Share

Chapter 09

"CONGRATULATIONS, guys! Nakalagpas tayo sa kota," masayang anunsyo ng manager ng appliance store na pinagtatrabahuhan ko. Nagdiriwang lahat dahil tiyak na may bonus na matatanggap sa aming sahod.

So far, nae-enjoy ko ang pagtatrabaho rito. Bukod sa magaan naman ang trabaho ay palagi pa kaming nagkikita ni Dino. Kung minsan nagkakasabay pa kami ng breaktime. He's doing great in his job as well.

Kapag araw ng sahod ay namamasyal kami. Magkasamang namimili sa mall ng mga kaniya-kaniyang personal na pangangailangan. Kumakain sa medyo sosyal na restaurant. At kung minsan, binibilhan niya ako ng regalo. Nabilhan na niya ako ng isang pares ng sapatos na libo ang halaga. Hindi ko na siya napigilan dahil siya ang kusang bumili. Alam niya kasi ang size ng aking paa.

Pambawi niya raw iyon sa lahat ng mga naitulong ko sa kaniyang noong walang-wala siya. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit, ang mahalaga ay batid kong mahal namin ang isa't isa. At ngayon nga, we're celebrating our 23rd month a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status