Share

Chapter 4

Chapter 4

Napabalikwas ako ng bangon nang magising ako sa lakas ng alarm ng cellphone ko. Kinuha ko iyon para sana patigilin ang alarm sa pag-aakalang maaga pa. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong quarter to 6 na ng umaga.

Nakalipas na ang dalawang naka-set na alarm doon pero hindi ako nagising.

Bumangon na ako sa higaan at dumiretso na sa banyo. Nagmamadali akong maligo at mag-ayos ng sarili. Hindi na rin ako nag-abalang mag-almusal nang matapos ako.

Nang nasiguro ko nang naka-turn off na ang lahat ng ilaw at nakatanggal na ang mga saksakan ay lumabas na ako. Patakbo na akong umalis doon pagkatapos.

Pasado na 6am. Maaga pa naman akong nakakarating sa office kaso siguradong madami nang tao sa daan. Hangga't maari sana ay iniiwasan ko ang mga tao para sana iwas siksikan.

Tuluy-tuloy lang ang lakad ko nang makalabas na ako ng gate. Wala na akong pakialam sa mga nakakasabayan ko sa paglalakad. Ang tanging nasa isip ko lang ay makasakay agad ng jeep. Mahirap kasi makasakay dito sa amin, laging punuan.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may bumusinang sasakyan mula sa likod ko.

Napahinto ako sa paglalakad.

Magakdugtong ang mga kilay kong lumingon sa likod para harapin ang papansin na sasakyan. Wala akong balak na makipag-away sa driver, gusto ko lang sana siyang sabihan na malik iyong ginawa niya.

Iyong inis ko kanina, biglang nawala nang makilala ko ang kotse na hindi kalayuan sa akin.

Lumabas ang driver nito. Hindi ko masabi kung good mood ba siya ngayon dahil seryoso na naman ang mukha niya.

"Late ka na." bungad niya sa akin. Itinaas pa nito ang suot pataas.

Doon ko nalaman na hindi naman pala siya bad mood. Ang ganda kasi ng ngiti niya samantalang ako lito pa rin kung bakit siya nandito.

"Anong ginawa niyo po dito, Sir Dan?"

"Sakay ka na." aniya.

"Hindi na po. Magko-commute na lang po ako." tatalikuran ko na sana siya kaso..

"Isa!" may halong pagbabanta ang sigaw niyang iyon.

Sa hiya at takot na makaagaw kami ng pansin sa ibang dumadaan ay patakbo na akong lumapit sa sasakyan.

Sabay lang kaming nakasakay ng pagkapasok ko doon.

"Saan po kayo naghintay?"

"Sa harap niyo. Hindi mo ako nakita?" aniya ng hindi ako tinitingnan. Abala na kasi siya sa manebela para makaalis na doon.

"Hindi po."

"O? Nakasimangot ka nga pagkalabas mo ng gate." natatawang aniya.

"Late na po kasi ako."

"Bakit ka nga ba late?"

Gusto ko sanang sabihin na siya ang dahilan kaya late na ako nakatulog, kaso hindi pwede.

Pinilit kong ngumiti kahit na 'di tumitingin sa kaniya, "Hindi ko po narinig alarm ko, sir. Saka po, sobrang late na din po ako nakatulog kagabi."

"Because of me? I'm sorry."

Yes! "Hindi naman po. Hindi lang po talaga ako nakatulog agad." pagsisinungaling ko."

"O baka may tinawagan ka pang iba?" medyo nagseryoso ang tono niya.

"Wala po, ha? Sino naman tatawagan ko? Saka wala po akong load."

"Okay." halatang hindi siya satisfied sa sagot ko pero hinayaan ko na lang.

Sa buong byahe namin, siya lang ang nagsasalita. Madalas nagtatanong siya sa kung anu-anong bagay, lalo na sa opisina.

Magpapababa sana ako kanto ng subdivision para bumili ng almusal kaso huli na nang maisipan ko iyon.

Halatang nagulat pa si kuya guard nang makita ang sasakyan ni Sir Daniel. Lagi kasi siyang late kung pumasok. Madalas nga ay hindi. Hindi man nagsalita pero kita ko sa mukha ni Kuya Guard nang bumaba kaming pareho ng sasakyan.

"Thank you po, Sir." aniko.

Sinadya ko talaga na salubungin siya.

"No problem. Mamaya, ihatid din kita." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Mabilis akong umiling sa kaniya.

"Hindi na po, sir. Hindi na po kailangan."

"No. Ihahatid kita."

Lumakad na siya papunta sa pinto. Abala siya sa pagsususi ng lock no'n nang sinundan ko siya doon.

"Sir Dan naman, e. Magre-resign na nga po ako, ---"

Natigilan ako nang lingunin niya ako. Nakasimangot siya't magkadugtong ang mga kilay. Parang may na-realize siya kaya nawala din agad iyon.Binalingan niya muli iyong pinto para buksan.

Nagpabuntong-hininga siya.

"Stop that resignation thing. I won't accept it. Mag-awol ka na lang kung gusto mo. Kaso hahatakin pa rin kita pabalik dito."

Nauna na siyang pumasok doon. Mukhang wala siyangnplanong bungangaan ako ngayon.

"Binabantaan niyo po ba ako, Sir?"

Mabuti na lang at nakapreno ako nang bigla siyang huminto. Hinarap niya ako ng nakataas ang isang kilay. Sinadiya niyang ilapit ang sarili niya na kinaatras ko.

"Yes. Kaya kong gawin iyon. Don't dare me, Eunice" aniya sabay ngisi.

Iyon lang saka siya umalis sa harap ko tapos ay lumakad na papasok ng office. Naiwan akong naistatwa dahil sa ginawa't sinabi niya.

Hindi ako agad nakabawi. Iyong mukha ni Sir Dan parang nag-iwan sa isip ko kahit na wala na siya sa harap ko.

Nang matauhan ako ay napailing-iling ako. Para akong aatakihin sa puso sa bilis ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Lakas ng trip nu'n, a!?" hinagilap siya ng mga mata ko nang nakapasok na ako ng office.

Gusto ko sana siyang komprontahin dahil sa mga sinabi niya pero nagbago din ang isip ko. Saktong kakapasok lang niya rin ng sarili niyang kwarto.

Hindi muna ako nag-time in para sana magkape muna kaso pagbukas ko ng drawer ko ay wala na pala akong stock. Gustom pa naman na ako. Malayo pa ang mga tindahan dito kaya hindi din ako makakabili agad. Wala akong choice kun'di ang hintayin na lang si Trixie kung may extra siya.

Yumuko muna ako sa table. May 30 minutes pa. Minsan ay maaga siyang dumadating. Kaso kumakalam na ngayon ang sikmura ko sa gutom.

Nakuha ko ang idlip ko. Nagising ako dahil sa gawang ingay ng mga dumating.

Iyong dalawa sa mga thunders na hindi ko naman gaanong kinakausap. Katulad ngayon, tiningnan lang nila ako nang dumaan sa akin.

"Nasa'n ka na, Trix.." bulong ko pagkatapos ay yumuko ulit.

Bawat minutong lumilipas ay padami na din ng padami ang dumadating. Tulad nung unang dumating, invisible ako sa kanila. Hanggang sa dumating na nga ang pinakahihintay ko. Pasimula na din sana ako sa pagtrabaho para maibaling ko sa iba ang gutom ko.

"Ang aga mo yata?" nagtatakang tanong ni Tixie sa akin

.

"Oo. May kape ka ba diyan?" hindi pa man siya nakakalapit sa cubicle niya ay tinanong ko na.

"Teka."

Pansin ko na bago siya maupo doon ay napasulyap siya sa kwarto ni Sir Dan.

"Ang aga ni Sir Dan, a. Kanina pa ba siya?" aniya. Nilapag na niya ang mga gamit niya.

"O-oo.." hindi ko masabing sabay kaming dumating dito.

Bubuksan na dapat niya ang drawer niya pero naagaw ang pansin namin nang tawagin ako ni Kuya Guard na nasa bungad na ng pinto. May hawak itong naka-paper bag ng isang kilalang fastfood kaya siguradong pagkain ang laman no'n. Habang sa isang kamay nito ay tangan ang isang cup ng hot drinks.

Buong pagtataka akong lumapit sa kaniya.

"Bakit, kuya?" para sa inyo daw po sabi po ng rider.

"Sa akin? Hindi naman po ako um-order, ha?" medyo gulat ang reaction ko. Hindi talaga ako mag-o-order ng mga ganito..

"Sa inyo, ma'am. Sa inyo po nakapangalan. Nasa loob po yung resibo. Bayad na din po."

Hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya. Kinuha ko na lang iyon saka bumalik sa pwesto ko.

"Kailangan mo pa ba ng kape?" tanong ni Trixie na nakasilip sa akin sa kabilang cubicle.

"Hindi na. Thank you."

Agad kong hinagilap 'yung sinasabing resibo. Totoo nga sa akin nga nakapangalan. Buti na lang hindi ako siningil. Pero nagtataka pa rin ako kung kanino ito nanggaling.

Habang inuusisa ko iyon, nag-ring naman ang telepono sa desk ko. Sinagot ko agad nang makita ko ang local ni Sir Dan doon.

"Hello po?"

"Kumain ka na." pautos na aniya. "Huwag kang mamimigay."

"Po? Sa inyo po galing ito?"

"Oo. Sapat na sa akin ang thank you."

"E---"

"Basta kumain ka na diyan. Say thank you." utos ulit niya.

"Thank you po." napipilitan kong sabi kahit na dapat naman talaga.

"Okay. Bye." Hindi na niya ako pinagsalita dahil pinutol na niya agad tawag.

Alam kong pinapanood niya ako sa monitor niya kaya ginawa ko na lang ang sinabi niya.

Para masabing tama ang hinala ko ay binigay ko ang isang burger kay Trixie.

"Kanino daw galing?" aniya pagkakuha.

Nagkibit-balikat ako.

"Ipapakain mo sa akin, hindi mo alam kung kanino galing?"

"Sira! Ang ingay mo. Syempre alam ko... Kumain ka na lang diyan."

Bumalik na ako sa pwesto ko.

Hindi nga nagtagal ay tinawagan nga niya ako.

"Sabi ko sa iyo ----"

"Ang dami niyo po kasing binili." putol ko sa kaniya. "Saka hindi po likas sa akin magdamot."

Ilang sandali siyang nanahimik. Pinag-isipan niya siguro ang sinabi ko.

"Okay. Ubusin mo na 'yan."

"Opo."

Tinuloy ko na ang pagkain ko pagbaba ko nu'n.

Kung wala sigurong panahon na naging terror siya sa akin, hindi ako maninibago sa mga kabaitan niya ngayon. Napailing na lang ako nung ikinumpara ko sa isip ko ang mga ginagawa niya sa akin ngayon saka noon. Hindi pa man 24 oras nang magkausap kami ulit, para na siyang close friend ko kung kumilos.

Siguro dahil sa resignation ko kaya kinukuha niya ulit ang loob ko.

Sinubo ko na agad ang huling bite ng pancake at tinungga ang kape na malamig na ngayon. Tinapon ko agad mga basura ko sa basurahan.

Sinadya kong tumingin sa CCTV camera na hindi kalayuan sa itaas ng pinto, na sa palagay ko doon niya ako nakakikita.

Pagkatapos humarap na ako sa monitor ng computer.

"Bahala siya sa buhay niya."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status