Share

Chapter 03

CHAPTER 03: KISS

"Why? Why are you crying?" ulit ni Felix habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang nanginginig na kamay ko pero mas lalo lang akong naiyak.

"Lumayo ka sa akin!" sigaw ko sa kanya.

Narinig ko ang pagmura niya bago siya sumunod sa sinabi ko. "What now? What is this, Aphrodite? Tell me what happened!"

Napatakip ako ng dalawang tenga at mariing napapikit nang sumigaw siya. Iyong mga alaalang matagal ko nang kinalimutan, bigla iyong bumalik. Iyong mga putok ng baril, iyong mga dugo.

"Shhh. It's okay. I'm sorry, I didn't mean to shout."

Napamulat ako nang marinig ang marahang boses ni Felix at natagpuan ang sarili sa bisig niya. Kaya pala nalalanghap ko ang pabango niya.

"Please, 'wag kang lumapit," pakiusap ko at iniwas ang tingin sa braso niya. "Natatakot ako, Felix!"

"Why? Could you atleast tell me? I'm confused!" tila nagpipigil pa siyang sumigaw.

"Ayaw ko sa tattoo! Natatakot ako! Bumabalik 'yong dati! Kaya please! Iwan mo muna ako!"

Umigting ang panga niya bago niya hinila ang long sleeves pababa para takpan iyon. "Is this fine now? Can I hug you now?"

Napayuko lang ako at pinunasan ang luha. Nanatili ako sa gano'n pwesto nang bigla niya akong higitin patayo at niyakap. "Stop crying or push me away. Choose one. Only one, baby," utos niya bago ko naramdaman ang kamay niyang marahang humahaplos sa buhok ko.

Tahimik ako habang nasa byahe kami pauwi ni Felix. Hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya kanina hanggang sa mapagod at kumalma na ako. Ngayon ay mas maayos na ang pakiramdam ko.

"Salamat," mahinang sabi ko sa katabi nang maiparada niya ang kotse sa parking lot.

"I don't take that."

"E 'di 'wag," masungit dagdag ko at inalis na ang seatbelt. Akala ko naman, bumait na siya.

"I only take kiss," dagdag niya.

Umirap ako dahil bumalik na naman siya sa kakaganyan niya. Ang landi-landi!

Napabuntonghinga ako at hinarap siya. "Magpinsan tayo. Magkapatid pa nga dahil kapatid ang turing namin ni Clyde sa isa't-isa."

Imbes na makonsensya gaya ko ay umarko ang kilay niya. "So? What's wrong with kissing your cousin? I'm not asking for a french kiss but if you want to give me that—"

Hinalikan ko na lang siya sa pisngi para matahimik na siya. Natulala siya nang makalayo ako sa kanya at sinubukan kong buksan ang pinto nang malamang naka-lock na naman iyon.

"Pakibukas," utos ko sa kanya.

"Will you say thanks if I do?" nakangising tanong niya at inilapit ang sarili sa akin.

Say? Okay!

"Oo!" mabilis na sagot ko.

Binuksan ko iyon at akmang lalabas na nang hinigit niya ako para pigilan. "Where's my kiss?"

"Thank you, Felix," sagot ko at binawi ang braso sa kanya.

Mabilis ko namang iyong nagawa kaya kumalma na ang puso ko nang makalabas na. Dahil sa nangyari kagabi, kabado ako kapag kasama ko siya. Para kasing mauulit iyong pagkakamaling nagawa namin lalo na't ganito pa siya kalandi.

Dumiretso ako sa kwarto at kaagad na naglinis ng katawan at nagbihis. One day down, three more days to go para matapos 'tong examination week namin.

Abala ako sa pag-set up ng study table ko nang may kumatok at bumukas ang pinto. Hindi ko pala nai-lock iyon. Hindi pa kasi ako sanay na mag-lock ng pinto. Maliban na lang kagabi dahil akala ko, babalik siya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko kay Felix.

Base sa basang buhok at mabangong amoy niya ay alam kong kakaligo rin niya. Nakasuot ito ng gray hoodie at black shorts. Nakapamulsa pa siya sa harap ng bulsa ng hoodie niya.

"This is my room," tamad na sagot niya at lumapit sa akin. Napalunok ako at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "Chocolate," aniya at inilapag sa harap ko ang kinuha niya mula sa bulsa niya.

Napatitig ako roon bago nag-angat ng tingin sa kanya. "Sala—" Napatigil ako nang ngumisi siya.

"Why did you stop? Tell me what you want to say," hamon niya at lumawak ang ngisi.

"Sabi ko sa sala na lang ako magre-review. Hihintayin ko si Clyde," pagpapalit ko sa naunang sinabi.

Alam ko namang kwarto niya ito bago siya pumuntang Manila. Baka sa guestroom na lang muna ako matulog mamaya o sa kwarto ni Clyde.

Dinala ko ang mga libro na kailangan at bag ko. "Tulungan na kita," alok niya nang sundan niya ako palabas.

Pero umiling agad ako. "Kaya ko."

Narinig ko ang maikling halakhak niya bago siya sumunod sa akin pababa. Napakamapang-asar niya talaga! Mas malala kay Clyde!

Umupo ako sa malambot na carpet at sa center table nag-aral. Pumwesto naman si Felix sa tapat ko at tinitigan ako.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa paraan ng tingin niya. "Umalis ka nga rito! Doon ka na sa kwarto mo!" pagtataboy ko sa kanya.

Pero nakita ko ang pagngiti niya. "I'll work here too," aniya at tumayo.

Nang makitang umakyat siya sa pangalawang palapag ay nag-aral na ako ulit. Ang laking distraction talaga ni Felix!

Ginagawa ko ang sample problem solving nang marinig ang mga yabag na papalapit. Nag-angat ako ng tingin at nakitang may dala si Felix na laptop bag, mga pagkain at thumbler.

Inilapag niya iyon sa harap ko at binuksan ang mga chips. Pati iyong chocolate na ibinigay niya sa akin kanina ay naroon din.

"Pwede kang kumuha," alok niya at binuksan ang laptop.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang bigla na namang tumayo si Felix at lumipat pa siya sa tabi ko.

"Ang likot mo!" iritadong puna ko sa kanya.

Tinatawanan pa niya iyon. "'Di kasi kita makita pag kaharap kita."

Huh?

Inirapan ko lang siya at hiniling na sana ay dumating na si Clyde o sina tito at tita. Gusto ko ng ibang makakausap maliban sa isang 'to!

"Aphrodite." Hindi ko pinansin si Felix nang tawagin niya ako. Inirapan ko lang siya dahil ramdam kong nakatingin siya sa akin. "You looks more gorgeous with your natural blue eyes."

Hays! Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi niya! Inalis ko na kasi ang contact lens ko. Isinusuot ko lang naman kasi iyon sa tuwing umaalis ako sa bahay.

"Bakit ang sungit mo sa akin?" Mas lalo siyang lumapit. Mas lalo ko tuloy nasisinghot ang panlalakeng amoy niya. Mabango iyon pero nakaakit.

Ayaw kong maakit!

"Lumayo ka nga!" pigil ko.

"Why? My tattoo are covered, baby," malambing na aniya.

Mas lalo akong napanguso. "Ewan ko sa 'yo!"

"You're seducing me."

"Huh?" Nilingon ko siya at kaagad na inilayo ang mukha dahil sa sobrang lapit niya.

"Your lips," sambit niya at bumaba saglit roon ang tingin niya. "Stop pouting. Baka halikan ko ulit 'yan at mawala ka sa sarili."

"Ang bastos mo talaga!" Hinampas ko siya sa braso pero ako pa ang nasaktan dahil matigas iyon. Hindi ko na lang iyon ipinahalata.

"Masanay ka na. Ganito sa mga babaeng gusto ko, Aphrodite," seryosong sagot niya at tinaas pa ang dalawang kilay niya habang nakangisi.

Mga babae? Tila napantig ang tenga ko roon.

Humigpit ang hawak ko sa ballpen at ipinagpatuloy na lang ang pag-aaral. Tumihimik naman na no'n si Felix. Akala ko, okay na. Pero bigla na lang niya akong hinapit sa bewang at ipinaharap sa kanya.

Ang isang kamay niya ay humawak sa panga ko at pinatingala ako para salubungin ang labi niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko iyon inasahan. "I told you to stop pouting," bulong niya bago tuluyang iginalaw ang labi.

Napapikit ako at siguro tama siya. Nawala na ako sa sarili. Gusto ko itong halik niya na ganito. Iyong marahan at parang hindi niya ako sasaktan. Hinayaan kong kagatin niya ang pang-ibabang labi ko at ang isang kamay niya ay pumasok na sa loob ng suot ko.

Hinaplos niya ang bewang ko at paulit-ulit na binilugan ang gilid ng puson ko. Nagdulot iyon ng labis na kiliti sa tiyan ko. Panay ang naging singhap at maikling ungol ko.

"Tell me what you want me to do, baby."

Napaarko ang likuran ko. Hindi ko alam ang isasagot. Masyado akong nalulunod sa sensasyon na pinapadama niya.

Sinundan ko ang labi niya nang lumayo siya sa akin. Nakita ko ang pag-ngisi niya sa gitna ng paghalik sa akin. "You want my kiss so much, huh?" tukso niya pero imbes na mainis ay nagugustuhan ko iyon dahil mas nag-iinit lang ang katawan ko.

Mabilis akong humiwalay sa kanya nang marinig ang tunog ng pagdating ng kotse sa labas. Hinihingal ako at inayos kaagad ang suot.

"Let's continue later?" malambing na tanong niya sa akin.

Imbes na sumagot ay napakagat lang ako ng pang-ibabang labi. Gusto ko at hindi maganda 'to!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status