Share

Catch Me Mr. CEO
Catch Me Mr. CEO
Author: Busai PF

Chapter 1

Chapter 1

Nang makita ko ang pagparada ng sasakyan ni Jake ay sobra na ang kirot sa dibdib ko. Halos hindi ako makahinga sa bilis ng pintig ng puso ko habang pinapanood ko siyang pumasok sa bahay na para bang matagal na siyang nakatira doon.

Dati pa man ay pansin ko na ang pagiging close nila ni Mama simula nung ipakilala ko siya 6 months ago sa birthday nito. Hindi ko na binigyan ng malisya ang tawanan at asaran nila na para bang matagal na silang magkabarkada.

Broken family ang kinagisnan kong pamilya. Hindi ako lumaki sa kaniya nung bata pa ako, gano'n din kay Papa. Parang tuta nila ako na pinaalaga kina lolo't lola na wala na ngayon. High school ako nang kunin ulit ako ni Mama nung pumanaw ang lolo ko. Nagsama kami hanggang sa maka-graduate ng college. Nagkatrabaho ako agad sa unang apply ko palang sa company na pinapasukan ko hanggang ngayon na almost five years na din. Nagbukod na ako after a year nang maging stable na ako sa office at financially manage naman lahat sa akin dahil hindi naman din ako inaasahan sa gastusin ni Mama.

Bale, pera ko, akin lang. Pera niya, sa aming dalawa. Malakas kasi siyang kumita sa clothing business niya.

Naging mabuti naman akong anak sa kaniya. At never akong naging pabigat sa kaniya.

Pero bakit gano'n?

Parang kamakailan ko lang dinala dito sa Jake para ipakilala sa kaniya nung birthday niya, tapos may ganito na agad? Gano'n kabilis?

Two years na kami ni Jake. Sa loob ng dalawang taon na iyon ay naging okay naman kami. Kahit na may tampuhan, never naman kaming umabot sa hiwalayan. Nitong mga huling buwan nang mapansin ko ang panlalamig niya sa akin. Madalas siyang may dahilan kaya hindi na niya ako nasusundo sa office. Kapag tatawagan ko siya sa gabi, hindi niya sinasagot o kaya madalas naman ay busy ang linya niya. May time din na laging ang init ng ulo niya at mas pipiliin niya na h'wag na lang ako kausapin. 'Yong minor issues lang, pinapalaki pa niya para lumabas na ako ang mali.

Ewan ko ba. Siguro nga, totoo kapag kinutuban ang babae, 100% na totoo.

Hindi kasi tumugma ang paalam niya sa sinabi ng kasama niya sa work 'kuno' niya na aabutin daw ng kinabukasan ang trabaho nila sa office. Biglang pumasok sa isip ko na pumunta dito sa mismong bahay namin sa araw at oras ng binanggit niya, baka sakaling mali ang hinala ko.

Kaso, gano'n na lang ang panlulumo ko ngayon na tama talaga lahat ng haka-haka ko lang nung una.

Ilang beses akong huminga ng malalim para lang hindi bumagsak ang mga luha ko. Although, namamasa na din ang mga mata ko pero pinilit kong palakasing ang loob ko.

After this, matatapos na lahat! Mabibigyan na ng linaw ang lahat!

"Manong, hintayin niyo po ako. Babalik po ako." aniko sa matandang driver ng taxi na inarkila ko. Mukhang may ideya na siya sa mga nangyayari kahit na hindi siya nagtatanong.

Pagkatango niya ay lumabas na ako ng taxi.

Sinadya ko talaga na magpalipas ng ilang minuto bago sundan si Jake sa loob.

Buong ingat kong hindi makagawa ng kahit anong ingay simula pagpasok ng bahay hanggang sa makarating ako sa sala. Good thing na din na walang alagang hayop doon.

Nakiramdam ako.

Tahimik sa first floor. Mukhang wala din sila sa kusina.

Napatingin ako sa itaas ng hagdan kung saan nandoon ang kwarto namin ni Mama.

Ilang beses akong napalunok. Matapos kong humugot ng lakas ng loob ay dahan-dahan na akong naglakad papuntang hagdan. Mukhang mabibigyan na ng kulay ang dating nasa isip ko lang.

Napahinto ako nang nasa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ay rinig ko na ang mabibigat na paghinga at impit na ungol at halinghing nila sa kung kanino mang kwarto sila naroon. Marahil ay iniwan nilang bukas iyon kaya dinig ko hanggang dito.

Napalunok na naman ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bao aatras na ako. Mariin akong napapikit ako saglit saka humugot ng malalim na paghinga bago muling humakbang sa susunod na baitang ng hagdan.

Nang marating ko ang second floor ay agad bumungad sila sa akin sa katapat lang ng kwarto ng hagdanan na bukas na bukas nga ang pinto.

Sa kwarto ko sila inabutan ng init ng katawan. Parehas silang hubo't hubad sa ibabaw ng kama. Nakaibabaw si Jake habang mahigpit naman na nakayakap sa kanya ang isa. Parehas silang nakapikit habang nagpapalitan ng maalab na halik.

"Mga hayop..." wala sa loob na sabi ko.

Nag-uunahang nagsibagsakan ang mga luha ko habang nakatitig sa kanila. Para binasag ang puso ko habang pinapanood sa kanila. Gusto ko silang sugurin pero hindi ako makagalaw. Iyong akala mo sa eksena lang sa tv mo lang mapapanood nasa harap ko na

.

Parehas silang natigilan na tila ba kapwas sila binuhusan ng malamig na tubig. Gulat silang sabay na napalingon sa akin. Para bang hindi sila makapaniwala na nandoon akong nakatayo at nakamata sa kanila.

"E-Eunice?!" anang ni Jake.

Taranta niyang hinugot ang kumot na nandoon saka binalot sa katawan nila.

"A-anak..."

Sakastiko akong napangiti sabay sunud-sunod na napailing. Walang salita na akong tumakbo pababa ng hagdan. Mabibigat man ang hakbang ko ay nagawa ko pa ring makalabas ng bahay.

Walang patid sa pag-agos ng luha ko kaya malabo ang dinadaanan ko. Inalis ko na kasi ang salamin ko na sagabal sa akin.

Hindi ko na nga pansin na nasa tapat ko na ang taxi na sinadya ng driver na i-abang sa harap ng bahay. Si manong driver pa ang nagbukas ng pinto sa akin mula loob.

"Tara na po." aniko pagkapasok.

Tumalima naman siya.

Hindi ko alam kung saan ako ihahatid dahil nawala na sa isip ko kung nagkapagsabi ba ako kanina sa kaniya o hindi. Hindi na din ako makapag-isip ng maayos dahil kada pikit ng mga mata ko ay iyong eksena ang naiisip ko.

Kahit anong gawin kong magpapatahan sana sa akin dahil nakakahiya sa kasama ko, ay ayaw pa rin tumigil ng luha.

----

"Eunice!"

Dahan-dahan ko pang nilingon ang lalaking nakatayo sa tapat ng cubicle ko.

Galit na naman siya.

"Tulala ka na naman!" singhal na naman niya sa akin.

Hindi ko napansin ang paglapit niya. Heto na naman siya, parang kakainin na naman ako ng buo.

"To my office!"

Rinig sa office ang mabigat na hakbang niya papunta sa office. 'Yong sigaw niya parang kulog na yumayanig dito sa office sa baba dahil hindi naman gano'n kalawak iyon.

Mariin akong napapikit at napailing. Inisip ko kung ano na naman ang nagawa kong mali. Kung dati ay halos manginig ako sa takot kapag pinapagalitan niya ako. Ngayon, parang manhid na ako at hindi na nakakaramdam ng takot sa kaniya.

"Pst!"

Nilingon ko si Trixie na siyang nasa likod ng cubicle ko.

"Ang init na naman ng ulo." mahinang sabi niya.

Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya.

Feeling ko naaawa na siya sa akin kasi ina-araw araw na niya akong pagalitan. Minsan nga, non-sense na, binibigyan pa niya ng big deal.

Halos ilang buwan na din siyang ganito.

Ilang minuto pagkapasok niya sa office niya ay doon lang ako sumunod sa kaniya.

Halos pumikit na sa kasingkitan ang mga mata niya sa sama ng tingin niya sa akin. Iyong mga kilay niya ay magdudugtong na. Matanda lang ako sa kaniya ng dalawang taon pero para na siyang mas matanda sa akin dahil sa stress.

Daniel Sy.

Acting CEO ng company habang nasa overseas ang parents niya para sa business matters. Ang tatay niya ang Chinese, habang ang nanay naman niya ang Filipino.

Although, kahit napakalupit niya sa akin, gwapo pa rin naman siya sa paningin ko. Tama lang din ang pangangatawan niya dahil alagang exercise at gym. Hindi ko nanaisin na tumabi sa kaniya dahil makikita ang pagkamorena ko dahil sa kaputian niya. Matangkad. Pwede nga siyang maging modelo o artista sa lakas ng karisma niya. Sana na-apply din niya sa ugali niya.

Tahimik lang siya dati kapag sinasama siya sa events dito sa company. Nag-aaral pa siya no'n. Tahimik at mukhang hindi naman gagawa ng gulo.

Nung baguhan pa lang siya sa trabaho, okay naman kami. Sa akin siya hinabilin ni Sir Tony, ang boss ko. Kapag may mga tanong, bukod sa accounting manager, ako madalas ang nilalapitan at pinapatawag niya.

Hindi ko maintindihan bigla na lang siyang naging parang tigre kapag kaharap ako. Hindi naman niya ako sinisisante kahit puro sita siya sa work ko.

"Nakikinig ka ba?!" nagising sa sigaw niya. Sa dami kasi ng sinabi niya, nakatingin lang ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung dinig iyon sa labas kahit na nakasara ang pinto.

Sa totoo lang, wala akong naintindihan sa lahat at haba ng sinabi niya. Ano na naman ba'ng issue nito?

Humugot ako ng malalim na paghinga bago magsalita.

"Sorry po kung wala po akong nagawang tama, boss." panimula ko. "I quit na din po. Pagod na din po ako. Ibibigay ko po mamaya ang resignation letter ko."

Gulat siya sa sinabi kong iyon. Siguro sa loob ng dalawang taon na pagsisita at pagsisigaw niya sa akin, hindi din niya siguro akalain na aayaw na ako. But I'm expecting na makitang masaya siya sa sinabi ko. Pero parang kabaligtaran ang nakikita ko sa reaksyon niya ngayon.

Matagal din kaming natahimik.

Walang imik kong dinampot isa-isa iyong mga papel na pinasa ko kahapon. Kahit naman may problema ako sa personal, hindi ko naman pinapabayaan ang reabaho ko. Dapat kasi kay Ms. Adel niya ito binigay para siguradong tama. Hindi siya madi-disappoint.

"Lalabas na po ako, boss. May gagawin pa po ako. Salamat po." Paalam ko.

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Dire-diretso lang palabas ng kwartong iyon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status