Share

Chapter 05

CHAPTER 05: GOODNIGHT KISS

Kaagad na kumunot ang noo ko. "Hindi kita pinaglalaruan," mariing sambit ko.

"Really?" Ngumisi siya. "You let me fucking kissed that night then you kissed and slept with my brother after? What do you call that, Aphrodite?"

Napabuntong hininga ako at napailing. "Gano'n talaga si Clyde kapag naggo-goodnight. Saka nasa kwarto ka no'n, ayaw ko namang tumabi sa 'yo kaya kay Clyde na ako nakitulog. Sa sofa. Hindi sa tabi niya," paglilinaw ko para mabura ang kung ano mang masamang iniisip niya sa amin ng kapatid niya

"Let's kiss before you sleep, then. I'm also your brother..." sagot niya na hindi ko inasahan kahit alam kong malandi siya. "...and a daddy in bed."

"Baliw ka talaga!" Inirapan ko siya at uminom na lang ng juice. Humalakhak siya pero hindi ko na siya ulit pinansin.

Ano bang meron sa para mag-react ang katawan ko ng ganito? Porque gwapo siya, matangkad at maganda ang katawan? Marami naman akong kakilala na gano'n din. May mga manliligaw pa nga ako pero hindi ako kailanman kinilig ng ganito.

Kinilig?

Mariin akong pumikit at inubos na ang juice. Ano bang iniisip ko? Hindi ako pwedeng magkagusto kay Felix! Oras na siguro para mag-boyfriend ako? Para hindi ko na maramdaman ang mga bagay na ganito sa pinsan ko slash kapatid ko.

"Maddie, please don't break up with me!"

"Hindi ako si Maddie! Umayos ka, Clyde!" sigaw ko sa kanya at inalalayan siyang sumakay sa kotse ni Felix.

"Hayaan mo na 'yan! Dito ka, Aphrodite," utos naman nito sa akin. Sinigurado kong maayos ang pag-upo ni Clyde sa backseat bago ko sinunod si Felix.

Napatitig ako nang siya pa ang nagsuot ng seatbelt sa akin. "Dito ka sa akin," makahulugang dagdag niya bago siya nagsimulang magmaneho. Tahimik kami ni Felix habang nag-iingay si Clyde sa likuran. Lasing na lasing siya!

Inalalayan siya ni Felix na pumunta sa kwarto niya. Nilinis ko naman ng basang towel ang katawan niya para mahismasan siya.

"I'll change his clothes. Pumunta ka na sa kwarto mo," utos ni Felix sa akin.

Tumango na lang ako at iniligpit ang mga ginamit. Inaantok na rin ako. Gusto ko na ring magpahinga.

Nagbihis ako at nag-shower ng mabilisan. Gusto ko kasing maalis sa balat ko iyong amoy ng Bar kanina. Kakalabas ko ng bathroom nang maabutan ko si Felix. Nakahiga siya sa kama ko. Umupo siya nang makita ako at pinanood akong lumapit sa kanya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at kinuha ang suklay sa may study table ko.

"I'll have my goodnight kiss!" masayang aniya bago siya tumayo.

Naestatwa ako at hinintay siyang lumapit sa akin. Hinapit niya ang bewang ko dahilan para mapalunok ako at napaawang ang labi. Ito pa lang ang ginagawa niya pero nagwawala na ang puso ko. Parang na-e-excite yata sa gagawin niya?

Napapikit ako nang yumuko siya palapit pa akin at napadilat nang maramdaman ang malambot na labi sa noo ko. May marahang humaplos sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. He's being sweet! Ito ang unang beses na ginawa niya 'to pero nando'n pa rin ang inis ko. Parang gusto ko sa labi!

"Goodnight, Aphrodite," aniya at ngumisi nang umatras siya. "You looks disappointed, baby. Do you want more than that kiss?" tanong niya dahilan para uminit ang pisngi ko.

At no'ng gabing 'yon, siya ang naging laman ng isip ko.

"Eat you breakfast, ako ang maghahatid sa 'yo."

"Hindi na. Baka nakakaabala ako sa 'yo." Sinubukan kong hindi maging mapait ang boses ko pero mukhang hindi ko napigilan.

"Hindi ka abala sa akin." Nahimigan ko ang kaseryosohan doon pero hindi na ako sumagot.

Nang bumaba ako para pumunta sa kusina ay sumunod siya sa akin. Inunahan niya pa akong kumuha ng plato at inilagay iyon sa harap ko. "Let me take care of you, baby." He even gave me a boyish smile. Parang iyong ngiti ni Clyde sa tuwing nakikipaglandian siya sa mga babaeng kaklase ko.

"Kaya ko ang sarili ko, kuya," pinagdiinan ko pa ang huling salita.

"Let me take you to heaven, then? Hindi mo kaya 'yon kayang gawin." Mas inilapit niya ang sarili sa akin.

Nakaupo ako sa high chair at siya naman ay nakatayo. Tinangala ko siya nang hawakan niya ang panga ko. Napaawang ang labi ko nang haplusin niya ang pang-ibabang labi ko habang mariing nakatingin sa akin.

"I want to kiss your fucking lips." Bumigat ang paghinga ko nang sambitin niya iyon na parang galit na galit siya. "I want you on my fucking bed while you are moaning and dripping so wet." Mariin akong napalunok nang bumaba ang daliri niya sa panga at gilid ng leeg ko. Nakikiliti ako.

"I want to experience those again, Aphrodite. But I don't want to force you. I want you to fucking beg for me."

"Felix..." tawag ko sa kanya nang bumama ang daliri niya sa braso ko. Nakakapanindig balahibo!

"Yeah, that's my name, baby. Don't call me 'kuya' again. You are not my fucking sister."

Iniwan niya akong tulala matapos niyang sabihin iyon. Nanghina ako at dahil lang 'yon sa haplos niya. Malala na talaga ang epekto niya sa akin!

Matapos kong kumain ay nag-ayos ako ulit ng sarili. Binisita ko pa si Clyde sa kwarto niya pero tulog pa rin ito. Hindi talaga siya makakapasok ngayon. Hindi naman ito ang unang beses na lumiban siya sa klase. Pero iba na ngayong nandito si Felix. Pakiramdam ko ay magkakasala ako tuwing siya lang ang kasama ko.

Lumabas ako at naabutang wala na roon ang kotse ni Felix. Sa halip ay naabutan ko si Kuya Tino. "Ma'am, handa ka ba bang pumasok?"

"Opo."

"Tara na, ma'am." Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa passenger seat.

Si Felix ang naging laman ng isip ko sa buong biyahe. Ikinukumpara ko ang amoy ng kotse at tuwing hindi si Felix ang naghahatid sa akin. Pati na ang oras, pakiramdam ko ay mas mabagal kung kasama ko si Felix.

"Oh, nasaan si Clyde? Himala hindi mo siya kasama."

Tinawanan ko lang ang gulat na gulat na reaksyon ng mga kaklase ko. Palagi kasi nilang inaabangan ang kapatid kong 'yon. Ngayon pa kayang single na siya ulit?

"Hindi siya makakapasok ngayon," paliwanag ko at umupo na sa sariling pwesto. Kailangan kong makinig ng maigi ngayon para maipaliwanag ko ang mga lesson namin kay Clyde mamaya.

"By the way, class, let me have your 5 minutes before I dismiss you. Since I will be retiring a week from now, I want to congratulate you for making this far. One more school year and you will be a business men and women. I wish you all good Faith for your journey and please, be good to your new instructor."

Naging emosyonal kami ng mga kaklase ko dahil si Ma'am Cervantez ang pinakamabait na instructor na nakilala ko. Isa siya sa pinakamatandang nangtuturo rito pero kaya niyang sabayan ang lahat ng edad na nakakasalamuha niya. Hindi niya rin kami sinusukuan hangga't hindi namin nakukuha ang lesson sa sarili namin. At ngayong aalis na siya, paniguradong mami-miss siya ng karamihan.

Sinulatan ko ng mensahe si Mrs. Cervantez bilang pasasalamat. Gano'n din ang ibang mga kaklase ko. Ang ilan kasi, excited nang umalis siya. Nabo-boring kasi sila sa kanila. Ewan ko kung bakit. Gustong-gusto ko ngang nakikinig sa kanya.

"Clyde, magre-retire na si Mrs. Cervantez," pagki-kwento ko sa kapatid nang makita siya.

"Mabuti!" Nagngiting tagumpay pa siya.

Napanguso naman ako. "Grabe ka! Ang bait bait kaya ni ma'am!" pagtatanggol ko rito pero tinawanan niya lang ako.

"Sana mas bata 'yong papalit. Tapos malaki 'yong boobs!"

Napangiwi ako at hinampas ko agad sa kanya ang notebook ko. Mas lalong lumakas ang tawa niya hanggang sa 'di na kami nakapag-aral. Inasar lang niya ako nang inasar habang pinapaliwanag ko sa kanya 'yong mga lesson namin. Sa huli, sumuko na lang ako at lumabas na ng kwarto niya.

Inayos ko ang ginulo niyang buhok ko at napatigil nang saktong naabutan si Felix na papasok sa kwarto niya. Blanko lang ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Saglit siyang napatingin kay Clyde na lumabas ng kwarto.

"Aphrodite! Ulit, promise last na!"

"What are you doing?" masungit na tanong ni Felix sa amin.

"Tinuturuan lang ako ni Aphrodite, kuya. Inaasar ko lang kaya gan'yan!"

Inakbayan pa ako ni Clyde na tawang-tawa. Kinakabahan naman ako sa tingin ni Felix sa kamay ni Clyde na nasa balikat ko.

"Balik na kami sa kwarto ko, kuya!" paalam nito at hinigit ako papasok sa kwarto niya.

Bumuntonghininga na lang ako at nagseryoso na. Hindi ko na siya pinansin sa pagtatawa at pamimilosopo niya. Nang maramdamang wala na ako sa mood ay nagseryoso na rin naman siya kaya natapos kami agad.

"Thank you, Aphrodite! Libre kita bukas!"

"Bukas lang? Ang dami ng itinuro ko sa 'yo!" reklamo ko para asarin siya. Dito lang naman ako nakakabawi sa pang-aasar niya sa akin, e!

"Whole week!" pagpapalit niya ng sagot kaya napangisi na lang ako. Ang dali niyang utuhin! Palibhasa mayaman sila.

Pababa na ako sa hagdan para mag-dinner nang may marinig na ingay sa tapat ng kwarto ni Felix.

"Ohhh babe! Yes! Fuck me harder!" ungol ng hindi pamilyar na boses ng isang babae.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status