Share

Chapter 04

CHAPTER 04: PLAY

Kinuha niya ang laptop at iniwan ako roon. Sakto naman dahil mag-isa na lang ako roon nang makapasok si Clyde.

"Hi, Aphrodite! Sorry ngayon lang. Dumating ba agad si kuya? Nabusog ka ba sa dinner?" sunod-sunod na tanong niya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi at yumakap sa akin gaya ng lagi niyang ginagawa.

"Oo. Umuwi rin kami agad kaya nagre-review na ako. Mag-review ka na rin," medyo kabado kong sagot sa kanya.

"Turuan mo 'ko!" masiglang sagot niya at tumatawang umupo sa pwesto kanina ni Felix. "Ang dami mo namang pagkain!"

"Nabo-bored kasi ako sa pagre-review," dahilan ko at kumuha ng chips para mas kapani-paniwala.

Sinabayan niya akong mag-review. Parehas lang naman kasi ang kurso at year level namin. Iyon nga lang, magkaiba kami ng section dahil ayaw nilang may magka-apilyedo kaya pinaghiwalay kami.

"Grabe! Ayaw ko na! Ang sakit na ng ulo ko!" reklamo ni Clyde. Ni hindi pa nga kami nakaka-sampung minuto sa pagre-review.

"Bahala na bukas! Goodnight na, Aphrodite." Hinalikan niya ako sa noo bago niya kinuha ang mga gamit niya at umakyat.

Napa-iling na lang ako at tinapos na rin ang pagre-review dahil inaantok na. Inantok kasi ako noong hinalikan ako ni Felix.

Niligpit ko ang mga pinagkainan at binalik ang mga throwpillow sa dati nitong pwesto. Nag-unat pa ako bago muling binuhat ang mga libro.

Huminto ako sa tapat ng kwarto ko. Baka nandito si Felix? Imbes na pumasok roon ay pumunta ako sa tapat ng kwarto ni Clyde at kumatok. Nangangalay na ako dahil sa bigat ng mga librong dala bago niya binuksan.

"Sorry, naka-earpods kasi ako," bungad niya. "Ano 'yon?"

"Pwedeng dito muna ako matulog? Magpapalipat na lang muna ako bukas ng mga gamit ko sa guestroom. Doon daw kasi si Kuya Felix sa kwarto niya."

"Oh, sabi niya?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Sige, dito ka na lang."

Napangiti ako nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Dito na lang ako sa sofa."

"Sige, okay ka lang d'yan?" paninigurado niya nang makakuha siya ng comforter.

"Oo, ayos lang." Totoo naman iyon dahil malambot iyon at mas humaba nang may pindutin si Clyde. "Goodnight!"

"Goodnight din. Sa labas muna ako. Bebe time namin ni Maddie."

"Tapos walang time sa pagre-review!" biro ko sa kanya. Humalakhak lang siya bago lumabas at tumambay sa veranda ng kwarto niya.

Maaga akong nagising kinabukasan. Ang ingay ba naman ng notification ni Clyde! Ang dami niyang bagong messages. Ginigising siguro siya ng girlfriend niya. Lumabas na ako at lumipat sa kwarto ni Felix. Hindi iyon nakasarado at nakita ko siyang nakadapa sa kama habang natutulog. Wala pa nga siyang suot na pang-itaas kaya kita ang matipunong likod niya.

Maingat ang mga naging galaw ko papunta sa walk in closet. Pumili ako ng mga maisusuot ngayong araw. Nang matapos ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob para lumabas na nang biglang maabutan si Felix na nakatayo sa harap no'n. Salubong ang kilay niya at magulo ang buhok.

"S-sorry naistorbo ko ba ang tulog mo? Kumuha lang ako ng mga damit ko," paliwanag ko at akmang lalampasan ko na siya nang itinulak niya ako pabalik sa loob.

"B-bakit?" kinakabahang tanong ko sa kanya at napalunok.

"Are you playing with me, Aphrodite?" malamig at paos na tanong niya.

"Hindi," diretsong sagot ko. "Palabasin mo na 'ko!"

Umigting ang panga niya at mas naging mariin ang tingin niya sa akin. Nilabanan ko iyon. Akala ko may gagawin siya sa akin pero lumabas din siya at padabog pang isinarado ang pinto.

Ano na namang problema no'n? Nababaliw na talaga siya!

Sumabay ako kay Clyde nang umagang iyon pati na sa mga sumunod na araw. Mabuti na lang ay nailipat na ang gamit ko sa guestroom kaya hindi na ako bumalik sa kwarto ni Felix. Halos hindi na rin kami nagkikita kaya sobrang saya ko!

"Clyde, okay lang 'yan," pagpapakalma ko sa kanya nang bigla niya akong yakapin at ikinuwento na nag-cheat si Maddie sa kanya.

Naiintindihan ko namang playboy si Clyde pero noong naging sila ni Maddie, ramdam kong seryoso siya sa kanya tapos ganito pa ang nangyari.

"Tangina talaga! Ngayon na nga nag-seryoso, ngayon pa ginagago!" pagmumura pero hinayaan ko lang siya.

Napatingin ako sa lalakeng pumasok sa living room, si Felix. Walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Maya-maya pa ay padabog niyang isinarado ang double door na pinto.

Rinig ko ang malalim na hininga ni Clyde bago siya humiwalay sa yakap ko. "Okay lang ba ang itsura ko?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango sa kanya bago muling napatingin kay Felix nang puntahan siya ni Clyde.

"Kuya, nand'yan ka na pala. Free ka ba mamaya, inom tayo?"

"Why?" maikling tanong ni Felix sa kanya.

Humalakhak si Clyde at napakamot ng batok. "Problema lang sa babae, kuya."

Ngumisi siya at tumingin saglit sa akin. "Girls are really pain in the ass, huh? Let's go at the bar?"

"Bar?" hindi ko mapigilang makisali sa usapan at lumapit na rin sa kanya. "Clyde, may pasok pa tayo bukas," paalala ko sa kanya.

Hinarap ako ni Clyde at inakbayan pa. "Hindi naman ako gaanong maglalasing, Aphrodite!"

"Why don't you come with him to watch out?" hamon ni Felix. Nanliit ang mga mata ko. Ngumisi naman siya at tinapik ang balikat ng kapatid. "We'll go by seven."

"Seven? Bakit ang aga niyo namang aalis? Anong oras kayo babalik?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Twelve," simpleng sagot nito bago kami nilampasan.

"Limang oras kayo ro'n? Clyde, umuwi ka ng ten para makapagpahinga ka pa," pakiusap ko sa kapatid pero humalakhak lang ito.

"Kaya ko ang sarili ko, hindi na ako bata."

Napanguso ako at iritado sa bawat pagdaan ng oras. Hindi ko alam kung sasama ako o hindi! Pero nang malapit nang mag-alas siyete ay bumuntonghininga ako at nag-ayos. Isang simpleng kulay itim na dress ang suot ko. Umabot lang iyon sa kalahati ng hita ko, puff and short sleeve, at sweetheart ang neckline. Itim din ang high heels na isinuot ko at may ankle strap iyon. Pinusod ko ang buhok at naglagay ng kaunting kolorete sa mukha bago lumabas.

"Clyde!" tawag ko sa kapatid nang makita itong nasa baba at palabas na. "Sasama ako!" sigaw ko para ipaintindi sa kanyang hintayin niya ako. Nagmadali akong bumaba habang hawak ang isang mini bag na may lamang cellphone at wallet.

"Sasama ka dahil sa akin? You're really the sweetest, Aphrodite." Ngumiti siya at pinasadahan ang ayos at suot ko. "You looks gorgeous! Let's go?"

Tumango ako at humawak sa braso na inilahad niya sa akin. Nakita ko ang pag-ilaw ng kotse ni Felix. Pumasok naman ako sa kotse ni Clyde at kinuwentohan siya dahil gusto ko namang maging ayos na ang pakiramdam niya.

Nang makarating kami sa Bar na sinasabi ni Felix ay kinabahan ako. Ito ang unang beses na makakapasok ako sa ganitong lugar.

"VVIP," ani Felix sa lalakeng bumungad sa amin sa entrace. May ipinakita siyang ID bago siya tumingin sa akin.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at kumapit kay Clyde habang tinatanaw ang loob. Maingay, madilim at malilikot ang mga ilaw. May mga usok at nalalanghap ko ang iba't-ibang amoy ng alak at sigarilyo.

"Let's go upstairs." Napatingin ako kay Felix nang ibulong niya iyon sa mismong tenga ko.

Napalunok ako at sumunod sa kanya. Mas tahimik dito kumapara sa ibaba at mas kaunti ang tao. May mga waiter, waitress, at mga comfort girl. Base sa mga suot ng mga narito, mga mayayaman sila. Kaya pala VVIP.

"Order what you want and have fun, bro," ani Felix kay Clyde. Humalakhak naman ito at mabilis na nawala sa table namin. Nasa counter siya at may kinakausap nang babae na naroon.

"Brandy and a juice for her," utos ni Felix sa waiter na lumapit sa kanya. "Strawberry will do."

Sumandal si Felix sa mahabang sofa matapos siyang um-order. Tumitig siya sa akin at ibinukaka niya ang hita. Napatingin ako roon at agad na nag-iwas ng tingin. "Let's have fun tonight."

"Gusto ko ring uminom ng alak. Kahit champagne lang," masungit na utos ko sa kanya.

"Nah, baka malasing ka. Gusto kong sa akin ka lang malalasing, Aphrodite. Sa katawan ko lang."

Agad akong napairap para iparating sa kanyang naiirita ako sa pinagsasabi niya. Pero humalakhak siya at naramdaman ko ang mga lalong pag-init ng pisgi ko dahil maging ang pagtawa niya ay lalakeng-lalake. Ang hot niya. Nakakainis!

Dumating na ang mga order niya. Uminom ako ng juice mula sa straw at timingin sa paligid para hanapin si Clyde. Tatlo na sila ngayon. May isang babaeng dumagdag. Tumatawa pa sila. Hayaan ko na lang muna siguro.

Muli akong napatingin sa lalakeng kaharap ko nang maramdaman ang titig niya sa akin. Namumula na ang mga labi niya ngayon dahil sa malamig na iniinom niya. Inabot ko ang baso ko nang makaramdam ng pagka-uhaw.

"Do you know how often I went to this Bar after you played wih me?" mariing tanong niya sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status