JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
"MANONG, dito na lang. Bayad ho!" Iniabot ko ang singkuwenta pesos sa traysikel driver. "Sigurado kayo, Ma'am? Malayo pa ho tayo sa kanto."Ngunit nakababa na ako. "Okay lang ho iyon, maglalakad na lang ako. Huwag n'yo na ho akong suklian." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito bagkus nagkukumahog na akong naglakad palayo. Panay ang tingin ko sa orasan sa aking cellphone. Malapit nang mag-alas-diyes ng gabi. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako nang mabasa ang chat sa akin ni Jass kanina bago mag-alas siete. Kung nasaan na raw ako. Hindi ako nag-reply dahil sa tingin ko hindi ko naman obligasyong ipaalam pa iyon sa kaniya. Dahil kahit asawa ko na siya, wala naman talagang ugnayan ang aming mga puso. Nagsasama lang kami for the sake of our parents. But soon, alam kong maghihiwalay rin kami.Binagalan ko ang paghakbang nang malapit na ako sa tarangkahan ng isang malaking bahay. Yumuko pa ako na tila ba may pinagtataguan. Pikit-matang nag-doorbell. Sana gising pa si Mina, mah
"PAKIULIT nga po ng sinabi n'yo, 'Tay? Hindi ko masyadong naintindihan." Kabababa ko lang kasi ng earphone ko kaya hindi ko talaga na-gets kung ano ang mga sinabi niya. Kararating ko lang din kasi no'n sa bahay at hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng pinto ay sinalubong na ako ni Tatay."Bukas, sasama ka sa akin sa bahay ng mga dati kong amo. Sina Dr. Jaime at Dra. Julita dela Luna. Birthday kasi ni doktora. Inimbitahan akong pumunta at isama raw kita. Gusto ka nilang makita at makilala. Madalas kasi kitang ikuwento noon nang nagtatrabaho pa ako sa kanila. Tuwang-tuwa sila sa 'yo, anak. Napalaki raw kita nang tama," walang prenong sabi ni Tatay.Halata ang tuwa at sigla sa mga mata niya habang nagsasalita. "B-Bakit naman ngayon lang, 'Tay? Kung kailan two years na kayong retirado sa kanila?" nagtataka at kinakabahan namang tanong ko. "S-Saka, magiging busy po ako bukas. Overtime ako hanggang alas-otso ng gabi dahil monthly inventory namin. At saka, bakit po? Dahil ba tapos na
ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Naiempake ko na ang aking ilang mahahalagang gamit sa isang malaking bagpack. Handang-handa na akong umalis. Titiyakin ko munang payapang natutulog pa ang lahat bago ko isakatuparan ang plano.Ayoko sanang gawin ito dahil natatakot din ako. Alam kong masasaktan nito si Tatay ngunit ang mas ikinatatakot ko ay makasal sa taong hindi ko naman gusto at may magaspang na ugali. Ayokong habambuhay na magsisi dahil hindi ko naipaglaban ang pag-ibig namin ng taong totoong mahal ko.Palihim ko nang nakausap si Dino hinggil sa plano kong pagtakas. Ang usapan ay magkikita kami sa kanto at mula roo'y bibiyahe kami patungong probinsya nila sa Cebu. Dahil may ipon naman ako kaya malakas-lakas ang aking loob.'Patawad, 'Tay,' sabi ko na lang sa isip. 'Maiintindihan mo rin ako balang araw.' Isinukbit ko na ang bag at dahan-dahang naglakad sa dilim. Sinigurado kong wala akong malilikhang ingay sa aking bawat hakbang.Halos mapugto ang hininga ko n
HIHINTAYIN ko munang matapos kumain si Jass bago ako bababa ng kusina. Iyon ang plano ko nang hindi kami magpangita. Kanina pa ako pasilip-silip sa maliit na siwang ng pinto ng kuwarto ko. Dahil kita mula rito ang hagdan ay malalaman ko kung nakaakyat na ba siya at nakapasok na sa kuwarto niya.Gutom na gutom na ako. Gabi na at ang pagkakaalam ko, ni mag-umagahan ay hindi ko nagawa. Nahihiya naman akong magsabi kanina. Kinakapa ko pa ang ugali niya. What if nambubuhat pala siya ng kamay?'Hala!' Natutop ko ang dibdib. He's going my way. Nakakatakot ang seryoso niyang mukha. Parang susugod siya sa isang away. Taranta ko tuloy na ipininid nang tuluyan ang pinto at nagtatakbo papuntang kama ko. Humiga ako agad at nagbalot ng kumot.Pigil ko ang hininga nang marinig na binuksan na niya ang pinto. "Kumain ka. Baka 'pag nagkasakit at nangayayat ka, magalit sa akin si Mang Juanito." Iyon lang at narinig ko nang muli ang malakas niyang pagsara ng pinto. 'Mang Juanito', iyon lang ang tawag n
ANG malalakas na busina ang nagpamulat sa aking mga mata kinabukasan. Pagtingin ko sa digital clock na nakapatong sa may bedside table ay mag-a-alas-otso na pala ng umaga. Bumangon ako at nagderetso muna sa may veranda.Isang itim na kotse ang nakita kong papasok pa lang ng gate. 'Ngayon lang siya umuwi?' aniko sa isip. Nakaya niya ang magdamag na duty kahit walang sapat na tulog kahapon? I pinched myself. Wala nga pala kaming pakialamanan. Matapos mag-inat-inat ay pumasok na akong muli sa kuwarto ko at hinagilap ang aking cellphone. Nag-good morning message ako kay Dino. Kagabi ay nagkausap na kami at wala akong pinalampas na detalye sa kaniya. Even my husband and I's rules and agreement. Kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam ko. He even promised na susundan niya ako rito sa Maynila. Bagay na pinakahihintay ko. 'Tutal wala namang sinabi si Jass na bawal akong makipagkita sa boyfriend ko. Ang bawal lang ay ang dalhin siya rito sa pamamahay niya.' I took a sigh of relief.Matapos
"SALAMAT, Mina." Nakangiti kong kinuha ang brown envelop na inabot ng katulong. Nagpasuyo kasi akong magpa-print at photocopy sa kaniya ng mga documents ko."Mag-aaplay kayo ng trabaho, Ma'am?" curious na tanong nito."Oo eh. Nakakainip kasi rito, wala man lang akong mapagkaabalahan."Halos isang linggo na rin mula nang manirahan ako roon. Wala naman akong problema maliban sa tigre kong asawa pero nagagawan ko naman na iyon ng paraan. Itinataon ko na lang lagi na wala ito kapag bababa ako sa kusina o sa sala para hindi ako makaramdam ng tensyon. Wala naman akong ginagawa maliban sa pagkain at panonood ng tv. Minsan nagkukuwentuhan kami ni Mina. Pero 'pag alam kong paparating na si Jass ay umaakyat na ako sa taas. Akala ko talaga, may kalalagyan na ako nang aksidente kong matapon ang tsaa sa kuwarto niya.Dahil bagong salta ako sa lugar na iyon ay hindi pa ako pamilyar kung ano'ng trabaho ang puwede kong mahanap doon. Minsan sumabay ako kay Mina nang pumasok na ito sa school. May nakit
KINABUKASAN ay medyo tinanghali ako ng gising. Almost eight na nang bumaba ako ng kuwarto. Nakaligo na naman ako no'n at handa nang umalis. Dumeretso muna ako sa kusina para kumain. Tuesday ngayon at kapag ganitong araw ay maaga ang pasok ni Mina sa school. Ngunit bago umalis ay nakapagluto na naman ito at nakatakip na iyon sa mesa. I started eating. Mula no'ng araw na iutos ni Jass na bumili si Mina ng mga platong plastik ay iyon na nga ang ginagamit ko kapag kakain. Pero sa kape ay naka-mug pa rin ako. I just always make sure na hindi ko na malapit sa edges iyon inilalagay para iwas disgrasya. Natigilan ako sa pagsubo nang marinig ko ang mga busina sa labas. Huminga ako nang malalim. Nandito na siya. Bakit ba ganito na naman ang kaba ko? Binilisan ko na ang pagkain. Ngunit natigilan akong muli nang makarinig naman ng sunud-sunod na katok mula sa pinto. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi. 'Naku naman itong si Mina...' nasabi ko pa sa isip. Bakit ba kasi kailangan pang i-lock ang