favor. Sabi niya abangan daw kita sa babaan ng taxi just to make sure you're safe. And he send this picture to me for reference."

"Wait, sino bang kaibigan mo?"

"Si Isaac."

"Huh? Wala akong kilalang Isaac."

"You don't know him? Wait, ahm--IC?"

"Hindi ko rin kilala 'yon."

Napabuntong hininga ito at napairap. "I'm talking about the guy you're going to meet in Precious Paradise, okay?"

Mabilis na naglaho ang pagtataka sa mukha ko dahil sa sinabi niya. "Adik ka! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"I'm just messing with you." Natawa ito at awkward akong napangiwi. Kaibigan pala ni Cliff ang isang 'to! Pinagtripan pa ako. "But to inform you, yes, I have tattoos pero hindi ako drug pusher or drug user so I'm not adik."

Imbes na mainis, tuluyan na akong natawa sa reaksyon nito. "Don't do that again, okay? Ang lakas ng trip mo."

"Sorry 'bout that. I'm Kenneth by the way." Inilahad nito ang kamay niya sa harap ko at ngumiti ako ng tipid bago ito tanggapin.

"Andrea Lara." Ngumiti ito sa'kin at sa totoo lang mas na-appreciate ko ngayon ang kaguwapuhan niya. Nakakahiya lang kasi napagkamalan ko pa siyang masamang tao kanina. Pagtripan ba naman ako. 

"Anyway, we're already here," sabi nito at tinuro ang isang restaurant malapit lang sa amin at nabasa ko nga rito ang pangalang 'Precious Paradise'.

"Kanina pa pala tayo nandito, hindi mo man lang sinabi. Lakas talaga ng trip mo!" Natawa na naman ito sa sinabi ko. "Ano? Tara na?"

"No, it's fine. Just go. Hindi na ako sasama."

"Sure ka?"

"Yes, saka ikaw lang naman ang imi-meet ni Isaac--I mean ni Cliff."

"Oo nga pero kaibigan mo siya 'di ba? Ano'ng masama kung kasama kita? Eh siya 'tong pinasundo ako sayo."

"May mga gagawin pa kasi ako. Sige na, you can go now. For sure kanina ka pa hinihintay ni Cliff."

Ngumiti ako. "Adik ka talaga. Sige, bye. Ingat ka."

Naglakad na ako papunta sa restaurant at nang bubuksan ko na ang glass door, nilingon ko ulit siya and to my suprise nakatayo pa rin ito sa dati nitong pwesto. 

"Thank you, Ken!" sigaw ko. Ngumiti siya at kumaway sa'kin kaya kumaway din ako. Nakita kong may humintong sasakyan malapit sa kanya at sumakay na siya roon. 

May service pala siya kaya wala siyang dalang kotse kanina. Hala, ano 'yon? Talagang pumunta lang siya doon sa waiting shed na pinagpahingaan ko kanina?

Sabi niya inabangan niya raw ako sa babaan ng taxi, pero marami na akong napuntahan at inikutan bago ako nakarating sa waiting shed kung saan niya ako nilapitan. So it means, kanina pa rin niya ako hinahanap? Omo! Nakakahiya naman!

Napaisip ako. Siguro naman magkikita pa ulit kami since kaibigan pala siya ni Cliff. Babawi na lang ako next time. Ako naman mangtri-trip sa kanya haha! 

Okay, mukha akong ewan na naka-stay lang dito sa pinto. Makapasok na nga. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jerome Gerodico
support ako sayo .........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status