Share

Chapter 03

HIHINTAYIN ko munang matapos kumain si Jass bago ako bababa ng kusina. Iyon ang plano ko nang hindi kami magpangita. Kanina pa ako pasilip-silip sa maliit na siwang ng pinto ng kuwarto ko. Dahil kita mula rito ang hagdan ay malalaman ko kung nakaakyat na ba siya at nakapasok na sa kuwarto niya.

Gutom na gutom na ako. Gabi na at ang pagkakaalam ko, ni mag-umagahan ay hindi ko nagawa. Nahihiya naman akong magsabi kanina. Kinakapa ko pa ang ugali niya. What if nambubuhat pala siya ng kamay?

'Hala!' Natutop ko ang dibdib. He's going my way. Nakakatakot ang seryoso niyang mukha. Parang susugod siya sa isang away. Taranta ko tuloy na ipininid nang tuluyan ang pinto at nagtatakbo papuntang kama ko. Humiga ako agad at nagbalot ng kumot.

Pigil ko ang hininga nang marinig na binuksan na niya ang pinto.

"Kumain ka. Baka 'pag nagkasakit at nangayayat ka, magalit sa akin si Mang Juanito."

Iyon lang at narinig ko nang muli ang malakas niyang pagsara ng pinto. 'Mang Juanito', iyon lang ang tawag niya kay tatay. Ang ibig sabihin, wala talaga siyang interes sa akin? Hindi niya talaga ako itinuturing na asawa? Mukhang seryoso talaga siya sa agreement at rules niya.

Bumangon na rin ako at nagmamadaling bumaba. Hindi ko na kaya. Nagpalingon-lingon pa ako sa paligid para hanapin kung nasaan ang kusina. Pagpunta ko roon ay nandoon pa si Mina na abala sa pagbabasa. Nagulat pa siya nang makita ako.

"Ate," aniya pero saglit na natigilan. "Ma'am Jen po pala," nag-aalinlangang bawi niya pagkuwan.

"N-Nag-aaral ka?" nahihiwagaang tanong ko.

"Opo, Ma'am Jen. Third year college na po. Pinag-aaral ako ni Sir Jass."

Saglit akong natigilan at napakislot. Akalain mo 'yon, may mabuting loob din pala ang masungit na iyon. Kaya ba bilin niya ay huwag kong iasa kay Mina ang pagpapanatiling malinis ng kuwarto ko ay para makabawas-bawas sa gawain nito?

"Paghahainan ko na kayo, Ma'am Jen," sabi pa ni Mina saka nagmamadaling inalis sa mesa ang mga gamit niya.

Isinenyas ko naman ang aking isang kamay.

"It's okay, Mina. Ako na ang bahala. At saka... huwag ka munang umalis diyan ah, samahan mo muna ako."

"Naku! Nakakahiya naman, Ma'am. Baka pagalitan ako ni Sir-"

"Hindi 'yon. Ako'ng bahala. T-Teka.. nagluto ka ba? Saan ang pagkain dito?" Wala akong nakitang kaldero man lang ng ulam.

"Nasa ref po, Ma'am. Iinitin ko lang po. Kanina pa kasi ito. Sabi kasi ni Sir Jass huwag ko kayong pakialamanan sa kuwarto n'yo kaya inilagay ko na lang dito sa ref."

"Ganoon ba? S-Sige." Nagpatianod na lang ako at hinayaan siya. Niyaya ko siyang kumain nang kumakain na ako, ngunit tumanggi siya. But at least she stayed there at pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi ko na lang din masyadong kinausap dahil baka makaistorbo lang ako.

"Ako na, Ma'am!" awat niya nang simulan ko na ang paghuhugas sa pinagkainan ko.

"No, ako na. Ituloy mo lang ang ginagawa mo riyan." Akma ko nang ilalagay sa lagayan ng plato ang hinugasan kong pinggan nang may mabangga akong matigas na bulto. Dahil hindi ko 'yon inaasahan ay bigla ko tuloy nabitawan ang hawak ko at bumagsak iyon sa sahig. Basag.

"What the hell! Hindi kasi nag-iingat!" Dumagundong ang boses na 'yon sa apat na sulok ng kusina. Nagulat pa ako nang malingunan si Jass. May hawak itong baso ng tubig at galit na galit ang hitsura. Sandaling nawala ako sa dapat kong sabihin at gawin.

"H-Hindi ko naman sinasadya, kasi-"

"O, h'wag mong hawakan 'yan!"

Nagulat akong muli at hindi sinasadya napadiin ang hawak ko sa bubog. Nakita ko na lang na may dugong lumabas mula sa aking daliri.

"Seriously?" Nang-uuyam ang tono niya. Sa taranta ko ulit, naisubo ko ang daliri kong iyon para maampat ang dugo. "Huwag mong ganyanin, hindi mo alam kung madumi 'yan o hindi!" sigaw niya na naman. Bigla niya ring hinila ang kamay ko.

Parang natulos naman ako mula sa aking kinatatayuan. Bakit ganoon ang reaksyon ng katawan ko nang maramdaman ang mainit niyang palad na nakadantay sa balat ko? And when I suddenly looked at his face, nakakunot ang noo niya na parang nag-aalala sa nangyari. It was just a simple scratch pero kung makapag-react siya akala mo naman sobrang lala ng sugat.

Napalunok din ako nang makita nang malapitan ang nakahantad niyang balikat. Because he was only wearing a white sando, kita rin ang ilang parte ng matipuno niyang dibdib. He was physically fit. And he looked like not he's 35, kun'di parang nasa late 20s lang.

He gasped. "Mina, kindly get the first aid kit. Baka 'pag nagasgasan 'to, pagalitan ako ng tatay nito."

"Opo, Sir!" Nakita kong sumunod agad ang katulong.

"Sit," utos niya sa akin pagkuwan. Taranta pang naghila ako ng isang upuan. Hindi pa rin niya binibitiwan ang daliri kong iyon. I slightly trembled nang maramdamang bahagya niyang hinimas-himas iyon. Parang dinadama kung may nakapasok bang bubog sa loob. Pero ako, kakaibang init ang dulot niyon. Lalo na nang mula sa pagkakaupo ay saglit akong napatingala sa kaniya. He was so tall. At napalunok ako dahil sa maruming ideyang pumasok sa isip ko nang mapatapat ng tingin sa ibaba ng kaniyang puson. Ano ba itong pumapasok sa kukote ko?

"A-Ako na. H-Hindi naman malaki ang scratch at -" Kusa akong natigilan nang makaramdam na parang hindi siya sang-ayon sa protesta ko. Bigla kasi siyang nagdabog. Kumuha lang siya ng band aid at nilagyan ang maliit na hiwa roon. Then parang napapasong binitiwan na ako.

"Next time, let the maid do her duty. Hindi 'yong nagmamarunong ka, palpak naman."

Eh kung bakit kasi biglang singit niya sa likod ko? Ni wala man lang excuse. Malay ko ba na naroon siya. May pagkanerbiyosa pa naman ako dahil sa hilig sa kape.

"Mina, next time, don't let her do the chores. Baka unti-unting maubos ang mga gamit dito sa bahay dahil sa babaeng ito," sabi pa niya sa katulong.

"O-Opo, Sir Jass. Pasensya na rin po kayo."

"Clean it up now. At may pasok pa ako sa ospital."

Bigla akong napasulyap sa kaniya. Sa pagkakaalam ko nine na iyon ng gabi. Papasok pa lang siya sa trabaho?

Sa bagay, iyon naman ang paalam niya kay Doktora kaya nga dumeretso na kami rito kanina. But I still couldn't help but wonder. Siguro sobrang talino niya talaga at galing sa propesyon niya. Well halata naman sa awra niya. Pero sana lang hindi siya ganito kasungit tulad sa akin sa mga pasyente niya.

Umalis na siya habang ako'y nanatili pa rin sa aking kinauupuan. Nang matapos si Mina sa pag-imis sa kalat na nagawa ko ay muli siyang nagbalik sa kusina.

"Ilang taon ka na ngang naninilbihan dito, Mina?" tanong ko rito.

"Mag-aapat na taon na po. Actually po, anak ako ng isang katulong na nasa mansyon nila Sir Jass."

Napatango-tango ako. "I'm just curious about something."

"Tungkol saan po, Ma'am?"

"Tungkol sa amo mo. May girlfriend ba 'yan before ako dumating dito?" Because I wonder na baka tulad ko ay may tao ring nagmamay-ari sa puso niya kaya ganoon na lang din ang pagsusungit nito at kagustuhang hindi magtagal ang married life naming dalawa.

Umiling-iling si Mina. "Wala po akong natatandaang dinala si Sir Jass na babae rito, Ma'am. Palagi siyang busy sa trabaho."

"Talaga?" Lalo akong napaisip.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status