"May bagong student daw." Bulong ni Cleofa nang makabalik kami sa classroom, katatapos lang ng flag ceremony. "Oo nga, meron." Sabi ko sa kanya. "Kahapon ko lang din nalaman na may transferee, sinabi sa'kin ng adviser natin." "Oh? Ang bilis naman kumalat ng balita. Narinig ko lang sa labas 'yung tungkol sa transferee, eh. Ang sabi galing din daw sa isang mayamang pamilya dito sa La Castellana." Umayos s'ya ng upo. "Ang rinig ko pa nga maganda raw, nasa flag ceremony yata kanina. Hindi ko naman nakita... Ikaw ba may nakita kang bagong mukha sa bawat pila kanina?" Umiling ako at nagkibit-balikat. "Hindi naman lahat ng mukha dito sa school kilala ko." Umismid siya saakin at bahagyang natawa. "Tanga, ibig sabihin ko s'yempre sa tagal mo nang SSG president kahit sabihin kong hindi lahat ng mukha dito sa school kilala mo alam mo naman sa sarili mo kung pamilyar o hindi! 'O eh may nakita ka bang hindi pamilyar na mukha kanina
Magbasa pa