Share

Chapter 06

CHAPTER 06: SORRY

Kinilabutan ako at nalaglag ang panga ko nang maabutan na ang ingay ng babae ay nasa kwarto ni Felix. Nakabukas kasi ng kaunti ang pinto kaya naririnig iyon sa labas. Nanginginig ang kamay kong inabot iyon para isarado.

Nakakainis! Bakit kailangang marinig ko pa iyon?

Gutom ako nang bumaba pero halos wala akong gana nang kumain. "Ma'am, hindi niyo po ba nagustuhan ang luto ko?" nag-aalalang tanong ni Ate Gina nang makita ang tirang pagkain sa plato ko nang tumayo na ako.

"Hindi po. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kaya wala akong gana," paliwanag ko at nagpaumanhin na gano'n ang inisip niya dahil sa akto ko.

Nag-angat ako ng tingin nang makasalubong ko sila. Si Felix at 'yong kasama niyang magandang babae na nakasuot ng oversize t-shirt. 'Di ko alam kung may suot siyang pang-ibaba dahil hindi ko naman makita.

Napalunok ako nang may maramdamang bara sa lalamunan ko nang makitang hawak ng babae ang braso ni Felix na may tattoo.

Tumakbo ako paakyat para mabilis
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status