Share

Four

Gino’s POV

Naihatid ko na sa bahay nila ang kambal dahil nakauwi na sina Greg galing sa isang business trip. At ngayon naman ay papunta na ako sa trabaho. Sa loob lang ng sampung minuto ay nakarating na ako sa kompanya. Nang mai-park ko na ang aking sasakyan sa parking lot, nagpunta na ako sa elevator, na kung saan mga VIP lang ang puwedeng gumamit. Ayoko kasing nakikipagsiksikan sa mga tao, kaya naman nagpagawa ako ng sarili kong elevator papunta sa opisina ko.

Naglalakad pa lang ako sa hallway nang salubungin ako ng aking secretary.

“Good morning sir, you have a meeting in the conference room in five minutes,” wika nito.

“Thank you for reminding me, Rose,” tugon ko.

Kinuha ko lang ang mga gamit na kakailangin ko sa meeting sa aking opisina, mabuti na lang at pinaalala ng secretary ko ang meeting ko ngayon. Masyado yata akong nadala sa pagbabantay sa mga pamangkin ko, kaya hindi ko na alam kung ang schedule ko ngayong araw.

Nang makarating ako sa conference room, ako na lang pala ang hinihintay. 

“Good morning,” bati ko. “I apologize if I'm coming late, but I honestly forgot we had a meeting today,” wika ko na may hilaw na ngiti.

It's all right, Mr. Montereal; we just arrived,” sagot ni Mr. Santos, board member ng kompanya.

“We are gathered here to talk about the big event of our company, which is the 50th founding anniversary of the Montereal Group of Company (MGC),” panimula ko.

Nalalapit na ang founding anniversary ng kompanya, and it's my first time since kailan lang naman ako na-appoint bilang CEO ng aming kompanya. Gusto ko na maging memorable ito sa aming lahat, lalo na sa mga board dahil hindi mabubuhay ang kompanya kung wala sila.

“Excuse me, Mr. Montereal, hindi ba parang napakaaga namang paghahanda ‘yan?” tanong ni Mr. Cruz, isa rin sa mga board.

“Gusto ko kasi na maganda ang kalalabasan nitong event Mr. Cruz. Ayokong pagdating ng araw na ‘yon ay maraming ma-e-encounter na problema, I want it to be perfect,” nakangiti kong tugon.

“We're only here to support you if that's what you want,” sambit pa niya.

Nagpatuloy ang aming pag-uusap tungkol sa founding anniversary, mga basics plan pa lang naman ang inilahad ko sa kanila, ayoko rin naman silang biglain sa mga gusto kong mangyari lalo na at may mga projects pa kami na dapat unahin.

Isa ang MCG sa pinakasikat na company sa bansa, ito ang pinaghirapan ng aking lolo kaya naman ngayon na ako na ang CEO nito, mas aayusin ko pa ang pamamalakad para mas lumago pa ito. I am aware that managing a business today is more challenging due to the abundance of competitors, but I am confident that I can manage it successfully, just like my dad and grandpa.

After the meeting, bumalik na ako sa aking opisina para asikasuhin naman ang mga pending ko pang trabaho. Minsan sa sobrang dami kong inaayos na trabaho hindi na ako nakakakain sa tamang oras, mabuti na lamang at to the rescue ang aking secretary para paalalahin ako na lunch break na o kaya naman ay siya na mismo ang nagdadala sa akin ng pagkain. Kung hindi ko lang alam na may asawa na si Rose, ang secretary ko baka iisipin ko na may gusto siya sa akin. Mas matanda siya sa aking ng tatlong taon, at matagal na rin siyang nagtatrabaho rito.

Habang nagbabasa ako ng mga emails sa aking laptop, nakarinig ako ng katok mula sa aking pinto.

“Come in,” wika.

Pumasok si Rose at naglakad ito papalapit sa akin. 

“Sir may naghahanap po sa inyo sa labas, Melody daw po ang pangalan,” ani Rose.

“Huh? Who’s Melody?” nagtataka ko ng tanong.

“Ay ewan ko ba kung sino ang babaeng ‘yon sir. Alam ko naman hindi mo girlfriend iyon hindi siya pasok sa standard mo.”

Napangiti ako sa sinabi nito. “Aba at alam mo na rin ngayon ang standard ko sa isang babae ha.”

“Aba siyempre naman sir, halos isang taon na kita katrabaho ‘no. Alam na alam ko kung pasok ba ito o ligwak,” natatawa nitong sabi.

“Pakisabi na lang sa Melody na naghahanap sa akin ay busy ako, o kaya naman ikaw na ang bahalang magdahilan sa kaniya. Alam mo naman hindi ako tumatanggap ng bisita nang walang appointment sa akin.”

“Got it sir, ako na ang bahalang magpapalayas sa babaeng ‘yon.”

Naglakad na ito palabas ng opisina at sumunod ako rito pero hindi ako lumabas, pinakikinggan ko lang kung ano ang pinag-uusapan nila.

“Ah miss Melody, pasensiya na po ha busy kasi si sir Gino ngayon, hindi ka niya ma-e-entertain. And you need an appointment first miss,” rinig kong sabi ni Rose.

“What?! An appointment? Pakisabi sa sir mo, anak ako ng isang kilalang businessman! I just came here to have a little chichat with him,” singhal nito kay Rose.

Lalabas na sana ako dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi nito, ngunit napaatras ako nang magsalitang muli si Rose.

“Excuse me miss Melody na anak ng kilalang businessman, hindi po kailangan ng boss ko ang ka-chitchat sa akin pa lang ako quota na siya sa kadaldalang taglay ko. At saka hindi ka type no’n kaya naman kung puwede lang ay umalis ka na bago pa ako tumawag ng guard para ipakaladkad ka!”

Pagkarinig ko sa sinabi ni Rose, bumalik na ako sa aking upuan at nagpatuloy na sa pagtatrabaho. Hindi na ako nag-abala pang lumabas dahil kayang-kaya naman pala ni Rose na paalisin kung sino man ang Melody na ‘yon.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas itong muli, at iniluwa nito si Rose, hindi ko mawari kung anong mukha ang mayroon ito ngayon.

“Oh Rose, anong nangyari sa iyo, bakit ganiyan ang hitsura mo?” tanong ko.

Pabagsak itong umupo sa aking tapat. “Nako sir, ang kulit ng Melody na ‘yon, porke anak daw siya ng kilalang businessman hindi naman maganda,” ani ni Rose sabay roll eyes. “Ang hirap pa lang magkaroon ng single at guwapong boss,” dagdag pa nito.

“Bakit naman?” natatawa kong tanong muli.

“Eh paano ba nama kasi sir, ikaw na mismo ang hinahabol ng mga babae. Pang-apat na yata itong si Melody na naghahanap sa inyo.”

“Pang-apat? Bakit hindi ko yata alam ‘yong tatlo?”

“Hindi ko na pinaalam sa inyo sir, sadyang makulit lang talaga ‘yong si Melody kaya sinabi ko na kanina. Mabuti na lamang at nakaya ng powers ko na paalisin siya.”

“Thanks Rose,” nakangiti kong sambit. “Kung wala ka baka dinumog na ako ng mga babae rito.”

“Wala ‘yon sir, parang nakababatang kapatid na rin naman ang tingin ko sa inyo eh, lalo na kay Greg,” tugon nito. “Dapat kasi mag-asawa ka na eh,” bulong pa niya.

Napapatong ako ng kamay sa aking mesa sa sinabi nito. “Ano ‘yon Rose? May sinasabi ka pa ba?”

Bigla itong tumayo at mukhang nakahalata yata na narinig ko ang huli niyang sinabi. “Ah wala sir, sige po balik na ako sa trabaho,” wika nito na may kasama pang hilaw na ngiti.

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi sa akin ni Rose, dahil tungkol na naman iyon sa pag-aasawa. Wala pa talaga sa loob ko ang pag-aasawa, pagpapayaman pa lang ang nasa isip ko ngayon, para kahit hindi na magtrabaho ang mapapangasawa ko ay ayos lang. I  want to be financially stable first, before entering into a relationship or in a married life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status