Share

Two

Gino’s POV

It's hard to pretend that the past no longer haunts my mind, 7 years ago. Wala naman talaga akong pakialam kay Carla noon, pero after what happened between us parang nabago nito ang nararamdaman ko para sa kaniya. It’s just a one night stand for me, pero bakit hinahanap-hanap ko na siya? Gano’n na ba kalakas ang impact niya sa akin?

Nasa sala ako ng bahay ko ngayon, nakasalampak sa sofa at inaalala ang nangyari sa amin ni Carla. Naka-open ang tv pero hindi naka-focus sa panunuod. Sa tuwing nag-iisa ako si Carla at si Carla pa rin ang pumapasok sa isipan ko.

“Tito Ginoo? Yuhooo. Is anybody home?” rinig kong sigaw ng maliit na boses.

Parang boses ‘yon ng mga pamangkin ko kaya naman kaagad akong sumilip sa aking bintana, at hindi nga ako nagkamali nasa labas sila ng gate at naghihintay kasama ng magulang nila. Lumabas ako sa bahay para puntahan sila.

“What are you doing there? Why haven't you entered yet?” tanong ko habang binubuksan ang gate.

“Kuya halos kadarating lang naman namin, at saka hinihintay din namin si Greg,” tugon ng bayaw ko.

“Nasaan ba si Greg? Bakit niya kayo iniwan sa labas?” mediyo naiinis ko nang tanong.

Minsan talaga ang kapatid kong ‘yon ay parang walang pakialam sa pamilya niya, basta-basta na lang niya iiwan ang mga ito sa isang tabi.

“May binili lang siya sandali kuya. Oh ayan na pala siya,” wika nito nang makita ang sasakyan nilang paparating.

Pagkababa nito sa sasakyan bakas sa mukha nito ang pagtataka.

“Oh bakit nasa labas pa kayong lahat?” nagtatakang tanong nito.

Nilapitan ko ito at sinuntok ng bahagya sa tagiliran. “Ikaw Greg anong utak mayroon ka at iniwan mo ang sarili mong pamilya sa labas ng bahay?” singhal ko.

“Sandali lang naman ako kuya, hindi naman umabot ng isang oras ang paghihintay nila,” sagot pa nito.

“Are you fighting?” nakangusong tanong ng pamangkin kong babae.

Mabilis na nilapitan ni Greg ang anak nitong babae. “No sweetheart we’re not fighting, we are just talking.”

“Tara nga muna sa loob, doon na tayo mag-usap,” pag-iiba ko na lang ng usapan.

Nang makapasok na kami sa bahay, niligpit ko lang aking mga gamit na nakakalat at naupo na kami sa sala.

“Ah kuya, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ipapakiusap sana namin itong dalawa kung p’wede ay iwan muna namin sila sa iyo? May business trip lang kami ni Bea out of town,” ani Greg.

“Ilang araw?” tanong ko.

“Two days lang po kuya, wala lang talaga kaming mapag-iwanan sa mga bata,” tugon ni Bea.

“Nasaan ba ang mga yaya nila? Hindi ba p’wedeng sa kanila na lang ninyo sila iwanan?”

“Naka-leave sila kuya, si manang Grace naman ay bumalik na sa mansion,” ani Greg.

“Okay sige. Basta two days lang ha. May mga trabaho rin akong dapat gawin,” wika ko.

“Thank you kuya. Maaasahan ka talaga. Kung hindi lang importante ang business trip na ‘yon hindi na kami pupunta. Kaso ‘yon na kasi magiging susi para mas lumaki  pa ang business na gusto ni Bea,” nakangiting sambit ng kapatid ko.

Pangarap kasi nitong si Bea na magkaroon ng sariling bakeshop. Ang sabi ko naman ay ako na lang ang mag-i-invest sa kanilang negosyo para hindi na sila mahirapan pa, ngunit ayaw nila itong tanggapin, mas gusto raw nila na paghirapan ang lahat.

“Oh maganda ‘yan. Pero ayaw ba talaga ninyo na ako na lang ang mag-invest? Para hindi na kayo lumalayo pa at naghahanap ng investor.”

“Thank you kuya pero mas gusto po namin ni Greg na kami mismo ang maghirap para sa gusto naming business. In the near future kuya matutulungan mo rin kami,” sabi ni Bea.

“Anything para sa inyo at para sa mga pamangkin ko,” sambit ko sabay tingin sa kambal na busy na sa paglalaro.

“Nako kuya siguraduhin mo lang na papayag ka sa gustong mangyari nitong si Bea,” nakangising sabi ni Greg.

Napakunot ang noo ko sa sanabi ni Greg. “Bakit naman?” tanong ko.

Mabilis namang tinakpan ni Bea ang bibig ni Greg gamit ang kamay nito. “Wala po kuya. ‘Wag po kayong maniniwala kay Greg,” mabilis na sagot nito.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa dahil naguguluhan na ako sa ginagawa nila.

“Alam ninyo umalis na kayo at baka ma-late pa kayo sa inyong pupuntahan,” wika ko. “Basta ang usapan natin ay dalawang araw lang, after two days kapag wala pa kayo iiwanan ko sa bahay ninyo itong dalawang bata,” pananakot ko pa sa mag-asawa.

“Promise kuya two days lang ‘yon,” wika ni Greg. 

Lumapit na si Bea sa kambal nila at hinalikan ang mga ito, at sumunod naman sa kaniya si Greg.

“Behave lang kayo rito ha. Huwag bibigyan ng sakit ng ulo si tito Gino okay? Babalik kami kaagad ni daddy may aayusin lang kami,” ani Bea sa mga anak nila.

"Don't worry, mama, we'll behave here, right Karl?" Karel replied.

Pinagmasdan ko lang silang apat habang nagpapa-alam sa isa’t isa. Ang saya siguro ng may sariling pamilya.

“Kuya aalis na kami, ikaw na muna ang bahala sa dalawa ha,” ani Greg.

“Oo sige. Ako na ang bahala sa kanila, mag-iingat kayo,” tugon ko.

Nang makaalis na sina Greg, nilapitan ko ang kambal.

“Guys, do you want to eat?” tanong ko.

“Tito Gino, we'll just play here. We're still full,” sagot sa akin ni Karel.

Si Karel ang panganay sa dalawa, nauna lamang daw ito ng ilang minuto bago lumabas si Karl. Kamukhang-kamukha sila ni Greg. Kaya naman med’yo hawig ko rin ang mga ito lalo na si Karl, papasa siya bilang anak ko.

“I'll just finish my work here, just let me know when you're hungry, okay?”

“Okay tito,” they said in unison.

Bumalik na ako sa sofa at kinuhang muli ang aking laptop. Pinagpatuloy ko lang ang trabaho kanina. Ilang emails na lang naman ang mga ito. Hindi muna ako pumasok sa office ngayon dahil gusto ko muna sanang magpahinga, pero hindi pa rin maiiwasan ang mga urgent na trabaho. Nang matapos na ako sa aking ginagawa, napatingin ako sa mga bata dahil bigla silang tumahimik at nang makita ko sila nakahiga na sila sa sahig at masarap na ang tulog. Nang makalapit ako sa puwesto nila napangiti pa ako dahil magkatalikod sila kung matulog parang kami lang ni Greg noong mga bata pa.

Una kong binuhat si Karel papunta sa kuwarto para hindi sila mahirapan, baka paggising nila ay sumakit ang kanilang katawan. Sinunod ko naman si Karl habang naglalakad ako papunta sa kuwarto pinagmamasdan ko ang mukha ng bata. Biglang pumasok sa isip ko si Carla, paano kung nagbunga ang ginawa namin noon? Siguro malaki na rin siguro siya kung sakali man. Bumalik lang ako sa aking katinuan nang bigla akong madapa dahil hindi ako nakatingin sa dinadaan ko, muntikan pang magising si Karl sa katangahan ko.

Pagkahatid ko kay Karl sa guest room, pumunta ako sa aking kuwarto para maligo at para mahugasan na rin ang aking isipan, kung ano-ano na kasi ang pumapasok dito eh. 

Pagkatapos kong makaligo at makapagbihis, sinilip ko ang mga bata sa kabilang kuwarto, mahimbing pa ang mga tulog nila kaya naman dumeretso ako sa kusina para ipaghanda sila ng meryenda para mamayang pagkagising nila ay kakain na lang sila. 

Nagluto lang ako ng pancake dahil ‘yon lang available sa fridge ko ngayon. Hindi pa kasi ako nakapag-grocery. Nang maluto ko na ang pancake, bumalik ako sa guest room para tingnan ang dalawa, at sakto naman nakagising na sila.

“Hi guys,” bati ko. “How’s your sleep?”

“Hindi po maayos dahil magulo matulog si Karel,” nakasimangot na sagot ni Karl.

“Ikaw kaya ang magulo d’yan Karl, muntik pa nga akong mahulog eh,” ani Karel.

“Oh huwag na kayong mag-away. Halika na kayo sa baba, nagluto ako ng favorite ninyong pancake,” wika ko.

Kung hindi pa ako papagitna sa kanilang dalawa baka mag-away pa sila. Pinasan ko si Karl habang pababa kami papunta sa kusina, si Karel naman ay nauna ng naglakad sa amin. 

Para kaming mag-ama nitong si Karl kung maglambingan, nagpapasubo pa kasi ito sa akin kapag kumakain, ang kapatid naman niya ay wala lang pakialam basta kumakain lang siya.

Karl and I have the same vibes, mahilig kaming maglaro ng basketball, manuod ng anime at higit sa lahat hilig naming asarin si Karel, minsan nga ay napapaiyak pa namin ito.

Masarap pala sa pakiramdam ang magkaroon ng anak lalo na kung nakakasundo mo sa mga bagay-bagay. Pero hindi ko alam sa sarili ko, kahit anong pilit ng pamilya ko na mag-asawa na raw ako ay hindi ko pa rin magawa. Siguro hindi pa talaga ito ang tamang panahon para magkaroon ako ng sariling pamilya. Aabalahin ko na lang muna aking sarili sa aking mga pamangkin, sa aking negosyo at sa sarili ko mismo.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status