Share

Chapter 95

CHAPTER 95: FAMILY

Naalimpungatan ako dahil sa maliwanag na kwarto. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at naabutan ang sariling nakapatagilid habang yakap ang anak. At sa likuran ko ay naroon si Felix.

Bigla akong napangiti at nakahinga ng maluwag dahil hindi lang iyon panaginip. Maingat na bumangon para patayin ang bukas na ilaw. Naririnig ko pa rin ang tunog ng ulan pero mahina na lang kaya siguro ibinalik na rin ang kuryente.

"Why?"

Alerto akong napatingin kay Felix nang marinig ang paos na boses niya at nakitang namumungay ang mga mata niya. Pinatay ko ang flashlight bago ako bumalik sa kama. "Pinatay ko lang 'yong ilaw. May kuryente na," sagot ko at hinaplos ang pisngi niya. "Sorry, tulog ka na ulit."

"Sleep here," sambit niya at tinapik pa ang katabi niya nang humiga ako sa tabi ni Arvid at hindi sa kanya.

"Dito na ako. Tabi muna kayo ni baby," sagot ko at nagkumot nang makahiga sa tabi ng anak na natutulog pa rin.

"I want spooning. I'm cold, baby," malambing na sa saad
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status