Share

Three

Carla’s POV

“Kyle, please stop from bothering me! In order for me to have some spare time later, I must finish it.”

Masakit talaga sa ulo kapag may kasama kang lalaki sa bahay, imbes na matapos ka kaagad sa mga trabaho, guguluhin ka pa nito.

“If I quit bothering you, we’ll go out later?”

“Yes we will go out later,” sagot ko nang hindi nakatingin sa kaniya.

Kung hindi ko pa sasabihin na lalabas kami mamaya ay hindi niya ako titigilan. By the way, I’m here in France right now, at isa na akong sikat na fashion designer. Nang malaman kasi nila dad ang ginawa ko noon about a years ago, pinadala niya ako rito para makaiwas sa kahihiyan na nagawa ko. Magsimula noon ay hindi pa ako umuuwi ng Pilipinas. Nag-aral na lang ulit ako rito bilang fashion designer at ngayon ay nagkakaroon na ako ng pakaunti-kauting trabaho at unti-unti na ring nakikilala ang pangalan ko. 

Ngayon ay ginagawa ko ang damit ng isang sikat na model dito sa France para sa kaniyang fashion show sa susunod na linggo. Kailangan ko nang matapos ito dahil minamadali na ng manager niya. Mabuti na lamang at tumigil na si Kyle kakagulo sa akin at nagkulong na lang siya sa kuwarto, ilang oras na lang ay matatapos ko na ito at makakapagpahinga na ako, halos tatlong araw ko rin itong ginagawa. 

Napatingin ako sa pinto ng kuwarto namin nang marinig ko ang pagbukas nito, at niluwa nito si Kyke na nakasimangot.

“Isn't that still over? I'm hungry,” wika nito.

“There was still steak there from last night; just reheat it,” sagot ko.

“No, I don’t want the steak. I want to eat at my favorite restaurant.”

Napa-roll eyes ako sa sinabi nito. May pagkain naman kami pero gusto pa raw sa restaurant, nako mga lalaki nga naman.

"Okay, just give me five more minutes. I'm about to finish it.”

Padabog itong bumalik sa aming kuwarto, napailing na lang ako sa ginawa nitong pagbagsak sa aming pintuan.

Ganyan umasta si Kyle kapag nagugutom, nagdadabog at palaging nakasimangot, pero mabait naman talaga siya, magalang at maalalahanin.

Naalala ko tuloy noon ang aking first ever love na si Gino, siya naman ay palaging nakasimangot kapag binibigyan ko ng pagkain. Palagi ko pa siyang sinusundan noon kahit saan siya magpunta mabigay ko lang ang niluto kong pagkain or mga cupcakes na ginawa ko. Kinukuha naman niya ang mga ito, ngunit hindi ko lang alam kung kinakain niya. 

Mapapangiti ka na lang talaga kapag naiisip mo ‘yong mga kalokohang nagawa mo noong kabataan mo.

“Why are you grinning by yourself? What do you have in mind?” biglang tanong ni Kyle na nasa harapan ko na pala.

Mabuti na lang at tapos na ako sa aking ginagawa, dahil kung hindi baka nasira pa ito dahil sa panggugulat ng lalaking ito.

“How do you get there? I mistook you for being in the room. ”

Natawa lang ito sa sinabi ko. “You've finished what you're doing, right? Let’s eat,” nakanguso nitong wika.

Napaka-cute talaga ni Kyle kapag nakanguso, lalo kong naaalala si Gino sa kaniya. Napatampal ako ng bahagya sa aking mukha. Bakit naiisip ko pa rin ang lalaking ‘yon? Matagal na akong  naka-move on sa kaniya. Magsimula nang dumating si Kyle sa buhay ko, sa kaniya na umikot ang mundo ko.

Nang makarating na kami sa favorite restaurant ni Kyle, as usual ang favorite food niya ang gusto niyang order-in, walang katapusang baguette lang naman ang palaging kinakain ni Kyle rito, nakigaya na lang din ako ng order dahil wala akong alam na kainin.

We stayed in the restaurant for a little while longer. Maganda rin kasi ang ambiance rito, kaya gustong-gusto ni Kyle rito. Halos araw-araw na nga yata kaming kumakain dito eh.

“Kyle, I have something to tell you,” wika ko.

“Hmm, what’s that mom?” tugon naman nito habang ngumunguya pa.

“Grandpa wants to see you. And I agreed to him that we will be going to the Philippines.”

“Really? I love to. I want to visit some places there, like the ones I watch on the internet.”

Napangiti ako sa sinabi ni Kyle, never pa kasi siyang nakapunta sa Pilipinas kaya naman bakas sa mukha niya ang excitement.

"Yes, we will travel to the Philippines, maybe in two weeks,” nakangiti kong wika.

Bigla itong lumapit sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Ginantihan ko rin siya ng mahigpit na yakap.

Ito rin ang unang beses na babalik ako sa Pilipinas, I haven't been back to the Philippines since my parents sent me here. So maybe a lot has changed.

"Let's head back home so we can prepare the stuff we need to pack.”

Bumalik na kami sa bahay para makapag-ayos na ng mga gamit. Hindi ko alam kung matatagalan ba kami sa pag-stay sa Pinas or kaagad din kaming babalik dito. Noong unang kinausap ako ni dad, about sa pagbisita namin sa bansa, tumanggi pa ako dahil tahimik na buhay ko rito. Kung p’wede lang sana na sila na lang ang bumisita sa amin dito, ngunit ayaw niya mas gusto raw niya na kami na lang ang bumisita sa kanila. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto ng parents ko, besides matagal ko na rin naman silang hindi nakakasama. Kami lang ni Kyle ang nasa ibang bansa, halos lahat ng pamilya ko ay nasa Pinas.

“Can I bring this one?” tanong ni Kyle.

“That won't fit in our luggage, Kyle, sorry. Maybe we can buy one in the Philippines,” tugon ko.

Gusto niya kasing dalhin ang bean bag bed, na siyang nagsisilbing higaan niya rito sa bahay. Hindi ko ba alam sa batang ito kung bakit mas gusto niyang matulog sa ganoon kaysa sa kama.

“Oh okay, but promise me when we get there you’ll buy me. Because you know I can’t sleep without this kind of bed,” nakangisi nitong sambit.

“I promise, just don't be stubborn okay?" I said as I caress his hair.

Tumanga-tango lang ito habang nakangiti. Nagpatuloy na kami ni Kyle sa pag-aayos, mabuti na lamang at mabilis lang pagpapa-book ng flight ngayon at bukas na bukas ay magpapa-book na ako. Matagal ko ring pinag-isipan kung babalik pa ba ako sa Pilipinas, kung ako lang kasi ang masusunod mas gusto ko pang manatili na lamang dito. Maganda naman ang trabaho ko rito, at nasanay na rin ako na malayo sa pamilya. Paminsan-minsan naman ay nakakabisita sa akin si mom o kaya naman ang mga kapatid ko, tanging si dad lang ang hindi bumisita sa akin. Hindi ko alam sa kaniya, bakit ayaw niyang pumunta rito.

Habang nag-aayos kami ng gamit, nag-ring ang aking cellphone, nang tingnan ko ito si dad ang tumatawag.

“Hello dad?” sagot ko sa tawag.

“Hello Carla, kumusta na kayo r’yan?”

“Okay lang naman po kami dad, ito nag-aayos na kami ng gamit. Kayo po kumusta kayo?” tugon ko.

“We’re okay here. And we are also excited sa pagdating ninyo.”

Kahit hindi ko nakikita, alam kong masaya si dad ngayon, bakas kasi sa tono ng pananalita nito.

“Excited na rin po akong makasama kayong muli,” medyo naiiyak kong wika.

"All right, we'll simply wait here till you get here. Take care.”

“Okay dad, mag-iingat din po kayo.”

Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak, masaya ba ako kasi makakapiling ko na ang pamilya ko? Or natatakot ba ako dahil baka makaharap ko si Gino? Hindi ko talaga alam kung ano ang mararamdaman ko. Alam ko sa sarili ko na naka-move on na ako sa kung ano man ang nangyari sa nakaraan. Ang kinakatakutan ko lang ay baka malaman niya ang tungkol kay Kyle, hindi ko alam kung makakaya kapag nangyari ang bagay na ‘yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status