Share

Chapter 2

Chapter 2

"Nand'yan pa ba, kuya guard?" tanong ko sa guard ng ng company. Sinipat naman niya ulit ang CCTV na nasa ibabaw ng desk niya.

"Opo, ma'am, e." anito nang makita pa rin ang silver na sasakyan ni Jake doon na naka-park sa labas ng gate.

Shocks! Anong oras ba balak umalis ng mga ito?

Disappointed akong naupo sa upuang kahoy nandoon. Mga isang oras na din akong naghihintay na baka sakaling magsawa sa kakahintay kapag hindi nila ako makitang lumabas dito. Halos isang buwan na din ganito since nang huli ko silang makita sa Bulacan.

Sabi ko kasi kay Trixie na hintayin ako. Nag-CR lang ako saglit, pagbalik ko, wala na sila.

Ilang minuto pa ang lumipas nang natatarantang tinawag ako ni kuya guard, " Ma'am, lumabas po ang driver."

Pagkasabi niya no'n ay nagmamadali akong lumakad para makapagtago sa likod ng guard house. Hindi na nila ako makikita doon dahil bawal silang pumasok sa loob.

"Boss," si Jake. "Nag-overtime po ba si Ms. Eunice Mendez?"

Magalang naman ang pagkakasabi nito pero nagngingitngit ako sa galit nung marinig ko na binanggit niya ang pangalan ko.

"Umalis na po, boss. Kanina pa. Wala nang tao ss loob."

"Gano'n ba?"

Mabuti na lang ka-close ko itong si Kuya Guard. Nagsisinungaling siya para sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Napaigtad ako nang biglang nagsalita si Sir Dan na nasa tabi ko na pala. Buti na lang, hindi ako napasigaw sa gulat.

"Ssshh.." anito ko sa kaniya na sinenyasan ko pang tumahimik.

Napakunot ang noo nito sa pagtataka. Hindi nga pala kami bati nito.

Nataranta ako nang lumakad siya para lapitan ang guard.

"Anong problema dito?" boss na boss na sabi niya dito.

"Si Sir po kasi. Hinahanap po si Ma'am Eunice. E, kanina pa po nakauwi."

"Wala nang tao sa loob, di ba? Bakit kailangan niyo pang patagalin ang usapan niyo?" Nanlaki ang mata ko nang gumana na naman ang pagkasuplado ni Sir Dan. Sapat na siguro iyon para umalis si Jake.

"Boss, sorry po. Aalis na po ako." nang marinig ko ang paalam ni Jake ay doon lang ako nakahinga ng maluwag.

"Lagi ba 'yan naghihintay d'yan?"

"Opo, boss."

"Kapag gan'yan, tumawag na kayo sa barangay. Alam mo na dapat ang gagawin mo." mukhang sasabog na si Sir Dan sa galit kaya nagdesisyon na akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Kaso bigla na naman siyang lumitaw sa harap ko kaya bumangga ako sa katawan niya. Para akong bumangga sa pader kahit na siya lang naman iyon. Muntikan akong ma-out of balance dahil sa biglang pag-atras ko. Mabilis niya akong nahawakan sa braso para hindi tuluyang matumba.

"S-sorry po."

Para siyang na-space out sa nangyari. Sa tatlong taon ko siyang kasama, ngayon ko lang siya nakaharap sobrang lapit. Naamoy ko agad iyong pabango niyang lagi kong humahalimuyak kapag lumalakad siya sa office. Iba talaga ang mayaman, ang kinis ng mukha niya. Kita ko din kung paano gumalaw ang kanyang Adam's apple dahil sa paglunok niya.

Ilang saglit lang iyon kasi mukhang bigla din siyang natauhan. Siniguro muna niyang nakatayo na ako ng maayos bago niya ako bitawan.

Tumikhim muna siya, bago magsalita.

"That's your boyfriend, right? Bakit mo tinataguan?" aniya sa iba nakatingin.

Nagtataka man kung paano niya alam na boyfriend ko iyon ay sinagot ko pa rin siya, "Before po."

Nagkunot noo na naman siya.

Bago pa man siya makaisip ng tatanungin ay inunahan ko na siya ng paalam. "Uwi na po ako, Sir Dan. Gagawa pa po ako ng resignation letter ko sa bahay. Salamat po."

Hindi ko na hininantay pa ang sagot niya, nagmamadali na akong lumakad paalis doon. Nagpasalamat muna ako kay kuya guard bago lumabas ng gate.

Sinuguro ko munang wala na nga talaga ang sasakyan ni Jake bago tuluyang lumabas doon. Malayu-layo ding lakaran iyon dahil nasa loob subdivision itong office namin bago ko marating ang highway.

Madilim na din sa daan. Yakap-yakap ko ang bag ko sa takot na baka masalisihan ako. Although, pamasahe lang at cellphone ko ang laman ng bag ko, nakakatakot pa rin.

Kasalanan lahat ng mga 'yon kung bakit ako nagdudusa ng ganito.

Hindi naman ito ang unang beses na naglakad ako nang mag-isa palabas ng subdivision. Naalala ko pa dati na madalas niya akong sinusundo dahil alam niyang malayo ang office namin sa main road. Mariin akong napapikit nang dahil sa alaalang iyon.

Halos napatalon ako sa gulat nang binusinahan ako ng sasakyan na nasa likod ko. Nasilaw ako sa headlights nito na nakatutok sa akin nung liningon ko. Kalaunan ay binaba din niya ang ilaw. Dahil madilim, hindi ko pa rin makita kung anong sasakyan iyon at kung anong kulay.

Tumabi ako sa pag-aakalang sagabal ako sa dadaanan niya. Gano'n na lang ang pagtataka ko nang bumagal ang pag-andar nito hanggang sa huminto na ito tapat ko.

Nang binaba nito ang windshield sa passenger side ay doon ko lang nalaman na boss ko pala iyon.

"Sumabay ka na." sabi nito.

Mabilis naman akong umiling. "H-hindi na po."

Narinig ko siyang pumiksi sa inis.

Pinanood ko pa talaga siyang bumaba ng sasakyan at lumakad papunta sa harap ko. Binuksan niya na ang pinto sa front seat para sumakay ako.

"Mahihirapan ka nang sumakay, ihahatid na kita doon."

"Meron pa po akong masasakyan, boss-"

"Tsk! Sabing sakay na, e." aniya mukhang nainis na sa akin.

Bigla akong natakot na baka magwala siya doon dahil sa ayaw ko talaga sumakay. Kahit pa hindi ko makita ng ang mukha niya dahil sa dilim, alam kong nakasimangot na siya.

Napilitan akong sumakay doon.

Mabilis siyang nakaikot sa driver's side pagkasakay ko.

Ngayon lang ako nakasakay sa tatlong mga sasakyan niya. Palitan niya iyong ginagamit lalo na kapag coding ang isa o kaya ay may out of town trips siya. Hindi ko alam kung may iba ba siyang sinasakay sa mga ka-office mates ko kasi nga super sungit nito.

"Seatbelt."

Doon ko lang naalalang ikabit ang seatbelt pagkasabi niya no'n.

"Kahit sa MRT station niyo na lang po ako ibaba, boss." walang tingin na sabi ko dahil abala ako sa pag-kakabit ng seatbelt.

"Sa bahay niyo na."

Seryoso siya kaya hindi ko na magawang makatanggi. Mas pinili ko na lang huwag nang umangal sa gusto niyang gawin.

Matagal na din since nagkasama kami ng ganito. Palangiti pa sa akin dati si Sir Dan at lagi niya akong nililibre kahit walang okasyon. Masarap pa siyang kakwentuhan at kabiruan.

Bigla akong napaisip doon.

Tama. Ako lang ang kinakakitaan niya ng gano'n. Kahit magpapansin ang iba kong ka-office mates para maging close sila, hindi niya ito pinapansin. Hindi ko naman sinasabi na close kami, but 'yung mga araw na iyon, kahit na wala akong gaanong kinakausap nandiyan si Sir Dan para maramdaman ko na hindi ako nag-iisa sa office.

Pero nung naging kami ni Jake, nagkaroon na ng gap sa pagitan namin. Bigla na lang siyang naging mainitin ang ulo. Iyong dating gustong maging malapit sa kaniya, mas ginusto na lang nilang pumirmi kung saan sila.

Kaya nga pakiramdam ko bawat ngisi nila sa akin ay binu-bully nila ako. Hindi ko naman naramdaman na nag-iisa ako kasi I'm with Jake that time.

Kaya nga nung nakita ko silang dalawa ni Mama--

Mariin na naman akong napapikit para pigilan ang luha ko. Sa tuwing maalala ko ang eksenang iyon, hindi ko mapigilan ang emotions ko. Magdadalawang buwan na din pero parang kahapon lang.

"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko kasi napigilang suminghot kahit pa hindi tumuloy ang luha ko.

Agad na binuksan niya ang dashboard para makita ko ang tissue doon habang nagmamaneho. Ako na mismo ang kumuha doon.

"Aah.. Yes po." Pinilit ko na ayusin ang boses ko.

I don't want to be close to anyone again. Natakakatakot nang magtiwala. Lalo na sa lalaking ito. Mas okay pa dati na ako lang mag-isa. Hindi ako nasasaktan ng ganito.

May tinatanong pa siyang ibang bagay, isang sagot lang lagi ako. Minsan nagkukwento siya, tutugon na lang ako sa kaniya para hindi siya mabastusan. Even though I hate him dahil sa mga ginawa niya sa akin, kailangan ko pa rin magpakita ng respeto sa kaniya.

Sa ilang sandali naming pag-uusap, nagulat na lang ako na nasa harap na kami ng apartment na tinitirhan ko. Nagtataka ako kung paano niya nalaman ang tinitirhan ko gay'ong hindi naman siya nagtatanong kung saan ako nakatira. At ito ang first time na hinatid niya ako dito.

"Thank you po." sabi ko.

Aalisin ko na sana ang seatbelt ko nang pinigilan niya ako.

"Wait." aniya. "That's your ex-, right?"

Napatingin din ako sa tinitingnan niya sa harap.

Tama siya, si Jake nga iyon na nakatayo sa harap ng sasakyan niya kasama si Elsa, ang mama ko. Hindi ko nga alam kung dapat ko pa siyang tawagin sa gano'n.

Parang kumulo ang dibdib ko nang makita sila kahit na magkatabi lang naman silang nakatayo lang doon. Parang may pinag-uusapan sila. Medyo emotional ang isa na nauwi sa pag-iyak. Itong lalaki naman ay inakbayan niya ito para damayan.

Nagngingitngit ako sa galit habang pinapanood sila. Ang kakapal nila na mag-PDA sila doon sa kabila ng kasalanan nila sa akin. Sa harap pa talaga ng tinitirhan ko.

Narinig ko na may tumunog sa pagitan ng kinauupuan namin ni Sir. Paglingon ko ay naka-incline na ang kinauupuan niya. Prente siyang nakahiga doon habang nakahalukipkip ang braso. Pumikit din ito. Balak niya yatang matulog.

"Mukhang matatagalan pa sila. Dito muna tayo."

"Okay lang po ba na itapat ang sasakyan niyo sa gate?"

"Hmm...?" dumilat ang isang mata niyang tumingin sa akin. Pumikit ulit ito pagkaraan. Maya-maya ay bumangon siya tapos ay walang pasabing lumapit sa akin. Automatic naman na napayakap ako sa sarili ko sa takot na may madikit sa kaniyang private parts ko sa kaniya. Napatili pa ako nang biglang nawala ang sinasandalan ko. Mariin akong napapikit sa takot na para bang mahuhulog ako. Agad naman niyang nasalo ang ulo ko.

Na-istatwa nang pagdilat ko na nasa harap ko siya at sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Natawa siya kinalaunan.

Sinimangutan ko naman siya. Hindi alam kung ano doon ang tinatawanan niya sa nangyari.

"Sir?!" bulyaw ko sa kaniya.

"Sorry. Sorry." anito na natatawa pa rin. Maingat niya akong hiniga.

Bumalik na din siya sa dati niyang pwesto. Prente siya ulit na nahiga doon. Hindi niya mapigilang mapangiti habang nakatingin sa itaas.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status