Share

Chapter 7

Chapter 7

Alangan ang mga hakbang ko habang sinundan ko si Sir Dan pagpasok sa unit niya

Ang laki ng space. Walang wala ito sa laki ng apartment na tinitirhan ko. Kahit pa isama ang katabi kong unit.

"Wow, Sir... Mag-isa lang talaga kayo dito?" manghang sabi ko. Nililibot ko pa talaga ang tingin ko sa paligid.

Pinghalong white at black ang motif. May nakikita akong limang room. May maliit na bar counter doon na may display na kilalang alak at babasaging baso. Meron ding dirty kitchen at dining area.

"Uhm.." aniya.

"Ang laki po nito. Kayo ang naglilinis?" tanong ko na abala pa rin sa pagmamasid.

"May cleaners sila dito. Nagpapalinis lang ako."

Dinala niya ako sa receiving area.

"Upo ka." aniya na ginawa ko naman.

May kinuha siyang remote na sa center table at agad na binuhay ang malaking flat screen TV doon. Para akong nasa sinehan.

Nakita kong nilapag na niya ang bag ko sa itim na sofa na nandoon. Nagmamadali kong lumapit doon para kunin. Para akong batang niyakap iyon para hindi na niya makuha sa akin.

Natawa siya nang makita niya iyon, "Hindi ko na kukunin 'yan, okay?" aniya. Binalingan ulit ang TV. "Maupo ka na diyan."

Ginawa ko naman habang pinapapanood siyang nag-i-scroll ng movies doon.

"Ano bang gusto mong panoorin?"

"Gusto ko pong umuwi. Inaantok na po ako."

Which is true. Inaantok na din kasi ako. Ang dami ko kasing nakain kanina.

"Okay..." mukhang ayaw niya ng sagot ko pero hindi naman niya ako kinompronta.

Nakatingin pa rin siya sa TV. May pinili siyang movie na agad niyang p-in-lay. Romance movie iyon kahit hindi sa sinehan pinalabas.

"Dito ka lang. Magsa-shower lang ako."

As if naman na may choice ako?

Nilapag muna niya ang remote sa center table. Tumingin muna siya sa akin tapos lumakad na.

"Bilisan niyo po, ha?"

Nilingon niya ako. Nagkibit-balikat lang siya.

Sinadya kong ipakita ang pagsimangot ko. Imbes na mainis, tinawanan niya pa ako bago tuluyang umalis.

Pairap akong bumaling sa TV sa harap.

Pinahinga ko ang likod ko sa sandalan. Ilang minuto palang since nung iniwan ako ni Sir Dan ay bored na ako. Nakaramdam na din ako ng antok. Sana pala, umangal ako nung sinabi niyang magsa-shower pa siya.

---

Medyo malabo pa ang paningin ko nang nagising ako. Akala ko pa nga nananaginip ako nang makita ko ang mukha ni Sir Dan na malapit sa akin. Seryoso ang mukha niya na nakatingin sa akin habang nakaunan siya sa backrest ng sofa paharap sa akin.

Bigla kong naalala na nasa unit niya pala ako kaya napabalikwas ako ng upo. Agad akong nag-ayos ng sarili ko't nakiramdam.

Nang masiguro kong wala siyang ginawang kung ano sa akin ay saka lang ako tumingin ulit sa kaniya.

"Kanina pa po kayo diyan, Sir?" hindi ko sinasadya na mapalakas ang pagtatanong ko. Sobra pa rin kasi ng kaba ko.

Dahan-dahan pa siyang naupo. Hinarap niya ako.

"I won't do anything na ikakasama ng loob mo sa akin."

Ramdam ko ang sincerity sa sinabi niya kaso natatakot pa rin ako. Sa buong buhay ko, si Jake lang ang pinagkatiwalaan kong lalaki.

"S-sorry po, Sir."

Mabigat siyang napabuntung-hininga bago tumayo. "Tara na."

Iniwan na niya ako doon ng walang paalam.

Bakit parang ako pa ang naging masama?

Sumunod ako sa kaniya agad sa takot na maiwan doon. Hindi pa rin siya nagsasalita kahit na nandito na kami sa basement ng condominium kung saan naka-park ang kotse niya. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto kaso nakakailang dahil alam mo na may sama siya ng loob sa akin.

"Galit po ba kayo, Sir?" ako na ang hindi nakatiis.

Ako din pala ang unang magtataka kapag bigla siyang bumalik sa dati.

"Wala naman." aniya. Sa daan pa rin ang tingin.

"Na-offend po ba kayo kanina?"

Hindi siya sumagot kaya nagsalita ulit ako.

"Sorry po. Hindi ko po sinasadya. Kasi po--"

"I just want you to trust me, okay?" mabigat siyang napabuntong-hininga. "Hindi ako gagawa ng bagay na ikakagalit mo."

"Sorry po."

"Stop that. Wala ka namang kasalanan."

"Okay po."

"Just trust me, Eunice. If gusto mong takasan ang ex- mo, I'll help you. If you want to forget him, tutulungan din kita. It's for your benefits, not mine."

"Hindi niyo naman po kailangan gawin iyon. Employee niyo lang ako."

Sumulyap siya sa akin. Parang nairita siyang lalo sa sinabi ko.

"What employee? Itigil mo nga 'yan. Wala tayo sa office."

Ako naman ang napakunot-noo. "E, ano po?"

"Itigil mo nga 'yang kaka-po at sir mo. Mas naiirita ako."

"Grabe po kayo sa akin."

Ilang beses siyang napalingon sa akin. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya lang matuloy. Pagkaraan ay napailing na lang siyang diretso ang tingin sa harap.

Sa layo ng tingin niya, halatang ang lalim ng iniisip niya.

Nung hindi na siya nagsalita ay dumungaw na lang ulit ako sa katabi kong bintana. Wala nang gaanong sasakyan. Anong oras na din kasi.

Ilang minuto lang ang lumipas nang mapansin ko na biglang bumagal ang andar namin. Kung kailan malapit na kami sa tirahan ko.

Napalingon na naman ako sa kaniya.

Sa harap pa rin naman siya nakatingin at mukhang tinatamad.

"Sir. Okay ka lang ba?"

"Inaantok na ako, e." reklamo niya.

"Hindi niyo na po kasi sana ako hinatid, e."

"Hindi ka na lang kasi dapat umuwi. Doon ka na sana natulog."

"Hindi po pwede 'yon. Iyon ang turo sa akin ng lola ko. Pagpasok palang sa unit niyo, magagalit na po ang mga 'yon sa akin. Matulog pa po kaya?"

"Ang bait mo naman. Proud siguro ang mga grandparents mo sa iyo. Saang province sila, para mabisita naman natin sila."

"Natin ka diyan. Saka.. wala na po sila."

Napalis agad ang ngiti niya't napalingon sa akin saglit. "Aw... Sorry."

"Okay lang po. Bilisan niyo na po, inaantok na po ako."

"Okay na 'yan. Malapit na din naman." aniya.

"May team building pa po bukas, Sir. Baka hindi po ako magising ng maaga. Kayo po kasi, hindi niyo ko pinayagan hindi na pumunta doon."

"Tsk. H'wag mo nang ipilit, okay?. Besides, hindi masaya kung wala ka doon."

"Hay naku, sir... Dali na, Sir." parang bata na akong nagmamakaawa sa kaniya.

"Siguruhin mo na nandoon ka bukas."

"Opo nga po. Bahala po kayo diyan. Kasalanan niyo talaga kapag hindi ako nagising ng maaga."

"Tsk! Stop that 'po'. Nakakinis! Mas matanda ka sa akin."

Nilakihan ko siya ng mata. "Anong sabi niyo po?"

"Ayoko nang magpo-po o magsi-Sir ka sa akin, ha? Utos 'yan."

Sumimangot ako.

"Naiintindihan mo?" dagdag niya.

"Sige. Sige. Bilisan niyo lang ang pagda-drive niyo."

"Okay." saka niya lang binilisan ang pagmamaneho.

Nang huminto na siya sa harap ng apartment ay inunahan ko talaga siyang bumaba ng sasakyan. Hindi ko siya pinansin nung pinigilan niya ako.

"Hindi mo kailangan magmadali." aniya na bumaba din ng sasakyan at lumapit sa akin.

"Ikaw kasi."

"Bakit ako?"

"Basta. Ikaw. Thank you sa paghatid. Umuwi ka na."

"Pumasok ka muna."

"Bumalik ka na sa sasakyan muna." aniko.

Sinundan niya ako ng tingin nang pumwesto ako sa likod niya para itulak siya. Hindi man lang siya natinag kahit na buong pwersa na ng lakas ko ang ginawa ko.

Imbes na maasar ay tinawanan niya pa ako. "Uuwi ako kung papasok ka na sa loob. Mamaya andyan lang sa paligid ang ex- mo."

"Wala na po sila. Uwi!" aniko. Tinutulak pa rin siya.

"Alam mo..."

Inabot niya ang isang kamay ko sa likod niya sabay hila sa akin. Muntikan pa akong matumba sa pagkabigla. Mabuti na lang at inakbayan niya akong naakbayan kaya hindi natuloy.

"Huwag kang makulit." Natangay niya ako nang lumakad siya palapit sa gate.

Dahil matangkad siya ay kita niya agad ang lock ng gate na nasa itaas niyon kaya mabilis niyang nabuksan.

"Pasok!"

Kahit may konting pwersa ay maingat pa rin niya akong sinalpak papasok sa loob. Natulala ako sa gulat. Nang makahimasmasan ako ay nilingon ko siya agad.

Nakangiti siyang kinawayan ako tapos ay sinara na niya ang pinto pagkatapos ay binalik ang lock sa taas. Hahabulin ko sana siya kaso pinitik niya ang kamay ko.

"Masakit po, ha?" pasigaw ko.

Nakasilip siya sa akin. Tuwang tuwa talaga siya sa pinaggagawa niya.

"Makulit ka, e. Pasok na doon." utos niya.

Alam kong mas matigas ang ulo niya kaysa sa akin kaya tumalima na ako. Sinadya kong ipakita sa kaniya ang pagsimangot ko bago tumalikod.

Maya't maya ang lingon ko sa bawat hakbang ko ng sementong hagdan. Nang alam ko nang hindi ko na siya makikita sa last three steps ay sinenyasan ko siya na umalis na, na parang nagpapataboy ng pusa.

Natawa siya. Kumaway muna siya bago umalis doon. Nagmamadali na akong pumanhik sa itaas. Doon kasi tanaw ko ang kalsada.

Saktong naabutan kong nakasakay na siya ng kotse. Binaba niya ang windshield ng bintana sa passenger side. Kumaway ulit siya sa akin na ginantihan ko naman. Bumusina siya ng dalawang beses bago tuluyang umalis.

Nang wala na siya talaga ay saka na ako umalis sa kinatatayuan ko.

----

"Nasa'n ka na?!" galit at nag-aalalang sabi ni Sir Dan sa kabilang linya.

Pupungas-pungas pa ako nang sagutin ko ang tawag niya.

"Saturday po ngayon, Sir."

"Oo! Saturday ngayon! Ngayon ang team building, remember? Nasa'n ka na?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status