Share

A Wedding Agreement
A Wedding Agreement
Author: Cherish Averdheen

PROLOGUE

"MANONG, dito na lang. Bayad ho!" Iniabot ko ang singkuwenta pesos sa traysikel driver.

"Sigurado kayo, Ma'am? Malayo pa ho tayo sa kanto."

Ngunit nakababa na ako. "Okay lang ho iyon, maglalakad na lang ako. Huwag n'yo na ho akong suklian." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito bagkus nagkukumahog na akong naglakad palayo. Panay ang tingin ko sa orasan sa aking cellphone. Malapit nang mag-alas-diyes ng gabi. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako nang mabasa ang chat sa akin ni Jass kanina bago mag-alas siete. Kung nasaan na raw ako. Hindi ako nag-reply dahil sa tingin ko hindi ko naman obligasyong ipaalam pa iyon sa kaniya. Dahil kahit asawa ko na siya, wala naman talagang ugnayan ang aming mga puso. Nagsasama lang kami for the sake of our parents. But soon, alam kong maghihiwalay rin kami.

Binagalan ko ang paghakbang nang malapit na ako sa tarangkahan ng isang malaking bahay. Yumuko pa ako na tila ba may pinagtataguan. Pikit-matang nag-doorbell. Sana gising pa si Mina, mahinang anas ko sa sarili. Ngunit medyo natagalan bago may lumabas upang pagbuksan ako kaya makailang ulit kong pinindot ang doorbell. Napabuga ako ng hangin at nakahinga nang maluwag nang sa wakas ay marinig ko ang pagbukas ng main door at nasilip ko nga ang paparating na katulong.

"Naku, Ma'am Jen, ginabi kayo ah!" puna sa akin ni Mina habang kinakalag ang kandado ng gate.

"Oo nga eh, nag-overtime kasi ako sa trabaho. Andami kong ginawa," mahinang tugon ko.

"Ganoon ba , Ma'am? Kumain na ba kayo? Ipaghahanda ko kayo ng dinner?"

"No need. Kumain na ako. Nga pala, ang Sir Jass mo, nandito na ba?" tanong ko pa kahit sa isip ko ay alam kong narito na siya.

Tumango ito. "Opo, Ma'am, kanina pang mga alas-sais. Panay ang hanap nga sa inyo eh. Pero parang tulog na Ma'am. Kanina pa sarado ang kuwarto niya at patay na ang ilaw."

Nakahinga na naman ako nang maluwag. Buti naman! Pero ang ipinagtataka ko, bakit naman niya ako hahanapin? Ni hindi nga niya ako tapunan ng tingin pag kumakain kami. Ni hindi rin niya ako masyadong kinakausap. Tiyak na may kailangan lang ito sa akin kaya ako hinahanap. Pero... Natigilan ako sa paglalakad. Naroon na ako ngayon sa tapat ng hagdan at nakapatong na ang isang kamay sa may pasimano.

..ano naman kayang kailangan niya sa akin if ever? Nag-message pa. Hindi kaya...? Nanlaki ang aking mga mata. No, please, Lord, sana mali lang ako ng hinala! Hindi kaya ide-demand na niya ang tungkulin ko bilang asawa niya? Ang makatabi siya sa kama? Hindi! May usapan kami. Walang mangyayari sa amin kahit isang beses. Ever!

Dahan-dahan ako sa pag-akyat. Halos pigil ko ang hininga nang marating ko na ang second floor at matapat sa silid ng asawa ko. Magkahiwalay kami ng kuwarto at tanging kaming tatlo lang nina Mina ang nakakaalam ng ganoon naming set-up. Nagsasama lang kami kapag dumadalaw ang aking mga biyenan upang kami'y kumustahin. Mga biyenan kong mga gurang na may kuliling na sa mga utak. Ipagpilitan ba naman kaming ikasal ng kanilang anak. Kasabwat pa si tatay!

I finally reached the door of my room. Safe and sound. Kahit patay ang mga ilaw, saulado ko na ang mga pasikot-sikot doon kaya madali kong nahanap at nahawakan ang seradura. Marahan ko pang pinihit. Sabik kong binuksan ang ilaw. Mission passed! Ngunit nang tuluyan nang kumalat ang buong kaliwanagan sa apat na sulok ng silid na iyon ay halos himatayin ako sa gulat.

May taong nakahiga sa aking kama. Naka-unan ang dalawang kamay sa ulo at masama ang tinging nakapukol sa akin. Pakiwari ko pa ay kanina pa niya ako hinihintay.

"Buti naman naisipan mo pang umuwi!" malamig na sabi ng aking asawa.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherish Averdheen
Hi Guys! Sana magustuhan niyo tong story.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status