Greg’s POVNarito akong muli sa hospital kung saan naka-confine ang anak ni ate Carla. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?” salubong sa akin ni doc Perez- ang doctor ng anak ni ate Carla.Binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngiti. “Hindi na ba ako p’wedeng bumisita sa iyo?” wika ko habang naglalakad papalapit sa lamesa niya.“Alam ko na ang mga ngiting ganyan Greg, hindi mo na ako madadaan sa paganyan-ganyan mo,” masungit na sagot nito.“Ang sungit mo naman. Hindi ka na naman ba naka-score sa syota mo,” biro ko.Bigla na lang may lumipad na ballpen sa harapan ko. At kitang-kita ko sa mukha ng kaibigan ko ang galit na kaniyang nararamdaman.“Hoy Mr. Perez nagbibiro lang ako,” ani ko. “Para namang hindi ka pa sanay sa akin.”“Ano ba kasi ang ginagawa mo rito?” masungit pa rin nitong wika. “Kung manggugulo ka lang ulit, pwede ba ‘wag ngayon Greg, marami akong ginagawa.”Nagmasid-masid ako sa office nitong kaibigan ko. “May extra ka bang uniform dito?” tanong ko.“Extrang uniform? At
Carla’s POVNarito ako ngayon sa harapan ng malaking building kung saan naroroon ang kumpanya nila Gino. Pa-urong sulong pa ako sa pagpasok, dahil hindi ko talaga alam kung kakayanin ko bang sabihin kay Gino ang ganitong bagay. Hindi ko kasi akalain na sa ganitong paraan pa niya malalaman na may anak kaming dalawa. Nang mapag-isipan ko na hindi na lang ako tutuloy, dahil baka isipan niya ay gumagawa lang ako ng gulo. Pabalik na sana ako sa aking sasakyan ng biglang may tumawag sa pangalan ko.“Ate Carla.”Hindi na sana ako lilingon dahil alam kong si Greg ang tumawag sa akin. Ngunit hindi ko namalayan na nasa tabi ko na siya.“Oh Greg ikaw pala ‘yan,” maang-maangan kong wika.“Ano ang ginagawa mo rito ate? May kailangan ka ba kay kuya?” tanong nito.“A-ahm a-ano kasi, oo sana. Gusto ko sana siyang makausap,” sagot ko.Nandito na rin naman ako, lalakasan ko na ang loob ko para makausap si Gino.“Let’s go inside. Hindi naman siguro busy si kuya today,” ani Greg.Sumunod ako kay Greg sa
Gino’s POVNakalabas na kami ng hospital at sa bahay ko dineretso si Kyle, pero kasama ko pa rin si Carla, sumama rin si Greg at Bea.Hindi ko na pinakinggan pa kung ano ang sasabihin ni Carla. Mas uunahin ko muna ang kapakanan ng aking anak.“Mommy, who’s house is this?” tanong ni Kyle kay Carla.Lumuhod ako sa harapan ni Kyle. “This is our house baby,” sagot ko.Sina Greg at Bea ay busy sa paghahakot ng mga gamit. Hindi naman karamihan ang dinalang gamit ni Carla para kay Kyle. Siguro ay iniisip pa rin nito na ibabalik ko pa ang anak niya.“Really? Does this mean that Mommy and I will live here?”“We will talk about that later. Pasok muna tayo sa loob,” ani ko.Nang papasok na kami sa loob, nakasalubong namin sina Greg.“Kuya, alis na kami, biglang tumawag si mama at may inuutos sa amin,” wika nito.“Ah ganoon ba, sige maraming salamat sa pagtulong,” sagot ko.“Wala po iyon kuya, masaya po kami na makatulong lalo na sa gwapong batang ito,” sambit ni Bea at hinaplos pa niya ang buhok
Gino’s POVNag-aya ang anak ko para manuod kami ng movie kaya naman kaagad ko itong pinagbigyan. Everything for my son. Nagpunta na kami sa entertainment room ni Kyle, si Carla naman ay nagpunta sa kusina para maghanda ng aming makakain habang nanonood. Parang ang sarap naman sa pakiramdaman ang ganitong pangyayari, nagba-bonding kami ng anak ko tapos naghahanda naman ng pagkain ang mommy niya. “Daddy can we watch this one?” tanong ng anak ko sabay lahad sa dvd na hawak niya.Napakunot ang noo ko dahil ito ang favorite movie magsimula bata ako. “Of course we can watch that.” Kinuha ko kay Kyle ang dvd at nilagay na sa dvd player. “You know what Kyle, this is my favorite movie,” wika ko.“Really Daddy? I also want this movie,” nakangiting sagot ni Kyle.Pasimula na ang movie ng saktong dumating si Carla, may dala-dala itong bowl ng popcorn at tatlong juice drinks.Napapatalon ang puso ko sa saya, ito ang pangarap ko noon pa man. Ang magkaroon ng isang masayang pamilya.“Mommy sits b
Gino’s POV“Congratulations to all the graduates of Brent International School,” rinig kong sigaw ng aming school principal.Nagpalakpakan naman ang mga tao sa stadium pagkatapos nitong magsalita. Katatapos lang ng aming graduation ceremony. “Congrats Gino, ang galing mo talaga,” nakangiting bati sa akin ng kaibagan kong si Dwight.Hindi naman sa pagmamayabang pero nag-graduate ako with latin honors.“Salamat. Congrats din sa iyo, hindi ko akalain na makaka-graduate ka rin,” natatawa kong wika.“Baliw ka talaga. Siyempre ikaw ba naman ang nakakapit sa kaibigan mong pinakamatalino sa school, hindi ka makaka-graduate?” nakangisi nitong sambit. “Salamat Gino ha, kung hindi dahil sa iyo, hindi ko makakamit ang graduation na ito,” dagdag pa niya.Inakbayan ko si Dwight at pabirong sinuntok sa sikmura, dahil nakikita ko sa mga mata niya na malapit na siyang maiyak. “Ano ka ba naman Dwight, dahil din naman sa kasipagan mo kaya ka naka-graduate. At saka ‘wag ka nang mag-drama d’yan, dapat ma
Gino’s POVIt's hard to pretend that the past no longer haunts my mind, 7 years ago. Wala naman talaga akong pakialam kay Carla noon, pero after what happened between us parang nabago nito ang nararamdaman ko para sa kaniya. It’s just a one night stand for me, pero bakit hinahanap-hanap ko na siya? Gano’n na ba kalakas ang impact niya sa akin?Nasa sala ako ng bahay ko ngayon, nakasalampak sa sofa at inaalala ang nangyari sa amin ni Carla. Naka-open ang tv pero hindi naka-focus sa panunuod. Sa tuwing nag-iisa ako si Carla at si Carla pa rin ang pumapasok sa isipan ko.“Tito Ginoo? Yuhooo. Is anybody home?” rinig kong sigaw ng maliit na boses.Parang boses ‘yon ng mga pamangkin ko kaya naman kaagad akong sumilip sa aking bintana, at hindi nga ako nagkamali nasa labas sila ng gate at naghihintay kasama ng magulang nila. Lumabas ako sa bahay para puntahan sila.“What are you doing there? Why haven't you entered yet?” tanong ko habang binubuksan ang gate.“Kuya halos kadarating lang naman
Carla’s POV“Kyle, please stop from bothering me! In order for me to have some spare time later, I must finish it.”Masakit talaga sa ulo kapag may kasama kang lalaki sa bahay, imbes na matapos ka kaagad sa mga trabaho, guguluhin ka pa nito.“If I quit bothering you, we’ll go out later?”“Yes we will go out later,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.Kung hindi ko pa sasabihin na lalabas kami mamaya ay hindi niya ako titigilan. By the way, I’m here in France right now, at isa na akong sikat na fashion designer. Nang malaman kasi nila dad ang ginawa ko noon about a years ago, pinadala niya ako rito para makaiwas sa kahihiyan na nagawa ko. Magsimula noon ay hindi pa ako umuuwi ng Pilipinas. Nag-aral na lang ulit ako rito bilang fashion designer at ngayon ay nagkakaroon na ako ng pakaunti-kauting trabaho at unti-unti na ring nakikilala ang pangalan ko. Ngayon ay ginagawa ko ang damit ng isang sikat na model dito sa France para sa kaniyang fashion show sa susunod na linggo. Kailang
Gino’s POVNaihatid ko na sa bahay nila ang kambal dahil nakauwi na sina Greg galing sa isang business trip. At ngayon naman ay papunta na ako sa trabaho. Sa loob lang ng sampung minuto ay nakarating na ako sa kompanya. Nang mai-park ko na ang aking sasakyan sa parking lot, nagpunta na ako sa elevator, na kung saan mga VIP lang ang puwedeng gumamit. Ayoko kasing nakikipagsiksikan sa mga tao, kaya naman nagpagawa ako ng sarili kong elevator papunta sa opisina ko.Naglalakad pa lang ako sa hallway nang salubungin ako ng aking secretary.“Good morning sir, you have a meeting in the conference room in five minutes,” wika nito.“Thank you for reminding me, Rose,” tugon ko.Kinuha ko lang ang mga gamit na kakailangin ko sa meeting sa aking opisina, mabuti na lang at pinaalala ng secretary ko ang meeting ko ngayon. Masyado yata akong nadala sa pagbabantay sa mga pamangkin ko, kaya hindi ko na alam kung ang schedule ko ngayong araw.Nang makarating ako sa conference room, ako na lang pala ang