Share

Chapter 02

ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Naiempake ko na ang aking ilang mahahalagang gamit sa isang malaking bagpack. Handang-handa na akong umalis. Titiyakin ko munang payapang natutulog pa ang lahat bago ko isakatuparan ang plano.

Ayoko sanang gawin ito dahil natatakot din ako. Alam kong masasaktan nito si Tatay ngunit ang mas ikinatatakot ko ay makasal sa taong hindi ko naman gusto at may magaspang na ugali. Ayokong habambuhay na magsisi dahil hindi ko naipaglaban ang pag-ibig namin ng taong totoong mahal ko.

Palihim ko nang nakausap si Dino hinggil sa plano kong pagtakas. Ang usapan ay magkikita kami sa kanto at mula roo'y bibiyahe kami patungong probinsya nila sa Cebu. Dahil may ipon naman ako kaya malakas-lakas ang aking loob.

'Patawad, 'Tay,' sabi ko na lang sa isip. 'Maiintindihan mo rin ako balang araw.' Isinukbit ko na ang bag at dahan-dahang naglakad sa dilim. Sinigurado kong wala akong malilikhang ingay sa aking bawat hakbang.

Halos mapugto ang hininga ko nang malapit na ako sa pinto ng bahay. Naipihit ko na ang seradura at dahan-dahan na iyong binubuksan nang biglang nagliwanag ang buong paligid. Taranta pa akong lumingon sa likod kung sino ang nagbukas ng ilaw at gayon na lamang ang takot ko nang makita ang galit na hitsura ng aking tatay.

"'T-Tay..." puno ng kaba kong usal. Hindi ako makatingin nang deretso sa kaniya.

"At saan ka pupunta, Jennifer? Maglalayas ka?"

Sapat na ang maawtoridad na tinig nito upang magapi ang natitira kong tapang. Parang nanginig pa ang aking tuhod.

"Iyan ba ang natutunan mo sa pakikipag-nobyo d'yan sa traysikel driver na 'yan? Susuwagin mo na ba ako?" galit na galit pa rin ito.

"Eh, 'Tay..." takot na takot na ngang wika ko. Gustong-gusto ko nang matunaw na lang nang mga oras na 'yon. "S-Sinabi ko naman po kasi sa inyong ayokong magpakasal sa anak ni doktora. H-Hindi ko kayo maintindihan kung bakit pinipilit n'yo. Kung ayaw n'yo kay Dino, eh h-huwag n'yo naman akong ipilit ipakasal sa iba."

"Hindi na magbabago ang napagdesisyonan kahit ano pang sabihin mo. Bumalik ka na sa kuwarto mo."

Tumulo na nga ang luha sa mga mata ko. "'Tay naman, pakiusap. Hayaan n'yo naman akong maging masaya."

Ngunit nagmistula na itong bingi. Hinaklit pa nito ang bag na dala ko nang hindi agad ako kumilos. "Pasok!" Binuksan niya pa ang kuwarto ko para sa 'kin. Wala akong nagawa kung hindi sumunod.

Umiiyak pa rin ako habang kinakausap ko sa cellphone si Dino.

"Sorry, Dino. Hindi na tayo matutuloy. Nahuli ako ni Tatay."

Rinig ang paghinga nito ng malalim. "Eh, paano 'yan? Talagang ipakakasal ka niya sa anak ng doktor?"

Napasinghap ako. "O-Oo.." Mariin akong napapikit. "S-Sana huwag kang magalit sa akin, hindi ko naman ginusto ito."

"Alam ko naman, Jen. Gusto sana kitang ipaglaban kaya lang ayaw ko namang magkalamat ang relasyon ninyong mag-ama. Ang totoo, nahihiya ako sa 'yo. Tapos ka ng pag-aaral, may magandang trabaho, tapos sa isang tulad ko lang ikaw pumatol. Napakasuwerte ko kung tutuusin. Pero kung tayo talaga hanggang huli, gagawa at gagawa naman ng paraan ang tadhana. Tandaan mo na palagi lang akong narito kung kailangan mo. Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita. Gagawa ako ng paraan para hindi magtagal ang pagsasama namin ng magiging asawa ko. Ikaw lang talaga ang gusto kong makasama hanggang pagtanda ko. S-Sana... mahintay mo ako, Dino."

"Oo, Jen. Tatandaan ko 'yang sinabi mo."

Pagsapit ng alas-otso ng umaga ay ginising ako ni Tatay. Ngunit hindi para mag-almusal. Dahil may nakaparadang sasakyan sa labas ng bahay. Tanda ko ang mukha ng driver na iyon na tauhan nina Doktora. Ngunit may isa pang lumabas at pumasok sa loob ng bahay. Isang bakla.

"Pinadala ako rito para ayusan ka," sabi nito.

"P-Para saan ho?" maang ko.

"Ay, kalerki! Ngayon ang araw ng kasal mo."

Sa narinig ay kakaibang takot agad ang naramdaman ko. Kahit ilang beses akong tumanggi at nakiusap, wala talagang handang makinig sa akin. Pinaligo ako ng bakla at inayusan. May bitbit ding itong ilang klase ng mga damit pangkasal at pinapili ako roon. Pati heels. Talagang naninigurado sila na matutuloy ang kasal. Pati mga requirements na kailangan ay inasikaso pala nila nang hindi ko alam.

Alas-diyes daw ang oras ng kasal at bago mag-nine-thirty ay gumayak na kami. Katabi ko si tatay sa upuan. Naka-polo ito. Hindi kasama ang aking mga kapatid dahil may mga pasok sa eskuwela. Hindi ako kumikibo ngunit sa loob-loob ko ay halos isumpa ko ang mundo. Pigil ko rin ang mga luha ko.

Sa munisipyo kami dumeretso dahil sa huwes lang daw gaganapin ang kasal. Pagdating doon ay naghihintay na ang mag-asawang doktor. Ngunit hindi ko agad nakita ang kanilang anak. Binati pa ako ng mga ito ngunit hindi ako makangiti man lang. Ayokong magpanggap na ayos lang ako at hindi masama ang aking loob.

Pumasok kami agad sa loob at doon ko nga nakita ang nakatakdang maging asawa ko. Nakasuot ito ng simpleng puting long-sleeved polo at itim na slack. Nagdudutdot pa ito ng cellphone nang maabutan namin. Binati niya si Tatay ngunit ako'y dalawang segundo lamang yatang tinapunan ng tingin.

"Since narito na ang lahat ay magsimula na tayo," sabi ng mayor ng aming lugar.

Nakayuko ako nang lumapit sa unahan sa harap nito. Ni hindi kami nagtitinginan ni Jass hanggang magsimula at matapos sa pagsasalita ang nagkakasal sa amin.

"Ikaw, Jennifer Santibañez, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang kabiyak ng iyong puso, karamay sa hirap at ginhawa at kasama hanggang sa iyong pagtanda?"

Matagal bago ako sumagot dahil ang totoo, gusto kong sabihing ayoko. Ngunit nang mapasulyap ako sa gawi ni Tatay na masama ang tinging nakapukol sa akin ay pasagot ako ng "Opo."

Kaparehong tanong ang sinabi ng mayor sa aking katabi at malamig itong sumagot din ng "Opo."

Mayamaya ay nag-announce na ito ng "You may now kiss the bride."

Nagharap kami ngunit hindi ako tumitingin sa kaniya. Walang emosyon sa aking mukha at halos hindi ako humihinga. Would he really kiss me? Napalunok ako. Pikit-mata ko na lang tatanggapin dahil wala namang akong magagawa. Mabuti na lang din at hindi siya ang first kiss ko kung nagkataon. Dahil minsan ko na iyong naipagkaloob kay Dino. Ngunit ang inaalala ko lang ay ang maaaring maganap sa aming unang gabi. Wala pang lalaki ang nakakagawa niyon sa akin. Dahil ang ibig ko'y kasal muna bago 'iyon'. Ngunit mukhang may makakakuha na niyon sa akin mamaya dahil heto nga't may asawa na ako.... sa papel.

"Mamaya na lang po siguro."

Nagulat pa ako sa pabirong sabi ni Jass kay mayor. Suminghap ako at gumanti na lang din ng ngiti nang ngitian ako ng huli.

"Gentleman talaga 'tong si Dok." And they seemed to know each other. "Congratulations to the newly weds. Nawa'y maging masaya kayo sa inyong buhay mag-asawa."

Pigil ko ang tawa dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay nagpaalam na at lumabas na kami ng municipio. Kay tatay ako lumapit at sumunod ng hakbang. Ngunit minsan hindi ko mapigilan hindi mapalingon sa matangkad na lalaki sa may likuran ko. My now husband. Hindi pa rin ako makapaniwala na in less than thirty minutes ay iba na ang apelyido ko. At may nagmamay-ari na sa akin.

"O bakit dito ka? Doon ka sa asawa mo sumakay," sabi ni tatay nang akmang sasampa na ako ng sasakyan.

"Pero, 'Tay, ayoko ho-"

"Tara na!"

Bigla ay may humaklit sa aking braso. Napangiwi pa ako nang muntik na akong matapilok nang simulan na niya akong kaladkarin.

"T-Teka nga!" Naiiritang pilit kong binawi ang aking braso.

"Sakay na. I don't have time for this," tiim ang mukhang sabi ni Jass na halos ipagtulakan pa ako sa pinto para lang sumakay. Iniwan na niya ako at umikot na siya papuntang driver's seat. "Bilis na!" he shouted again nang hindi pa ako kumikilos.

Taranta ko na ngang binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Mabibigat ang bitaw niya ng bawat hininga habang naghihintay na matapos ako sa pagkakabit ng aking seatbelt.

Sinimulan na niya ang pagda-drive.

Habang nasa daan ay abot-abot ang aking kaba. Kanina pa naglalaro sa isip ko si Dino. Ni hindi ko man lang siya na-inform sa naganap sa umagang ito. I know he would be devastated kapag nalaman niyang naikasal na nga ako. How I wish na sana'y nilakasan ko na lang ang aking loob kanina at harap-harapang tinakasan si Tatay. Malamang mga ganitong oras ay malayo na ang aming narating.

"Stop staring at me like that," tiim ang bagang na sabi ni Jass. Kahit abala ang mga mata sa daan ay nakuha niya pa iyong mapansin? Napasulyap lang naman ako sa kaniya. "Hindi ako interesado sa 'yo at alam kong pati ikaw ay ayaw rin sa kasal na ito. So why don't we make an agreement about this fucking arranged marriage, ha?"

His glaring eyes focused at me for a while. Bigla na naman akong inatake ng matinding kaba.

"No sharing of bedroom, no sex, no conversation at higit sa lahat walang pakialamanan sa isa't isa. We'll only pretend like we're sweet in front of our parents kapag nandiyan sila. Pero 'pag tayong dalawa lang, parang hindi natin kilala ang isa't isa. How about that? Hmm?"

Tumango ako. At medyo gumaan na rin ang pakiramdam. Buti naman at naisip niya iyon. "T-That's a good idea," tugon ko na bahagyang may nakapaskil na ngiti sa mga labi.

"Then soon we'll find a way to get out of this hell-like situation. This is crazy."

Hindi na lang ako kumibo.

"Mom?"

Napalingon ako nang marinig ang tawag niya sa kaniyang ina. Katatapos niya lang ikabit ang bluetooth earphone sa isang tainga. He didn't bother staring at me.

"Hindi na kami tutuloy diyan sa bahay. May duty pa ako sa hospital," aniya at saglit na tumigil. "No. It's a waste of time. There is nothing special about this wedding so there's nothing to be celebrated for. Ibibili ko na lang ito ng pagkain 'pag nagutom. I'm sorry, Mom. Just tell Dad about it. Ibang route na ang binabagtas ko. Goodbye, Mom." Then he coldheartedly clicked the end button sa cellphone na nakakabit sa gitna ng dashboard. To my surprise ay tumingin siyang bigla sa akin. "Tell me your address at pupunta tayo sa bahay n'yo." Bigla nitong binagalan ang pagmamaneho.

Medyo taranta pa ako. "D-Deretso lang hanggang kabilang barangay," sabi ko.

Hindi siya kumibo at nagpatuloy na nga sa pagda-drive. I wanted to ask him, what for? Iuuwi na ba niya ako sa amin? 'What a relief!'

May galak na itinuro ko pa ang mga pasikot-sikot para makarating sa bahay namin. Mayamaya lang ay tumigil din kami sa tapat.

"Bilisan mo. Get your things at isakay mo sa likod," utos niya na biglang ikinadismaya ko.

MATAPOS ng ilang oras na biyahe ay nakarating din kami sa Maynila. Pero kung hindi traffic ay malamang hindi kami hahapunin. Cavite lang naman kami at sa Alabang ako dinala ni Jass.

May bahay raw siya roon at doon kami 'magsasama'. Malapit doon ang pinagtatrabahuhan niyang ospital. Maigi rin daw iyon at malayo kami sa aming mga magulang.

Sa isang subdivision kami pumasok. Tumigil kami sa isang malaking bahay. Tatlong beses siyang bumusina at awtomatikong nagbukas ang gate.

Nauna siyang bumaba samantalang ako ay medyo natagalan dahil hindi ko pa masyadong kabisado mag-unlock ng seatbelt. Buong akala ko ay tutulungan niya akong dalhin ang aking mga gamit ngunit hindi pala. Nakita ko siyang papasok na sa maindoor habang hinihila ko pa sa loob ang dalawang malaking bag.

Wala naman akong nagawa kung hindi huwag na lang kumibo. Pumasok na lang din ako sa pinasukan niyang pinto.

"This is Mina, my only maid here," bungad niya sa akin pagdating ko sa sala. "And Mina, this is my wife, Jennifer. But she's only my wife kapag nandito sina Mommy at Daddy. Pero kapag wala, she's just an ordinary border, maliwanag?"

"O-Opo, Sir Jass."

"Good." Nakapameywang pa itong bumaling ulit sa akin. "You. Come and I'll show you your room."

Ni hindi man lang talaga niya ako tinulungan sa mga dala ko. Deretsong akyat lang siya ng hagdan. Buti na lang mukhang mabait ang katulong niya na palagay ko'y mas bata lang sa akin ng ilang taon.

"Tulungan ko na kayo, Ma'am," nakangiti pang sabi nito at kinuha ang isang bitbit ko.

"Salamat," aniko.

Mayamaya ay pareho rin kaming nakaakyat. Nakita ko si Jass na nakatayo sa harap ng isang pinto.

Iniwan din ako ni Mina nang maipasok na sa loob ang aking mga gamit.

"There are rules in this house as well. Unang-una, ayoko sa maingay. Pangalawa, ayoko sa makalat. Though may katulong nga ako rito, matuto ka pa ring panatilihing malinis ang kuwartong ito. Pangatlo, you cannot bring in anyone here, kaibigan, katrabaho o boyfriend - No! Pang-apat, kapag alas-diyes na ng gabi at wala ka pa, the door will never be opened for you. Maghintay ka sa labas hanggang umaga. And lastly, always be careful kapag umaakyat o bumababa ka ng hagdan. I don't want to encounter accidents regarding stairs-falling. Maliwanag ba?"

Napasinghap ako sabay tango. 'Bakit naman big deal sa kaniya ang hagdan na 'yon?'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status