JENDAHIL sa tindi ng traffic ay halos gabihin na kami bago nakarating sa tinutuluyan ko. Nakisabay pa ang masungit na panahon. Buti na lang, dito sa napili kong lugar ay hindi binabaha kahit malakas ang buhos ng ulan. Pinaparada ko na lang sa labas ng gate ng apartment na inuupahan ko ang sasakyan ni Jass."Nakakainis naman kung kailan nandito na tayo saka naman bumuhos ang malakas na ulan," himutok ko pa. Walang bubungan sa daraanan namin at nasa dulong bahagi pa ng compound ang tinutuluyan ko. "Okay lang 'yan, magpatila muna tayo." Wala ring dalang payong si Jass. Sumang-ayon na lang ako kaysa naman sumugod kami at mabasa sa malakas na ulan. Pero sadya yatang nananadya ang panahon. Hindi pa talaga tumigil bagkus ay lalo lang itong lumakas.Almost thirty minutes na kaming stuck sa sasakyan. Kahit pinatay na ni Jass ang aircon ay nagsisimula na akong lamigin."Gusto mo takbuhin na lang natin? Tutal hindi naman masyadong malayo," suhestyon niya. Sandali pang sinilip ko ang mga patak
JENMASAKIT na balakang at mga hita ang sumalubong sa akin pagkagising ko kinabukasan. Gayunpaman, pinilit kong bumangon nang hindi makita si Jass sa aking tabi. Dumeretso ako ng banyo kahit paika-ika para maghilamos at magbihis ng bagong damit. Tiningnan ko siya sa sala ngunit wala rin doon ang asawa ko. Napasinghap ako. Pati ang mga damit niya na nilabhan ko kahapon ay wala na rin doon sa pinagsampayan ko. Ang sapatos niya na itinabi ko sa sulok sa likod ng pinto ay wala na rin. Umalis na si Jass? Matapos ng kahapon, iiwan niya ako?Dali-dali akong lumabas ng pinto. Makulimlim pa rin ang paligid at umuulan-ulan pa. Kinuha ko ang nakasabit na payong sa likod ng pinto at naglakad palabas ng compound.Kapag wala sa pinagparadahan ang kotse niya, malamang umalis na nga si Jass. Iniisip pa lang iyon ay parang pinipiga na ang puso ko. At gano'n na nga lang ang panlulumo ko nang makita ngang bakante na ang espasyong 'yon. Parang kahapon lang, tumatakbo pa kami rito habang basang-basa s
JENNAUNANG bumaba si Jass ng sasakyan. Lumiban siya sa kabilang side upang pagbuksan ako ng pinto. Inabot ko ang kaniyang nakalahad na kamay habang pilit pinakakalma ang aking dibdib. Ngumiti siya sa akin at hindi nagsalita. Hinapit niya ang bewang ko at nagsimula na kaming maglakad. Upang ibsan ang takot ay sa gawi ako ng mga anak namin tumingin. Oh, I miss these two so much. Ilang araw na lang, mag-iisang taon na ang dalawa. "Good morning, Mommy, Daddy!" si Jass ang bumasag ng tensyon. Kasalukuyan noong nag-aalmusal sa garden ang mga in-laws ko. Dito talaga nila nakagawian mag-agahan dahil nakaka-refresh ang lamig na hanging sinasabayan ng magandang sikat ng araw.Tuluyan kaming lumapit sa mga ito."Good morning," kaswal pero halatang balisang balik na bati ni doktora. Sumang-ayon lang sa amin ang asawa nito."So you see... I came back with my wife. I'm glad I didn't listen to you, Mommy," ani Jass sabay hapit pa sa beywang ko. "Now that I'm back, I'll make sure na hinding-hindi
JENNANG dumating ang araw na pinakahihintay namin ay napuno ng kasiyahan ang lahat. Mula Quezon, bumiyahe sina Tatay at mga kapatid ko pati na rin sina Tita Luz upang bumalik dito at para makadalo na rin sa birthday ng kambal. May mga bisita ring dumating mula sa ospital kung saan nagtatrabaho si Jass. Maraming pinalutong handa sina Mommy Juli at nagrenta pa ng clowns para sa mga bata.Noon ko lang nalaman na matagal na palang may asawa si Doktora Yngrid at mayroon na rin itong dalawang anak na isinama rin nito sa party. Ang minsang lihim na pinagselosan ko nang dalhin ni Jass sa bahay ay totoo lang pala nitong matalik na kaibigan. Noon ko lang din pormal na nakilala ang ilan pa niyang mga katrabaho. Dahil maraming bisita ay tumutulong-tulong ako minsan sa paglalabas ng pagkain at paghuhugas ng plato. Habang busy si Jass sa pag-e-entertain sa mga ito habang bitbit sina Daniella at Jessamine. Masasabi kong isa ito sa mga masasayang selebrasyong naranasan ko. Magkakasundo na ang bawa
"MANONG, dito na lang. Bayad ho!" Iniabot ko ang singkuwenta pesos sa traysikel driver. "Sigurado kayo, Ma'am? Malayo pa ho tayo sa kanto."Ngunit nakababa na ako. "Okay lang ho iyon, maglalakad na lang ako. Huwag n'yo na ho akong suklian." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito bagkus nagkukumahog na akong naglakad palayo. Panay ang tingin ko sa orasan sa aking cellphone. Malapit nang mag-alas-diyes ng gabi. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ako nang mabasa ang chat sa akin ni Jass kanina bago mag-alas siete. Kung nasaan na raw ako. Hindi ako nag-reply dahil sa tingin ko hindi ko naman obligasyong ipaalam pa iyon sa kaniya. Dahil kahit asawa ko na siya, wala naman talagang ugnayan ang aming mga puso. Nagsasama lang kami for the sake of our parents. But soon, alam kong maghihiwalay rin kami.Binagalan ko ang paghakbang nang malapit na ako sa tarangkahan ng isang malaking bahay. Yumuko pa ako na tila ba may pinagtataguan. Pikit-matang nag-doorbell. Sana gising pa si Mina, mah
"PAKIULIT nga po ng sinabi n'yo, 'Tay? Hindi ko masyadong naintindihan." Kabababa ko lang kasi ng earphone ko kaya hindi ko talaga na-gets kung ano ang mga sinabi niya. Kararating ko lang din kasi no'n sa bahay at hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa loob ng pinto ay sinalubong na ako ni Tatay."Bukas, sasama ka sa akin sa bahay ng mga dati kong amo. Sina Dr. Jaime at Dra. Julita dela Luna. Birthday kasi ni doktora. Inimbitahan akong pumunta at isama raw kita. Gusto ka nilang makita at makilala. Madalas kasi kitang ikuwento noon nang nagtatrabaho pa ako sa kanila. Tuwang-tuwa sila sa 'yo, anak. Napalaki raw kita nang tama," walang prenong sabi ni Tatay.Halata ang tuwa at sigla sa mga mata niya habang nagsasalita. "B-Bakit naman ngayon lang, 'Tay? Kung kailan two years na kayong retirado sa kanila?" nagtataka at kinakabahan namang tanong ko. "S-Saka, magiging busy po ako bukas. Overtime ako hanggang alas-otso ng gabi dahil monthly inventory namin. At saka, bakit po? Dahil ba tapos na
ALAS-KUWATRO pa lang ng madaling araw ay gising na ako. Naiempake ko na ang aking ilang mahahalagang gamit sa isang malaking bagpack. Handang-handa na akong umalis. Titiyakin ko munang payapang natutulog pa ang lahat bago ko isakatuparan ang plano.Ayoko sanang gawin ito dahil natatakot din ako. Alam kong masasaktan nito si Tatay ngunit ang mas ikinatatakot ko ay makasal sa taong hindi ko naman gusto at may magaspang na ugali. Ayokong habambuhay na magsisi dahil hindi ko naipaglaban ang pag-ibig namin ng taong totoong mahal ko.Palihim ko nang nakausap si Dino hinggil sa plano kong pagtakas. Ang usapan ay magkikita kami sa kanto at mula roo'y bibiyahe kami patungong probinsya nila sa Cebu. Dahil may ipon naman ako kaya malakas-lakas ang aking loob.'Patawad, 'Tay,' sabi ko na lang sa isip. 'Maiintindihan mo rin ako balang araw.' Isinukbit ko na ang bag at dahan-dahang naglakad sa dilim. Sinigurado kong wala akong malilikhang ingay sa aking bawat hakbang.Halos mapugto ang hininga ko n
HIHINTAYIN ko munang matapos kumain si Jass bago ako bababa ng kusina. Iyon ang plano ko nang hindi kami magpangita. Kanina pa ako pasilip-silip sa maliit na siwang ng pinto ng kuwarto ko. Dahil kita mula rito ang hagdan ay malalaman ko kung nakaakyat na ba siya at nakapasok na sa kuwarto niya.Gutom na gutom na ako. Gabi na at ang pagkakaalam ko, ni mag-umagahan ay hindi ko nagawa. Nahihiya naman akong magsabi kanina. Kinakapa ko pa ang ugali niya. What if nambubuhat pala siya ng kamay?'Hala!' Natutop ko ang dibdib. He's going my way. Nakakatakot ang seryoso niyang mukha. Parang susugod siya sa isang away. Taranta ko tuloy na ipininid nang tuluyan ang pinto at nagtatakbo papuntang kama ko. Humiga ako agad at nagbalot ng kumot.Pigil ko ang hininga nang marinig na binuksan na niya ang pinto. "Kumain ka. Baka 'pag nagkasakit at nangayayat ka, magalit sa akin si Mang Juanito." Iyon lang at narinig ko nang muli ang malakas niyang pagsara ng pinto. 'Mang Juanito', iyon lang ang tawag n