Share

Ten

Gino’s POV

Narito kami ngayon ng buong angkan ko sa mansion nila lolo dahil nagpahanda raw ito ng dinner para sa aming lahat. Siguro ay pag-uusapan din namin ang nalalapit na founding anniversary ng kompanya.

Nakaupo na kaming lahat sa may long dining table sa mansion. Narito ang dalawang kapatid ni dad at mga pamilya nito, present din kaming pamilya ni dad.

“Since narito naman na kayong lahat, puwede na nating pag-usapan ang nalalapit na pagdiriwang ng ating kompanya,” pambabasag ni lolo sa katahimikan.

“May kailangan pa bang ayusin sa program dad?” tanong ni tito Albert, kapatid ni dad.

“No, no. Nothing to worry about. Naayos na lahat ni Gino ang mga dapat gawin para sa araw na iyon,” tugon ni lolo. “Gusto ko lang ipaalala sa inyo na malapit na iyon at gusto ko sana na naroon kayong lahat,” dagdag pa nito.

“Of course dad, a-attend kami sa founding anniversary ng company. Puwede ba naman na mawala kami sa napaka-importante araw na iyon,” saad ng isa ko pang tito.

“Nako, nagda-drama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status