Share

Chapter 02

CHAPTER 02: ADOPT

"Happy birthday, princess!"

Malaki ang ngiti ko nang makita si pappa. Finally, he's here to celebrate my birthday! Muntik na akong mawalan ng pag-asang darating siya. He's a Governor in the first place. I'll understand if he wouldn't make it here because he is serving the people of our Province.

"Thank you, pappa! I love you so much!" Niyakap ko siya ng mahigpit bago tinanggap ang regalong hawak niya. "Mamaya ko na lang po bubuksan! I want to spend more time with you!"

Lumapit si mamma sa amin at nakita ko ang pagngiti niya kay pappa. "I told you, darling! She wants to be with you. Pagbigyan mo na ang prinsesa natin," paglalambing niya.

"Alright, I'll just greet the visitors later," dahil sa sagot niyang iyon ay napangiti kami ni mamma at niyaya na siyang umupo sa table namin para kumain at makisaya. "I saw the Saavedras, did you greet them, princess?"

"Saavedra? Hindi ko po sila kilala," pag-amin ko dahil wala talaga akong kakilala sa mga kaibigan nina mamma at pappa. Binabati ko ang ilan pero hanggang doon lang.

Akmang lilingon ako sa kinawayan niya nang biglang may umalingaw-ngaw na tunog ng baril.

Napakurap ako, naestatwa at tila nabingi. Kita ko kung paano nagulo ang mga disenyo, ang paghulog ng mga pagkain sa sahig at ang pagtakbo palayo ng mga bisita namin.

Nagkakagulo sila. Pero bakit? Anong nangyayari?

"Pappa..." takot kong tawag sa ama nang bigla niya akong buhatin. Hawak niya sa isang kamay si mamma na tulad ko ay umiiyak. Marahil ay dahil sa takot.

"Niel, drive them to our safe place," nagmamadali at nanginginig na utos ni pappa sa isa sa driver ng pamilya namin. Ngayon ko lang siya nakitang natakot ng ganito.

"Pappa, saan ka po pupunta?" pigil ko sa kanya nang ibaba niya ako sa upuan ng kotse.

"I will stop those who are behind this chaos, princess. Babalik ako at itutuloy natin ang birthday party mo, I promise." Hinigit niya ako at hinalikan niya ako sa noo.

"Darling, ikaw muna ang bahala. Babalik ako agad. Po-protektahan ko kayo," bilin niya kay mama at siya naman ang hinalikan niya. "I love you. I love you both." Niyakap niya kami bago niya tuluyang isinarado ang pinto ng kotse.

Tinanaw ko siya sa saradong bintana. Nakita ko ang nagtatakbuhang mga bisita namin pero si pappa, nakatayo lang siya. Bago kami lumiko ay nakita kong may binunot siya mula sa coat niya... isang baril.

"Astrid, it's okay. I know babalik din si daddy just like what he promised." Hinaplos ni mamma ang likod ko para pakalmahin at isinandal niya ako sa kanya hanngang sa makatulog ako.

"Mr. Hansson, they found us."

Kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabing iyon ng kanang kamay ni pappa. May hawak itong baril at alerto pa rin sa paligid.

Hindi ko mapigilang umiyak nang bumalik ang takot sa dibdib ko. Muntikan na akong humikbi, mabuti na lang ay natakpan ni mamma ang bibig ko. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Pero ang paghawak ni pappa sa kamay ko, lumuwag iyon.

Umiling ako habang tuloy pa rin ang pagtulo ng luha at pinilit inabot ang kamay niya nang bitawan niya ako. "I'll be back, dito lang kayo," bulong niya, sobrang hina. Parang may pinagtataguan kami at ayaw naming magpahuli.

Dahang-dahang isinarado ni mamma ang pinto nang makalabas sina pappa. Gusto kong magtanong nang hilain niya ako at binuksan niya ang malaking cabinet. May kulay itim siyang kinuha. Noon ay nakikita ko lang iyong isinusuot ng mga pulis o sundalo sa panood. Isang bullet proof vest.

May kinuha siyang gunting. Nanlaki ang mga mata ko nang sirain niya ang dress ko. "Mamma, bakit po?" mahinang tanong ko dahil maikli na iyon. Isiniksik sa parteng dibdib niya ang mga nagunting na piraso ng dress ko bago niya mabilis na isinuot sa akin ang vest. Muli ay naghanap siya pero parang hindi niya mahanap iyon base sa reaksyon niyang dismayado.

"Dito ka muna, anak. Pahinga ka lang muna dito, ha? 'Wag ka munang lalabas para safe ka."

"Ikaw po, mamma? Saan ka po?" Nanunubig ang mga mata ko kaya nanlalabo ang pangin ko pero kita kong umiiyak din siya.

"Babantayan kita dito."

Pinunasan ko ang luha ko at tumango. "Okay po. 'Wag ka na pong umiyak, mamma."

Hinalikan niya ako sa noo bago niya dahan-dahang isinarado ang cabinet. Nakita ko ang ngiti niya at sapat na iyon para magtiwala ako sa kanya. May kaunting siwang sa cabinet at hindi gaanong masikip. Sumandal ako at tahimik na ipinilit ang mga mata. Humihiling na sana, panaginip lang ito at bukas ay magigising ako at birthday ko na.

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng baril. Nilukob ng takot ang dibdib ko. Si mamma? Nasaan si mamma? Gusto kong lumabas pero hindi ako makagalaw nang mas lumakas ang tunog ng baril. Natatakot ako!

Gamit ang dalawang kamay ay tinakpan ko ang bibig para hindi makalikha ng ingay.

"Hanapin niyo 'yong anak niya para matapos na 'to! Lahat sila ay dapat nang mabulok sa impyerno!"

Kumirot ang dibdib ko. Anong sinasabi nila? Anong gagawin nila sa akin?

Napatakip ako ng magkabilang tenga nang muling makarinig ng malalakas na putukan.

"Tangina! Bilisan niyo! Hanapin niyo sa mga kwarto! Patibong lang 'yong nakita sa labas!" sigaw ng kung sino at sunod kong narinig ay ang kalabog sa pinto kung nasaan ako.

Nataranta ako. Anong gagawin ko?! Mamma! Tulong!

Gusto kong sumigaw pero hindi ko ginawa. Hangga't maaari ay ayaw kong malaman nilang nandito ako sa loob ng cabinet.

Mariin akong napapikit nang marinig ang pagputok ng baril. Halos mabingi ako sa sobrang lakas. Pinakiramdaman ko ang sarili. Hindi ako natamaan. Pero pakiramdam ko, may tinamaan ang bala ng baril na 'yon na sobrang malapit lang sa pwesto ko.

"Clear!" sigaw ng hindi ko kilala. "Panganiban, search the area!"

May mga narinig akong yabag palayo at nang mawala ang mga iyon ay katahimikan na ang muling bumalot sa kwarto.

Tapos na ba? Pwede na ba akong lumabas? Pwede ko na ulit makasama sina mamma at pappa? Nasaan na ba sila? Gusto ko na silang makita!

"Mamma?" tanong ko nang may marinig na yabag ng sapatos na papalapit sa pwesto ko. "Pappa?"

Tumingala ako nang may dahan-dahang nagbukas ng cabinet kung nasaan ako. Napangiti ako, inakalang ang mga magulang ko iyon, pero hindi.

"Daddy! I found her!" isang batang lalake. Pakiramdam ko ay kasing edad ko o mas matanda ng kaunti sa akin. Lumuhod siya sa harap ko at kumaway. "Hello! I'm Clyde. My family got worried so I helped them to find you!"

"Clyde!" may narinig akong boses ng isang ginang.

Mas lalo akong naluha nang makita ang pag-aalala niya nang makita kami... o iyong anak niya lang na si Clyde.

Nasaan na ba si mamma? Baka nag-aalala na rin siya sa akin! Kailangan ko silang hanapin.

Tumayo si Clyde. Akmang tatayo na rin ako nang maglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at kamuntikan pang matumba dahil sa labis na panginginig ng katawan.

"Astrid! Oh my god, hija!" Bigla akong niyakap ng ginang.

Napapikit ako dahil sa init ng yakap niya. Gaya ng lagi kong nararamdaman sa tuwing nasa bisig ako ni mamma o pappa. Pakiramdam ko, safe na ako.

"E-excuse me po. Nakita niyo po ba ang pappa at mamma ko? Si—" akmang babanggit ko pa lang ang pangalan nila nang mahagip ng tingin ko ang lalakeng nakahandusay sa sahig. May mga tattoo ito sa braso at duguan dahil may mga tama ng baril.

"N-natatakot po ako! Alis na po tayo rito!" umiiyak na anyaya ko sa kanya at hindi binitawan ang kamay niya.

Hindi ko na pinansin ang paghawak ni Clyde sa kabilang kamay ko. Malaking pasasalamat ko na rin iyon dahil baka kung hindi nila ako inalalayan ay mahimatay na ako sa takot.

"Mamma?"

"Hija, dito ka lang," pigil ng ginang sa akin at hindi niya ako pinakawalan kahit nagpumilit ako.

"Mamma!" sigaw ko nang makita ang pamilyar na braso at alahas ni mama. May stretcher na hawak ang dalawang pulis. Nakatakip iyon ng puti na may mantsang pula pero nagpakita ang pamilyar na braso ni mamma. Mabilis iyong ibinalik ng isang pulis sa stretcher para takpan.

"She's..." Narinig ko ang paghinga ng malalim ng ginang na pumipigil sa akin. Tila hirap na hirap siyang dugtungan ang sinabi niya.

"Please po, pakawalan niyo ako! Gusto kong makita sina mamma at pappa!" umiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya.

"T-they're gone, Astrid. I'm sorry for your lost. But you need to be strong for your family." Mas humigpit ang kapit niya sa akin nang manghina ako at tila nabingi dahil sa narinig.

Tulala ako at natagpuan ko na lang ang sarili na kaharap na ang hindi gumagalaw na katawan ng mga magulang ko. Isinama ako ng pamilya ni Clyde sa bahay nila at maging sa burol ng mga magulang ko.

Kaming tatlo lang ang naroon. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kamag-anak namin. Galit ako! Galit na galit ako sa mga gumawa nito. Gusto ko ng kakampi pero wala sila. Wala ang mga kamag-anak namin at ang mga kaibigan ni pappa at mamma. Sina Tito David, Tita Ellise at Clyde lang ang nagpapalakas ng loob ko ngayon.

"Hija, will you be fine if we will not attend to their burial tomorrow?" tanong ni tito sa akin habang nakatitig sa mukha ko. Tila tinitimbang niya ang reaksyon ko. "The offcials and I have agreed to fake your death because those criminals keep on hunting you. But based on the reports, you are safe now. They must've believed it's really you."

Sina pappa, mamma, mga bodyguard at driver na kasama namin ay nawala para protektahan ako. Gusto kong naroon ako sa libing nila para man lang pasalamatan ang ginawa nila. Pero hindi pwede!

"Also, hija, we planned on adopting you. It's under my sister's name abroad since everyone knows we only have Clyde and Felix but you will be staying here with us," dagdag ni tita.

Niyakap naman ako ni Clyde at hinawakan ang kamay ko. Pinisil ko ang kamay niya at tumango na lamang dahil may tiwala na ako sa pamilya. Alam kong hindi nila ako ipapahamak.

Pero sana pala, hindi ko sila gano'n kaagang nakilala. Dahil hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa panganay ng pamilya nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status