Share

Chapter 01

CHAPTER 01: TATTOO

Natulala ako sa pinto ng kwarto ko kung saan siya lumabas. Si Kuya Felix ba 'yon?

Napatitig ako sa katawan ko at biglang tumulo ang luha dahil sa labis na hiya at pagsisisi. Anong ginawa ko?

Mabilis kong kinuha ang mga damit at underwear na nasa malamig na sahig at pumunta ng bathroom. Napaawang ang labi ko nang makita ang katawan ko mula sa malaking salamin. Namumula ang halos lahat ng parte ng katawan ko at ramdam ko pa rin ang labi at kamay ni Felix sa katawan ko.

"Hindi..." Umiling ako at kaagad na pumailalim sa shower para sabunin ang katawan. Pinalitan ko pa ng cold ang warm shower para mahimasmasan at magising ako.

"Ang tanga mo!" paninisi ko sa sarili at mabilis na inalis sa isip si Felix.

Nag-mouth care na rin ako bago nagbihis at lumabas. Sinubukan kong matulog pero mukha ng lalake ang nakikita ko.

Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration. Nakakahiya! Sobrang nakakahiya ng ginawa ko. Kuya ko 'yon tapos—

Paano kung malaman ni Cloud? Nina tita at tito?

Napatili ako dahil sa inis para sa sarili. Nilibang ko na lang ang sarili sa pagre-review hanngang sa muli ko na iyong makatulugan.

"Aphrodite!"

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatatok. Napatingin ako sa desk clock at nakitang tatlumpung minuto na lang au alas otso na!

May exam pa ako ng 8AM!

Mabilis akong tumayo at pinagbuksan si Clyde. Nakita kong nabigla pa siya. "Bakit hindi ka pa naka-ready?"

"Sorry! Nakatulog kasi ako ulit!" natatarantang sagot ko at nagmadali nang maligo at nagbihis. Kinuha ko na lang ang bag ko nang matapos dahil may mga gamit naman ako roon na pang-ayos.

"Clyde!" tawag ko sa kapatid nang makababa pero wala siya roon.

Iyong kuya pa niyang ayaw kong makita ang naabutan ko sa living room. Prente itong nakasandal sa sofa at nakabukaka pa. Nakasuot ito ng black long sleeves na bukas ang unang dalawang butones. Fitted ang black pants niya at may tent pa sa gitna no'n. Sa baba ay leather shoes and suot niya. May silver pa siyang relo sa kaliwang palapulsuan.

"Nauna na," bored niyang sagot.

Napanguso ako dahil sa irita at nagsimula nang lumabas. Ramdam kong sumunod siya sa akin kaya binilisan ko ang paglalakad.

"Ihahatid na kita."

"Ayaw ko," mabilis na sagot ko at tinignan ang bakanteng parking lot. Nasaan ang mga kotse rito? Tatlo ang kotse nila, ah?

Magko-commute na lang ako. Bahala na kung ma-late!

"Tss!" narinig kong asik ng lalakeng nasa likuran ko nang magtuloy-tuloy ako ng lakad matapos pagbuksan ng bodyguard namin.

Nakita ko ang hindi pamilyar na Mercedes Benz sa malapit. Sa sobrang kintab nito ay parang bago lang.

"Hop in."

Nagbingi-bingian ako at nilampasan ang kotseng iyon nang biglang may humigit sa braso ko. Para akong nakuryente kaya mabilis ko iyong binawi. Ni hindi ko siya magawang tignan!

"Clyde told me to drive you. Sumakay ka na," mahinahon pa rin ang boses niya.

"Magco-commute ako."

"So you're avoiding me after what happened night?" nag-iba na ang tono niya. May bahid na roon ng pang-aasar.

Biglang uminit ang mukha ko. Pati na ang gilid ng mga mata ko dahil sa inis! "P'wede ba, hayaan mo na lang ako!" pagtapos ko sa usapan at naglakad kahit mainit na ang sikat ng araw.

Hindi pa ako nakakalayo ay naramdaman ko ang pamilyar na kotseng sumusunod sa akin. Napabuntonghininga ako at hinarap iyon. May exam pa ako! Hindi ngayon ang oras para itaas ang pride ko.

"Fine, ihatid mo 'ko!" pagbawi ko sa unang sagot dahil nakabukas ang bintana ng kotse niya at naabutan ko siyang nakatingin sa akin.

Kaso ngumisi siya. "Beg for it."

Mariin akong lumunok at huminga ng malalim para magtimpi. "Please..."

"Please what?" Mas lumaki ang ngisi niya.

"Please, Kuya Felix. Ihatid mo 'ko sa School."

"Kuya, huh?" Narinig ko ang halakhak niya kaya uminit lalo ang pisngi ko. "Okay, sakay na."

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Iyong sa tabi niya. Agad kong naamoy ang pamilyar na panlalakeng amoy niya nang makapasok ako. Mabango iyon at nakakaakit ang amoy. Isinardo niya ang pinto at bintana bago nagsimulang magmaneho. Tahimik akong nagsuot ng seatbelt at hindi na siya nilingon.

"So, you're that girl who adopted by Daphne? How old are you?"

Imbes na sumagot ay binuksan ko ang bag at nagsimula nang suklayin ang basang buhok. Naglagay na rin ako ng powder, light eyeshadow at lipstick. Sinunod ko ang pagsuot ng contact lens ko. Matapos no'n ay nagbasa na ako ng notes. Alas-otso na at malapit na kami.

"Dito na lang," sambit ko nang makarating sa tapat pero ipinasok niya pa ang kotse at hinatid ako sa building namin. "Salamat."

Sinubukan kong buksan ang pinto pero bigo ako. "Paano 'to?"

"Tell me your age first."

Mariin akong napakagat sa sariling ngipin. Napipikon na ako sa kanya! "20! Buksan mo na 'to, late na ako!"

"Okay, baby."

Tumayo ang balahibo ko sa batok nang sabihin niya iyon sa senswal na boses.

Ten minutes akong na-late. Mabuti na lang ay hindi fifteen minutes kaya nakapag-take ako ng exam. Sinagutan ko iyon at pilit na nag-concentrate kahit minsan ay pumapasok sa isip ko iyong ipinangtawag sa akin ni Felix kanina.

Baby, huh?!

"Aphrodite!"

Inirapan ko si Clyde nang makita siya sa labas ng classroom namin at nilampasan. "Ano na naman? Bakit ang sungit mo sa akin?"

"Iniwan mo 'ko kanina!" nagtatampong sagot ko.

"Nagpasundo kasi si Maddie. Hindi ka ba hinatid ni kuya? Sabi niya—"

"Hinatid niya ako!" pagtatama ko habang naiinis pa rin.

"'Yon naman pala! Umalis kasi sina mommy at daddy tapos sina yaya nag-grocery kaya wala 'yong ibang sasakyan," natatawang paliwanag niya at inakbayan ako. "Ang bait ni kuya, 'no?"

Mas lalo akong umirap nang sabihin niya iyong panghuli. Anong mabait do'n? E, kung ano-ano ang ginawa niya sa akin kagabi tapos kanina ay ang lakas pa niya mang-asar! Nakakainis!

"Isabay mo ako lagi! Nakakahiya sa kuya mo," hiling ko dahil ayaw kong mapalapit sa malanding kapatid niya.

"Sige, kaya 'wag ka nang ma-late gumising, okay?" pang-aasar niya.

Hinampas ko na lang siya at sumabay sa kanya nang yayain niya akong kumain ng dinner sa labas.

"Sabi ni kuya ililibre niya raw tayo."

"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ko nang makarating kami sa tapat ng isang high-end na Restaurant.

Hinila lang ako ni Clyde at sumunod sa isang waiter nang sabihin nitong ihahatid niya kami sa VIP room kung saan nagpa-reserve ng seat si Felix.

"This way, ma'am, sir."

"Thank you po," pasasalamat ko rito pero si Clyde ay excited na pumasok.

Kitang-kita ko kung gaano ka-ganda ang ambiance sa lugar. Kung hindi ko lang alam na nandito si Felix ay baka mas na-appreciate ko ang lugar. Minsan lang kasi ako makalabas at makapunta sa mga lugar na ganito.

Kaagad kaming nilapitan ng service crew at mabilis na dumating ang order namin. "Order ka pa kung gusto mo, Aphrodite. Libre 'to ni kuya!" tuwang-tuwang ani Clyde.

Tumango na lang ako at muling in-enjoy ang pagkain habang nakikinig sa malumanay na tugtog ng violin at piano. Ang sasarap ng mga pagkain pero kaunti lang ang serving. Hindi ko alam kung worth it ba sa price nilang napakamahal.

Napatingin ako kay Clyde nang tumunog ang phone niya at hinayaan siyang tumayo para sagutin iyon. Nag-order pa ako ng panibagong meal dahil pakiramdam ko deserve ko naman 'to dahil nakaka-drain ang exam namin kanina. At isa pa, gusto kong sulitin dahil baka matagal pa bago ako makakain ulit sa five star Restaurant na ganito.

"Aphrodite, nagpapasundo si Maddie. Kakatapos lang kasi ng exam nila."

"Huh? Paano 'yong pagkain mo?"

"Okay na, busog na ako. Dito ka lang, on the way na raw si kuya."

Napatayo ako nang lumakad siya palabas. Humalakhak pa siya at pinigilan akong sumunod sa kanya.

"Kumain ka muna. 'Wag kang mahiya kay kuya. Mabait 'yon! Babalikan ko na lang kayo rito mamaya tapos kakain ulit ako ulit."

"Okay, bilisan mo."

Tinawanan niya lang ang sinabi kong iyon bago siya tuluyang nagpaalam. Kung kanina ay relax akong kumain, ngayon ay nate-tense na ako. Ni hindi ko na magalaw ang mga pagkaing nasa harap ko.

Napatingin ako sa double door nang bumukas iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Felix. Gano'n pa rin ang suot niya kanina. Ang nag-iba lang ay ang buhok niya medyo magulo na pero bagay pa rin sa kanya.

At iyong longsleeves niya, nakatupi na iyon ngayon sa siko niya. Bumaba ang tingin ko sa lantad na braso niya sa kanang kamay. May tattoo roon, marami! Pakiramdam ko ay buong kanang braso niya ay may tinta.

Parang iyong sa lalake noon.

Nanlamig ako at napapikit nang muling pumasok sa isip ko ang itsura ng patay na lalakeng maraming tattoo. Isa siya sa mga kriminal na sangkot sa pagpatay sa mga magulang ko!

Bumalik ang takot sa dibdib ko at naging sunod-sunod ang pagtulo ng luha nang maalala ang nangyari ilang taon na ang nakakalipas.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status