Share

Chapter 1

"Rox!" 

"Ha?" Tugon ko kay Cleofa nang malakas nito akong tawagin.

Kumunot ang noo niya t'yaka pinaglaruan ang lollipop na subo-subo. "Malalim iniisip mo, ah? Nagkukuwento ako dito, hindi ka naman nakikinig." Tunog pang nagrereklamo n'yang sabi. 

I sighed. "Ano bang kinukuwento mo?"

"Hmph! Hindi ka nakinig eh, ayoko na ulitin! Ang haba kaya ng sinabi ko t'yaka mag-ta-time na. 'Di bale sasama ka ba sa'kin mamayang uwian? Deretso tayo ng Bistro. Diba nasabi ko na sa 'yo noong nakaraan? Birthday ni Jam, mayaman 'yun kaya manlilibre daw." Bahagya pang humahagikhik matapos sabihin ang pangalan ng boyfriend n'ya. 

Napatampal ako sa noo nang makalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. "Ngayon ba 'yon? Akala ko sa susunod pang araw..." 

Tumaas ang kilay ni Cleofa t'yaka kinalabit ang pisngi ko gamit ang hintuturo niya. "Ay ineng, h'wag mong sabihin saaking hindi ka sasama? Oo, ngayon 'yon!" 

Nakokonsensya tuloy akong napailing sa kanya. "I can't come." Ani ko. "May duty pa ako pagkatapos ng practice, 'e." 

"Ay bakit? May babantayan ka na namang na guidance?" 

I nodded. 

"Oh? Sila Gideon na naman, ano?" She said, smiling maliciously at me. 

Ngumiwi naman ako nang marinig ang pangalan ni Lofranco na binanggit niya. "Hindi na yata titigil ang mga iyon sa pagpapasakit ng ulo ko. Parang gusto ko na'lang isuko 'yung p'westo ko bilang SSG president nang dahil sa kanila." Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. 

"Imbis na nag-aaral ako hindi ko magawa dahil halos araw-arawin nila ang paglilinis ng school pagkatapos ng klase." 

"Gawin mo nalang daw kasing boyfriend si Mr. Lofranco. Baka sakaling tuluyang tumino at tigilan na ang pagbubulakbol." Biro nito na sinabayan ng tawa.

I slapped her shoulder and looked at her with wide eyes. "Are you insane, Cleofa? Gawin kong boyfriend?"

She laughed even more. "Easy naman Miss President, high blood ka na naman." 

I clicked my tongue in annoyance. Parang gusto kong takpan 'yung tenga ko sa kung anong salitang lumalabas sa bibig n'ya. Naalala ko kasi si Lofranco ang madalas gumamit ng linyang iyon. Lagi ko nalang naririnig at mas lalo yatang tumataas ang dugo ko kapag sinasabi niya nang may ngisi sa labi. 

Lofranco was a big part of my high school life. Buong high school ko ay walang na yatang araw na hindi ko siya nakikita. Mabuti pa noong first year at second year, nadadaan-daanan ko lang siya. 

Pero noong dumaan na ang third at fourth hanggang ngayong senior high na naging SSG President ako ay wala na yatang araw na hindi ko siya nakikita at nakakasama sa mismong loob ng guidance office. 

Kung may araw lang na hindi ko siya nakakasalamuha, iyon ay tuwing hindi siya pumapasok o kaya'y suspended s'ya dahil sa violation na ginawa niya. 

"Alam mo namang malaki ang gusto no'ng isang 'yon sa 'yo. Malay mo lang naman tumino, diba?" Sabing muli ni Cleofa.

I rolled my eyes. "Kayo lang naman ang nagsabi at nagpakalat no'n, hindi naman totoo. Hindi din ako naniniwala sa inyo." 

"Bakit gusto mo ba sa kanya mang galing na gusto ka n'ya? Aba'y buong school yata alam na may gusto sa 'yo 'yung tao, tapos ikaw tong patay-patayan ng malisya." 

Hindi ko napigilang umismid. "Ewan ko sa 'yo, basta hindi muna ako makakasama sa inyo ngayon. Enjoy mo nalang na solo mo 'yung boyfriend mo, alam ko namang 'yon ang gusto mo." Nginisian ko s'ya t'yaka binitbit ang bag ko paalis ng cafeteria. 

"Hoy! Grabe naman 'to, wala naman akong sinabing gusto ko siyang masolo pero...para gano'n na nga!" Habol nito saakin t'yaka muling humagikhik ng tawa, animo'y kinikilig pa. 

Nangiti nalang akong umiling sa kanya t'yaka kami sabay na naglakad pabalik ng classroom. 

Mabilis na nagdaan ang pang hapong klase. Matiyaga kong kinopya ang ilang mahahalagang detalye ng pinag-aralan namin bago umalis sa classroom. 

Nagpaalam naman saakin si Cleofa na mauuna na kaya tanging ako na lang ang mag-isang naglalakad sa hallway. 

I checked every classroom I passed by. 

Isa na'rin sa nakasanayan kong gawin ang siguraduhing walang naiiwang estudyante kapag ganitong oras. 

Dumeretso muna ako sa guardhouse. Kailangan ko kasing ibalik ang ilang susi na nasa akin. 

"Kukunin ko na lang po ulit bukas ng umaga." Paalam ko kay manong guard matapos ibalik sa kanya ang susi. 

Tumango ito at ngumiti saakin. "Anong oras ba ang alis n'yo dito sa school, Miss President? Ibinilin kasi saakin ni Miss Generosa na siguraduhing hindi makakalabas iyong grupo nila Mr. Lofranco, na guidance raw ulit." 

"Oo nga po..." Dumako ang tingin ko sa gate ng school na bukas pa. Medyo may ilan pa rin kasing estudyante ang hindi naman kasi kasali sa practice pero gustong manood kaya hindi agad sila nagsasara. 

"4 pm pa po ang tapos practice, siguro po mga 5 pm ay matatapos din ang paglilinis ng gym." Sagot ko bago magpaalam. 

Everyone used to address me as "Miss President." Nakasanayan ko na din naman iyon, hindi din naman ako magiging kandidato at mananalong bagong school president kung hindi ako naging kilala sa school. 

Binati ko ang teammates ko sa volleyball bago tumungo sa locker room para magpalit. 

Sandali akong natigilan ng maalalang may jacket nga pa lang nakapulupot sa bewang ko.

I licked my dry lips as I removed the jacket from my waist.

Muli ko itong tiningnan at bumungad saakin ang likuran nito kung saan nakasulat ang surname at ang varsity number ni Lofranco. 

'Lofranco, 29'

Ilang beses akong napakurap. Oo nga pala, parehas nga pala kami ng jersey number. 

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit 29 din ang kanya, samantalang ang akin naman 29 dahil iyon ang birthday ko. 

Hindi naman iyong big deal noon, pero naging issue matapos maging usap-usapan na may gusto daw saakin si Lofranco. 

"Ibabalik ko nalang siguro mamaya sa kanya." Bulong ko. 

Iniwan ko ang gamit ko sa loob ng locker at dumeretso sa labas. 

Deretso ang lakad ko papunta sa bleachers kung nasaan ang mga kateam ko. Bahagya lang bumagal ang lakad ko ng matamaan ng mga mata ko ang grupo nila Lofranco na papasok ng court. 

Pinasadahan ko ang mga ito ng tingin isa-isa. I can't help but grumble quietly. When will I get to see them in their proper, clean uniform?

Nakita kong lilingon sa gawi ko ang leader nila, imbis na umiwas ng tingin ay hinayaan ko ang mata kong sumalubong sa mala kayumanggi n'yang mata. Umawang ng bahagya ang labi niya habang kalmado naman akong nagtaas ng isang kilay sa kanya. 

Buti naman hindi nila naisipang tumakas, hindi katulad noong huli nilang cleaning na naabutan ko pa silang aakyat ng bakod makalabas lang ng school. 

"Bakit nandito sila Gideon? Parusa na naman?" Tanong ni Lyssa, isa sa teammate ko na naging malapit na din saakin. 

Lumingon sila saakin ako naman tong binigyan lang sila ng tipid na tango. 

"'O, tigilan niyo muna 'yang mga kaharutan niyo at baka matamaan kayo ng bola mamaya dahil wala kayo sa konsentrasyon." Paalala ng Andrea, ang team captain namin sa ilan naming teammate na kulang na'lang ay maglumpasay sa kilig matapos makita ang grupo nila Lofranco. 

I pressed my lips as they began to laugh. "Grabe naman, Andrea! Di ba pwedeng kinikilig lang? Ikaw kaya panoorin ng crush mo, s'yempre nakakawala ng konsentrasyon!" Sabi pa ng isa.

"Ay sus! Hindi naman gano'n 'yon. Kung nand'yan ang crush mo at manonood sa 'yo dapat nga mas galingan mo pa. Magbida ka gano'n! Ang hina n'yo naman!" Biro ni Lyssa sa mga ito. 

"Asa naman kayo na papanoorin kayo ng crush n'yo, eh hindi naman kayo ang gusto kung hindi si Rox!" Kumunot ang noo ko sa dagdag ni Lyssa at ngumisi saakin. 

"Wala ka namang gusto kay Gideon diba, Rox?" Natigilan ako sa tanong na iyon ng isa pa naming teammate. 

Umiling ako at bahagyang natawa. "Wala, 'di ako magkakagusto d'yan kahit kailan." 

"Ay! Bakit naman? Bagay kaya kayo, t'yaka ang tagal nang nagkakagusto sa 'yo n'yang si Gideon, ah?" 

"Ah, talaga?" Patay malisya kong sagot, wala talagang pake. 

Malakas ang naging tawa ni Andrea na kumuha ng pansin ng ilang nandito sa gym, kahit hindi namin ka team. Umakbay pa ito saakin. 

"H'wag niyong tanungin si Miss President tungkol kay Gideon. Supreme student government president ito ng school, imposible nga namang iyong kagalang-galang at matino ay matitipuhan ang isang bulakbol at rebelde. S'yempre tipo ng tulad ng isang Roxana Imelda iyong matino, honor, may pangarap sa buhay, dean's lister, gano'n!" She confidently said, as if alam n'ya talaga ang gusto ko sa isang lalaki. 

Bahagya akong napatawa at nailing dito.

"Edi kung ayaw mo si Gideon akin nalang siya." biro pa ng Rima 'yung isa kong teammate na isa din sa fan girls ni Gideon. 

"Sa 'yo na," pagtataboy ko pa. 

"As if naman lilingunin ka ni Gideon, alam naman nating lahat na ang mata ng Alpha ay stuck kay Roxana." 

Hindi ko na sila pinansin. Paulit-ulit na'rin naman ang nagiging topic namin. Wala din naman akong pake. Nakakasawa lang pakinggan, imposible rin kasi. Hindi na rin naman humaba ang daldalan nila inayos ko ang knee pad sa tuhod ko. Nakapatong ang isang paa ko sa bleacher para madali kong maabot ang tuhod ko. 

Nagtatawag na si Andrea ng isang set ng team. Ibinaba ko na ang paa ko mula sa bleacher t'yaka humarap sa court. 

Pumipili pa naman si Andrea kung paano hahatiin ang players kaya minabuti kong talian ang buhok ko para walang sagabal. I was busy tying my hair when I unconsciously saw Lofranco stare at me. 

Preskong nakasandal s'ya sa bleacher, katapat ko mismo ang bleacher na inuupuan n'ya sa kabilang side ng court. Ang dalawang braso n'ya at parehas na naka-angat sa sandalan ng katabi n'yang upuan, mistulang inaakbayan. Naka de-kwatro pa ang binti habang may ngisi sa labing nakatitig saakin. 

Hindi ko maiwasang ibalik din ang titig sa kanya. Tila nakukuha niya ang atensyon ko sa bawat pagtitig n'yang iyon sa kauna-unahang pagkakataon. I saw something in his eyes that I can't explain.

His lips parted, as if he was about to say something. Kumunot ang noo ko at sinundan ang pagbuka ng labi n'ya. 

"Ang ganda mo." He mouthed those words, and I used my voice to say them. 

Nanuyo ang lalamunan ko at napaawang ang labi ng mapagtanto kung ano ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung tama ako nguni't nakita ko ang ngiting sumibol sa labi n'ya na tila ba nasiyahan nang makitang natigilan ako. 

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko sa kahihiyan kaya agad akong nag-iwas ng tingin sakto namang tinawag ako ni Andrea. 

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko para pigilan ang biglang paghuhurumentado ng puso ko, bigla nalang kasi akong nahiya. I'm used to hearing compliments, but I'm not sure why my heart reacts this way when Lofranco says I'm pretty.

Nabigla lang siguro talaga ako. 

I am the team libero. I was the one who used to do the defense. Madalas ay nagkakasugat talaga ako sa pwesto ko kaya palagi kong nilalagyan ng knee pad ang dalawang tuhod ko at kung minsan maging ang siko ko ay mayroon. 

Our game went smoothly. Dumami din ang nanonood kesa nang una. Madalas naman talaga ganito. Aakalain mong nag-uwian na sila dahil nakalabas na ng gate pero may mga bumabalik para manood ng practice. 

Mas madami lang siguro ngayon dahil magpapatry-out next week si Andrea para kumuha ng ilang bagong members. May mga naalis kasi saamin ng maging college na. T'yaka puro na kami senior high, kailangan mamili sa junior ng bagong team na magiging team din hanggang next year at sa mga susunod pa. 

"Rima, focus!" Hindi ko mapigilan sabihin iyon matapos na malaglag ang bola ng hindi nasasalo ni Rima na para naman dapat sa kanya. 

Wala naman kasi sa sarili itong isa. 

Kumunot ang noo ko at napakawala ng hininga. Napakamot naman s'ya sa ulo. "Sorry!" Aniya saaming mga kateam n'ya. 

Naiiling si Lyssa na malapit saakin. "Distracted," sabi pa nito. 

Ako naman tuloy ang napadako ang tingin kayna Lofranco at sa mga kaibigan nito. Sumama ang bigla ang timpla ko. Siya at ang mga kaibigan niya ang dahilan kung bakit wala sa sarili ang mga ito. 

Our practice goes on. Nang matapos ay kanya-kanya na silang paalam. "Tomorrow, same time. Extend tayo ng another hour, since maaga naman ang uwian bukas. The next day walang practice." Paliwanag ni Andrea sa lahat. 

"Mag-ayos kayo bukas, 'yung focus n'yo ha! Hindi pwedeng gan'yan, nakakita lang ng g'wapo wala na sa sarili!" Sermon pa nito sa ilan. 

Wala namang akong reaksyon at imik habang nagsesermon si Andrea sa kanila bago tuluyang mag-alisan. 

"See you tomorrow!" Kaway ni Lyssa saakin na huling umalis bago ako maiwang mag-isa dito kasama ang grupo nila Lofranco. 

Sakto namang papalapit ang mga ito saakin. 

Kung makapaglakad akala mo kung sinong mga bad boy sa school. Napaka presko at mayabang pa ang dating. 

"Go get the materials you'd need to clean this whole court. Umpisahan n'yo nang maglinis kung gusto niyong maagang umuwi." Dahil ako gusto ko nang umuwi. "I'll keep an eye on you." Mahinahon kong sabi.

Kalmado ko silang tiningnan agad naman ding sumunod sa utos ko ang mga kasama ni Lofranco, s'yempre maliban sa kanya na nanatili sa harapan ko. 

Tinaasan ko s'ya ng kilay. "What are you doing here? Why don't you just go get the floor mop and mop the the whole court?" Agad ay suhestiyon ko. 

He chuckled. "High blood ka na naman Miss President. Kalma, kukuha naman talaga ako h'wag ka mag-alala..." 

"Then why are you still here?"

"Hindi mo ba muna pupunasan 'yang pawis mo Miss President? Alam mo, masama matuyuan ng pawis. Baka magkasakit ka." Gusto kong tarayan siya at sabihing ano naman ang pake niya nguni't nabibigla ako sa biglang pagseseryoso ng boses niya t'yaka naglahad saakin ng isang puting towel. 

"Don't worry, it's clean. You should start wiping your sweats or if you want, p'wedeng ako na rin ang magpunas." 

Okay, back to his playful acts. 

I frowned. I had no choice but to accept his towel. "Thanks" sabi ko nalang sa kanya. 

He twitched his lips. "Ay, ayaw mong ako 'yung magpunas sa 'yo?" Biro pa n'ya na ikinangiwi ko naman. 

He laughed. "Joke lang! Seryoso mo naman mas'yado, Miss President." 

Sinundan ko s'ya ng tingin. Nakangisi pa ito saaking naglakad palayo. 

Hindi ko talaga maintindihan ang trip niya. Trip niya bang asarin lang talaga ako at magpapansin kaya ganyan s'ya umasta saakin? 

I used his towel to wipe my sweat, gaya nga ng sabi niya. Mukha naman talagang malinis at mabango pa. Ayoko din namang matuyuan ng pawis, medyo sakitin pa man din ako kaya ginawa ko nalang ang sinabi ni Lofranco.

Pinanood ko silang magsimulang maglinis. Nakaupo lang ako sa bleacher habang prenteng umiinom no'ng energy drink na ibinigay saakin kanina ni Andrea.  

Nakapalumbaba ako at hindi maiwasang sundan ng tingin si Lofranco na mop nga ang dala-dala imbis na walis o puwede rin namang basahan. 

Kapag ganitong pinapanood ko silang maglinis akala mo naman ay ang titino nila sa sobrang katahimikan. Mabuti nga hindi nila naiisipang maglokohan at maglaro pa habang naglilinis. 

I'm wondering if they get tired of doing this over and over again. Aren't they sick of being punished?

Ako 'yung nagsasawa sa kanila, sa totoo lang. 

I sighed. Kahit itong si Lofranco hindi ko alam kung kailan magsasawa. Pamilya nga niya ang halos isa sa pinakamayamang angkan dito sa La Castellana, bakit niya sinasayang 'yung reputasyon niya? Para saakin mas magiging attractive ang isang lalaki kung bukod sa ipinagmamalaking mukha ay may ipinagmamalaki din s'yang magandang ugali. 

I don't understand those girls who drool over them.

Sayang kung hindi sila magbabago, huling taon na din naman nila sa high school. 

It was exactly five in the afternoon when they finished cleaning the whole gym. Bilib din ako sa kanila eh, halos mapakintab ang sahig ng gym. Wish ko lang walang madulas dito dahil mukhang sa sobrang kintab ay sobrang dulas din. 

"Well, great job," I told them. "P'wede na kayong umuwi" 

"Hay! Buti naman! Sakit ng likod ko!" 

"Kailangan ko yatang magpahilot!"

Ngumiwi ako sa sunod-sunod nilang reklamo. Kasalanan din naman nila 'yan. 

Tinanguan ko lang sila nang magpaalam na saakin. Hindi pa man nagpapaalam si Lofranco ay hindi ko na siya pinansin. Dumeretso ako sa locker para makapagpalit na. Hindi na ako nag-abalang mag-shower kahit may provided shower room naman kami. Sa bahay nalang ako maliligo. 

Isinuot ko ang skirt ko at maging ang uniform ko. Pinatungan ko nalang ang suot kong jersey kanina t'yaka ko kinuha ang bag ko. I checked the whole locker room at siniguradong walang naiwang bukas o gamit na wala sa loob mismo ng lockers nila bago ako lumabas. 

Hawak ko ang jersey jacket ni Lofranco na nakalimutan ko na namang ibalik. Nawala rin kasi sa isip ko...  

Deretso ako palabas ng gym area, gulat lang na napatigil nang makitang hindi pa pala umaalis ang may-ari ng hawak kong jersey jacket na ito. 

My lips slightly parted when I looked at him. Ayon na naman ang magulo niyang buhok at tuluyan nang naalis ang pagkakabatones ng polo n'ya. Nakasandal sa gilid ng poste at nakapamulsa. 

"Bakit nandito ka pa?" Naisantinig ko iyon dahilan para dumako ang tingin n'ya saakin. 

He flashes an amusing smile on his lips before facing me. "Iniintay ka," sagot niya sa tanong ko. 

Napabuntong-hininga ako. Natutunugan ko na ang mga linyahan n'yang pang-asar saakin. "Bakit?" 

Umangat ang gilid ng labi niya, gulat nang marinig ang sagot kong bakit. 

"Naalala kong wala nga pa lang susundo sa 'yo. Wala kang driver at magdidilim na bago ka pa makarating sa inyo." 

"So?" Kunot-noong tanong ko, hindi makuha ang punto n'ya. 

"Ihahatid kita." 

Nasamid ko yata ang sarili kong laway sa derekta niyang pagkakasabi noon. Hindi ko alam kung parte na naman ba ito ng pang-aasar at pang-iinis niya saakin.

"Hindi na kailangan, kaya ko naman umuwing mag-isa." Mahinahon ko pang sagot t'yaka naalala ang jersey jacket n'ya. "Here, ibabalik ko na nga pala." 

Dumako ang tingin n'ya sa jacket na ibinabalik ko. Pinasadahan niya ng daliri ang buhok niya bago nangingiting bumalik ang tingin saakin. 

"H'wag na, sa'yo na 'yan. Remembrance." He winked at me. "Hatid na kita?" 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status