Share

Chapter 08

CHAPTER 08: NEW PROFESSOR

Puyat ako nang magising kinabukasan. Nakakainis talaga si Felix! Hindi niya ako tinantanan kagabi hangga't hindi mamanhid at mamaga iyong labi ko sa kakahalik niya!

"Good morning!"

Napaungol ako sa inis nang basta na naman siyang pumasok sa kwarto ko. Malawak ang ngiti niya at suot niya pa rin iyong hoodie na iniregalo ko sa kanya kagabi.

"Pwede ba, 'wag ka bigla-biglang pumapasok dito?" reklamo ko at padabog na pumunta sa banyo. Hindi ko iyon naiisara nang pumasok din siya. "Ano ba, Felix?!"

Humalakhak siya at niyakap ang bewang ko. "Come on, bakit ang sungit mo na naman sa akin? Dapat sweet ka lang palagi."

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Bitawan mo 'ko!"

"Give me my good morning kiss first." Inilapit niya pa ang mukha sa akin. Mabuti na lang ay mabilis akong nakalayo.

"Mamaya na! Sige na, lumabas ka na muna!" pagsuko ko.

Mas lumaki naman ang ngisi niya at niyakap ako ng mahigpit na parang nanggigigil siya. Bumuntong hininga na lang ako at nap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status