Share

Seven

Carla’s POV

Pangatlong araw na namin ngayon ng anak ko rito sa Pilipinas, at mukhang  nagugustuhan na ni Kyle dito. Noong una at pangalawang araw kasi namin dito ay palagi niyang tinatanong kung bakit mainit daw, hindi kasi siya sanay sa ganong klima ng panahon kaya naman malaking pag-a-adjust talaga ang ginawa niya. Mabuti nga ngayon ay hindi na niya ito mas’yadong napapansin. 

Lumabas na ako sa kuwarto at bumaba para tingnan kung na saan na ang anak ko, pagdating ko sa sala nakita ko si Kyle na nakakalong kay daddy at nanunuod sila ng favorite cartoon nito.

“Hi mommy, how’s your sleep?” tanong ni Kyle ng makita niya ako sa hagdanan.

Lumapit ako rito at hinalikan siya sa noo. "Hello, baby. My sleep was great. I rest comfortably,” nakangiti kong tugon.

“Anak mag-meryenda ka na sa kusina, may niluto si manang na carbonara kanina, ipainit mo na lang sa kaniya,” wika naman ni dad.

“Sige po dad,” tugon ko. Kyle, have you eaten yet?” tanong ko naman sa anak ko.

“Yes mommy, lolo and I ate together,” he answered with a smile.

“Okay.  After I finish eating, we'll go to the mall.”

"All right, mommy, I'll wait here for you."

Nagtungo na ako sa kusina para makakain na, nagugutom na rin kasi ako.

“Oh nand’yan ka na pala Carla, ipaghahanda na ba kita ng makakain?” tanong sa akin ni manang.

“Hi manang, nabanggit po sa akin ni dad na may carbonara, kahit iyon na lang po ang ihanda ninyo,” nakangiti kong tugon.

“Sige, sandali lang at iinitin ko lang.”

Umupo na ako sa bar stool at ininom ang juice na inihanda ni manang habang naghihintay sa carbonara. Hindi pa rin nagbabago si manang hanggang ngayon, maalaga pa rin siya at maasikaso sa amin. Siya lang ang may alam sa mga ginagawa kong kalokohan noon, dahil siya ang tumutulong sa akin sa pagluluto ng pagkain na ibinibigay ko kay Gino. Feeling ko nga ay alam niya kung sino ang ama ng anak ko, dahil sa kaniya lang ako ang nagkukuwento ng mga nangyayari sa akin sa school.

Inilapag na ni manang ang isang plato ng carbonara sa harapan ko. “Carla ito na ang carbonara mo, sana ay magustuhan mo,” nakangiti nitong wika.

“For sure manang magugustuhan ko ito, ang sarap kaya ng luto mo, at na-miss ko ito. Noong nasa France kasi ako, puro itlog lang ang inuulam ko,” natatawa kong tugon.

Umupo ito sa harapan ko at pinagmamasdan ako habang kumakain. Sanay na ako sa ganitong gawain ni manang, dahil siya na ang kasama ko hanggang sa magdalaga ako.

“Carla anak, magkuwento ka naman kung paano ang naging buhay mo sa France,” ani manang.

Pinunasan ko ang gilid ng labi ko bago ako humarap sa kaniya. “Okay naman ang naging buhay ko roon manang. Nakapagtrabaho ako sa isang magandang company bilang fashion designer at saka mas lalo pang gumanda ang pamumuhay ko dahil dumating si Kyle sa buhay ko,” nakangiti kong sagot.

“Maganda naman kung ganoon, at least kahit mag-isa mo lang doon ay hindi ka nahirapan sa pagpapalaki sa anak mo. Alam kong mabuting bata si Kyle tulad mo.”

“Oo naman po manang, itinuro ko sa kaniya lahat ng magagandang asal na itinuro mo sa akin.”

Napangiti naman si manang sa sinabi ko, at mahahalata ko sa mga mata niya ang tunay sa saya.

“Ito anak seryosong usapan, matagal ko na sana itong gustong itanong sa iyo eh, ang tagal kong pinag-isipan ito kung itutuloy ko pa ba ang pagtatanong,” wika ni manang na parang nahihiya pa.

“Ano po iyon manang? Handa ko naman pong sagutin ang mga  katanungan mo sa akin” tugon ko.

Lumapit siya ng kaunti sa akin at bumulong. “Totoo ba ang hinala ko anak, na si Gino ang ama ni Kyle?”

Feeling ko ay nag-tayuan lahat ng buhok na meron ako sa katawan dahil sa sinabi ni manang. Kahit sino kasi sa pamilya ko ay wala pang nakaka-alam kung sino ang ama ng anak ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin ito sinasabi sa mga magulang ko.

“Manang paano po ninyo nalaman ang bagay na iyan?”

“Tama nga ang hinala ko Carla? Nako ikaw talagang bata ka, bakit ang tagal mong itinago ang bagay na iyan?”

“Natatakot po kasi ako manang, ‘di po ba nakuwento ko sa inyo noon na ayaw na ayaw sa akin ni Gino,” nakayuko kong wika.

“Alam mo Carla hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Malay mo kung sinabi mo noon na nagka-anak kayo, baka may masaya na kayong pamilya ngayon.”

“Hindi rin po siguro manang, kasi kahit anong lapit at habol ko sa kaniya noon ay hindi niya talaga ako pinapansin. Nabansagan pa nga akong ‘desperate girl in campus’ kakahabol sa kaniya,” malungkot kong sambit.

Hinaplos-haplos ni manang ang balikat ko, para siguro i-comfort ako. “Ganiyan lang siguro talaga kapag umiibig anak, hindi naman maaalis ang mga bagay na ‘yan. Pero wala naman akong magagawa kung ayaw mo talagang sabihin kung sino ang ama ni Kyle. Ngunit kailangan mong maghanda kapag dumating ang panahon na magtatanong na siya sa iyo tungkol sa kaniyang ama.”

Napatitig ako kay manang dahil sa sinabi niya. “Handa naman po ako manang kung sakali mang magtanong ang anak ko tungkol sa tatay niya. Ang hindi ko lang po alam kung si Gino ba ay handa kapag nalaman niya na may anak na siya.”

“Mommy, mommy,” rinig kong tawag ni Kyle sa akin habang papasok siya sa kusina. “You haven’t finished eating yet?” tanong nito.

Bumaba ako sa upuan at hinarap ito. “I'm almost done baby, why?” tanong ko pabalik.

“You said earlier that we will go to the mall,” ani Kyle.

Pareho kaming napangiti sa sinabi ni Kyle. Excited na rin siguro itong lumbas dahil ilang araw na rin kaming nakakulong dito sa bahay.

“Okay, let’s go upstairs and get dressed, so we can leave already,” tugon ko.

Nagpaalam lang ako kay manang habang nililigpit niya ang pinagkainan ko at nagtungo na rin kami ni Kyle sa kuwarto para makapag-bihis. Simpleng fitted jeans at blouse lang ang suot ko, si Kyle naman ay broad shorts at ang favorite shirt niyang star wars.

Bago kami bumaba, pumunta muna kami ng anak ko sa kuwarto nina mommy para magpaalam. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

“Oh Carla, bakit kayo naparito?” takang tanong ni mommy.

“Ah mommy, magpapaalam lang po kami ni Kyle, pupunta lang po kami sandali sa mall para ipasyal siya,” tugon ko.

“Ganoon ba, paano niyan wala ang driver natin isinaman ng daddy mo sa kaniyang meeting. Sino ang maghahatid sa inyo?”

“Ako na lang po ang magda-drive mommy,” nakangiti kong wika.

“Sigurado ka anak? Baka naman gusto ninyong hintayin na lang muna ang daddy mo bago kayo umalis,” nag-aalala nitong wika.

“Hindi na po mommy, ako na lang po ang magda-drive. Don’t worry mag-iingat po ako.”

“Oh sige, kunin mo na lang ang susi ng isang sasakyan doon sa baba. Mag-iingat kayo ha.”

“Yes po mommy. Bye.”

“Ba-bye lola,” nakangiting wika naman ni Kyle.

Humalik lang kami sa pisngi ni mommy at bumaba na rin. Patalon-talon pa si Kyle habang naglalakad kami papunta sa sasakya. Bakas sa mukha nito ang excitement.

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa mall. Pareho kaming na-amaze ni Kyle nang makapasok na kami sa loob. First time namin pareho na makapunta sa ganito kalaking mall, magkahawak pa kami ng kamay habang nililibot ang aming paningin sa kabuuan nito.

“I believe this is the only big mall I have ever seen in my entire life, mommy,” amaze na wika ni Kyle.

"I agree, baby. Let's go? Let's look around this sizable mall.”

Naglakad-lakad na kami ni Kyle at ang una naming pinasukan ay ang department store. Kaagad na pinuntahan ng anak ko ang shelves ng mga laruan na star wars characters.

"Can we buy this one, mommy?” tanong nito habang hawak ang  stormtrooper.

“Of course, we can buy that baby and put it in our basket,” tugon ko.

Nang nagsawa na siya sa mga laruan, nagpunta naman kami sa kids section para makapamili ng mga damit niya. Kaunti lang kasi ang dinala ko nang umuwi kami rito sa pinas para hindi mabigat sa biyahe. As usual puro star wars na naman ang mga pinili niya. Nagpabili pa ito ng hotdog pillow na star wars din kasi wala kaming mahanap na bean bag bed, kaya unan na lang ang kinuha namin. 

Nang tapos na kaming namili, dinala ko siya sa favorite fast food chain ko nang bata pa ako, ipapatikim ko sa kaniya ang masarap na spaghetti nila rito.

Nang makapasok na kami sa fast food chain naghanap kami ng bakanteng upuan, at nang makakita na kami kaagad na kaming umupo rito.

“Kyle, just wait here till I return; I'll just order food at the counter, all right?” wika ko.

“Okay mommy,” tugon nito habang i-na-unbox na ang kaniyang laruan.

Naglakad na ako papunta sa counter, mabuti na lang at malapit lang ang puwesto namin at nasisilayan ko si Kyle habang nakapila pa ako. 

Bago pa ako maka-order may isang lalaki ang lumapit sa akin at bigla akong namutla ng makita ko ang mukha niya. Para akong malulusaw sa panlalambot habang pinagmamasdan niya ako.

“Ate Carla ikaw ba ‘yan?” bigla nitong tanong.

Nakatitig lang ako sa kaniya dahil hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya.

Bigla niya akong hinawakan sa balikat na siyang nagpabalik sa aking ulirat.

“Hey, ate okay ka lang ba? Bakit parang nakakita ka ng multo?” muli nitong tanong.

“A-ah, nabigla lang ako,” wika ko na may halong hilaw na ngiti. “Ikaw na ba ‘yan Greg?”

“Oo ate, lalo ba akong gumwapo?”

“Ang laki na ng pinagbago mo ha. Kumusta ka na?” tanong ko.

“Okay lang naman ako ate. Ikaw kumusta ka na? Kailan po kayo nakauwi? Sino po ang kasama niyo ngayon dito?” sunod-sunod nitong tanong.

“Okay naman ako. Nang isang araw lang ako nakabalik sa bansa,” nakangiti kong tugon.

Hindi ko na sinabi sa kaniya kung sino ang kasama ko dahil ayoko munang ipakita si Kyle kahit  na kanino man na malapit kay Gino.

“Ate puwede ko bang makuha ang contact number mo? Balita ko kasi isa ka ng sikat na fashion designer eh. May papalapit kasi na event ang asawa ko, gusto ko na ikaw ang mag-design sa susuotin namin,” ani Greg.

“Oh sure,no problem.”

Inabot nito sa akin ang cellphone at tinipa ko naman ang number ko roon. 

"I will introduce you to my wife when she is free," saad pa nito.

“Okay sige. Hindi ko alam na may asawa ka na pala, napaaga yata?” biro ko sa kaniya.

Napakamot pa ito sa kaniyang sintido at napangisi. “Maaga lang humarot,” natatawa pa niyang sabi.

Nang turn ko na sa counter, nagpa-alam na ako rito para maka-order na rin ako. “Sige tawagan mo na lang ako, kapag may free time na siya para ma-meet ko na rin siya,” nakangiti ko rin wika.

Nag-wave lang ito at umalis na rin. Take-out na lang ang inorder ko para makauwi na kami ni Kyle. 

Inaya ko ng umuwi ang anak ko ng dumating na ang order namin. Sinabi ko na lang sa kaniya na med’yo masakit ang ulo kaya sa bahay na lang kami kakain. Dahil baka kung sino pa ang makita namin dito. 

Ang daming puwedeng makita o makasalubong sa mall, bakit ang kapatid pa ni Gino? 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status