Share

Chapter 3

Chapter 3

"What happened to both of you?" out of the blue ay nagtanong siyang bigla.

Matagal kaming walang imikan habang naghihintay doon. Kahit na nakahiga na ako dito ay inaabot pa rin ng tanaw ko ang dalawang iyon na nandoon pa ring nakatayo.

Nakakairita! Gigil na sigaw ng isip ko.

Gusto ko sana silang sugurin para sawayin na doon sila sa park, huwag doon sa nakikita ko. Siguro titigilan na nila ako kapag ginawa ko iyon.

Kaso mas pinili ko na lang na manatili doon. Ayaw kong pababain ang level ko sa kanila. Saka halos dalawang buwan na ding wala kami. Isang buwan din akong nanahimik at k-in-omfort ko talaga ang sarili ko dahil wala naman akong sinabihan sa nangyari sa akin.

Ano pa bang sense na mag-usap kami? Bakit pa nila ako hina-hunting?

"He... Cheated."

"Hmmm?" Hindi ko nakikita ang expression ng mukha niya kasi nakatuon lang ang tingin ko sa harap

"I saw them naked. Alam niyo na po siguro kung ano ginagawa nila kapag gano'n."

"Hindi, e. Can you tell me?" anito na nasa interesadong boses para ikawento ko ng detalyado

Saka ko lang siya nilingon para tingnan ng masama.

Mahina siyang humalakhak. "Joke lang. Then?"

"Para sa akin po, tapos na po. Hindi ko alam kung bakit nila ako hina-hunting na para po bang ako may atraso sa kanila."

"Ayaw mo ba silang kausapin?"

"Kayo po ba, gugustuhin niyo pa po ba?"

"Depende. If I want to kill that girl besides my ex-"

"Mother ko po siya." putol ko sa kanila. Kita ko ang gulat sa reaksyon niya.

Walang emosyon naman akong tumingin ulit sa dalawa. Wala na rin sinabi si Sir. Hindi siguro makapaniwala sa nalaman.

Ilang oras na ang nakakalipas at mukhang wala silang balak na umalis. Hiyang-hiya na ako kay Sir Dan kasi napilitan siyang maghintay dito. Maya-maya pa ay bumagsak ang malalaking patak ng ulan hanggang sa lumakas iyon ng lumakas. Tarantang pumasok ang dalawa sa loob.

Gusto kong matawa nang makita ko silang patakbong pumasok sa sasakyan. Panahon n din an nagtataboy sa kanila para umalis. Hindi tinted ang salamin ng kotse ni Jake, hindi katulad nitong sasakyan ni Sir Dan. Binukasan nila ang ilaw sa loob kaya kita ko kung paano siya punasan ni Elsa na dating ako ang gumagawa sa kaniya.

Iyong tuwa ko sa panonood sa kanila ay napalitan ulit ng inis.

Kalaunan ay umalis na sila doon. Hindi ko na sila sinundan ng tingin nung dinaanan nila kami..

"Hintayin mo nang tumila ang ulan. Ligaw lang naman 'yan." sabi ni Sir Dan nung bumangon na ako..

"May payong naman po ako. Para makauwi na din po kayo."

"Okay lang. Wala na naman akong pupuntahan after dito. I'm willing to stay. Kahit bukas na din ako umuwi, okay lang."

"Ano naman pong gagawin niyo dito, Sir?" natatawa kong sabi sa kaniya.

"Sasamahan ka."

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko kailangan ng kasama ngayon. Mas gusto kong mapag-isa. Saka, hindi ko alam kung anong nakain niya bakit biglang bait niya sa akin ngayon. Parang nakalimutan na niyang bigla iyong dalawang taon na ponag-iinitan at pinapahirapan niya. Parang hindi siya si Sir Dan ang nasa harap ko ngayon.

"Thank you po, sir. Na-appreciate po sa paghatid niyo sa akin dito. Pero po hindi niyo na po kailangang --"

"No. Ayaw ko pang umalis. Period."

Pinikit na niya ulit ang mga mata niya.

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Mukhang hindi ko siguro talaga siya mapipilit na umalis. C-in-onsider ko na lang iyong ulam na malakas pa rin ang buhos.

Hinayaan ko na lang siya sa kung anong gusto niyang gawin. Mahirap din kasi bumyahe siya tapos ganito ang panahon. Baka mapa'no pa siya.

Inayos ko na ang sarili ko nang mapansin ko na wala nang ulan sa labas.

"Maraming salamat po, Sir. Ingat po sa pagda-drive." nagmamadali na akong alisin ang seatbelt ko na dapat ay tinanggal ko na kanina pa.

"Yeah. See you tomorrow." aniya.

Bubuksan ko na dapat ang pinto sa tabi ko pero pinigilan na naman niya ako..

"Wait." sabi pa niya.

Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan. Sinundan ko siya ng tingin nung patakbo siyang pumunta sa side ko para pagbuksan na naman niya ako ng pinto. Likas na sigurong ganito siya tulad ng kaniyang papa na original boss ko.

Nung mga panahon na kasama ko si Jake, never ko naranasang ganito siya sa akin. Although may gentleman side naman din siya in different ways.

"Thank you po. Kaya ko na po." sabi ko nang nilahad niya 'yong kamay niya sa harap ko. Kaso hinawakan pa rin niya ako sa braso hanggang sa makatayo ako ng maayos.

"Okay lang." Bumaling siya sa apartment na tinutuluyan ko. "Matagal ka na din nakatira dito, ha?"

Medyo nagtaka ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko maalalang sinama ko siya dito.

"Go ahead. Aalis na din ako pagkapasok mo sa loob." aniya. Nahalata niya siguro na nagtataka na ako.

"Sige po, Sir. Ingat po sa pagda-drive."

Mukhang hindi siya aalis kapag hindi muna ako pumasok sa loob. Huminto ako bago tuluyang pagkabukas ko ng gate. Nakatayo pa rin siya doon. Tipid siyang ngumiti sa akin tapos sinenyasan na pumasok na sa loob.

"Ingat po." sabi ko pa tapos pumasok na ako.

Pagkasara ko no'n ay sinilip ko siya doon sa maliit na butas doon. Sinadya iyon para tingnan muna ang mga taong hindi naman nakatira doon.

Naabutan ko siyang nakatayo pa rin doon. Iyong mga kamay sa pantalon. Nagtaka talaga ako nung makita ko siyang napangiti sa sarili. Masaya siyang lumakad sa sasakyan niya't agad sumakay doon.

Sa totoo lang, kanina pa ako nagtataka bakit bigla siyang naging mabait sa akin. Naging weird siyang bigla sa paningin ko tuloy. Siguro dahil sa resignation na sinabi ko sa kaniya kanina.

Kahit naman gawin niya sa akin ang mga ganito ay itutuloy ko pa rin iyon. Gusto ko ng peace of mind.

Napailing na lang akong umatras paalis doon.

"Eunice."

Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin sa gulat nang biglang lumitaw sa harap ko ang matandang landlady sa harap ko.

"Aling Matilda, ginulat niyo po ako." reklamo ko nang makabawi ako.

"Pasensya ka na. 'Yong ex- mo kasi. Kanina pa nakaparada diyan sa harap."

"Naku.. Sorry po sa istorbo."

"`Wala iyon. Gusto mo ba, ipa-blotter sa barangay para hindi na sila pwede makatambay diyan?"

"Pwede po ba iyon?"

"Aba, oo naman. Para maaga ka na makauwi."

"Maraming salamat po, Aling Matilda, kung magagawa po 'yon."

"Wala 'yon. Mabuti nga sinabi mo na ex- mo na iyon. Mga ganiyang bagay, madaling gawan ng paraan. O, s'ya. Magpahinga ka na."

"Opo. Salamat po ulit." Nakangiting paalam ko sa kaniya.

Agad kong narating ang apartment na inuupahan ko sa second floor. Pagka-lock ko ng pinto ay pagod akong naupo sa sofa na nandoon.

Wala sa loob ko na mapatingin sa paligid. Nakakabingi ang katahimikan dito pero nasanay na din ako. Ilang taon na rin pala akong independent. Ang pinagkaibahan nga lang, kung dati kino-consider ko pang may magulang ako, at boyfriend na masasandalan, ngayon wala na. Mag-isa na lang talaga ako.

Nakakapanghinayang na umalis dito kasi wala namang bahid dito si Jake dahil ni-minsan, hindi siya nagtangkang pumunta dito. Kung kailan wala na kami, tumatambay sila diyan sa labas.

Napangisi ako ng maisip ko iyon. Ilang sandali pa ay napabuntung-hininga ako.

Magtrabaho na lang siguro ako sa abroad pagka-resign ko. Mas malayo. Mas maganda.

Tumangu-tango pa ako sa sarili ko nilang pagsang-ayon ko sa plano kong iyon.

Tumingin ako sa oras sa cellphone ko.

8 o'clock na pala. Natagalan lang naman ako dahil ayaw ako pababain ni Sir Daniel kanina.

Bigla ko tuloy siyang naalala. Marahil ay nakauwi na siya.

"Nakakapagod.." reklamo ko.

Sinandal ko ang buong likod ko sa backrest ng sofa na kinauupuan ko tapos umunat-unat. Ang daming ganap ngayon araw. Mas nakakapagod ang stree kaysa sa mga trabaho sa opisina.

Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako. Akala ko, panaginip ko lang na may naririnig akong pamilyar na tugtog na naggagaling sa kung saan. Maya-maya pa ay bigla akong nagising sa pagkaka-idlip. Bumalikwas akong hinanap kung saan iyon nanggagaling.

Sinipat ko ulit iyong oras doon. 10:30 na ng gabi. Kung hindi siguro tumatawag itong unregistered number sa phone.

Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko iyong dahil unregistered number. Sa huli ay sinagot ko din iyon.

"Hello?" sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.

Hindi si Jake iyon.

Lalo akong napaisip nang magsalita ulit siya.

"Hello? Bakit hindi ka nagsasalita?" aniya. Mukhang naiinis na dahil pinakikinggan ko lang siya.

"Sir Dan?"

"Yes. Ako nga."

"Saan niyo po nakuha number ko?"

"Alam ko lang, bakit? Staff kita kaya dapat alam ko." masungit na sabi niya.

Napairap ako sa hangin.

Kakahiwalay lang namin, heto na naman siya.

"Hello?" sabi na naman niya.

"Yes, Sir."

"Busy ka ba?"

"Hindi naman po. Nakauwi na po kayo niyan?"

"Yup. What are you doing?"

" Matutulog na po." sinadya kong baguhin ang tono ng boses ko para maniwala siya.

"I see. Sorry kung naistorbo kita?"

"Hindi naman po."

Sunud-sunod ang mga tanong niya at puro "opo" at "hindi po" ang sinasagot ko. Minsan naman ay nagkukwento siya. Tinyagaan ko naman na makinig sa kaniya para hindi siya mapahiya.

Nakakapanibago talaga siya. Heto na naman siya, nakikipagkwentuhan. Pero darating ang araw na gigerahin na naman niya ako. Kaya kasyal formal pa rin ang sagot ko sa kaniya na para bang nasa office kami.

Ni-loudspeaker ko na ang cellphone ko para makapag-ayos na at makatulog.

"Boring ba akong kausap?" mukhang nakahalata na siya.

"H-hindi naman po." muntik pang may pumasok na bula sa bibig ko sa pagkataranta.

"I know, you find me weird today."

"Mmm.. Medyo." pag-amin ko. Minadali ko na ang pagkuskos sa mukha ko.

"I'm so sorry sa lahat ng nagawa ko sa iyo."

Natigilan ako. Hindi ko sure kung tama ba ang narinig ko. Nagso-sorry siya?

"Stress kasi ako sa work kaya nasisigawan kita. I hope you understand."

Tinitigan ko ang cellphone ko, nagbabakasakali na lumabas ang totoong si Daniel Sy nga ba talaga ang kausap ko.

"Hello?... Hello? Eunice?"

Muntik pang mahulog ang cellphone ko pagkadampot ko nu'n dahil sa pagkataranta.

"Yes po, Sir. May ginawa lang." pumunta na ako sa kwarto ko.

"Matutulog ka na ba?" aniya.

"Uhm.. Opo."

Humiga na ako sa manipis na foam na nilatag ko doon habang kausap siya. Hindi ko na din naiwasang mapahikab ng ilang beses.

"Okay. Matulog ka na. Sorry, nakaistorbo yata ako."

"Sorry po. Inaantok na po talaga ako."

"What time ka ba umaalis diyan?"

"Uhm.. Mga 6 ng morning din po para iwas traffic."

"Oo nga. Medyo malayo din kasi iyang apartment mo. Kailangan mo na ngang matulog."

"Opo. Kayo din po."

Biglang hindi siya nagsalita. Akala ko tuloy ay binaba na niya ang tawag.

"Sir?" gusto ko sana na masigurong wala na talaga siya bago ibaba.

"Good night." Iyon lang. Agad na niyang binaba ang tawag.

Matagal kong tinitigan ang screen ng cellphone ko bago ako maka-recover.

Napailing na lang ako sa kakaibang trip niya ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status