Share

Six

Gino’s POV

Natapos na naman ang buong araw ko sa pagtatrabaho. Paglabas ko sa aking opisina, nadatnan ko pa si Rose sa kaniyang cubicle.

“Oh Rose, ano ang ginagawa mo r’yan? Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na oh,” wika ko.

“Ay sir kayo pala iyan. Uuwi na rin po n’yan, may hinahanap lang po ako sandali sa internet,” sagot nito habang tutok pa rin ang kaniyang mga mata sa monitor.

Hindi na ako nagsalita at nagpunta ako sa likuran ng upuan niya para makita kung ano ang tinitingnan niya.

Napangiti ako ng mga makita ko ito, mga gown pala ang tinitingnan niya.

“Para saan naman iyang tinitingnan mo?” tanong ko.

“Para ito sa nalalapit na founding anniversary ng company sir. Hindi naman puwedeng hindi maganda ang isuot ko, minsan lang ito mangyari sa buhay ko,” tugon ni Rose.

“Sige maghanap ka ng maganda at ako na ang magbabayad.”

Bigla itong napaharap sa akin. “Talaga sir? Kahit na iyong mamahalin pa ang kunin ko?”

“Kahit iyong mamahalin pa,” nakangiti kong sabi.

“Nakakahiya man sir, pero maraming salamat. Huwag po kayong mag-alala, iyong pinakamaganda pero mura lang ang kukunin ko.”

“Wala iyon Rose, hindi ba ikaw na rin ang nagsabi parang kapatid na ang tingin mo sa amin ni Greg kaya sa tingin ko naman ay deserve mo ito.”

“Nako maraming salamat talaga sir. Makakatipid ako ngayon,” nakangiti nitong sabi.

“Sige galingan mo ang pagpili ha. Mauna na ako sa iyo. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo.”

“Kayo rin sir mag-ingat po kayo. Bye.”

Naglakad na ako papunta sa elevator. Nang makarating na ako sa parking lot, nagmadali na ako sumakay sa aking sasakyan dahil late na ako sa dinner namin nila dad. Ime-meet ko sila ngayon together with lolo, pag-uusapan namin ang nalalapit na founding anniversary ng company. May mga nakahanda naman na akong draft para sa event like kung saan ito gaganapin, kung ano ang theme, kung sino-sino ang mga iimbitahin, kung paano ang magiging flow ng program, I just want hear if they have some suggestions and their confirmation too. Hands on ako pagdating sa mga ganitong bagay, gusto ko maging perfect ang lahat.

Pagdating ko sa restaurant, hindi lang pala si dad and lolo ang makakausap ko dahil naroon din ang kapatid kong si Greg.

“Sorry if I’m a little bit late,” wika ko ng makarating na ako sa puwesto nila.

“It’s okay hijo, please have a seat,” tugon ni lolo.

“Hi dad, kumusta po?” Tanong ko kay dad na nahuli kong nakatingin sa akin.

“I’m good. How about you Gino? Is everything okay?”

“Yes dad, don’t worry about me,” nakangiti kong sabi.

“Oo nga naman Salvador, huwag mo ng alalahanin itong anak mo. Matanda na siya, at alam kong makakaya niya ang pamamahala sa ating kompanya,” sabat ni lolo.

“Kaya nga dad, hayaan mo na itong si kuya, asawa na nga lang ang kulang sa kaniya para masabi na perfect na ang buhay niya eh,” nakangising wika naman ni Greg.

“Akala ko bang about sa founding anniversary ang pag-uusapan natin ngayon? Bakit naiba na yata ang usapan?” tanong ko sa kanila.

Natawa lang si lolo at Greg sa sinabi ko, si dad naman ay seryoso pa rin ang tingin sa akin.

“Okay let’s talk about the founding anniversary first, maayos na ba ang lahat Gino?” tanong ni lolo.

“Yes lo, okay na po ang lahat, from venue, foods, theme, at kung sino-sino ang iimbitahan,” tugon ko.

“Sigurado ka ba Gino? Wala naman tayong ma-e-encounter ng problema?” paniniguro ni dad.

“Wala po dad. Inayos ko na po ang lahat,” nakangiti kong sagot.

“Kuya may kulang pa,” sabat ni Greg.

“Ano naman ang kulang?”

“Ang damit na susuotin natin. Ano ‘yon pupunta tayo roon ng hubo’t hubad?” nakangisi nitong wika.

Napatunganga ako sa sinabi ni Greg, bakit hindi ko naisip iyon? Si Rose na secretary ko ay bibilhan ko ng damit tapos kami itong may event ay wala pang susuotin?

“Dahil ikaw ang nakaisip sa bagay na ‘yan Greg, ikaw ang maghahanap ng designer para sa ating susuoting,” sambit ni lolo.

“No lo, I can do it. Just leave it to me,” sabat ko.

“Gino ipaubaya mo na sa kapatid mo ‘yon. Alam naming napapagod ka rin. ‘Wag mo naman sanang sagarin ang sarili mo,” nag-aalalang sambit ni dad.

“Kuya ako na, don’t worry hindi kayo mabibigo. And alam naman namin na ang dami mo ng nagawa para sa event, kaya ako na ang maghahanap ng designer,” wika ni Greg at kinindatan pa ako.

Sa buong buhay ko ngayon lang yata ako may nakalimutan para sa isang event na ganito. Hindi na ako nakipagtalo pa kay Greg at hinayaan na lang siya para sa amin susuotin. Sana naman ay maayos ang mahanap niya, dahil kung hindi ako mismo ang babatok sa kaniya.

“I think we are done talking about the event. Now we will talk about who will be your date Gino on the founding anniversary?” biglang wika ni lolo.

“Kailangan pa po ba iyon lo?” tanong ko pabalik.

“Aba siyempre naman. Ako date ko ang lola mo, ang dad niyo naman date ang mommy ninyo, si Greg date niya ang kaniyang asawa at mga anak. Ikaw sino ang isasama mo?”

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, hindi ko naman kasi alam na may kasama ka pala dapat sa gaganaping event.

“Hindi ko pa po alam. Siguro kung wala akong mahahanap na puwedeng isama, si Rose na lang ang magiging partner ko,” tugon.

“Hoy kuya may asawa na si ate Rose, alam mo naman ang mga tao ngayon, baka mamaya magka-issue pa kayo. Maghanap ka na lang ng iba,” wika ni Greg.

“Eh siya lang naman ang alam kong p’wedeng i-date at saka parang kapatid na ang tingin ko kay Rose. Hayaan mo ang mga taong maraming issue sa buhay,” tugon ko.

Why don't you, Gino, bring your girlfriend? ani lolo.

“Nako lo, wala pong girlfriend itong si kuya. Siguro hinihintay pa rin ang niya ang pagbabalik ng kaniyang great love,” nakangising wika ni Greg.

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Greg, “sinong great love ang pinagsasabi mo r’yan?”

“Hala si kuya makakalimutin na talaga, when you were in college, do you remember your great love Carla Sandoval?”

“She’s not my great love Greg!”

“Huwag ka ng mag-deny kuya, nahuhuli kita noon na palaging nakatingin sa kaniya,” giit pa ni Greg.

“Who’s Carla Sandoval?” biglang tanong ni dad.

“Dad, I think you know her, iyong palaging may dalang pagkain noon para kay kuya,” tugon pa ng kapatid ko.

“Greg shut up!” singhal ko.

Nakita ko sa mukha ni Greg ang pagkabigla, ngayon ko lang kasi yata siya nasigawan ng ganito. Ayoko lang kasing pinag-uusapan ang mga bagay na matagal ng walang saysay.

“Ituloy mo lang Greg, ngayon lang namin nalaman na nagkaroon ng great love ang kuya mo,” nakangiti na sambit ni lolo.

“Lo, hindi ko po siya great love okay? Wala lang po siya sa buhay ko, kaya naman kung puwede lang na huwag na lang natin siya pag-usapan,” mediyo naiinis kong wika.

“Kung hindi mo siya great love, bakit ganiyan ka kung makapag-react?” asar ni Greg. “Wala raw sa buhay niya pero naaapektuhan pa rin,” bulong pa nito.

“Greg has a point, kung hindi siya naging parte ng buhay mo hindi ka magre-react ng ganiyan Gino,” sabat naman ni dad.

“Dad pati ba naman ikaw?” nanlulumo ko ng sabi.

“Yes, kaya naman Greg sige ituloy mo na ang kuwento mo about sa Carla Sandoval na ‘yon.”

“Ganito po kasi iyan, back when we’re in college, actually fourth year na si kuya nang malaman ko ito. There’s this girl named Carla who is always chasing kuya, palagi siya nitong binibigyan ng pagkain,” pagsisimula ng kuwento ni Greg.

Napatakip ako ng mukha sa mga sinabi ng kapatid ko. “Please stop, Greg!”

“Tinatanggap naman po ni kuya ang mga binibigay ni Carla, pero hindi niya kinakain binibigay niya ito sa akin. In fairness masarap palagi ang mga dala niyang pagkain. At alam po ba ninyo dad, lo nahuhuli ko si kuya noon na palaging nakatingin or nakabantay kay Carla sa tuwing may ibang kumakausap dito na ibang lalaki.”

“Hindi ko ginagawa iyan Greg, ‘wag ka ngang gumagawa ng kuwento r’yan.”

“Nako kuya kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mo siya pagmasdan sa malayo noon. Hindi ko naman kasi alam sa iyo kung bakit sinusungitan mo siya noon, palay na nga ang lumalapit sa iyo lumalayo ka pa,” nakangisi ng wika ni Greg.

“Bakit hindi mo pa sinunggaban Gino? Hindi ka gumaya sa kapatid mo, isang kalabit lang yata sa kaniya ni Bea bumigay na kaagad,” natatawang sambit ni lolo.

“Let’s just say na sadiyang mas malandi lang itong si Greg kaya bumigay siya kaagad,” wika ko.

“So ikaw kuya hard to get ganoon?” natatawa na ring wika ni Greg.

Kita ko sa mata ng mga kasam ko na gusto na nilang ilabas ang tawa na kanina pa nila gustong ilabas. Tiningnan ko sila ng masama, pero mukha walang epekto iyon sa kanila dahil mukhang mas natatawa lang sila sa pagtingin ko sa kanila.

“Uuwi na ako, mukhang wala ng kuwenta itong pinag-uusapan natin,” wika ko at akmang tatayo na.

“Si kuya talaga hindi marunong sumakay sa mga biro,” sambit ni Greg,

“Okay, let’s call it a nigth. Thank you for your time Garry, Gino and Greg,” wika ni lolo. “Siya nga pala Greg, ituloy mo ang kuwento na iyan sa mansion ha,” dagdag pa nito. “And you Gino, please bring Carla to the mansion too, I want to meet her.”

Halos mapahilamos ako sa aking mukha sa sinabi ni lolo. Bakit ko naman dadalhin si Carla sa mansion? Hindi ko naman siya naging girlfriend talaga. Pahamak talaga itong kapatid ko.

Paglabas namin sa restaurant naghiwa-hiwalay na kami. Si lolo may sariling driver, si dad naman ihahatid ni Greg sa bahay nila. Pagkapasok ko sa aking sasakyan, pumasok bigla sa isipan ko ang sinabi ni Greg kanina, “palay na nga ang lumalapit, lumayo ka pa” at sa tanong ni lolo na bakit hindi ko pa raw sinunggaban. Napapangisi ako habang nagmamaneho, dahil hindi nila alam ang tunay na kuwento at hindi rin naman alam ni Greg na may nangyari sa amin ni Carla.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status