Share

Chapter 04

ANG malalakas na busina ang nagpamulat sa aking mga mata kinabukasan. Pagtingin ko sa digital clock na nakapatong sa may bedside table ay mag-a-alas-otso na pala ng umaga. Bumangon ako at nagderetso muna sa may veranda.

Isang itim na kotse ang nakita kong papasok pa lang ng gate. 'Ngayon lang siya umuwi?' aniko sa isip. Nakaya niya ang magdamag na duty kahit walang sapat na tulog kahapon? I pinched myself. Wala nga pala kaming pakialamanan.

Matapos mag-inat-inat ay pumasok na akong muli sa kuwarto ko at hinagilap ang aking cellphone. Nag-good morning message ako kay Dino. Kagabi ay nagkausap na kami at wala akong pinalampas na detalye sa kaniya. Even my husband and I's rules and agreement. Kaya naman medyo gumaan na ang pakiramdam ko. He even promised na susundan niya ako rito sa Maynila. Bagay na pinakahihintay ko.

'Tutal wala namang sinabi si Jass na bawal akong makipagkita sa boyfriend ko. Ang bawal lang ay ang dalhin siya rito sa pamamahay niya.' I took a sigh of relief.

Matapos maghilamos at toothbrush ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Gutom na ako. I need at least a cup of coffee. Ngunit saktong pagdating ko sa tapat ng hagdan ay siya namang simula ng pag-akyat ni Jass. For a moment, I suddenly paused at pinagmasdan ang kaniyang pagpanaog. Gusot-gusot at wala sa ayos ang suot niyang with collar shirt, magulo at sala-salabat din ang kaniyang buhok. Sa ganoong ayos, he must be tacky. Dahil bukod doon ay nakabusangot din ito. Pero bakit para sa mga mata ko, parang nakadagdag pa iyon sa kaguwapuhan niya at sa kamisteryosohan ng kaniyang dating?

I pinched myself again. Ano ba itong tumatakbo sa isip ko?

"Oops! S-Sorry!" bigla kong nasabi nang muntik na akong ma-out of balance. He almost hit me. Buti na lang mahigpit akong nakakapit sa hawakan ng hagdan. Kung bakit kasi hindi ako umalis o gumalaw man lang sa kinatatayuan ko?

Ngunit ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin, sa halip ay nagdere-deretso lang sa paglalakad patungong kuwarto as if I didn't exist.

Bahagyang umawang ang aking mga labi dahil parang gusto kong magkomento sa inasal niya. Pero inawat ko na lang ang sarili ko dahil baka lalo lang akong mapahiya. Oo nga pala, I almost forgot again. Wala nga palang pakialamanan.

Nakapagluto na at nakapaghain si Mina pagdating ko sa kusina. May pritong itlog, hotdog, bacon at tusino. Lalo akong natakam. Kasalukuyan itong naghuhugas ng pinaglutuang kawali.

"Good morning, Ma'am!" bati nito sa akin nang makita ako.

"Good morning din!" tugon ko. Dumeretso ako sa kitchen counter at kumuha ng tasa.

"Ako na ang magtitimpla, Ma'am. Magkakape kayo?"

Umiling-iling ako. "Ako na, Mina. Tapusin mo na lang 'yang ginagawa mo." Binuksan ko ang cabinet sa taas para hindi lang maghanap ng instant coffee kundi para tuklasin na rin ang mga laman niyon.

"Wala riyan, Ma'am. Sa kabila po," ani Mina na pinagmamasdan pala ako.

"Ah okay."

Natutuwa ako dahil sa edad niyang iyon ay napakaimis niyang babae. Nakikita ko rin na may busilak siyang puso kaya mabilis gumaan ang loob ko sa kaniya.

"Wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko habang ginugupit ang kalahati ng twin pack.

"Meron, Ma'am, pero mamayang ala-una pa."

"Ahh... Good luck sa studies mo. Ano palang course ang kinukuha mo?"

"BSE po, Ma'am, major in English."

"Ahh... So, magti-teacher ka pala."

"Opo, Ma'am. Pangarap ko po talaga-"

"Mina, have you seen my Chamomile Tea-"

"Ay!" biglang tili ko. Sa gulat ko ay napaigtad pa ako at nabitawan ang gunting na hawak ko. Bukod kasi sa malaking boses na biglang sumingit ay may kung ano pang bumangga sa aking pang-upo. Lalo pa akong nataranta nang makarinig ng tunog ng isang nabasag. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang nagkalat ang bubog ng tasa na hawak ko lang kanina.

"What the..? Seriously?" galit na singhal ni Jass na nasa likuran ko lang. Isa pa iyong nagpadagdag ng tensyon ko. Kung bakit kasi bigla-bigla na lang dumarating nang walang paramdam? At parang kanina lang ay nakita ko siyang pumasok sa kuwarto niya? Bakit ambilis niya naman yatang nakasunod agad dito sa kitchen?

"S-Sorry... Ano kasi.." Taranta na ako. Hindi ko naman maisatinig ang gusto kong sabihin. Parang nakakatakot na magmatapang sa harap niya.

"Mina, 'di ba sinabi ko na sa 'yong ikaw ang mag-aasikaso rito? Ayan, nabasagan na naman tayo ng gamit!"

"S-Sorry po, Sir, kasi-"

"O, at ano na naman iyang ginagawa mo? Inuulit mo na naman ang ginawa mo kagabi!"

Nataranta na naman ako. Gusto ko lang namang magboluntaryong imisin ang kinalat ko pero binalingan niya na naman ako.

"Ridiculous!"

At nanlaki ulit ang mga mata ko nang makitang nasugatan ako ulit. Pero agad ko iyong itinago sa ilalim ng blusa kong suot.

"H-Huwag kang mag-alala. Natuto na ako kagabi. I didn't bleed myself again..." Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyong sinabi but I couldn't take it back anyway. Sinundan ko ang direksyong pinupunto ng kaniyang mga mata. Nakatingin siya sa laylayan ng suot ko kung saan ko itinago kanina ang daliring may dugo.

"Didn't bleed, huh?" he mocked. Pairap niyang binawi ang mga mata sa akin pagkuwan. "Mina, mamaya nga bumili ka ng mga plato at basong gawa sa plastik. Mauubos talaga ang mga gamit ko rito. Buti ba kung mumurahin lang ang mga iyan eh. At buti ba kung mapapalitan!" He looked at me again. "Dalhan mo nga ako ng Chamomile Tea sa kuwarto."

NANG mawala sa paningin namin si Jass ay nagkatinginan kami ni Mina. S********p ko pa noon ang daliri kong dumugo kanina.

"Sino raw ang magdadala niyan sa kuwarto niya?" tukoy ko sa tsaang tinimpla niya.

"K-Kayo raw, Ma'am. 'Di ba kayo ang kausap?"

Mabilis akong umiling. "Aba, hindi ah! 'Di ba nga hinahanap niya iyan sa 'yo? Eh 'di ibig sabihin ikaw ang inuutusan niya."

Umiling rin ito. "Eh, sa inyo naman, Ma'am, huling tumingin si Sir."

I shrugged my shoulders. "H-Hindi ko alam. Hindi ko napansin." Umiwas ako ng tingin at pilit inalala ang huling tagpo. Tama si Mina, sa akin ito huling nakatingin. Pero ayokong ako ang magdala ng kaniyang tsaa. Ayoko nang humawak ng mga babasaging gamit sa harap niya dahil baka mabasag ko na naman. Presensya niya pa lang kasi nakakapanginig na.

"Sige na, Ma'am, kayo na po. Tutal ikaw naman ang asawa niya," pakiusap pa ni Mina.

"A-Asawa nga, pero sa papel lang naman. Hindi ba nga sabi niya kahapon, ordinary border lang ako rito 'pag wala ang mga biyenan ko. So it's your duty. Y-You're the maid." Ayaw ko sanang sabihin 'yon dahil parang minamaliit ko siya.

"S-Sige na nga po, Ma'am. Alam n'yo kasi kapag umiinom ng Chamomile Tea si Sir Jass, isa lang ang ibig sabihin no'n. Depressed siya o hirap makatulog. I thought you could be his comfort. Pero sige po, ako na lang."

Akma nang dadalhin ni Mina ang tasang may lamang tsaa nang biglang magbago ang isip ko.

"Para namang kinokonsensya mo ako niyan. Sige na nga ako na!" sabi ko kahit wala sa ayos ang takbo ng isip ko. I don't think she's lying tungkol sa sinabi niya. At ewan ko ba kung bakit parang na-curious ako.

'Dahan-dahan lang, Jennifer,' sinasabi ko sa sarili ko habang naglalakad. Mabagal ang bawat hakbang ko lalo na nang nasa may hagdan na ako.

Habang palapit sa pinto ng kuwarto ni Jass ay palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ko. Parang bigla akong nagsisi na nagboluntaryo akong maghatid niyon. Baka isipin nito ay nakikipaglapit o nagpapansin ako. Of course, it's a big NO.

Nasa tapat na ako ng pinto. Huminga pa ako nang malalim bago kumatok. Tatlong beses. Naghintay ako kung sasagot ba siya o kusa niya akong pagbubuksan pero walang response mula sa loob. Kaya ako na ang nagkusang pihitin ang seradura.

Tagumpay akong nabuksan iyon. Una kong isinilip ang ulo para hanapin kung nasaang parte siya ng kuwarto.

Ambango ng kuwarto niya, amoy house perfume. Ang linis din at organized ang mga gamit. Wala siya sa kama. Wala rin sa tabi ng kabinet. Pumasok na lang ako dahil ang balak ko'y ilapag na lang sana iyon sa bedside table niya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Nagitla ako lalo na nang tumambad sa akin ang ayos niya. He wasn't wearing anything except sa nakatapis na tuwalya sa pang-ibaba.

Napalunok ako at the same time natuliro na naman. I could see his V-line, his abs at ang medyo mabuhok niyang dibdib.

May kakaiba akong naramdaman sa katawan ko na hindi ko maintindihan. Parang nanlalamig ako at hindi ako makagalaw.

"Ilapag mo na 'yan at umalis ka na," galit na saad niya nang sandaling na-paused ako.

Saka lang ako natauhan. Nanginginig ngang akma ko nang ibababa ang tasang may tsaa sa bedside table nang sa 'di inaasahang pagkakataon ay dumulas iyon mula sa aking daliri. Sinubukan ko pang isalba iyon para hindi matapon o bumagsak pero napaso ako kaya wala rin akong nagawa kung hindi mag-let go.

I was breathing audibly habang pinagmamasdan ang sinapit ng tasa at platito. Kasama pa ang laman niyon na medyo nagpabaha sa sahig.

I looked at him. Hindi maipinta sa galit ang kaniyang mukha. May mga sinasabi siya na hindi ko na naintindi dahil sa sobrang takot at kaba. Sandaling nalito na naman ako sa gagawin. Lumuhod ako para likumin ang mga bubog.

"Get out of my room, you stupid woman!"

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Gene Balleber Largosa
subrang nerbusa
goodnovel comment avatar
Arlene Garcia
Napaka tanga nmn nun babae
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status