Share

Five

Carla’s POV

This is it. This is the time na babalik ako sa Pilipinas. For how many years na pamimilit sa akin, ngayon lang nila ako napapayag na umuwi sa Pinas, at kasama ko pa ang anak kong si Kyle.

Nasa France airport na kami ngayon at naghihintay  na lang oras para sa boarding namin. Napaaga ang biyahe namin ni Kyle, dapat sana ay sa susunod na linggo pa ang alis namin, ngunit na-resched ito. Mas maganda na rin siguro ito, para ma-surprise ang mga pamilya ko, hindi ko kasi pinaalam sa kanila na ngayon na ang pagbabalik ko sa bansa.

Nang makapasok na kami sa eroplano, pinatulog ko muna si Kyle dahil mahaba-haba ang oras na lalakbayin namin, siguro ay aabot ng 15 hours dahil one layover lang ito.

“Kyle, you should get some rest first because the trip is still long,” wika ko.

“But I want to play first,” nakanguso nitong tugon.

Napaka-cute talaga nito kapag nakanguso.

Pinisil ko ang pisngi nito at nginitian. “Okay you can play now, but promise me after that you will sleep, okay?”

Tumango-tango lang ito nag-focus na siya sa paglalaro sa kaniyang tablet. Napahinga ako nang malalim at napasandal sa upuan. Ilang oras na lang ay masisilayan ko nang muli ang bansa o ang lugar na ayoko na sanang balikan. Natulog na lang ako sa buong biyahe namin, dahil ayoko na rin ng marami pang iniisip. 

Nagising lang ako nang marinig ko na ang announcement ng pilot, “Flight attendants, prepare for take-off please.”

At sa isang iglap lang narito na kami sa Pilipinas. Ginising ko na rin si Kyle dahil nag-touchdown na ang eroplano.

“Kyle, wake up we are already here,” wika ko sabay tapik nang bahagya sa kaniyang mukha.

Nagising naman ito kaagad, nag-unat-unat pa ito. Minsan talaga ay na-a-amaze ako sa mga bagay na ginagawa ni Kyle kahit hindi naman na bago sa paningin ko ang mga ito. 

Nang makuha na namin ni Kyle lahat ng mga gamit namin, nag-abang na ako ng taxi sa labas ng airport, ilang minuto lang ang hinintay namin at nakasakay na rin kami. Sinabi ko lang and address namin sa driver, mabuti na lang at alam niya ‘yon, hindi na ako mapapagod na magtuturo kung saan ang daan. 

Saktong alas-nueve ng gabi nang makarating kami sa bahay, tinulungan lang ng kami ng taxi driver na ibaba ang mga gamit namin at umalis na rin siya. Nag-doorbell na ako sa gate namin, alam kong maagang natutulog ang mga tao rito sa bahay, pero sana ay mapagbuksan nila kami. Nakailang pindot pa ako sa doorbell bago bumukas ang gate, at si manang Remy ang nagbukas nito, bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya kami.

“Carla?! Ikaw ba ‘yan?” tanong nito habang nanlalaki pa ang mga mata.

Ngumiti ako rito at niyakap siya. “Oo manang, ako ito si Carla.”

Nagtatatalon ito sa tuwa nang makompirma niyang ako nga si Carla.

“Hala pasok kayo, sigurado akong matutuwa si mam at sir.”

Si manang Remy na ang naghila sa mga maleta namin, si Kyle naman ay mahigpit na nakahawak sa aking kamay. This was the first time he had visited here.

“Mam, sir nandito na po si mam Carla, mam, sir.”

Ito ang mga katagang paulit-ulit na sinasabi ni manang nang makapasok na kami sa loob ng bahay. Marami na ang nagbago rito. Hindi siya tulad ng dati na puro painting lang ang mga naka-display, mayroon na itong mga indoor plants, at mga iilan na portrait naming pamilya, mas maaliwalas siyang tingnan ngayon kaysa noon.

“This house is very beautiful, it’s refreshing in the eyes,” biglang sabi ni Kyle.

Pati ang anak ko ay namangha sa bahay. 

“Carla maupo muna kayo r’yan, aakyat lang ako sa taas para gisingin sina sir,” ani manang.

Tumango na lang ako rito at ngumiti. Umupo ako sa may sofa habang hinihintay ang pagbaba nila dad. Si Kyle naman ay nilibot na ang buong sala ng bahay, hindi ko alam kung ang mga tinitingnan niya.

Napatayo ako nang makita ko sina dad na pababa ng hagdan, nag-uumapaw ang saya sa aking puso nang mayakap ko siya. Napapaluha pa ako dahil matagal din kaming hindi nagsama ni dad, hindi tulad ni mommy na once a year na bumibisita sa amin.

“Kyle come here, give grandpa and grandma a hug.”

Mabilis namang lumapit ang anak ko sa kanila at niyakap ang mga ito.

“Akala ko bang sa susunod na linggo pa ang flight ninyo?” nalilitong tanong ni mommy sa akin.

“Na-resched kasi ang flight namin mom, eh hindi ko naman na ma-cancel at saka surprise na rin sa inyo,” nakangiti kong tugon.

“Ikaw talagang bata ka, tara na at kumain muna kayo, for sure nagutom itong guwapo kong apo sa biyahe,” sambit ni mommy sabay karga kay Kyle.

Tahimik pa rin si dad hanggang ngayon, hindi siguro siya makapaniwala na narito na kami. Nagpunta na kami sa may kusina para makakain. Na-miss ko ang mga luto ni manang kaya naman pag-upo ko pa lang ay sumandok na ako. Si mommy naman ang nag-asikaso kay Kyle kaya naman makakakain ako nang maayos ngayon.

Madaling araw na noong napagpasyahan naming magpahinga. Naninibago pa kasi kami ni Kyle. Hinatid kami nila mommy sa dati kong kuwarto, wala itong pinagbago nandito pa rin ang mga gamit ko noong nag-aaral pa ako, pati ang mga pictures ko. Nawala lang ang mga pictures ni Gino na sinunog ko noon bago ako umalis ng bansa. Mas mabuti na rin siguro ‘yon para hindi na makita ni Kyle.

“Carla magpahinga na kayo,” wika ni dad.

“Sige po. Kayo rin po magpahinga na kayo, pasensya na po at naistorbo pa namin ang pagtulog ninyo kagabi,” nakangiti kong tugon.

“Wala ‘yon anak. Masaya naman kami dahil kayo ang dumating. ‘Wag mo ng iisipin ‘yon. Sige na matulog na kayo,” ani mommy.

Humiga na ako sa kama, at nang pagkalapat ng likod ko sa kama parang bumalik lahat sa aking alaala ang aking mga karanasan nang ako ay bata pa. Itong kuwarto na ito ang saksi sa lahat ng saya at sakit na naranasan ko kay Gino. Ito rin ang naging kasangga ko noon kapag ako ay umiiyak. Ang lahat na iyon ay mananatiling alaala na lang ng aking nakaraan. Dahil hindi na ako tulad na dati na parang tanga kakahabol sa kaniya. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status