Share

Chapter 5

Chapter 5

"Hindi pwedeng hindi, Ms. Eunice." sabi sa akin ng HR staff.

Nandito siya sa pwesto ko para sana ipaalala sa akin ang mga guidelines para sa team building bukas. Kaso ngayon lang din ako nagsabi sa kaniya na hindi ako makakasama.

Kailangan ko na kasing makahanap ng lilipatan dahil hindi pa rin ako tinatantanan nila Jake. Hindi ako makauwi ng maaga dahil alam ko na nandoon sila. Kapag Linggo naman, nasa labas sila. Wala lang sila doon tuwing umaga sa weekdays kasi may pasok siya. Parang wala na tuloy akong kalayaan.

Wala na akong pakialam sa buhay nila, sana tigilan na nila ako.

Kahit anong pilit din ni Sir Dan sa akin, hindi na ako pumapayag na ihatid o sunduin niya ako dahil hiyang-hiya na ako sa kaniya. Minsan nga ay tinataguan ko siya o nag-a-out pa ako ng maaga. Ayoko din ng may utang na loob kahit kanino.

"Nagpaalam na ako na ako kay Ms. Adel, ma'am." sabi ko.

"Hindi naman siya pumayag , 'di ba? Sumama ka na Ms. Eunice. Mag-e-enjoy ka doon. Ngayon kasi, kapag hindi ka pumunta, ma-a-absent-an ka. May penalty ka pa kasi kasama ka na sa budget."

"Okay lang po. Kailangan ko na kasi makahanap ng bahay na lilipatan."

"Hindi pwede." aniya. Mukhang konti na lang ay maiinis na siya sa akin kasi may diin na ang pagkakasabinniyang iyon. "Lahat ng staff pupunta tapos ikaw hindi? I-move mo na lang 'yung schedule mo."

Napapikit na lang ako sa sama ng loob. Gusto ko pa sana sumagot kaso mas pinilit ko na lang na manahimik.

Parehas kaming napaangat ng tingin nang may dumating.

Kinilabutan ako nang magtama ang mga tingin namin. Halatang nagtataka siya nang makita doon si Ms. Rochel ng HR department.

"Anong meron?" seryosong aniya.

"Si Ms. Eunice po kasi, hindi daw po makakasama sa team building bukas." sagot sa kaniya ni Ms. Rochel na tila ba nagsusumbong.

"Why?" ako naman ang binalingan niya.

"May aasikasuhin po kasi ako, Sir."

"I-move mo na lang 'yan, kung ano man 'yang aasikasuhin mo."

Napasimangot ako. Alam ko naman na hindi niya ako kakampihan.

"Opo, sir." Humarap na ako sa computer ko para matapos na sila.

Agad din namang tumayo si Ms. Rochel nang makuha niya ang gusto niya. Matapos niyang magpaalam ay umalis na din.

Sisilipin ko lang sana kung umalis na din si Sir Dan doon. Kinilabilutan na naman ako nang nandoon pa rin siya't pinapanood ako.

"Sumama ka sa akin sa office. May sasabihin ako." sabi niya bago umalis doon.

Wala naman akong nagawa kun'di ang sumunod.

Ewan ko ba, tuwing maglalakad ako papuntang office ni Sir Dan, pakiramdam ko madaming mata ang nakatingin sa akin. Hindi naman na bago sa kanila kapag pinapapunta niya ako dito para pagalitan.

"Anong dahilan mo?" mahinanong aniya.

Nilapag niya sa ibabaw ng table ang dala niyang laptop bag.

"Maghahanap po ako ng lilipatan. Medyo urgent po kasi."

Marahan siyang tumango.

"May alam ako, baka gusto mo doon. Malapit lang dito."

"Po? Hindi na po. Saka baka hindi ko po afford 'yung renta."

Natigilan siya saglit. Parang napaisip sa sinabi ko.

Puro condominiums ang karaniwan dito sa city. Saka, sigurado akong iyon lang din ang alam niyan upahan. Saka anong alam niya sa mga apartment? Ang alam ko, may sarili siyang unit malapit dito.

"Hindi naman siguro. Kung magkano lang kaya mo, siguro papayag na din ang may-ari."

"Hindi na po, Sir. Kaya ko na po." tanggi ko.

"Pag-isipan mo muna. Sabihan mo ko kapag lilipat ka na."

"Lipat agad, Sir? Hindi po ba pwedeng tingnan ko muna?" natatawang sabi ko sa kaniya.

Natawa din siya sa sinabi ko. "Oo nga, 'no?"

"Niloloko niyo na po ako, Sir, e."

"No! I'm not." mariing aniya.

Nakakatuwa sana ang mga ganitong usapan namin ni Sir. Kung hindi ko lang sana siya boss, at kung wala akong naranasan sa kaniya na palagi siyang galit sa akin, siguro makikipagbiruan ako sa kaniya, katulad ngayon.

"So, kino-consider mo ang offer ko? Pwede natin puntahan iyon, kahit after team building para makita mo din."

"Po? Hindi po ba nakakahiya, Sir? Ako na lang po. Sabihin niyo na lang po sa akin ang address --"

"No. Sasamahan kita?"

Hindi ko alam, o kung ako lang ba? Parang mas umaliwalas ang mood niya dahil titingnan ko ang sinasabi niya. Parang mas excited pa soyang lumipat ako doon.

Parehas kaming napalingon sa pinto nang may kumatok doon bago pumasok.

Palitang napatingin sa amin si Ms. Adel, ang accounting manager. Sa akin bumagsak ang tingin niya. Kita ko sa mga mata niya ang tanong kung bakit 'andoon ako. Lalo na't naabutan niya si Sir Dan na ngiting-ngiti.

Magsasalita na sana ako pero biglang tumikhim si Sir Dan kaya parehas kaming napalingon sa kaniya. Sumiryeso na ulit ito ng katulad ng nakasanayan namin.

"Pinatawag ko siya." aniya kay Ms. Adel. Pagkatapos ay tumingin sa akin, "You may go, Eunice. Thank you."

"O-opo.. Thank you din po." para akong biglang natauhan sa sinabi niya.

Tumingin ako sa manager ko para mg-alam. Tumango lang siya sa akin. Tuluyan na siyang pumasok para makalabas ako.

Sa pagkakaalam ko, may gusto si Ms. Adel kay Sir Dan. Pero dahil professional siya sa work, hindi niya iyon pinapakita. Hindi ko alam kung saan nag-ugat ang usap-usapan na iyon, basta kumalat na lang iyon sa office.

Kung totoo man iyon, gusto ko kung paano i-handle ni Ms. Adel ang sitwasyon between sa feelings niya at sa work. Siguro alam din iyon ni Sir Dan, wala namang nakakaligtas sa kaniya.

Mabilis lumipas ang oras at uwian na naman.

Hindi ko magawang makauwi sa bahay dahil paniguradong nandoon na naman sila Jake. Kahit na pina-blotter na sila sa barangay, parang wala lang iyon sa kaniya. Dito kasi sa office, hindi na nila magawang makapasok sa kasi hinaharangan na sila gate ng subdivision.

Imbes na umuwi agad ay napipilitan tuloy ako na magpalipas ng oras sa mall na malapit doon. Nung unang araw na pumunta ako dito ay naglilibut-libot pa ako sa loob. Pero kalaunan ay tumambay na lang ako sa park dito. Ito din ang main attraction nila kaya madaming tao.

Bukas na ang mga ilaw dahil madilim na kaya mas gumanda ang paligid. Mas masarap nang tumambay katulad din ng ibang nandoon.

Naupo ako sa isang bench habang pinapanood ko ang ibang dumadaan. Halatang mga mayayaman ang ilan dahil sa kutis at pananamit nila.

Isang oras na din ang lumipas nang makaramdam ako ng pagkainip. Ilang beses na din akong humikab. Maya-maya pa ay gustom naman ang reklamo ng sikmura ko.

"Bakit nandito ka?"

Automatic akong napalingon sa kaniya. Seryoso na naman ang mukha niya na parang may ginawa na naman ako sa kaniya.

"Sabi mo, may birthday kang pupuntahan?" dagdag niya.

Buti nabanggit niya iyon, bigla ko tuloy naalala ang sinabi kong alibi nung tinaggihan ko ulit ang offer niya na ihatid ako.

"Kayo po pala. Anong ginagawa niyo dito?"

Mukhang nakauwi na siya kasi nakapagpalit na siya ng damit. At mukhang sa gym ang punta niya.

"Ako unang nagtanong." masungit na aniya.

"Na-cancel po, e.

"Na-cancel o wala talaga?

Napayuko na lang ako dahil huli niya agad ako.

"Hindi mo naman kailangan na magsinungaling sa akin. Dahil sa kanila?"

Marahan lang akong tumango.

"I told you, ihahatid na kita. Hindi ka nila makikita kung manggagaling ka sa sasakyan pagbaba doon."

"Alam ko po. Pero okay lang naman po ako. Saka nakakaistorbo na po ako sa inyo."

"Never kang naging istorbo sa akin."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Tinapat niya ang tingin ko para siguro mapatunayan ko na totoo ang sinasabi niya.

Ako din ang natalo't tumingin sa ibang direksyon.

"Thank you po, Sir. Pauwi na rin po ako. Sure na wala na po sila doon.

"No." sabi niya na kinatingin ko ulit sa kaniya. "Kumain muna tayo. Medyo nagugutom na din ako, e."

"Ho? H-hindi na po." umiiling pa akong tumanggi.

"Please. Samahan mo muna ako."

Please daw?

Bigla akong nagdalawang isip dahil doon. Ayoko talagang magsasama sa kaniya. Pero para siyang bata ngayon na nakikiusap na samahan ko siyang kumain.

"Kaso, naka-uniform pa po ako." tiningnan ko pa ang sarili kong suot. "Nakakahiya."

"Buti ka nga, nakagan'yan. Tignan mo nga ako."

Hindi sinasadyang mapatingin talaga ako sa suot niya.

Nabigla ako nang walang salita niyang kinuha ang bag ko. Nung tangkang kukunin ko iyon sa kaniya ay mabilis niyang iniwas iyon sa akin.

"Ako na ang magdadala nito para sure na hindi ka tatakas." aniya bgo ako talikuran..

"Sir!"

Napatakbo ako nung hinabol ko siya.

"Akin na po 'yan, Sir!"

Wala na akong pakialam kung nakakaagaw kami ng atensyon sa ibang nandoon. Nagawa ko nang hawakan ang laylayan ng bag ko pero hinawi niya iyon para mabitawan ko.

Biglang humarap siya sa akin tapos tinginan ako ng masama.

Natigilan ako. Nagalit yata. Wala naman akong masamang intensyon kung 'di ang kunin lang ang gamit ko.

Maya-maya pa ay ngumisi siya ng nakakaloko. Muli niya akong tinalikuran tapos lumakad ulit.

Wala akong nagawa, sinundan ko siya kung saan man siya magpunta. Nandoon kasi lahat ng gamit ko. Sana pala binulsa ko na iyong barya ko pamasahe kanina. Kahit iwan ko na lang sa kaniya ang bag ko, okay lang.

Agaw pansin siya sa ibang babaeng madadaanan namin. Kaso biglang nawawala ang kilig nila dahil sa bitbit niyang mumurahing bag ko na nakasukbit sa balikat niya.Kapag ako naman ang dadaan dahil kasunod niya ako, titingnan nila ako mula ulo hanggang baba.

Huminto siya sa paglalakad.

Napatingin din ako sa tinitingnan niyang display na tuxedo ng kilalang mamahaling store.

"Bagay kaya sa akin iyan?"

Tumingin ako sa kaniya saglit tapos doon ulit.

"Okay lang naman po." walang ganang sagot ko sa kaniya.

Pero sa totoo lang, bagay na bagay sa kaniya iyon. Pwede nga siyang maging model ng damit na iyon.

"Bagay din sa iyo 'yong katabi." aniya, tinutukoy ang bridal dress na katabi nito.

Napabaling din ang tingin ko doon. Na-imagine ko agad na suot ko nga iyon. Masyadong elegante iyon at halatang mamahalin.

Pumasok na naman sa isip ko si Jake.

Bago pa man makaramdam ako ng kirot sa puso ko ay tinalikuran ko na siya.

"Can't afford." aniko.

Nauna na akong lumakad sa kaniya. Hindi ko alam kung nag-aasar ba siya o ano.

Mabilis niya akong hinabol hanggang sa pumantay siya sa akin.

"Bagay iyon sa iyo." ulit niya.

Napairap na lang ako. Minabuti ko na lang na hindi siya patulan.

Nang tumingin ako sa kaniya ay nakita ko na hindi niya hawak ang bag ko. Sinubukan kong kunin iyon pero mabilis niyang naiiwas.

"Bad 'yan." natatawa pa siya na tumabi ulit sa akin.

"Akin na po kasi 'yan. Wala na po akong ganang kumain." nakasimangot na ako.

Totoo. Wala na akong ganang kumain.

"Sorry na kung nagalit ka. Pero hindi naman siya iyong groom mo kapag kinasal ka."

Napakunot noo ako na naman ako.

"Malay mo, ako 'yon." nakangiting aniya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status